Compartilhar

Kabanata 68

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-16 06:31:18

"Hinanap ko kanina ang Jhasper na sinasabi mo pero wala akong makita, Serra," habang parehong nakahiga sa kama ay biglang sabi ni Spike. Pareho kaming nakatalikod sa isa't-isa at matutulog na sana. Akala ko ay kanina pa siyang tulog.

Bahagya akong natawa. Wala naman kasing Jhasper. Gawa-gawa ko lang naman 'yon.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo hinanap?"

"Tatanggalin ko sana sa trabaho," agad niyang tugon.

Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanya. Bumaliktad din siya ng higa at hinarap ako.

"Hindi totoong nagpaturo ako sa kung sino. Hiniram ko lang 'yong cellphone ni Sebastian kanina para makanood ako ng video kung paano lutuin ang pork adobo."

Agad siyang natawa habang nakatingin sa akin. "Kaya pala."

Napasimangot agad ako. Alam ko na kasi ang ibig niyang sabihin. "Tsh! Sabi kasi doon tantiya-tantiyahin ko lang daw 'yong toyo. Hindi ko naman akalaing masosobra 'yong tantiya ko."

Nanatili ang ngiti sa kanyang labi kahit pa nakasimangot pa rin ako. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang palad. "Maganda ka pa rin kahit nakasimangot."

Bigla tuloy nawala ang simangot sa mukha ko nang sabihin niya 'yon. Ito naman! Alam na alam kung paano ako pakiligin. Palibhasa alam niyang gustong-gusto ko siya.

"Pero mas maganda ka kapag nakangiti."

I pouted my lips. "Maganda nga, pero mas maganda si Merila."

Agad na kumunot ang noo niya. "Bakit napunta na naman kay Merila ang usapan?"

"Hindi ba siya 'yong first love mo?"

Nag iwas siya ng tingin. "Saan na naman papunta ang usapan na 'to, Serra?"

"Tinatanong ko lang naman."

"Tinatanong mo tapos mamaya magseselos ka," sabay lingon niya sa akin.

"Hindi ah!"

Nagtaas siya ng isang kilay.

"Oo nga! Nagseselos lang naman ako kapag magkadikit kayo!"

"Tulad ng nakita mo kanina sa opisina ko?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil siya mismo ang unang nag open up sa mga nangyari kanina. Where in fact, wala naman akong balak na buksan pa ulit ang topic na 'yon. Oh well, we're already talking about Merila kaya paanong hindi masasali ang nangyari kanina.

"Hindi talaga kami naghahalikan, Serra. She tried... At 'yon iyong naabutan niyo ni Sebastian."

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata. I was trying to determine if he's lying or not.

Bakit gano'n? I only see is his sincerity. Hindi! Huwag kang magpapaloko, Serra. Huwag kang magpapadala sa mga mata niyang magaling magsinungaling.

"Hindi ka naniniwala sa akin?"

Magaling si Spike. Nabasa niya agad sa mukha kong pinagdududahan ko siya.

Nagbaba ako ng tingin. He can see me through my eyes. At hindi pwedeng manatiling gano'n. Hindi pwedeng mabasa niya ako. Hindi ako magtatagumpay sa mga plano ko kung mananatiling ganito.

"You don't trust me?"

Malumanay ang boses niya na halos ibulong niya ang mga katagang 'yon sa akin. Halos mapaniwala na niya akong totoo ang mga sinabi niya.

"H-how can I?"

Napabuga ako ng hangin at napapikit dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Wala na! Nakuha niya ulit ako.

"You don't have to if you really don't want, Serra. Maghihintay ako hanggang sa makuha ko ang tiwala mo. You can believe whatever you want to. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo pa talagang magtiwala sa akin."

Suddenly, a tear fell from my eye. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ayaw kong maniwala sa kanya pero gusto ng puso ko. Tama nga sila, puso mo ang pinakaunang magtatraydor sa 'yo kapag alam na nito kung paanong magmahal.

He wipe off my tear using his thumb. "Ikaw ang mahal ko. Kapag handa ka ng maniwala't magtiwala sa akin, kahit anong mangyari, panghawakan mo ang pangako kong mahal kita, Serra," aniya saka niya inilapat ang labi niya sa noo ko.

"Good night, my love," and then he hugged me tight.

Nagising ako kinabukasan na wala na si Spike sa tabi ko. Pumasok agad sa isip ko na baka pumasok na siya sa trabaho. Bumangon ako't nagtungo lang sa banyo saglit upang mag hilamos at mag toothbrush pero pagkabalik ko ay naroroon na si Spike at nakaupo sa kama na siyang ikinagulat ko.

"Ba't ka nandito? Akala ko ba ay pumasok ka na sa trabaho."

"I promised to buy you a phone today, right?"

"Pwede namang ako na lang 'yong bumili."

Umiling siya. "You're safe if you're with me."

"Then what about your work?"

"I can work later pagkatapos nating mabili 'yong gusto mo. Let's go, lalamig na 'yong breafast natin."

Nakangiti akong sumunod kay Spike sa pagbaba. Hindi ko alam kung bakit, pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Kung dahil ito sa naging usapan namin ni Spike kagabi ay hindi ako sigurado.

Maayos naman kasi kaming dalawa ni Spike... If Merila's not around.

Aside sa cellphone ay namili na rin kami ni Spike ng mga partial na gamit ng mga babies namin. He chose the color blue baby cribs pero ipinagpilitan kong pink ang gusto kong kulay ng cribs kaya wala siyang choice kung 'di sundin ang gusto ko. Even sa mga strollers ay fuchsia pink ang pinili ko. Pati sa kurtina ng magiging room nila ay pink at purple ang kulay na pinili ko.

"What if mga lalaki sila, Serra?"

"Then good! Kasi pink naman talaga ang totoong kulay na para sa lalaki!"

"Serra, it's blue."

"Pink!"

Marahan siyang napapikit at huminga ng malalim. Tila ba napipikon na siya sa akin pero pinipigilan niya lang ang sarili niyang sumabog kasi mahal niya ako.

Wait what? Did I say mahal niya ako? Ibig ba sabihin nito, naniniwala na ako kay Spike?

"Congratulations po sa baby girls niyo, maam and sir," sabi ng cashier habang nagbabayad kami ni Spike sa mga pinamili namin.

"We're not yet sure of their gender, miss," iritadong saad ni Spike na agad kong pinandilatan ng mata.

Mukhang pikon na pikon na nga siya sa akin at ngayong nakahanap siya ng mapagbubuntungan ay ibinuntong niya 'yon sa cashier. Tsk!

"Ay sorry po."

"I told you, the color is for baby girls."

"Don't worry, Spike babae ang mga anak natin."

"Hindi ka pa nakakapagpa-ultrasound kaya paano mo nalamang babae?"

I shrugged my shoulders. "Wala. Nafe-feel ko lang."

"And what if lalaki nga sila?"

"Edi gamitin nila 'yong mga gamit na pink. As if they have a choice. Ako ang mommy nila, ako ang masusunod."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status