Compartilhar

Home

Autor: Ely
last update Data de publicação: 2026-08-13 20:15:12

Chapter 40

Alena’s POV

Nanghihinayang ako dahil nasira ang magandang bakasyon namin ni Boss MJ. Kung siguro hindi ako nakidnap, mas masaya kaming uuwi. Dapat sana ay puno ng masasayang alaala ang pag-uwi namin mula Macau, pero dahil sa nangyari, napalitan ng takot at pangamba ang lahat.

Gumamit na lang ng private jet si Boss MJ dahil kailangan namin umuwi agad. Wala na siyang pakialam kung magkano ang gagastusin niya. Ang mahalaga sa kanya ay makauwi ako nang ligtas at masigurong maayos ang kal
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Home

    Chapter 40Alena’s POVNanghihinayang ako dahil nasira ang magandang bakasyon namin ni Boss MJ. Kung siguro hindi ako nakidnap, mas masaya kaming uuwi. Dapat sana ay puno ng masasayang alaala ang pag-uwi namin mula Macau, pero dahil sa nangyari, napalitan ng takot at pangamba ang lahat.Gumamit na lang ng private jet si Boss MJ dahil kailangan namin umuwi agad. Wala na siyang pakialam kung magkano ang gagastusin niya. Ang mahalaga sa kanya ay makauwi ako nang ligtas at masigurong maayos ang kalagayan ko.Pagdating namin sa bansa ay pinaospital niya pa ako para ma-drain pa ang mga natitirang droga na dumadaloy sa aking dugo.Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong binantayan, pero sa tuwing nagigising ako ay siya ang unang nakikita ko.“Okay ka ba? Baka may masakit sa iyo?”Pangungulit niya pa sa akin.“Okay lang po ako, Boss.”“Sigurado ka?”“Opo.”“Baka may nahihilo sa iyo? Nahihirapan kang huminga? May masakit sa katawan mo?”Napangiti na lang ako.Parang siya pa ang mas nag-aal

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Location Confirm

    Chapter 39Mark Jacob’s POV“Malapit na ako, Alena. Hintayin mo ako.”Mahigpit kong hawak ang cellphone habang pinagmamasdan ang mga impormasyong nakukuha ko mula sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.“Magbabayad kayong lahat!”Hindi ko alam kung kanino ko iyon sinasabi. Sa mga taong kumuha sa kanya? Sa mga taong nagbenta sa impormasyon niya? O sa sarili ko dahil hinayaan kong umabot sa ganitong sitwasyon?Nakatulong sa akin ang mga koneksiyon ko para makita si Alena.At sa wakas, may nakumpirma rin akong impormasyon.“She was abducted by a Russian syndicate, but they chose to keep her as a kidnap-for-ransom victim.”Napapikit ako.Russian Syndicate.Ibig sabihin, hindi basta-bastang kriminal ang kumidnap sa kanya.Mga taong sanay sa pagnanakaw ng buhay.Mga taong walang pakialam kung sino ang masasaktan.At ang mas nakakatakot, kapag nalaman nilang mas malaki ang kikitain nila sa kanya, maaari nilang ipasa si Alena sa ibang tao.Natakot ako sa puwedeng gawin kay Alena kapag hindi ako ma

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Glitch

    Chapter 38Alena’s POVNagmamadali akong pumasok sa comfort room, hindi ko alam kung pantog ko ba ito o dahil sa biglang kilig na naramdaman ko sa paghalik muli sa akin ni Boss MJ.Kung ano pa man ang dahilan, basta naiihi na ako.Napangiti pa ako habang naglalakad.Hindi ko maiwasang maalala ang halik niya.Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang init ng mga labi niya sa akin.“Alena, focus,” bulong ko sa sarili ko.Hindi ito ang tamang oras para kiligin.Nasa Macau kami para magbakasyon, oo, pero alam kong hindi dapat tuluyang bumaba ang aking depensa.Operatiba ako.Sanay akong maging alerto sa lahat ng oras.Pero siguro nga, may mga pagkakataong kahit ang pinakasanay na tao ay napapagod din.At kapag puso na ang involved, minsan ay nakakalimutan mong may mga taong naghihintay lang sa maling pagkakataon para atakihin ka.Pagpasok ko sa comfort room, may mga babaeng nagkukuwentuhan.Hindi sila mukhang Chinese.Nakumpirma ko lang nang magsalita ang isa.Para siyang Russi

