Home / Romance / Under the Mayor's Command / Chapter Twenty-Eight

Share

Chapter Twenty-Eight

Author: ajixaya
last update publish date: 2026-04-19 09:06:30

Chapter Twenty-Eight

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang lisanin ko ang marangyang impiyerno sa Maynila, ngunit ang bawat gising ko sa madilim na sulok ng kusina ni Aling Belen ay tila isang malupit na paalala na ang kalayaan ay may napakataas na presyo. Dito, ang bawat hininga ko ay hindi na amoy mamahaling pabango o sariwang bulaklak, ito ay napalitan na ng amoy ng sunog na uling, sebo ng baboy, at matapang na sabon na unti-unting kumakain sa balat ng aking mga kamay.

"Rose! 'Yung apoy s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourty-Eight

    Chapter Fourty-EightHindi ko na natiis ang bigat sa aking dibdib habang nakaupo sa main table. Ang bawat halakhak ng mga politiko sa paligid ko ay tila ba tunog ng mga kuko na kumakalmot sa aking balat. Ang bawat sulyap na ibinigay sa akin ni Klea habang naglalapag ng pagkain ay tila isang lason na unt-unting pumapatay sa akin."Excuse me, Alexander. Pupunta lang akong restroom," pabulong kong sabi, pilit na pinapakalma ang aking boses na nanginginig.Hindi siya sumagot agad. Hinawakan niya ang aking pulsuhan sa ilalim ng mesa, ang kaniyang mga daliri ay tila ba sinusukat ang tindi ng aking kaba. Tinitigan niya ako nang matagal bago dahan-dahang binitawan ang aking kamay."Five minutes, Rosita. Huwag mong subukan ang pasensya ko."Mabilis akong tumayo at naglakad palabas, hindi patungo sa restroom kundi sa Service Entrance. Natagpuan ko si Klea sa isang makitid na hallway, nakasandal sa pader at hinihingal, bitbit ang isang tray ng mga gamit na baso."Klea," tawag ko, ang boses ko ay

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourty-Seven

    Chapter Fourty-SevenAng ballroom ng Grand Hotel ay punong-puno ng mga taong amoy pera at kapangyarihan. Suot ko ang pulang gown na pinili ni Alexander, isang kulay na tila ba sumisigaw ng babala sa sinumang titingin sa akin. Hawak niya ang aking baywang nang mahigpit, isang pag-aari na hindi niya ikinakahiya sa harap ng mga senador at negosyante.Ngunit sa kabila ng kinang ng mga chandelier, may kung anong pait na nakabara sa aking lalamunan. Hindi ako para rito. Kahit anong ayos sa akin, nararamdaman ko pa rin ang libag ng Tondo at ang amoy ng usok sa Laguna sa ilalim ng aking mamahaling pabango."Smile, Rosita," bulong ni Alexander sa aking tainga, ang kaniyang hininga ay mainit ngunit ang kaniyang utos ay matalim. "This is your debut to the society that will soon bow to you."Tumango ako nang bahagya, pilit na iniangat ang aking mukha hanggang sa napa-arko ang aking leeg sa tindi ng tensyon. Naupo kami sa main table. Ang bawat galaw ko ay pinapanood, bawat pagsubo ay tila ba sinus

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourty-Six

    Chapter Fourty-SixMatapos ang marahas na engkwentro sa loob, lumabas kami ni Alexander na tila walang nangyari. Iyon ang kaniyang galing, ang kakayahang magsuot ng maskara ng pagiging pormal at strikto sa harap ng kaniyang mga tauhan, habang ako naman ay pilit na itinatago ang panginginig ng aking mga tuhod. Ang amoy ng kaniyang pabango ay nakakabit pa rin sa aking balat, humahalo sa alikabok ng Manila."I want the progress report on my desk by Monday," utos ni Alexander sa kaniyang head engineer habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. "And make sure the security protocols for Ms. Rosita are doubled. I don't want anyone—and I mean anyone—getting close to her without my clearance."Sumakay kami sa SUV at binalot muli kami ng katahimikan, ngunit sa pagkakataong ito, mas kalmado na ang hangin. Hinawakan niya ang aking kamay, ang kaniyang mga daliri ay marahang sumisingit sa pagitan ng mga daliri ko."You look pensive," puna niya, hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana habang b

