Share

Under the Mayor's Command
Under the Mayor's Command
Author: ajixaya

PROLOGUE

Author: ajixaya
last update publish date: 2026-04-08 11:03:20

PROLOGUE

Maingay ang Manila, pero sa loob ng bar na ito sa Makati, ang musika ay tila isang malabong ugong na lang sa likod ng aking utak. Isang buwan na ako rito. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang iwan ko ang San Roque dahil sa lalakeng nangako ng katarungan pero puro kataksilan ang ibinigay.

Sa Manila, akala ko ay makakahinga ako. Pero ang totoo, mas lalo lang akong nalunod sa usok, sa amoy ng basang semento, at sa pait ng bawat "hindi" na natatanggap ko sa paghahanap ng trabaho.

“Rosita, huling tagay na ’to. Bukas, mag-a-apply pa tayo sa agency,” sabi ni Klea, ang bago kong kaibigan sa boarding house.

Ininom ko ang baso ng gin. Hindi ko na malasahan ang pait, manhid na ang dila ko, katulad ng puso ko. Lumingon ako sa paligid. Ang mga ilaw na pula at asul ay sumasayaw sa mukha ng mga taong pilit na nagsasaya. Pero sa dulo ng bar, may isang aninong hindi sumasabay.

Isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na polo, ang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, na naglalantad sa kaniyang relo na tila ba mas mahal pa sa buong buhay ko. Pero wala siyang pakialam sa paligid niya. Nakatitig lang siya sa kaniyang baso ng whiskey, ang kaniyang mukha ay walang emosyon. Tila ba kahit masunog ang buong bar, hindi siya lilingon.

Dahil sa alak, o dahil sa pagod na akong maging "mabuting babae" mula sa probinsya, tumayo ako. Lumapit ako sa kaniya, ang bawat hakbang ko ay tila paghamon sa tadhana. Umupo ako sa tabi niya. Ang amoy niya ay agad na sumakop sa akin, sandalwood, ulan, at mamahaling alak.

Hindi siya lumingon. Hindi man lang gumalaw ang kaniyang panga.

“Masyadong malalim ang iniisip mo para sa ganitong lugar,” panimula ko. Uminom siya ng whiskey bago dahan-dahang humarap sa akin. Ang kaniyang mga mata ay kulay kape, pero walang ningning. Blangko.

“And what do you want?” ang boses niya ay mababa, paos, at tila walang pakialam kung sasagot ako o hindi.

“Gusto ko lang ng kausap na kasing pait ko ang turing sa mundo.”

Isang bahagyang paggalaw ng kaniyang labi, hindi ngiti, kundi isang nakaaasar na ngisi. “What makes you think I'm bitter?”

“Kanina ka pa hindi kumikibo dyan. Ako tangina, niloko, pinagpalit sa mas mayaman. Naghahanap ng dahilan para hindi bumalik sa probinsya na talunan.”

Tumingin siya sa akin, mula ulo hanggang paa, pero walang malisya. Tila ba tinitignan niya lang ang isang gamit na hindi niya alam kung kailangan niya. “Standard procedure.”

Tumalikod siya muli sa baso niya. Ang kaniyang pagiging walang pakielam ay nakakairita pero nakakahumaling. Para lamang siyang rebulto.

“Ayaw mo ba talagang makalimot?” tanong ko, mas matapang na ngayon.

Ibinaba niya ang kaniyang baso at hinarap ako nang tuluyan. Inabot niya ang isang hibla ng buhok ko, ang kaniyang mga daliri ay malamig sa aking balat. “Pagkalimot is a luxury I don’t have . . .”

Napalunok ako. Inalis niyang muli ang paningin sa akin at tumingin sa kawalan. Mabilis akong napabuntonghininga at ginaya na lamang ang kaniyang pagtulala.

“Ako si Rosita, ikaw?”

Ilang segundo kong hinintay ang kaniyang sagot ngunit patuloy lamang siya sa pag-inom at pagtulala.

“Do you want to leave this place?” matapang na tanong ko. Kita ko ang mabilis na pagkunot ng kaniyang kilay at ang madilim na tingin sa akin.

“Where?” aniya sa isang paos na boses.

“Kahit saan . . . sa hotel?” patanong na sagot ko. Mabilis na namula ang mukha ko sa hiya nang makita ang aliw sa kaniyang mga mata.

“Woman, you're fucking drunk. Go home.” aniya at mahina pang natawa.

Ramdam ko ang pagkapahiya. Mabilis kong iniikot ang mata sa paligid at napansing walang katao-tao sa pwesto namin, madilim rin. Dahil sa kalasingan, pakiramdam ko ay kaya kong gawing lahat kaya mabilis akong tumayo at inilapat ang labi sa kaniyang bibig.

