MasukHabang nag-uusap kaming dalawa sa sulok ng wedding hall, unti-unti kong nalaman ang kanyang buong pinagmulan. Ikinuwento niya na galing siya sa isang napakayamang pamilya. Pero sa likod ng karangyaan ng kanilang angkan, may madilim na katotohanan—marami silang magkakamag-anak na nag-aagawan at nag-aaway para lang sa mamanahing kayamanan.Dahil ayaw ni Fonze ng ganoong klaseng gulo, gumawa siya ng sarili niyang diskarte. Nagtayo siya ng sarili niyang kompanya at negosyo sa construction upang hindi na umasa sa anumang mamanahin mula sa kanyang mga magulang. Habang nakikinig ako sa kanya, hindi ko mapigilang humanga. Kahit may kayabangan siya, may paninindigan siya sa buhay at talagang kahanga-hanga ang kanyang sipag."Sayang nga eh. Sana talaga sumali ako doon sa laro kanina kung alam ko lang na ikaw ang mananalo," nakangiti niyang sabi habang umiiling-iling pa na tila nanghihinayang. "Kung sumali ako, siguradong ako ang makakakuha ng premyo at ako ang makakasama mo sa biyahe.""Ang yab
"And you are?" nangunot ang aking noo nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ang kanyang pananamit, nakasuot ng mamahaling polo na bumabagay sa kanyang tindig, at may hitsura rin naman. Kaya lang, may kung ano sa kanyang mukha na tila ba bilib na bilib siya sa kanyang sarili."I'm Fonze Ludwig..." nakangiti niyang sabi. Kitang-kita ang kumikinang niyang mga ngipin, saka siya naglahad ng kamay sa akin para makipagkilala.Hindi ko iyon inabot. Nanatili lang akong nakaupo at tiningnan ko lang ang kamay niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Napansin kong parang napahiya nang kaunti ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at napakamot na lang sa kanyang ulo, sabay ayos ng kanyang buhok. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang ngumiti nang malawak."I saw you kanina habang nasa game kayo, and I found you interesting. Leila, right? By the way, isa akong engineer... na-share
"Ah..." napatango si Chantal habang nakikinig sa aking kuwento. Bakas sa kanyang mukha ang pag-unawa. "May karapatan ka naman palang magalit ng ganoon, Leila. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas matindi pa ang maging reaksyon ko.""Oo nga, Leila," pagsang-ayon naman ni Eli na nakaupo sa tabi namin. Umiling-iling pa siya na tila naiinis din. "Loko talaga itong si Ephraim. Hindi niya man lang iniisip ang mararamdaman mo bago siya gumawa ng mga ganyang bagay."Bumuntong- hininga ako at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. "Naiinis ako, dahil nga sa lahat ng pinagdaanan ng mama ko noon. Bata pa lang ako, nakita ko na kung gaano siya nasaktan at nahirapan dahil sa ginawa ng papa ko. Ayokong magaya sa kanya. Alam niyo naman 'di ba? Iniiwasan mo na nga na mapunta sa isang lalaking ganoon ang ugali, tapos ang unang lalaki na minahal mo sana, ay katulad pa rin pala ng papa mo."Natahimik ang dalawa kong kaibigan. Alam nilang sensitibong paksa sa akin ang aking pam
"Leila!" Malakas na tawag ni Ephraim sa akin.Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. At lalong nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Ayokong isipin niyang kaya niya akong paikutin sa kanyang palad. Na kaya niyang paglaruan ang isang tulad ko.Malaki ang campus namin. Halos kasinglaki ng isang buong barangay. Kaya sa loob ng halos dalawang taon, naging madali para sa akin ang umiwas sa kanya.Pero graduation day namin noon.At graduation day naman nila kinabukasan.Hindi ko inaasahang pupunta pa siya sa venue para hanapin ako."Leila! Wait!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagkakataong iyon.Mas binilisan ko ang paglalakad.Lumiko ako sa isang hallway.Pero naroon pa rin siya.Sumunod.Humabol.At kahit nakihalo na ako sa dagsa ng mga estudyante at magulang, nahanap pa rin niya ako.Parang may radar siya at mabilis siyang nakasunod sa akin.Nang sa wakas ay maabutan niya ako, mabilis niyang hinawakan ang aking braso."Ephraim, bitawan mo ako!"Pero imbes na sumunod, hinila niya ako p
