MasukNakatunganga si Lexie sa kawalan sa halip na basahin ang librong nasa harap niya. Tumatakbo kase ang utak niya sa ibang planeta. Hindi niya maiwasang isipin si Nigel na noong isang araw ay nakikipag kwentuhan sa kanya tapos kahapon ay tanging tango lang ang ginawang pagbati nito. Ngayon ay nahuhulaan na niyang ‘pag isa siya sa mga naging babae nito ay hindi siya pag-aaksayahang lingunin kung naikama na siya nito. Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabing ‘he only sleep with them once’.
Ngunit mas nagtataka siya kung bakit hindi uli siya kinausap nito kahapon gayong hindi naman siya isa sa flings nito. Or maybe, sadya lang talaga na nagkataong nakita siya nito kaya nilapitan siya. Wala naman siyang nabalitaan na ‘pag kaibigan ay hindi nito iniignora. That early night when they talked. Aminin niya na muli niyang pinag-aralan ang lahat dito. He's really an epitome of beauty. Kaya maraming babae ang humahabol dito at umaasang makuha ang atensiyon nito. Hindi niya nakita sa mata nito ang sinasabi ng karamihan na sa tingin lang niya ay hinuhubaran na siya. Siguro ay nakita nito na walang effect ang karisma nito sa kanya kaya hindi na ito nakipag-flirt sa kanya or baka dahil sa gusto nila ang binata kaya exaggerated ang paglarawan nila sa kung paano sila tignan ng binata. She snap in trance when she heard a familiar voice. Nagpalinga-linga siya hanggang sa matanto niyang nasa may kabilang shelf ng books na malapit sa pwesto niya ang binata at may kausap sa cellphone. Hindi rin niya maiwasang mag-eavesdrop sa sinasabi nito. Boses ni Nigel ang kasalukuyan ay naririnig niyang nagsasalita. "Ugh! Kailangan ko pang i-revise uli ang report ko bago ibigay kay papa. Wala naman akong alam na mali sa ginawa ko. I think my father is just making an excuse so I have to stay at home all the time. I'm worried and also afraid that, that little rascal gave the copy of your video to my father kaya pasempling pinaparusahan niya ako. Kahit foreplay lang ‘yun ay para kay Papa, s*x na ‘yun. Kilala niyo naman ang papa ko na istrikto pagdating sa ganyang bagay." Huminto ito saglit at mukhang may kausap ito sa cellphone na isa sa kaibigan nito. Tipid lang ang naging sagot ni Nigel, "yeah! We're doomed if ever!" Narinig niyang tipid na sabi nito bago nawala uli ang boses ng binata. Ilang saglit lang ay narinig niya ang isang marahas na buntong hininga. Maya ay nakarinig siya ng magaang hakbang hanggang sa lumabas ito sa likod ng bookshelf. Huminto ito nang makita siyang nakaupo doon. Pasempling niyuko niya ang libro para ‘di nito mabisto na nakikinig siya sa usapan nito at ng kausap sa cellphone ngunit agad din naman siyang nag-angat ng mukha nang hindi ito umaalis sa kinatatayuan nito. Nakatingin lamang ito sa kanya ng ilang segundo kapagdaka ay ikiniling nito ang ulo at ngumiti sabay lumapit sa kanya. "Hello, can I sit here?" Tumango siya. "Sure!" Tinignan nito ang libro sa harap niya bago bumalik sa mukha niya. Naasiwa siya nang ilang beses na gawin nito iyon bago amused na ngumiti si Nigel "Geniuses can also read books upside down?" Niyuko ni Lexie ang libro. Namula ng todo ang mukha niya nang makitang baliktad nga ang libro. Nabisto na ba nitong narinig niya ang sinabi nito kanina? Hindi naman sana at nakakahiya. Baka isipin nitong tsismosa siya. Ito rin ang unang beses na nakita ng binata ang dalaga na namula sa tatlong beses na nagkausap sila. Kahit kasi nginingitian niya ito ay hindi man lang niya nakita ang kilig sa mukha nito. Unlike others na hindi na naitago ang reaksiyon nila at animo kinikiliti sa singit. Tumikhim si Lexie at sinara ang libro. "'Di ko napansin. Baka wala sa sariling binuklat ko kanina dahil may iniisip kase ako," she tried to hide her embarrassment. "I see," wika ni Nigel ngunit wala sa tono nito na naniniwala ito sa kanya. Naabutan naman kasi siya nito na niyuko niya ang libro na animo nagbabasa. 