Isang mabilis at marahas na paglalapat ng labi. Hindi ito tulad ng mga napapanood ko sa pelikula; walang musika, walang bagal. Ang lasa ng whiskey at gin ay nagbanggaan, isang mapait na timpla na tila sumasalamin sa aming dalawa.

Nanigas siya. Ramdam ko ang lamig ng kaniyang balat na unti-unting nag-iinit sa ilalim ng aking mga palad. Inasahan kong itutulak niya ako, lalayuan, o tatawanan sa aking desperasyon. Pero hindi. Isang mababang ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan, tunog ng isang lalaking pagod na sa pagtitimpi.

Ang kaniyang kamay na kanina ay nakahawak lang sa baso, ay biglang bumaon sa aking baywang. Marahas niya akong hinila palapit hanggang sa wala nang espasyong namamagitan sa amin. Ang kaniyang mga labi na kanina ay blangko ay biglang naging gutom, tumutugon sa aking halik nang may bagsik na tila ba gusto niyang ubusin ang hininga ko.

“Be careful what you wish for, Rosita,” bulong niya sa pagitan ng aming mga halik, ang kaniyang hininga ay mainit at nakakalasing. “Because I don't do gentle.”

Hindi ako sumagot. Sa halip, mas isiniksik ko ang sarili ko sa kanya.

Tumayo siya at iniwan ang pera sa counter, sobra-sobra para sa ininom niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Hila-hila niya ako palabas ng bar, ang bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad na tila ba isa na akong pag-aari na kinuha niya sa gitna ng kadiliman.

Dinala niya ako sa isang hotel suite na tila isang buong dampa namin sa San Roque ang laki. Ang bintana ay mula sahig hanggang kisame, kitang-kita ang nagkikislapang ilaw ng Makati na tila ba nanunuya sa aming kasalanan. Huminto siya sa gitna ng kwarto at nagtanggal ng kaniyang relo nang hindi tinitignan ang kinaroroonan ko. Ang kaniyang pagiging tahimik ay bumalik, pero ngayon, may kalakip na itong panganib.

Hindi siya nagsalita. Sa halip, humarap siya sa akin habang tinatanggal ang kaniyang mamahaling relo at inilapag ito sa mesa nang hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata. Ang dilim sa kaniyang paningin ay wala na nung blangkong emosyon kanina—ngayon, ito ay puno ng gutom.

“Are you sure about this, Rosita?” ang boses niya ay malalim, isang babala na may kasamang paanyaya. “Because once I start, I won’t stop.”

Sa halip na sumagot, lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kwelyo ng kaniyang itim na polo at marahang hinila siya pababa para magtagpo ang aming mga hininga. Ang bango ng sandalwood at alak ay lalong naging matapang, nanunuot sa bawat pandama ko.

Hindi na siya nag-alinlangan. Ang kaniyang mga kamay ay mabilis na humawak sa aking baywang, itinulak ako nang dahan-dahan hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng pader sa aking likuran habang ang init naman ng kaniyang katawan ang nasa harapan ko.

Muli niyang sinakop ang aking labi, pero sa pagkakataong ito, wala nang pag-aalinlangan. Ang kaniyang halik ay mapang-angkin, malalim, at tila ba ninanamnam ang bawat hininga ko. Naramdaman ko ang kaniyang mga daliri na gumagapang sa aking likuran, hinahanap ang zipper ng aking suot na damit. Isang marahang tunog ng pagbukas nito ang bumasag sa katahimikan, kasabay ng pagdausdos ng tela sa aking balat. Ang bawat haplos niya ay tila nag-iiwan ng kuryente na nagpapakiliti sa aking buong pagkatao.

“You’re so beautiful,” bulong niya sa aking tainga, ang kaniyang mainit na hininga ay nagpataas ng balahibo ko sa leeg.

Ang kaniyang boses na dati ay malamig, ngayon ay puno ng pagnanasa. Binuhat niya ako nang walang hirap, ang aking mga binti ay kusa na pumulupot sa kaniyang baywang. Inihiga niya ako sa malambot na kama, pero hindi niya hinayaang maputol ang aming koneksyon. Sa ilalim ng mga dim lights ng suite, ang kaniyang mga mata ay tila nagniningas habang tinititigan ang bawat kurba ng aking katawan.

Wala nang bakas ng probinsyanang talunan sa isip ko. Ang tanging alam ko lang ay ang bigat ng kaniyang katawan sa ibabaw ko, ang higpit ng kaniyang hawak, at ang paraan kung paano niya binubulong ang pangalan ko na tila ba ito ang pinaka-importanteng salita sa mundo.

Nagising ako nang madaling-araw pa lang. Ang silid ay nababalot pa ng dilim, maliban sa mangilan-ngilang ilaw mula sa mga skyscraper sa labas. Dahan-dahan akong bumangon. Ang sakit ng aking katawan ay tila isang malupit na paalala ng nangyari. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Ang kaniyang mukha sa pagtulog ay pagod, mukhang durog, at mukhang... hindi para sa isang katulad ko.

