INICIAR SESIÓN"No... They told me they're mine. I'm sorry I didn't believe you. I'm sorry I had to hurt you."
I shook my head. "It's fine. Nothing's going to change anyway."
"Serra..."
"Gusto ko nang makita ang mga anak ko, Spike. Please..." pagpuputol ko sa mga nais pa niyang sabihin.
Hindi siya nakasagot. Matagal din bago niya ako pinakawalan mula sa pagkakayakap niya.
Iginiya ko ang mga kamay ko. "Lead the way..."
Ilang minuto niya akong tinitigan. It's like nagdadalawang isip siya kung aalis na ba o hindi. Parang may gusto pa siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya dahil sa inaasta ko.
Isa pa, ayaw ko na ding magsalita pa siya. Ayaw kong mag explain siya. Ayaw kong pakinggan siya. Dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga maaari kong marinig. Hindi ko alam pero natatakot ako na baka magbago ang mga paniniwalang pinanghahawakan ko.
Mahaba ang naging pagbuga niya ng hangin bago naunang maglakad papunta sa kung nasaan ang mga tauhan niya.
Agad naman akong sumunod. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat ng sasakyan. Agad akong natigilan at bahagyang naitagilid ang ulo kasabay ng pagkunot ng noo ko. Hindi ko na maalala kung nagawa na ba niya ito sa akin noon. Because I only remember his men opening the car door for me.
Mas lalong kumunot ang noo ko. At bakit ito ang aking napuna? So, what kung pinagbuksan na niya ako noon or not?! Does it even matter?
"For now, we're going to stay on my condo in Makati habang ginagawa pa ang bahay natin at magulo pa ang sitwasyon. Ayaw kong madamay kayo. As much as possible ay hindi ka maaaring lumabas na hindi ako kasama o walang bodyguards," biglaang sabi niya sa kalagitnaan ng byahe. Kami lang dalawa sa sasakyan at siya ang nagda-drive. Pero nauuna sa amin ang mga tauhan niya. At meron din sa likuran. Pansin ko ring mas marami sa alam ko ang mga bodyguards niya ngayon. Hindi lang ito dumoble, tumriple o humigit pa nga yata.
Kumunot ang noo ko. Mahaba ang sinabi niya pero natuon ang buo kong atensyon sa mga nauna niyang sinabi.
"No... We're not living with you."
"Yes, you're going to. Wala tayong choice, Serra. As much as I want to respect you and your decisions ay hindi talaga pwede."
"Anong pinagsasasabi mo? Kukunin ko lang ang mga anak ko, Spike. At babalik din kami agad sa Las Vegas dahil nandoon ang buhay namin. Wala kaming balak tumira dito kasama ka. At teka nga, bakit mo pa nga ba kinuha ang mga anak ko? Para saan? Pinamumukha mo ba talaga sa kanila na mas pinili mo ang anak mo sa bestfriend mo kaysa sa kanila? Are you really trying to hurt my children? Napakasama mo talaga!" Singhal ko sa kanya.
"Wala akong anak sa iba."
Sarkastiko akong natawa agad. "Talaga ba? Ide-deny mo pa kahit na nasaksihan kong karga-karga mo 'yong bata habang tinatawag ka niyang daddy. Mukha nga kayong masaya, e! Congratulations ha?! You finally got what you want by ruining my life!" mahabang litanya ko saka siya agad na tinalikuran.
Itinaas ko ang dalawa kong paa sa upuan at niyakap ko ang mga tuhod ko habang pinapanood mula sa bintana ang bawat punong kahoy na nadadaanan namin.
"I'm sorry..."
I rolled my eyes. "Puro na lang sorry. Anong magagawa ng sorry mo e nangyari na nga!" mahina kong bulong habang nakatalikod pa rin sa kanya. Sa sobrang hina ng bulong ko ay malamang hindi niya 'yon narinig. Pwera na lang kung matalas talaga ang pandinig niya. But I doubt it.
"I'm sorry pero hindi ko pinagsisisihang sinaktan kita."
Agad na tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig kong sinabi ni Spike. Ano yon? Anong ibig niyang sabihin? Na sinadya niyang saktan ako? Para saan? Anong ginawa ko sa kanya para gawin niya sa akin 'yon? Iyon ba ang kabayaran para sa napakalaking utang ng daddy ko sa kanya? Was it for me to experience all of it? Kung ganoon nga, ay napakasama niya nga talaga.
Tama nga ako nang pagsisihan ko ang lahat dati. Akala ko mag e-explain siya ngayon. Akala ko hihingi siya ng tawad at sasabihing mahal niya ako at na nagsisisi siyang sinaktan niya ako. Pero tangina! Sobrang tanga ko para umasa ulit!
"Can you just please shut up?! Kabababa ko lang ng eroplano. Wala akong maayos na tulog at sobrang pagod ako. Pwede bang huwag mo akong kausapin?" saad ko saka pilit na inaalis ang mga luha kong kanina pang walang tigil sa pagtulo.
"Sorry..."
Napapikit ako ng mariin. Sorry saan? Fuck shit! Hindi ko talaga maintindihan ang mga desisyon ni Miller. Is he trying to ruin me just because I can't reciprocate his love? Just because nabastos ko ang mommy niya sa family dinner na 'yon?
Gaya ng request ko ay hindi na nga muling nagsalita si Spike pagkatapos niyang mag sorry. Nakatulog din ako dahil sa pananahimik niya.
Nagising na lang ako na nakahinto na ang sasakyan at nasa basement na kami ng isang building.
"We're here," anunsyo niya nang marahil nakitang gising na ako.
"Nandito ba ang mga anak ko?"
He simply nodded. Napapikit ako't napabuntonghininga. Hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag. Isang buong magdamag ko lang silang hindi nakita pero pakiramdam ko ay taon ang lumipas.
"Cover yourself," ani Spike sabay abot sa akin ng itim na leather jacket, itim na cap at shades.
My eyebrows immediately furrowed. "Para saan ang mga ito?"
"Just wear it."
Hindi ko alam kung para saan ang mga ito at kung bakit parang itinatago niya ako. But by looking at it for a couple of minutes ay napagtanto ko rin agad kung ano ang dahilan niya.
Sarkastiko akong natawa ng bahagya. Parang piniga ang puso ko sa isiping itinatago niya ako para hindi ako makita ng kung sino at umabot sa asawa niyang si Merila. Kaya pala sa condo niya kami dinala at hindi sa bahay naming dati. Oo ng apala, bahay pala nila 'yon ni Merila.
"Really, Spike?"
Kumunot ang noo niya. Halata ang pagtatanong sa kanyang mukha pero inismiran ko lang siya at sinuot na ang mga bagay na ibinigay niya.
"Para lang alam mo, ha? Wala akong planong maging kabit. Minahal kita noon pero hindi na ngayon. Mga anak ko lang ang nais ko, Spike. Aalis din kami."
Tipid siyang ngumiti. Iyong ngiti ulit na tinipid. Ilang taon bago ko muling nakita ang ganoong klase niyang ngiti.
"Don't worry, Serra. Hindi ka kailanman magiging kabit... Because you will always be my wife."
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