'This is embarrassing!' piping bulong ng utak niya "It's true," she said gloomily to hide how embarrassed she was. Itinaas agad ni Nigel ang dalawang kamay. "Okay, wala na akong masabi!" Tumikhim ito. "Wala kang trabaho ngayon?" "Wala, humingi ako ng day off kay ma'am Olivia," sagot niya. "Then…" he paused, "come, samahan mo akong kumain ng lunch," yakag ni Nigel at tumayo. "Is that an offer or a command?" Tinaasan niya ito ng kilay. Buti na lang at nag-subside na ang kahihiyang naramdaman niya kanina. "It's an offer, miss" nangingiting bigkas ng binata at kumindat sa kanya. "Okay, ‘di na ako mahihiyang tanggapin ‘yan at nagugutom talaga ako," pagpayag niya at tumayo na rin. Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang alok nito at kakain lamang sila. "Good, let's go." Kinuha nito ang libro niya sa mesa. "Wait, kaya kong dalhin ang mga gamit ko," mabilis na pigil niya rito. "Nah! Let me carry it for you. I want to be a gentleman for once," pabirong wika ni Nigel at iniiwas ang gamit niyang bitbit nito. Mahina siyang tumawa. "So, hindi ka gentleman?" tanong niya at magkaagapay na naglakad palabas ng library. "I'm a gentleman," pilyong sabi nito. Umarko ang kilay niya. "I see?" ginaya ni Lexie ang tonong ginamit nito kanina. Humalakhak si Nigel kaya napatingin tuloy sa binata ang mga babaeng nasa paligid nila. She frowned. Mukhang nagkamali siyang tinanggap ang alok nito. Ramdam na kasi niya ang matatalim na tingin at masangsang na amoy sa mga babaeng nakatingin sa kanya. Nigel ordered food for the both of them. Sa canteen ng University sila pumunta para mag-lunch. Katulad kanina na naglalakad sila, pagpasok pa lamang nila kanina ay tumutok agad ang mata ng mga babae sa kanilang dalawa. Particular na sa binata na halatang sanay na sa atensyon na nakatuon dito. At dahil likas na makapal ang mukha niya ay taas noo pa rin siyang naglakad papasok at sumabay pa sa binata na hindi naitago ang malawak na ngiti. Sinadya pa niyang idikit ang katawan dito nang makita ang matalim na tingin ng isang babae. Na kung hindi siya nagkakamali ay natatandaan niyang kasama nito sa restroom. Si Nigel naman ay balewalang inakbayan pa siya. Bumitaw lang ito nang makaupo siya sa isang table at pumunta naman ito sa counter para um-order. "Here we go, let's eat. I'm starving," turan ni Nigel nang bumalik ito dala ang kanilang order. Kinuha niya ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain. Nang malunok niya ang nasa bibig ay sinulyapan niya ang binata na pinaghihiwalay ang karne at gulay. Sinundang ng mata niya ang pagsubo nito ng gulay at ang swabeng pagnguya nito. Nang mapansin nitong pinapanood niya ito ay kumurap ito ng ilang beses na animo nagtataka. "May problema ba? Hindi mo ba gusto ang pagkain dito?" tanong nito at sinulyapan ang pinggan niya na kunti pa lang ang bawas. "Hindi naman, ayaw mo ng karne?" Itinuro niya ang ulam nito gamit ang tinidor. Niyuko ni Nigel ang kinakain at nagkibit balikat. Hindi kumakain ng meat ang kanyang ama at sinali siya nito sa kaadikan nito ng gulay kaya nasanay na rin siya. Naalala pa niya noong bata siya na palagi siyang nagrereklamo sa ama niya na gusto niyang kumain kahit minsan ng karne pero matigas na tinutulan siya nito. Pero nang lumaki na siya ay hinayaan siya ng ama na kainin ang gusto niya. 'Yun nga lang dahil palaging gulay ang kinakain niya ay hinahanap ng katawan niya ‘pag di siya kumain ‘nun. "My father is a vegetarian," sempling paliwanag niya, "but, ngayon kumakain naman ako. Hinihiwalay ko lang kasi ihuhuli kong kakainin," saad nito bago ngumisi ito. And when he smirked, she found him so attractive and seductive. Hindi siya nagmukhang bad boy sa ngisi nito kundi mas nagmukha pa itong nang-aakit. Ito siguro ang sinasabi ng iba tungkol sa binata kung paano ito humakot ng atensiyon ng mga babae. Her eyes twitches. "Bakit kailangan mo pang ihuli?" Sumubo uli ito at ngumunguyang sumagot, "kase… ‘yun ang bagay sa akin!" Is he acting cute? Sigurado ba siyang ang nasa harap niya ay ang popular na playboy ng campus? Bakit parang ang doppelganger nito ang nasa harapan niya at kasamang kumakain. Or maybe, she's just dreaming. Hindi sila magkaibigan ng binata kaya nagtataka rin siya