LOGINHindi ko alam kung kaya kong paniwalaan ang mga sinasabi ni Welvorn. Pilit niyang sinasabi sa akin na hindi nangyari ang lahat ng pinagdaanan ko sa Las Vegas kasama ang mga anak ko. Sinasabi niyang hindi ko naipanganak ang triplets ko gayong alam kong naramdaman ko lahat ng masasaya at masasakit na pangyayaring nasa isipan ko. Alam kong hindi ako nababaliw. Alam kong may mali sa mga nangyayari.
I wasn't confined in the mental hospital but here in his house instead. Pinupuntuhan lang ako ng mga doctor at nurse para sa sinasabing gamot na kailangan kong inumin araw-araw. May mga bodyguards na nakapalibot sa buong bahay. Bawal akong lumabas. Bawal akong manuod ng tv. Bawal ako sa lahat ng gadgets, cellphone, computers, etc. At hindi ko alam kung bakit. Gusto kong maniwala sa kanya kaya hiniling kong kausapin si Miles. Pero si Miller ang pinakausap niya sa akin at sinabing masyadong abala si Miles para kausapin ako. Ilang subok ang ginawa ko pero lagi nilang sinasabi sa akin na busy raw si Miles. Doon pa lang alam ko nang mali. He was trying to keep me away from Spike.
Araw-araw akong nag iisip ng paraan para makatakas. Araw-araw kong iniisip kung paano ako makakapunta ng Manila upang puntahan at kausapin si Spike. Nais kong alamin mismo sa kanya kung totoo ba ang mga sinasabi ni Welvorn. Kung totoo bang hindi ko naipanganak ang triplets ko.
"Kumusta naman ang pamilya mo sa Manila? Hindi ka ba nila hinahanap? Alam ba ng pamilya mo na nandito ka at inaalagaan ako. Alam ba ng daddy at... m-mommy mo?" I was trying to find clues from him by starting a conversation about his family, about my family but whenever I do that ay laging tipid ang mga sagot niya sa akin o kung hindi man tipid ay iniiba niya ang usapan.
Umigting ang panga niya matapos kong banggitin ang mommy niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan.
"Alam nila ang tungkol sa 'yo," simpleng sabi niya.
"Gusto kong makilala ang parents mo. Gusto kong magpasalamat sa kanila sa pagpapatira mo sa akin dito."
"Hindi na kailangan, Serra. Huwag mo nang isipin pa ang tungkol sa pamilya ko. Makikilala mo din sila kapagka gumaling ka na."
Nawala ang ngiti sa labi ko. "Wala akong sakit."
Tumango siya at minadali na ang pagsubo ng pagkain niya.
"Bilisan mo na d'yan, oras na ng gamot mo."
Nagtiimbagang ako. Hindi ko alam kung ano-anong mga gamot ang pinapainom nila sa akin. Hindi naman ako doktor. Mag ta-tatlong linggo na akong umiinom ng gamot pero hanggang ngayon klaro at naaalala ko pa rin lahat ng nangyari sa loob ng anim na taon.
"Kailan mo ako balak dalhin sa Manila?"
Kumunot ang noo niya. "Pang ilang ulit mo nang itinanong sa akin 'yan. Hindi ba ay ayaw mo nang bumalik pa doon? At mas gusto mong umuwi ng Las Vegas. Iyon ang plano mo, Serra."
Lahat ng mga sinasabi niyang sinabi ko sa kanya o ginawa namin ng magkasama ay hindi ko maalala. Kung totoo mang hallucinations ko lang ang lahat, I at least remember other things instead. Pero wala. Ang isa sa mga naaalala ko patungkol sa kanya ay no'ng inihatid niya ako ng Las Vegas at isa siya sa mga nag alaga sa akin doon habang ipinagbubuntis ko ang mga anak ko.
"Y-you're crying again..."
Agad akong napatingin sa kanya sabay hawak sa pisngi ko. Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang mga luha ko.
I shook my head. "I know I held them. My arms still know how it feels."
Hindi ko na napigilan at muli na naman akong napahagulgol. Sobrang sakit ng dibdib ko. Parang gusto ko na lamang umiyak nang umiyak. Walang hinto sa pag iyak hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kasi pakiramdam ko, pinapahirapan ako nitong sakit na 'to. Pakiramdam ko, hindi na ako makakabawi. Pakiramdam ko, habang buhay ko itong mararamdaman at pagdurusahan.
"Kung totoo mang nakunan ako. Kasalanan ko ba? Sino ang sisisihin ko? Should I blame myself for not taking good care of them? Or should I blame other people? Ano? Anong gagawin ko para mawala itong sakit na nararamdaman ko?"
"Serra, wala! Wala kang sisisihin. Walang may gusto ng mga nangyari. Wala kang kasalanan, okay?"
"Then why do I feel like I am being punished?"
Pakiramdam ko may galit sa akin ang buong mundo. Lahat na lang yata ng pasakit inangkin ko na, e! Akin na lang ba talaga lahat? Sa ilang bilyong tao sa mundo, pwede naman siguro naming paghatian lahat ng sakit na 'to!
Welvorn comforted me. Pero kahit yata anong gawin niyang alo sa akin ay mananatili pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.
After that night ay hindi na ako muli pang umiyak. I tried so hard not to cry again in front of Welvorn. Iniiwasan ko ring mapagusapan ang tungkol sa mga anak ko. Nais kong makita niyang magaling na ako. Na hindi na ako nag iilusyon o nag ha-hallucinate. Na hindi na ako gumagawa ng kwento patungkol sa mga anak ko na nakasama ko ng halos anim na taon. So that he'll finally let me go. Kapag nakita niyang magaling na ako ay siguradong hahayaan na niya akong makaalis sa islang ito. At makakabalik na ako ng Manila.
Mag ta-tatlong buwan na. It's almost three months na akong under medication at walang palya sa mga gamot na ibinibigay nila. Pero gano'n pa rin ang laman ng utak ko. Kung totoo mang kathang isip ko lang ang lahat ay bakit hanggang ngayon naaalala ko pa rin? Ibig bang sabihin nito ay hindi ako gumagaling sa mga gamot na ibinibigay nila?
Nagising ako dahil sa sobrang sama ng panaginip ko. Agad akong napabangon at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Akala ko ay umaga na pero madilim pa sa labas. Mukhang madaling araw pa lang. Agad na kumunot ang noo ko nang nakitang bukas ang pintuan ng sala. Nagtungo ako doon upang sana ay isarado ito pero nakita ko sa malayo, sa tabing dagat si Welvorn.
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang lumapit sa kanya.
"Nakita na ang katawan ni Miles? Saan? So, they were kidnapped? E, 'yong mga bata? Kasama ba niya?"
Tatawagin ko na sana siya at itatanong kung bakit gising pa siya pero natuod ako sa kinatatayuan ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya sa kung sinumang kausap niya sa telepono.
"What? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Si Lois lang ang buhay?"
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