Napabuntong-hininga ako at sandaling tumingin sa paligid.Nagkakanya-kanya nang grupo ang mga bisita. Tapos na ang party, kaya may iba iba ng topic ang lahat.May nagkukuwentuhan.May nagsasayaw.May abala sa pagkuha ng litrato.May kumakain pa rin.Kaya itinuro ko ang isang bakanteng mesa sa gilid. Mukhang masaya din naman na magkwento, matagal tagal na naman iyon. Isa pa, baka mawalan na kami ng oras sa isa't isa, dahil may mga asawa na sila."Umupo kaya tayo."Agad namang sumunod sina Chantal at Eli.Mukhang sabik na sabik silang makarinig ng kuwento. At habang nakaupo kami, napailing ako. Mukhang wala na talaga akong kawala.Kaya nagsimula akong ikuwento ang mahabang kasaysayan namin ni Ephraim Delgado. At kung paano niya winasak ang puso ko, sa panahong may pagtingin ako sa kanya.*******************NAKATUNGANGA ako noon sa bintana ng aming classroom habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa court.Isa iyon sa mga requirement ng aming university. Kailang
Matapos ang walang sawang tuksohan, kulitan, at halos isang daang litrato na parang prenup shoot, sa wakas ay natapos din ang programa.Napabuntong-hininga ako. Salamat naman.Pakiramdam ko ay isang buong taon akong pinaglaruan ng host kahit wala pang isang oras ang lumipas.Hawak ko pa rin ang bouquet na mula kay Eli habang naglalakad ako papunta kay Chantal.Paglapit ko pa lang, alam ko nang tatawanan niya ako.At tama nga ako. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa."G*ga ka talaga!" inis kong sabi habang pinipisil ang kanyang braso."Ako agad?" natatawa niyang sagot. "Hindi ko naman alam na may history pala kayo ni Ephraim!""Hmp!" Napairap ako. "Matagal na iyon. College pa kami noon. At para malinaw, hindi naging kami.""Pero parang kung umasta siya, may naging kayo.""Wala ngang naging kami.""Muntik?""Muntik.""Ayon naman pala!" Mas lalong natawa si Chantal. "Naku, alam ko na iyang ganyang kwento. Yung 'muntik' na sinasabi ninyo, kadalasan mas matindi pa sa naging relasyon."
Patuloy na umatras si Winona kahit hawak siya nina Anita at Amor. Nanginginig na ang buo niyang katawan habang nakatitig sa hawak kong long nose pliers."Ipapakulong kita!" sigaw niya ulit. "Bawal ’yan! Baliw ka ba?!"Napangisi ako."Bakit? Kanina gusto niyo akong patayin ah."Tahimik ang buong par
Ilang araw nang wala si Jeremiah dahil sa business meeting niya. Sa gabi na lang kami nagkikita sa bahay, at madalas pagod na pagod na siya pagdating. Minsan nga, nakakatulog na lang siya habang kausap ako.Ako muna ang nag aasikaso ng opisina niya habang wala siya. Kasama kasi niya si Lionel sa bi
Ngunit huli na ang lahat para umatras. Ang pintuan ay nakakandado, at ang aking tadhana ay tila naselyuhan na sa loob ng bakal na rehas ng sasakyang ito.Walang babala niyang hinablot ang aking dalawang kamay. Ang kanyang mga palad ay magaspang at mainit, isang hawak na walang bahid ng pag-ibig kun
“Mag-uuwian na ah,” sabi ko, kunwari’y may halong pagtanggi ang boses ko. Bahagya pa akong napasimangot, tila ba nahihirapan sa biglaang utos—pero sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang kumukulong inis sa dibdib ko.Nagkatinginan silang dalawa bago ngumisi. Isang ngising hindi mo mapagkakamalang in