kung bakit ito at magkasama at sabay na kumakain, Lalo at ito pa lang ang pang-apat na beses na nagkausap silang dalawa. "Are you shock? Don't give me that kind of look like your creeping out. I'm not a ghost," natatawang wika ni Nigel na nahinto na rin sa pagkain. "I'm just wondering, alam ba ng mga flings mo ang ganyang side mo?" tanong niya. "What side?" takang balik tanong nito. "That—" Ngumuso siya. "Hinihiwalay mo ang ulam mo na parang binibilang mo kung ilang piraso ng karne ang sahog sa ulam mo," wika niya pero sa totoo lang ay gustong-gusto niyang ikomento na animo nagbibilang ito kung ilang babae na ang naikama nito. Nginisihan lang siya nito bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain. Napailing lang siya at sumubo na rin. After nilang kumain ay naghiwalay sila ng landas dahil uuwi na siya at wala siyang klase ng hapon na ‘yun.Sumimangot si Lexie nang i-check niya ang kanyang phone pagkagising niya ay wala pa rin siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa nobyo. Ang sabi naman ng mama niya ay pagkatapos ng meeting ag agad silang umuwi na dalawa. Inihatid pa nga daw nito ang mama niya pero nagmamadali itong umuwi at hindi na nagpakita sa kanya. Ang sabi nito ay may kailangan daw itong gawin kaya hindi na siya nagtampo na hindi muna ito pumunta ng kanilang bahay bsgo umuwi.Pero simula nang umuwi ito hanggang ngayon ay hindi pa siya kinontak ng katipan. Sinubukan din naman niya itong tawagan subalit hindi iyo sumasagot. Nagri-ring lang ang telepono nito at walang sumasagot. Hindi tuloy niya maiwasan ang magtampo lalo pa at gusto niyang makita ito.Ito lang ang lalaking nakaramdam siya ng ganito na sabik na sabik siyang makita at yapusin ito. Sabagag normal na pakiramdam ito dahil magkasintahan sila ng binata. Pero siempre ay naninibago pa rin siya.Huminga siya ng malalim at sinubukan na tawagan ang numero n
Pagkatapos na ihatid ni Nigel si Miss D ay dumeretso siya pauwi. Ang nasa isip niya ay ang subukang tignan muli ang pininta niya na hindi pa natatapos. Ang painting na matagal nakatambak sa sulok ng studio ng kanyang ina at natatakpan ng tela. Pagkatapos niyang ipinta iyon ay hindi na niya ito tinignan pa kahit minsan.Dahil ba sa takot? O dahil ayaw niyang balikan ang bangungot niya? O tama si Miss D na dahil hindi niya mahanapan ng sagot ang tanong sa isipan niya kung bakit siya ang tinangay at na-kidnap kaya ayaw niyang alalahanin pa kung anong nangyari noon?Ni hindi nga niya ito magawang ikuwento sa iba maliban lamang sa dalawang kaibigan niya na sina Lucky at Philip. Subalit hindi rin nila alam ang buong detalye dahil pahapyaw lang ang pagkukwento niya at nakalimutan pa niya ang iba. At dahil alam ng kaibigan niya na ayaw niya ang pinapaalala sa kanya iyon kaya hindi nila ito binabanggit pa.Nang maiparada na ng driver ang kotse sa garahe ay hindi niya hinintay na pagbuksan siya
Hindi man isang napakalaking delivery company ang naturang kompanya pero marami rin itong deliveries araw-araw. Kaya naman nang nasa Office na sila ni Mr Williams at tinitignan niya ang list ng transactions kahapon hanggang sa alas onse ng gabi ay hindi siya nagmadali. Na parang pinag-aaralan lang niya at tinitignan ang bawat transactions. Dahil kung magmamadali siya ay baka magkaroon ng suspetsa si Mr Williams.Halos sampung pahina rin ang na-print na kailangan niyang tignan. Nag-request din siya na lahat ng transactions ay nakasulat ang pangalan ng receiver at hindi naman tumanggi ang matanda.Si Mr Williams naman ay tahimik lang at hinayaan siyang basahin ang listahan. Hindi siya dinistorbo o nagtanong ng kung anu ano. Kung ano ang dahilan kung bakit iyong transactions lang kahapon ang gusto niyang tignan.Tiningnan niya ang huling listahan na hindi pa niya nababasa at nagtagis ang kanyang bagang nang wala siyang makita.He put down the list and tap it gently. His expression is so