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Not Today

    Chapter 37Alena’s POVAng sarap sa pakiramdam na maging malaya.Malaya sa gulo.Malaya sa sarili.Malaya sa lahat ng problema.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, gusto ko munang kalimutan ang lahat. Ayokong isipin ang nakaraan. Ayokong isipin kung ano ang mangyayari bukas.Pinili ko ang araw na ito para maging masaya.At talagang naging masaya ako.Ang dami na naming napasyalan ni Boss MJ sa Macau. Sa Senado Square, Mont Fort, Island Vibe at iba pa. Sa bawat lugar na pinupuntahan namin, parang unti-unti kong nakakalimutan ang lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko.Minsan, napapaisip ako kung panaginip lang ba ang lahat ng ito.Ako?Nandito?Naglalakad sa Macau kasama ang isang lalaking dati ay kinatatakutan ko?At ngayon, siya pa ang dahilan kung bakit napapangiti ako nang ganito?Madami na rin kaming kinainan.Jade Dragon, Crab Congee Restaurant, Rua do Cunha at kung saan-saan pa.“Ang sarap talaga mabuhay kapag ganito,” sabi ko habang hawak ang tiyan ko ma

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   UNDENIABLE

    Chapter 36Alena’s POVNanatili akong nagtulog-tulugan para matagal-tagal ko pang kayakap si Boss MJ.Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging ganito.Pero sa totoo lang, natutuwa lang akong isipin na kahit tulog ito, mabango pa rin.Napangiti ako nang palihim.“Grabe ka, Alena.”Hindi naman siguro masama kung magkaroon ako ng paminsan-minsang kasiyahan.Tutal, napakatagal na ng panahon na ako ay nagpipigil ng sarili at iniiwasang magkamali.Buhay ko kasi ang laging nakasalalay sa disiplina.Kailangang mabilis.Kailangang alerto.Kailangang handang lumaban.Hindi puwedeng maging mahina.Hindi puwedeng magpakita ng emosyon.At lalong hindi puwedeng mahulog sa isang taong maaaring maging kahinaan ko.Pero ngayon…Habang nakahilig ako sa dibdib ni Boss MJ at naririnig ang mahinahon niyang paghinga, parang gusto ko munang kalimutan ang lahat.Pero ngayon, kahit ano pa ang gawin niya sa akin ay papayag ako.Natatwa na lang ako sa karupukan ko.“Pero why not!”“Mukhang hindi naman ako ta

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   The Action Figure Guy

    Chapter 35Alena's POVNapatigil ako sandali dahil sa pagkamangha.Hindi ko na narinig ang putukan sa paligid. Hindi ko na rin halos napansin ang kaguluhang nagaganap sa buong compound.Isa lang ang nakikita ng mga mata ko.Ang lalaking ilang segundo lang ang nakalipas ay iniligtas ang buhay ko."Wow... ang tikas naman nito," bulong ko sa sarili.Para siyang isang action figure na biglang nabuhay.Matangkad.Malapad ang balikat.Napakagaan kumilos kahit mabibigat ang mga armas na dala.Bawat galaw niya ay parang pinag-aralan sa loob ng maraming taon. Walang sayang na kilos. Isang putok... isang kalaban ang bumabagsak.Hindi ko maiwasang mapahanga.Kasamahan din ba namin siya?Pero agad kong iniling ang ulo.Hindi.Bago kami ipinadala sa misyong ito, ipinakilala sa amin ang bawat operatiba. Kilala ko ang lahat ng kasali.Sigurado akong hindi siya kabilang sa grupo namin.Sino siya?Bakit siya narito?At higit sa lahat...Bakit parang alam na alam niya kung paano ako ililigtas?"Mandara

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status