Isang malakas na bayo ng hiya ang biglang humampas sa akin. Ano ba itong ginawa ko? Sino ako para matulog sa kama ng isang lalakeng tulad niya? Isang buwan pa lang ako sa Manila at heto na ako, nagpapakalunod sa isang estrangherong hindi ko man lang alam ang pangalan.

Ang aking puting blusa ay nakakalat sa sahig, tila ba isang ebidensya ng aking pagbagsak. Ang bawat sentimo ng balat ko ay parang nandidiri sa sariling desisyon.

Hindi ko na hinintay na magising siya. Ayaw kong makita ang tingin niya kapag maliwanag na ang araw. Mabilis kong isinuot ang aking mga damit. Nanginginig ang aking mga kamay habang sinasara ang butones ng aking blusa. Hindi ko na inayos ang aking buhok. Isinukbit ko ang aking bag at lumingon sa huling pagkakataon. Mahimbing pa rin ang kaniyang tulog, tila ba wala siyang balak magising sa realidad ng mundong ito.

Tumakbo ako palabas ng suite. Halos hindi ako makahinga sa loob ng elevator. Nang makalabas ako sa lobby ng hotel, ang malamig na hangin ng madaling-araw ay humampas sa aking mukha, pero mas matindi ang lamig na nararamdaman ko sa loob ng aking dibdib.

Naglakad ako nang mabilis, halos tumatakbo, palayo sa hotel na iyon. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero alam ko ang isang bagay, kailangan kong kalimutan ang gabing ito.

“Hindi na mauulit, Rosita,” bulong ko sa sarili ko habang sumasakay sa unang dyip na dumaan. “Isang pagkakamali lang ’yun. Isang gabi na hindi kailanman nangyari.”

Pinahid ko ang mga luhang hindi ko alam kung bakit lumalabas. Kakalimutan ko ang amoy ng sandalwood. Kakalimutan ko ang kaniyang mga mata. At higit sa lahat, kakalimutan ko na may isang lalaking humawak sa akin sa paraang hinding-hindi ko na mararamdaman muli.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under the Mayor's Command   Chapter Seven

    Chapter SevenAng silid ng library sa dis-oras ng gabi ay nababalot ng katahimikan na tila ba humihinga kasabay ko. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa mga lampara sa gilid ng kaniyang mesa, nagbibigay ng mahahabang anino sa mga istante ng libro. Sumunod ako sa kaniyang utos. Naghihintay ako rito, suot pa rin ang aking uniporme, habang ang bawat tibok ng puso ko ay tila ba isang tambol na nagbabadya ng panganib.Bumukas ang pinto nang walang babala. Pumasok si Alexander, ang kaniyang presensya ay tila ba sumakop sa bawat sulok ng silid. Wala na ang kaniyang polo; nakasuot na lamang siya ng isang itim na silk robe na bahagyang nakabukas sa kaniyang dibdib. Ang amoy ng sandalwood at mamahaling alak ay mas matapang ngayon, nanunuot sa aking katinuan.“Lumapit ka, Rosita,” ang boses niya ay mababa, paos, at puno ng isang gutom na pilit niyang itinago sa hapag-kainan kanina.Lumapit ako nang dahan-dahan. Ang bawat hakbang ko sa carpet ay tila ba paglapit sa gilid ng isang bangin. Nang maka

  • Under the Mayor's Command   Chapter Six

    Chapter SixAng hapunan na iyon ay hindi pagsasalu-salo, isa itong pagbibitay kung saan ako ang nakatali ang leeg.Ang dining hall ng mga Zaviere ay nababalot ng tensyong mas makapal pa sa usok ng mamahaling tabako. Sa gitna ng mahabang mesa na gawa sa narra, nakaupo si Alexander sa kabisera. Sa kaniyang kanan ay si Donya Estela, na tila isang reynang nagbabantay sa kaniyang trono, at sa kaliwa naman ay si Governor Victor Santillan, ang lalakeng nagpadala sa akin ng lihim na banta kanina.“Rosita, ang wine. Bilisan mo,” bulong ni Manang Ising sa akin sa gilid.Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang bote ng vintage Cabernet. Suot ko ang aking pinakamalinis na uniporme, pero pakiramdam ko ay nakahubad ako sa harap nila dahil sa paraan ng pagtingin ni Victor. Bawat hakbang ko sa makintab na sahig, ang sahig na ilang oras kong nilitis gamit ang sarili kong mga palad, ay tila ba nagpapaalala sa akin ng aking mababang katayuan.Lumapit ako kay Governor Santillan para salinan ang k