Nang mamatay na ang linya ay nawala ang ngiti niya at nagpakawala ng marahas na hininga. Nagsinungaling siya kay Lexie. Hindi sa Berlin Hotel ang pupuntahan niya kundi ang delivery company kung saan sila ang nag-deliver ng package kay miss D. Mabuti na lamng at natatandaan ng ina ni Lexie ang uniform ng lalaking nagdala ng package sa kanya. Navy blue with orange ang suot na uniporme ng delivery boy.Sa tagal na nagtrabaho ito bilang secretary ng kanyang ama ay naging sanag na ito at naging observant. Kaya hindi na nakakagulat na napansin agad nito kung anong damit ang suot ng lalaki. Pero may suot itong sumbrero kaya hindi nakita ng maigi ang mukha nito.At kagabi ay hindi ito nabanggit ni miss D at nagpadala lang ito ng mensahd sa kanya. Nang sabihin nito ang uniporme ng delivery boy ay nahulaan agad niya kung anong company iyon. Iyon ay ang Happy & Liveliness delivery company. Ang nasabing kompanya ay nasa gitnang rank ng listahan ng mga listed delivery company. Magkaganun pa man ay
Kinaumagahan, nang magmulat ng mata si Lexie ay tumutok agad ang mata niya sa painting na regalo ni Nigel sa kanya. May matamis na ngiting agad namutawi sa kanyang mga labi at naupo. Sumandal siya sa headboard ng kanyang kama at hindi niya maalis ang tingin sa painting na sinadya niyang ilagay sa harap mismo ng kanyang kama. Para kapag paggising niya o kaya nakahiga siya ay agad niya makikita ang masterpiece ng kanyang nobyo. Kasama niya ang ina na i-hang ito sa napili niyang pwesto at narinig pa niya ang paputi sa bibig ng ina kung gaano kaganda ang regalo ng kasintahan niya sa kanya.Kagabi nga, pagkatapos niyang ma- unwrapped ang painting ay hindi niya mapigilan ang mapasinghap.Napanganga pa siya sa pagkamangha nang makita ang masterpiece ng nobyo. Ang painting niya na ginawa ng binata noon at sinabing regalo niya ngayong kaarawan niya ay nakalantad na sa harapan niya. The art was simply so breathtaking and transcends any kind of beauty. It was as if unaffected by time leaving a d
Lexie is reluctant to part with Nigel after celebrating her birthday and introducing him to her mother. Subalit hindi naman pwedeng pigilan siya ng dalaga sa pag-uwi kaya inihatid pa rin siya nito sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. She even slowed while walking as if buying time to stay with him for more minutes. At hindi napigilan ng binata ang lihim na mapangiti.Nararamdaman ni Nigel na gusto pa siya nitong makasama at ganun din naman siya kaya hinayaan na niya ito. Isa pa ay puno ng tuwa ang boses nito habang sinasabi kung gaano nito nagustuhan ang regalo niyang painting dito. Kumikislap pa ang mata nito na animo isang bituin habang hinahangaan ang painting niya.Hindi siya nagsalita o nagkomento para putulin ang sinasabi nito. He let her talk and say what she really felt. At gusto niyang naririnig ang malamyos na tinig nito kaya nanahimik siya. Hinawakan pa nga niya ang kamay nito at ninamnam ang init na nagmumula rito. Tumulay ang init ng kamag nito mula sa kamag niya
“So, anong wish mo?” nakangiting tanong ni Nigel kay Lexe na agad tinakpan ang bibig at umiling. Sa ginawa niya ay amused na natawa abv binata at pinitik ang likod nv kamag niyang nakatakip sa kanyang bibig. “Alright! ‘Di ko na tatanungin.”Saka lang inalis ni Lexie ang kamay sa bibig at tumingin s
Nang sumapit ang gabi ng biyernes ay sakay sila ng kotse ng binata pauwi sa kanila. Nasabi na niya sa ina ang balak niyang pagpapakilala sa kanyang nobyo kaya nagpada ito ng mensahe kanina na nakauwi ito ng maaga. Nagluto na rin ito ng hapunan nila para hindi lumabas na hindi welcome ang kanyang ka
Pinaikot ni Janine ang kanyang mata nang masilayan niya ang matamis at abot tayngang ngiti ni Lexie. Parang nag-glow din and mukha ng kaibigan at hindi maikakailang masaya ito. Lalo na ang kinang sa mata nito. Kahit alam niya ang dahilan kung bakit parang nasa ulap ang kaligayahan ng kaibigan ay hi
Kanina pa mariing nakatikom ang bibig ni Lexie at hindi makatingin ng deretso kay Nigel na ngayon ay nagmamaneho upang ihatid siya pauwi. Ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay mauupos na siya na parang kandila? Iyon ay dahil pagmulat niya ng mata ay lumantad sa kanya ang ina ng binata na nakaup







