LOGIN"Welvorn?"
Agad niyang nabitawan ang cellphone niyang hawak sa sobrang gulat nang narinig ang pagtawag ko sa kanya.
"S-Serra... K-kanina ka pa d'yan?"
"Ngayon lang. Doon lang sa sinabi mong nakita na ang katawan ni Miles at si Lois lang ang buhay. What do you mean by those words? Saka sinong kausap mo?"
Pinulot ko ang cellphone niya at nakitang nakarehistro doon ang pangalan ni Spike. Idinikit ko 'yon sa tainga ko at agad kong narinig ang hagulgol nito.
"Serra..." si Welvorn.
"Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Bakit kailangan nilang idamay ang mga anak ko? Walang alam ang mga bata sa kasalanan ko! Mga p*****a sila!"
Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko.
"Ano itong naririnig ko?"
Agad na huminto si Spike sa pag iyak nang narinig akong nagsalita. Agad ko ring narinig ang tunog, senyales na pinatay niya ang tawag.
"Serra, let me explain."
"You lied to me? Nagsinungaling ka tungkol sa kondisyon ko?!"
I am trying to calm down. Pinipilit ko ang sarili kong huwag sumigaw pero nagsisimula ng manginig ang katawan ko. My tears were starting to blur my vision. Nahihirapan na rin akong magsalita dahil sa pakiramdam kong may nakabara sa lalamunan ko.
"Ginawa namin 'to for your safety. Sinusubukan ka naming ilayo at itago mula sa gulo."
"Did you and Spike planned all these? Kasabwat din si Miller? Kaya pala... Kaya pala sa tuwing tumatawag ako kay Miller at hinahanap ko si Miles lagi niyang sinasabing busy si Miles. Na hindi ako makakausap ni Miles kasi marami siyang ginagawa pero ang totoo wala siya. Hindi niya kasama si Miles. Na hindi pala talaga ako bumubuo lang ng kwento sa utak ko! Hayop kayo! PINAGMUKHA NIYO 'KONG BALIW! PINAGLARUAN NIYO 'KO! Para ano, ha?Para hindi ako maging sagabal sa kung anumang mga pinaplano niyo?!"
"Serra, please listen to me first."
Umiling ako. "Hindi. Hindi na ako muling makikinig sa 'yo! I can't let you lie again to me!"
Sinubukan niyang hawakan ako sa braso pero agad ko ring iwinaksi ang kamay niya.
"Anong gamot ang pinapainom niyo sa akin, ha?!"
"Vitamins! Vitamins lang lahat ng 'yon."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak kasabay ng makailang beses kong pagmumura! Hindi ko akalaing pinaglalaruan lang pala nila ako!
"FUCK YOU! FUCK YOU!"
"Serra, mas lalong delikado kung nandoon ka sa Manila. Itinago ka namin dito para ma-protektahan ka. Tina-target ka nila pati ang mga anak mo. Spike's father and lola were all dead. Madadamay ka. Inuubos nila kayo. Inuunti-unti nila lahat ng konektado kay Spike hanggang sa siya na lang ang matira."
"Hindi ko maintindihan."
"Kasi hindi ka nakikinig!"
"Paano ako makikinig sa inyo kung lahat ng lumalabas d'yan sa mga bibig niyo ay kasinungalingan lahat, ha?!"
"Nagsisinungaling kami kasi pinoprotektahan ka nga namin!"
"Hindi ko kailangan ang protekta niyo! Iyong mga anak ko ang kailangan ko!"
Natahimik siya. No matter how he tried to explain things to me ay hindi ko talaga magawang intindihin ang lahat. Or should I say... Pinili kong huwag intindihin ang mga nangyayari.
I told Welvorn na gusto kong pumunta ng Manila. At first, he was hesitant. Pero desidido akong pumunta roon. Sa byahe ay pareho kaming tahimik. Hindi rin sumubok si Welvorn na kausapin ako after no'ng nangyari kanina sa baybayin. Which is a good thing for me. Kasi ayaw ko talaga munang kumausap ng tao. Masyadong magulo ang utak ko, na parang sasabog ako anumang oras.
Halos dalawang oras na kami sa byahe papuntang Manila nang tumunog ang cellphone niya. Agad kaming nagkatinginan. Pinahinto niya pa muna ang sasakyan nang nakitang si Spike ang tumatawag.
"Loudspeak mo," utos ko.
Hindi na rin siya umapela pa at agad ring sinunod ang sinabi ko.
"Welvorn, kahit anong mangyari... Huwag na huwag mong ibabalik si Serra dito sa Manila. Ako na ang bahala sa mga anak namin."
"Spike, w-were..."
"The situation here is worser than I expected. Wala na ang kapatid kong si Sebastian. Nakuha na rin nila si Rynette. Mabuti na lang at naitakas ng mga tauhan ni Art ang mga anak nito. Si Lois ay nasa bahay nina Terese. Ayaw akong lapitan ng anak ko. Galit na galit sa akin dahil sa pagkamatay ng dalawa niyang kapatid. Ubos na lahat sa akin. Ayaw kong pati si Serra mawala."
Hindi ako nakaimik. Nararamdaman ko lang ang bawat pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Wala na ang dalawa sa mga anak ko. Wala na si Sebastian? At sinabi niyang kapatid niya? Ang dami kong katanungan sa utak ko. At alam kong si Spike lang ang makakasagot no'n.
"Spike, nasa byahe kami."
"WHAT?!"
Inilayo agad ni Welvorn ang cellphone sa tainga niya nang marinig ang sigaw na 'yon ni Spike.
"Nasa byahe? Patungo saan? Kasama mo si Serra? Hindi ka nag iingat, Welvorn! Maayos ang usapan natin!"
Hindi na ako nakatiis at inagaw ko na ang cellphone mula sa kamay ni Welvorn.
"Didiretso ako sa kung nasaan si Lois, Spike. Puntahan mo ako doon."
Hindi siya nagsalita bagkus ay narinig ko ang marahas at sunod-sunod niyang pagbuntonghininga. Pinatay ko ang tawag. Wala na akong nais pang sabihin sa kanya o marinig pa mula sa kanya. Sa ngayon.
Nagpatuloy kami sa byahe. Balik din ulit kami sa pagiging tahimik. Si Welvorn ay tahimik na nagda-drive, ako ay tahimik na umiiyak.
Nang nakarating sa bahay nina Terese at Roiden ay kita ko agad ang pagpalibot ng mga armadong lalaki sa sasakyan ni Welvorn. Ipinagtaka ko 'yon dahil lahat sila nakatutok ang baril sa amin.
"A-anong nangyayari?"
"Wait. I'll call Spike."
Kumatok ang isa sa mga armadong lalaki sa bintana ko. Ikinagulat ko 'yon kasabay ng pag usbong ng takot sa dibdib ko. Lalo pa at agresibo ang bawat pagkatok niya.
"Huwag mong ibababa ang bintana, Serra."
Kinalabit ng lalaki ang pintuan sa side ko, sinusubukan niya 'yong buksan. Good thing, Welvorn locked it immediately.
"Putangina, Spike! Sumagot ka!" galit na bulyaw ni Welvorn sa kawalan.
Nilingon ko siya. Nagkatinginan kami. Puno ng pag aalala ang ekspresyon ng mukha niya samantalang ako'y nilulukob na ng takot.
"Welvorn, natatakot na ako," pag amin ko.
Lagi nilang sinasabing huwag ako dito sa Manila. They tried to hide me away from the enemies pero ako itong makulit at matigas ang ulo. Dapat ba ay nakinig na lang ako kay Spike?
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