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourty-Five

    Chapter Fourty-FiveAng sinag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng penthouse ay tila ba isang hudyat na ang mundo ay hindi huminto para sa aming dalawa kagabi. Paggising ko, wala na si Alexander sa tabi ko, ngunit ang kaniyang amoy, ang amoy ng sandalwood, mamahaling sabon, at ang bakas ng aming pagnanasa ay nakasabit pa rin sa mga kumot na nakapulupot sa aking hubad na katawan. May nakalapag na isang silk robe sa gilid ng kama at isang maliit na note na nakapatong sa aking cellphone. “Breakfast is ready. The car leaves in an hour. Be ready to face your city, Rosita.”Habang naghahanda ako sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang mapatitig sa aking sariling repleksyon. Ang mga markang iniwan niya sa aking leeg, balikat, at maging sa aking mga hita ay tila ba mga selyo ng isang kasunduang hindi na mabubura. Bahagya akong napangiti, ang bawat pasa at bawat kagat ay nagpapaalala sa akin ng marahas na pag-angkin niya sa akin sa ilalim ng shower at sa gitna ng malawak na kamang it

  • Under the Mayor's Command   Chaptee Fourty-Four

    Chaptee Fourty-FourAng bawat paghinga namin ni Alexander ay nagsisilbing musika sa tahimik at madilim na silid ng kaniyang penthouse. Nanatili siyang nakadapa sa ibabaw ko nang ilang sandali, ang kaniyang pawis ay humahalo sa akin, at ang init ng kaniyang balat ay tila ba nanunuot sa aking mga buto. Hindi ko magawang gumalaw, ang bawat kalamnan ko ay tila ba naging likido matapos ang marahas ngunit matamis na engkwentrong iyon sa kaniyang kama. Ang penthouse na ito, na dati ay tila isang malamig at sterile na monumento ng kaniyang yaman, ay nabahiran na ng init ng aming pagnanasa.Dahan-dahan siyang tumagilid at hinila ako sa kaniyang tabi, niyayakap ako nang mahigpit habang ang aking ulo ay nakasandig sa kaniyang matipunong dibdib. Naririnig ko ang unt-unting pagbagal ng pintig ng kaniyang puso, isang ritmo na tanging ako lang ang may pribilehiyong makarinig nang ganito kalapit. Dito, sa gitna ng katahimikan ng gabi sa BGC, ang Mayor na kinatatakutan ng mga tiwali at hinahangaan ng

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fourty-Three

    Chapter Fourty-ThreeHindi pa lubos na humuhupa ang paghingal ko nang ayusin ni Alexander ang kaniyang suot. Ang opisina niya, na simbolo ng kaniyang kapangyarihan sa buong Maynila, ay tila naging saksi sa marubdob naming pagtatagpo sa ibabaw ng kaniyang mesa. Ngunit sa likod ng kaniyang matalas na titig, alam kong hindi pa siya tapos. Ang gutom na nakita ko sa kaniyang mga mata kanina ay tila ba mitsa pa lamang ng isang mas malaking sunog."We’re leaving," maikli niyang utos habang isinusuot ang kaniyang suit jacket. Ang kaniyang boses ay muling bumalik sa pagiging matatag, ang nagyeyelo niyang awra na nagpapatikas sa kaniya bilang Mayor."Saan tayo pupunta? Akala ko ba ay tatalakayin natin ang proyekto?" tanong ko habang pilit na inaayos ang aking gulo-gulong buhok."The project can wait until tomorrow, Rosita. Right now, I have other things to attend to... and all of them involve you."Hindi niya ako hinayaang sumagot. Hinawakan niya ang aking siko at iginiya palabas ng kaniyang op

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status