ANMELDENTahimik ang paligid ko. Kaya agad ko 'yong ipinagtaka. Sa huling naaalala ko ay maingay ang paligid ko. Kabilaang tunog ng mga emergency trucks at iyakan ang pumupuno sa aking pandinig. Nakumpirma ko ring isa sa mga anak ko ang nakita naming sunog na katawan bago ako nawalan ng malay. Kaya agad akong napadilat ng mga mata at nakitang wala ako sa kung nasaan ako kanina.
Napakagat ako sa labi ko at agad na napabangon. Nasa isang kwarto ako na sobrang pamilyar sa akin. Maging ang amoy na naaamoy ko ay pamilyar. I've been here before.
Bumukas ang pintuan kaya agad akong napatingin doon. Nakita kong pumasok si Welvorn na may dalang isang tray ng pagkain.
"Gising ka na pala. Hinimatay ka sa dagat kanina habang nag s-swimming tayo."
Kumunot ang noo ko. Anong hinimatay sa dagat?
"Nag s-swimming? Ako?"
Walang ekspresyon ang mukha niya nang tumango siya. Inilagay niya ang tray sa table na nasa gilid ng kama saka siya naupo sa harapan ko.
"Sabi ko naman sa 'yo huwag ka na munang maggagagalaw dahil baka mabinat ka. I know it's been months since nakunan ka pero hindi ka pa totally healed, Serra."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo? Nakunan ako?"
Kumunot na rin ang noo niya. "You were diagnosed with pre-partum depression, Serra at dahil hindi malakas ang kapit ng mga bata ay nawala sila sa 'yo. Teka.... Bakit parang hindi mo maalala?"
Umiling ako. "Hindi ako nakunan, Welvorn. Naipanganak ko ang triplets ko! Lennox, Lois at Levi ang ipinangalan ko sa kanila. At... At..."
Ramdam ko ang panginginig ng labi ko't pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Naaalala ko na naman ang bangkay ng anak ko.
"Si Levi... He's dead."
Agad na bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ako ni Welvorn at doon ako napahagulgol sa dibdib niya.
"Shh... I know you were devastated with what happened to your triplets that's why you're making up stories on your head. But it is what it is, Serra. They're gone. And it's been three months already."
Humiwalay ako mula sa yakap niya. "Naguguluhan ako. Bakit ka nandito? Bakit ako nandito?"
"Naguguluhan na din ako sa 'yo. Five months na tayong nandito, Serra. Hindi mo ba naaalala? Nandito na tayo simula no'ng naghiwalay kayo ni Spike."
Umiling ako. "Hindi. Hindi lang 5 months ang lumipas, Welvorn. Taon! Taon ang lumipas!"
Malungkot siyang napangiti. "Ito na marahil 'yong sinasabi ng doctor mo. That you need to undergo a psychological treatment."
"What?! Iniisip mong baliw ako?!"
"No, Serra! No! It's just that you're..."
"I'm what? That I'm just imagining everything that happened? Welvorn, naaalala ko lahat right before nawalan ako ng malay. Sumabog 'yong building, hinahanap namin ni Spike 'yong mga anak namin tapos... Tapos nakita namin 'yong isa sa mga sunog na katawan. Nakita namin doon ang gold necklace na suot ni Levi. Sigurado akong si Levi 'yon kasi may pangalan niya at saka white gold ang suot ni Lennox samantalang silver naman kay Lois. Welvorn, kailangan ko pang hanapin 'yong dalawa. Bakit ako nandito? Sinong nagdala sa akin dito?"
Tumutulo na ang mga luha ni Welvorn habang nakatingin sa akin.
He shook his head. "Serra, I'm sorry pero walang Levi. Walang Lois at Lennox. Mula no'ng umalis ka sa bahay niyo ni Spike ay hindi pa kayo muling nagkikita."
Umiling na din ako habang panay ang tulo ng mga luha ko. "Hindi totoo 'yang sinasabi mo. Sabi pa nga sa akin ni Spike na may gustong pumatay sa kanya kaya nadamay kami sa nangyaring pambobomba sa building na 'yon sa Makati."
Pumikit na si Welvorn. Yumuko at humagulgol habang panay pa rin ang iling.
"Walang nangyaring gano'n, Serra."
Natulala ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Alam kong totoo 'yong mga nangyari. Alam kong hindi ko gawa-gawa ang lahat ng nangyari sa loob ng halos anim na taon.
"M-magbi-birthday na nga ang mga anak ko, Welvorn." May pagsusumamo sa boses ko nang sabihin ko 'yon. Puno ng pagmamakaawa. Nagmamakaawa akong sabihin niya sa akin ang totoo. Na hindi ako nag i-ilusyon. Na naipanganak ko ang mga anak ko. Na binigyan ko sila ng magagandang pangalan at napalaki ko sila ng maayos kahit ako lang mag isa. Alam kong totoo lahat ng 'yon kaya nais kong sabihin niya sa akin na lahat ng iyon ay hindi ilusyon. Na hindi ako nababaliw.
"I'm sorry... I'm sorry, Serra. Pero wala na sila."
Umiling ako. Hinampas ko ang kamao ko sa dibdib niya.
"Hindi 'yan totoo!"
"I'm sorry... I'm sorry na kinailangan mong maranasan lahat ng 'to. I'm sorry, Serra. P-patawad kung naging m-malupit sa 'yo ang mundo. I'm sorry..."
Paulit-ulit ko siyang sinuntok sa dibdib. "Bawiin mo 'yang sinabi mo! Hindi totoong hindi ko naipanganak ang mga anak ko! Nagsisinungaling ka lang! Hindi ko alam kung anong motibo mo para magsinungaling sa akin pero alam ko ang totoo sa hindi, Welvorn! Alam kong nabigyang buhay ko ang mga anak ko at nagawa kong bigyan sila ng magandang mundo! Kaya hindi totoo 'yang mga sinasabi mo!"
Pati ang dibdib ko'y sinusuntok ko na. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ko. Para itong pinipiga ng paulit-ulit. Na kahit anong iyak ang gawin ko'y hindi pa rin naiibsan ng kahit konti man lang. Hindi ko na alam kung alin doon ang iniiyak ko. Hindi ko na alam kung alin pa doon ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung saan doon ang kaya kong tanggapin... Ang sinasabi niyang nakunan ako, na hindi nangyari ang lahat ng pinaniniwalaan ko o ang alam kong naipanganak at nakasama ko ang mga anak ko ng ilang taon pero umabot na sa pangyayaring nawala rin sila sa akin dahil sa nangyaring pagsabog at pagguho ng building.
"Tell me it's not true. That you're just lying. Sabihin mong nasa Manila lang sila at hinahanap pa ni Spike. Sabihin mo sa aking naipanganak ko sila, Welvorn please."
Paulit-ulit siyang umiiling. "I'm sorry, Serra. I promise you that I will take care of you... And gave you the proper treatment that you need."
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