  • Under the Mayor's Command   Chapter Five

    Chapter Five Ang bawat baitang ng grand staircase ay tila isang bundok na kailangan kong dakiitin. Masakit na ang aking mga tuhod at ang aking mga palad ay namumula na sa maghapong pagpiga ng basahan, pero hindi ako pwedeng tumigil. Sa bawat kuskos ko sa malamig na marmol, nararamdaman ko ang mapanuring mata ni Donya Estela mula sa itaas na hallway, tila ba hinihintay niyang magkamali ako.“Rosita, dalian mo. Darating ang mga Santillan sa loob ng dalawang oras,” bulong ni Klea habang nagmamadaling dumaan bitbit ang mga bagong kurtina.Tumango lang ako, hindi na nag-abalang sumagot dahil tila ba pati ang boses ko ay kinuha na ng pagod.Nang malapit na ako sa huling sampung baitang, isang lalaking naka-uniporme ng isang mamahaling flower shop ang pumasok sa grand foyer. Bitbit niya ang isang dambuhalang kumpol ng mga puting rosas, mga bulaklak na tila ba sumisimbolo sa kalinisan ng mga Zaviere, kahit na alam kong puno ito ng dumi sa likod ng mga pader.“Delivery para kay Mayor Zaviere.

  • Under the Mayor's Command   Chapter Four

    Chapter Four Ang umaga sa mansyon ng mga Zaviere ay nagsisimula bago pa man sumikat ang araw. Ang hamog sa malawak na garden ay hindi pa natutuyo nang marinig ko na ang malakas na pagtunog ng alarm ni Klea. Bawat kalamnan sa katawan ko ay sumasakit, isang malupit na paalala ng ilang oras na paglilinis sa library at ang tensyong muntik nang bumasag sa aking katinuan sa ilalim ng mesa ni Alexander.“Rosita, dalian mo! Ang aga ng gising ni Mayor ngayon. Gusto niyang malinis ang pool area bago siya mag-breakfast,” hila sa akin ni Klea habang nagmamadaling isuot ang kaniyang apron.Humarap ako sa maliit na salamin sa aming kwarto. Agad kong napansin ang bahagyang pamumula sa aking braso, bakas ng mahigpit na pagkakahawak ni Alexander kagabi nang itulak niya ako sa pader. Mabilis kong ibinaba ang manggas ng aking asul na uniporme. Hindi ito pwedeng makita ng iba. “Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?” usisa ni Klea habang tinitingnan ako.“P-puyat lang, Klea. Ang daming alikabok sa li

  • Under the Mayor's Command   Chapter Three

    Chapter ThreeAng library ng mga Zaviere ay tila isang katedral ng karunungan at yaman, pero para sa akin, isa itong hawla. Ang bawat dingding ay natatakpan ng naglalakihang istante ng libro na abot hanggang kisame, lahat ay gawa sa madilim na mahogany na kumikinang sa ilalim ng madilaw na ilaw ng chandelier.Alas-dos na ng madaling-araw. Pagod na ang buong katawan ko mula sa maghapong paglalaba at paglilinis ng malalawak na pasilyo, pero heto ako, mag-isang pilit na inaabot ang itaas na bahagi ng mga istante gamit ang isang duster. Ito ang parusa ko. Isang parusa dahil sa panghihimasok ko sa silid na ipinagbabawal.Narinig ko ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ito. Ang bigat ng hangin sa silid ay biglang nagbago, naging masikip at mahirap hingahan. Ang kuryenteng gumagapang sa aking balat ay sapat na paalala na narito na ang lalakeng pilit kong tinatakasan sa aking mga panaginip.Hindi siya nagsalita. Narinig ko lang ang tunog

  • Under the Mayor's Command   Chapter Two

    Chapter TwoHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang bawat kaluskos sa labas ng maliit na kwarto namin ni Klea sa servant’s quarters ay tila boses ni Alexander na tumatawag sa akin. Ang kaniyang mga salita “My maid,” ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig, mas masakit pa sa sampal.“Rosita, kanina ka pa tulala sa nilulubog mong basahan. Ano ba ang nangyari sa library kahapon?” tanong ni Klea habang nagpupunas kami ng mga bintana sa grand foyer. Ang sikat ng araw ay tumatama sa naglalakihang chandelier, naglalabas ng mga kislap na tila ba nanunuya sa duming pilit naming tinatanggal.“Wala,” mabilis kong sagot. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko kayang aminin na ang lalakeng kinatatakutan ng buong lungsod ay ang lalakeng pumatay sa huling hibla ng aking dangal sa isang hotel.“Mag-ingat ka rito, Rosita,” bulong ni Klea, ang boses ay biglang naging seryoso habang tinitiyak na walang ibang nakikinig. “Sabi ni Manang Ising, huwag na huwag kang papasok sa ikatlong pin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status