Compartir

Kabanata 84

Autor: Shinzanzou
last update Fecha de publicación: 2026-08-19 05:46:43

"Trust me on this, Serra please..."

Sunod-sunod akong umiling.

"Huwag mo akong iwan sa kanya, Mill. Puntahan na natin ang mga bata at bumalik na tayo ng Las Vegas. Let's get married there. I'll promise I'll be good. I will do everything you want. Let's just go."

Para akong bata kung makakapit sa braso ni Miller habang umiiyak. Gustuhin ko mang takasan ang lahat ng ito ay hindi ko magawa. Nasa isang isla kami kung saan hindi ako pamilyar. Hindi ko kabisado ang lugar na kinaroroonan namin. Tila pa nasa gitna ng malawak na karagatan dahil puro dagat ang nakikita ko.

"Just promise me that you'll give yourself a chance to be happy, Serra," Miller said as he took my grip off him. Saka siya tumakbo papasok sa private plane.

"Miller!"

I tried to run over him pero hinarangan at hinawakan ako ng mga bodyguards ni Spike.

"LET GO OF ME! MILLER! DON'T FUCKING LEAVE ME HERE!" pagsisisigaw ko.

"MILLER, PLEASE! PLEASE! PLEASE!"

Grabe na ang pag iyak ko at pagsigaw para lang pakinggan ako ni Miller at hindi siya tumuloy sa pag alis. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawin para lang mapapayag ko siya na huwag akong iwan dito. Hindi ako makapag isip ng tama dahil nauunahan ako ng takot. Takot na maiwan ako ulit. Takot na maramdaman ko ulit 'yong lahat ng sakit na naranasan ko noon.

Yes. I do rely on Miller and Miles to live in Las Vegas. Hindi ako katulad noong buhay pa si daddy na nagbubuhay prinsesa ako. Na hindi ako takot mag isa kasi marami akong pera. But after everything that's happened here in the Philippines, pagkabalik ko ng Las Vegas ay ibang Serra na ako. Hindi ako nakabalik sa pagmomodelo because of the triplets. Sa dalawang taong nandoon ako ay si Miller, Miles, at Welvorn ang bumuhay sa akin at sa mga anak ko. Which maybe the reason why ayaw sa akin ng mommy ni Miller. Iniisip marahil nito na pera lang ng anak niya ng habol ko.

When I started my skincare business, it was Miles and Miller who funded it. And even when its earning, hindi pa rin iyon sapat para mabayaran ko ang utang ko sa kanila at para buhayin mag isa ang mga anak ko.

Kaya ganito na lang ang takot ko ngayon. I've been in this position before. Iyong pakiramdam na mag isa at walang wala. Ayaw ko na ulit maranasan 'yon.

But no matter how hard I cried and plead Miller to stay. Wala pa ring effect! Lumipad pa rin ang eroplanong sinasakyan niya paalis.

Ilang minuto ng nakaalis ang eroplano ni Miller pero nanatili pa rin akong umiiyak. I felt hopeless. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin ko.

"Serra..."

Huminga ako ng malalim nang narinig ang pagbanggit ni Spike sa pangalan ko. Inalis ko ang mga luha ko saka ako nag angat ng tingin sa kanya.

"Nasaan ang mga anak ko?"

Ilang minutong nanatili ang mga mata niya sa akin habang tikom ang kanyang bibig, hindi sinasagot ang tanong ko. Hindi rin ako nagbaba ng tingin. Bagkus ay nakipagsukatan ako ng titig sa kanya.

"I've missed you," instead of answering my question ay iyon ang lumabas sa bibig niya.

Nangako ako sa sarili ko dati na hindi na ako babalik dito. At kung babalik man ako ay sisiguraduhin kong makikita niya akong masaya. Makikita niyang matatag ako at na kaya kong wala na siya. Na kaya kong buhayin ang mga anak ko kahit wala ang tulong niya o ng pamilya niya.

Kaya nang narinig ko ang mga katagang binitawan niya ay agad na kumulo ang dugo ko. Hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kung 'di dahil na rin galit ako sa sarili ko. Wala akong isang salita. Hindi ako marunong tumupad sa pangako. Nandito ulit ako. Umiiyak. Mahina. Nakikita niya ulit akong walang-wala. Gustuhin ko mang magmataas sa mga mata niya ay hindi ko magawa dahil pilit akong ibinababa ng pagkatao at sitwasyon ko.

Sa simpleng tatlong salita na 'yon ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil malumanay at bakas ang sinseridad sa boses niya. Kung 'di dahil alam na alam niya kung paano akong kunin sa mga kasinungalingang binibigkas niya.

Hindi ako makapagsalita dahil pilit kong nilalabanan ang paghikbi ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at agad siyang tinalikuran. Ayaw kong makita niyang umiiyak na naman ako dahil sa kanya. Ayaw kong isipin niyang apektado pa rin ako sa kanya at na mahal ko pa rin siya.

"God, Serra!" aniya saka ako agad na hinapit at niyakap ng napakahigpit mula sa aking likuran. Napapikit ako ng mariin. Lalo pa nang mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at ibinaon niya pa ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

I heard him sniffed. Kalaunan ay ang hagulgol niya ang narinig ko. He's crying on my shoulder. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sa akin upang lingunin siya pero nagmatigas siya. Ayaw niyang umalis mula sa mahigpit niyang yakap sa akin.

"S-Spike..."

"I'm so sorry, Serra... I'm so sorry. Sorry, sorry, sorry, sorry..."

Hindi ko maintindihan. Galit ako sa kanya pero bakit parang sa simpleng sorry niya ay unti-unting nalulusaw ang galit ko? Is this really what Miller's want? Na bigyan ko ng chance si Spike? Para saan? For me to feel pity for him? Para guluhin ulit ang nararamdaman ko?

I tried to live for the past 5 years. Even if the people around me didn't see it as the 'living' they want for me. But at least I tried. I, at least... live. Even if I am like a walking zombie. Iyong nakakapaglakad pa, nakakagalaw pa... Pero wala ng nararamdaman. Hindi ko na rin alam kung paano ulit maging masaya. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong sumabay sa agos ng buhay.

Pagkapanganak ko sa mga anak ko noon ay puno ng galit ang dibdib ko. I have the urge to fight back, to strive the hardest way possible para lang makapaghiganti sa kanilang lahat.

Pero pagkatapos no'ng nangyaring insidente kay mommy ay tila nawalan na ako ng gana sa lahat. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Napagod ako bigla at parang ayaw ko na ring mabuhay. Feeling ko wala na akong karapatan sa mundong 'to. But I still live because of the triplets. Iniisip ko na lang, kakapit ako at magtitiis akong mabuhay hanggang sa kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Until then, I'll endure everything. Kahit na halos mamatay na ako gabi-gabi sa sobrang sakit ng dibdib ko sa tuwing umiiyak ako at binabalot ang utak ko ng mga masasakit na pangyayari.

Lahat 'yon kinaya ko. Para saan? Para lang maniwala magpaloko ulit sa kanya? Hell no!

"You don't have to... Kasi wala namang magagawa 'yang sorry mo. Just give me back my kids. Hindi sila sa 'yo."

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status