Masuk"I knew it! Tumalikod lang ako saglit, ginapang mo na agad ang asawa ko! Ahas ka!"
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko nang sinugod si Merila at pinaghihila ko ang buhok niya. Hindi ko alam kung paano akong nagkaroon ng ganitong lakas pero talagang humandusay siya sa sahig dahil sa pagkakahila ko. "AHH! BITAWAN MO AKO!" she screamed. "Serra, let go of her!" Narinig kong saway sa akin ni Spike. But I held Merila's hair more. Nanlaban siya at sinusubukan akong abutin pero pumagitna sa amin si Spike, niyayakap ako habang hila-hila ko pa rin ang buhok ni Merila, making me hard for her to reach me. "LET GO OF ME BITCH!" pagsisisigaw niya. Sinusubukan niya akong abutin pero hindi niya magawa. "MALANDI KANG BABAE KA! AHAS KA!" "ANONG KAGULUHAN ITO?!" Doon lamang ako napabitaw kay Merila nang marinig ang sigaw na iyon. Agad akong napalingon at nakita ang galit sa mga mata ng lola ni Spike. "L-lola!" Iyak ni Merila at agad na tumakbo sa lola ni Spike upang yumakap dito. This witch is seriously looking for an ally. "Bigla bigla na lang po akong sinugod nitong si Serra! Wala naman po akong ginagawang masama!" Nagsumbong na nga lang, ginalingan pa! At siyempre papatalo ba ako? "Hindi kita susugurin kung hindi kita nahuling hinahalikan ang asawa ko!" "What?!" gulat na ani lola at agad na hinawakan si Merila sa magkabilang balikat upang itulak ito palayo. "Is Serra's accusation true, Merila? Spike?" "Lola, it's not true! Hinihipan lang po ni Spike ang mata ko kasi po napuwing ako. May biglaang pumasok sa mga mata ko kaya inaalis iyon ni Spike. Nagulat na lang ako at bigla-bigla akong sinugod ni Serra at pinaghihihila ang buhok ko. Wala naman po akong ginagawang masama. Ewan ko ba kung bakit parang ang laki ng galit sa akin nitong si Serra at lagi na lang akong pinagiinitan." sabay hagulgol niya. Best actress naman pala talaga itong babaeng ito! Ako pa ginawang masama! "Spike?" ani lola, ninanais pa ring marinig ang side ni Spike. For a moment I thought na ide-deny ni Spike ang mga sinabing kasinungalingan ni Merila. I thought he'll tell his lola the truth pero tumango siya. Agad na nalaglag ang panga ko. "It's true, lola. Maling anggulo lang ang nakita ni Serra." "Spike!" agad kong reklamo. "Serra, huwag mo nang palakihin pa 'to," bulong ni Spike nang magbaba siya ng tingin sa akin. "Magkadikit ang mga labi niyong dalawa tapos sasabihin niyong napuwing lang siya? Na imbis na mata 'yong hinihipan mo ay napunta ka sa labi! Fuck! Ginagago niyo ba ako? Pareho naming nakita ni Sebastian ang ginawa niyo!" "Hindi ko po nakitang magkadikit ang labi nila," agad na sabi ni Sebastian. Fucking shit! I felt betrayed. Feeling ko pinagkakaisahan nila ako! Ramdam ko agad ang pag iinit ng magkabilang gilid ng mga mata ko. Nafu-frustate ako. Na sa sobrang frustration na nararamdaman ko ay naiiyak ako. "Serra, hija can we talk?" ani lola pero hindi ko siya pinansin. I know hindi rin siya naniniwala sa akin kaya bakit pa ako makikipag usap sa kanya? Marahas akong napabuntonghininga habang ang galit na mga titig ay naroroon sa walang ekspresyon na mukha ni Spike. "I can't believe you, Spike," umiling ako saka agad na tumakbo palabas ng opisina niya. I am really disappointed. He told me that I should trust him. Pero paano ako magtitiwala sa kanya kung ganitong ginagawa niya akong sinungaling sa lahat. Pinagmukha na nga niya akong sinungaling, ginawa pa niya akong tanga. Hindi marunong magsinungaling ang mga mata ko. Tama ang nakita ko. Naghahalikan sila. Pero nahuli na nga sila't lahat, nagawa pa nilang i-deny! Ang kakapal ng mga mukha nila! "Ma'am Serra!" Pasarado na ang elevator nang iharang ni Sebastian ang braso niya kaya muli itong bumukas. "Ihahatid ko na po kayo sa bahay niyo," he said. Sarkastiko akong natawa at hindi na nagsalita pa. Hayop na, Spike! He dares not to run after me and give me his fucking explanation! Ipinahatid lang niya ako sa tauhan niya? Tapos sasabihin niyang mahal niya ako? Kalokohan! Now I am sure he's lying. He's just afraid that I might run away at hindi na niya makikita ang mga anak niya. Takot siya na baka hindi niya makukuha ang kompanya at kayamanan ng pamilya niya dahil lang itinakas ko ang mga tagapagmana niya. Kaya niya sinabing mahal niya ako dahil kailangan niya pa akong manatili sa tabi niya, hanggang sa maipanganak ko ang mga anak niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Fucking asshole! Nag dire-diretso ako papasok ng bahay pagkarating na pagkarating namin ni Sebastian. Agad akong umakyat sa kwarto at nahiga sa kama. Ramdam ko agad ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Sobrang nanghina ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at agad na sunod sunod na pumatak ang mga luha ko hanggang sa bigla na lang akong napahagulgol. Pinilit ko ang sarili kong magmukhang matapang kanina pero ngayong mag isa na lang ako ay lumalabas pa rin talaga ang tunay na ako. That I am weak and hopeless. Akala ko kasi maayos na. Akala ko wala nang kontrata kontrata. That we were now a married couple for real. Pero hindi pala. Sumabay lang siya sa agos. Sinabi niyang mahal niya ako kasi sinabi kong mahal ko siya. I can't believe I believed him when he said it. Ang bilis niya akong napaniwala! Agad akong napabangon at nagpunas ng mga luha ko nang narinig ko ang sunod-sunod na pagdating ng mga sasakyan sa baba. Dahan-dahan akong naglakad papuntang bintana upang tingnan kung sinu-sino ang mga dumating. Hindi na ako nagtaka nang nakita ang agarang pag pwesto ng sangkaterbang mga nakaitim na kalalakihan sa kung saaan-saang panig ng bahay. They we're guarding me. Iniisip ni Spike na tatakas na naman ako kaya nagpadala agad siya ng mga tauhan niya upang bantayan ako. Mas lalo lang niyang pinagtibay ang kaninang mga haka-haka ko patungkol sa mga kasinungalingan niya sa akin. Now I am sure as hell that he's not after me. He's after his children. Hindi ako ang mahal niya kung 'di ang mga bata at ang makukuha niya pagkatapos ng lahat ng ito. Naroroon pa rin siya sa plano, inimprovised niya lang para mas maging makatotohanan. "If that's what you want, Spike Guillermo. I will give you the satisfaction. I will play along. At sisiguraduhin kong matatalo ka sa larong ikaw mismo ang nagbuo."SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







