Home / Romance / Until I Tasted You / Felt Like Nightmares

Share

Felt Like Nightmares

Author: MissGorgJess
last update Last Updated: 2025-07-24 14:55:33

Pagkalabas ni Selene ng opisina ni Lucian, pakiramdam niya ay parang naipit ang buong pagkatao niya sa pagitan ng mga pader na hindi niya maitulak. Nanginginig ang mga daliri niyang pilit na pinipisil ang folder ng NDA. Nakasuot siya ng formal attire, pero pakiramdam niya ay hubo't hubad siya habang sinusuyod ang hallway palabas. Hindi niya alam kung dahil ba sa titig ni Lucian, sa boses nito, o sa katotohanang kahit ilang taon na ang lumipas, naroon pa rin ang halimaw sa anyo ng isang perpektong lalaking tinitingala ng marami.

Sa loob ng elevator, pinikit niya ang mga mata.

Hindi ako dapat magpaapekto. Hindi ako dapat bumalik sa dati.

Ngunit habang patuloy na nagsusumiksik ang alaala kanina ng init ng palad ni Lucian sa baywang niya, ang malamig nitong titig, ang mga bulong nito sa kaniyang tainga, alam niyang hindi basta makakalimot ang katawan niya. Pero ang puso... ang puso'y puno ng galit. At galit ang tangi niyang pinanghahawakan ngayon.

---

Pagkauwi niya sa bahay, sinalubong siya ng nakabukas na pinto, parang laging handang tumanggap ng gulo. Ang amoy ng yosi at gin ang unang sumalubong sa kanya, halos masakit sa ilong. Naka-on ang TV pero walang tunog; naglalaro ng baraha si Selna kasama ang dalawang babae at isang lalaking kapitbahay. Sa sulok ng sofa, natutulog si Karding, ang kinakasama ng kanyang ina—nakabukas ang zipper ng pantalon, at may basang bimpo sa noo. Di nakatakas sa kaniyang tingin ang lagkit ng titig ng kanilang kapitbahay na lalaki, si Jack.

"Aling Selna, andito na ang maganda niyong anak! Hubog ng katawan parang pang beauty queen!" ngising-aso pa na sabi nito.

"Gago, kanino pa ba magmamana edi sakin?" sabi ng kaniyang Ina sabay tawa nito.

Kitang-kita niya ang nangingitim na nitong mga labi dahil sa kakahipak ng sigarilyo at ang naninilaw na nitong mga ngipin. Ngunit hindi maitatangging maganda talaga ang kaniyang Ina. Hindi lingid sa kaalaman niya na marami ng dumaan na lalaki sa buhay ng kaniyang Ina. Gold digger pa nga ang tawag dati sa kaniyang Nanay dahil sa papalit-palit ito ng kasintahan at lahat mga may pera.

Hindi ko kailanman nakilala ang aking ama. Pero narinig ko dati sa mga chismis ng kapitbahay na mayaman daw ang aking ama. Hindi ko na rin magawang isipin pa kung sino siya dahil wala namang silbi pa. Ilang taon na ang nagdaan, wala man lang itong balak na makilala siya. Hanggang sa dumating na nga ang panahon na nakilala ng mama ko si Reagen Black. Iba siya sa lahat ng ipinakilala sakin ng mama ko. Mabait at sobrang galante. Ngunit dumating ang panahon na biglang nag iba ang lahat pati pakikitungo niya samin.

"Damn you, bitch! Akala mo talaga hindi ko malalaman ha? Fuck it. I will make your life a living hell. Yang ganda mong yan na ginagamit mo para sa kalandian? mawawala rin yan dahil sa mararamdaman mong hirap at ng anak mo!" narinig kong sigaw ni Mr. Black.

Ito ang unang beses na narinig ko siyang ganon. Kailanman ay palagi itong nakangiti pag nakikipag usap at ang gaan ng boses. Hanggang sa unti-unti ng nawala sa amin ang lahat. Ang dating komportableng pamumuhay ay napalitan ng paghihirap.

“Selene, halika rito. Wala ng natirang ulam, pinang pulutan na namin. Bumili ka na lang ng ulam mo.”

"Asan po ang pambili?"

"Ay teka lang," dali-dali nitong isinuksok ang kamay sa bulsa ng sobrang ikli nitong maong na shorts saka inilabas ang isang limang piso at tatlong piso.

"Oh, ayan na lang muna. Malas ako ngayon sa sugal eh. Kailangan kong bumawi."

Napatingin siya sa ina, lasing na naman. Pula ang mata, nanginginig ang kamay. Nakakapanlumo pa ring makita ang Nanay nita sa ganitong kalagayan. Ilang beses nang pinangako nito ang pagbabago, pero sa bawat araw na lumilipas, parang mas lumulubog pa ito.

“Kaya nga po siguro tayo malas, Ma. Kasi mas gusto n’yong yakapin ang mga bisyo na 'yan kaysa magsimula ng maayos."

Tumigil ang ina sa pag-shuffle ng baraha. Napatingin ito sa kanya ng diretso. Nababanaag na naapektuhan ito sa sinabi niya.

"Hayaan mo na ako kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Hangga't alam mo sa sarili mo na ayaw mo maging katulad ko, yun ang mahalaga. Libangan ko 'to at anak lang kita."

Nanigas si Selene.

Tama nga sila. Hindi ako ganon ka-importante sa Nanay ko. Bata pa lang ako hindi ko naman talaga naranasan na alagaan at mahalin ng isang Ina. Ang mahalaga lang sa buhay niya ay pera.

Tinalikuran ko na lang sila at pumanhik sa kahoy na hagdan ng aming maliit na bahay.

---

Tumunog ang katok sa pinto. Maaga pa, pero hindi na siya nagulat nang bumulaga si Mira sa pintuan, may dalang dalawang kape at isang paper bag na may nakalagay na "Deserve mo ng ensaymada at kiss ng asukal de papa."

“Good morning, sunshine!” sigaw nito, kahit halatang amoy sigarilyo ang paligid. “Aba—wow. May drama na agad?”

Napatingin si Mira kay Selna na nakasalampak sa sahig, may hawak na bote ng gin habang si Karding ay naghihilik pa rin sa sulok.

“Oo. Hindi lang drama. Pang telenovela,” sagot ni Selene, sinasalo ang mga dala ng kaibigan at hinila ito papasok sa silid niya.

Pagkasara ng pinto, halos sabay silang napabuntong-hininga.

“Ano na? Anong ganap sa life mo?” tanong ni Mira habang inilalabas ang ensaymada mula sa paper bag.

Tahimik si Selene sandali. Tinitigan lang ang kape, saka mahinang bumulong, “Intern ako sa kumpanya ng ex-lover ni Mama. Hindi lang basta intern ha, nilagay pa ako bilang assistant ng lecheng lalaking 'yon."

"Be specific naman girl. Ang daming yayamanin na naging jowa si Tita Selna. Sino sa mga 'yon?"

Napataas siya ng kilay. Oo nga naman.

"Si Lucian Black, may-ari ng The Black Empire Corporation"

Napaso ang dila ni Mira sa kape sa sobrang gulat.

“Wait—what?! Akala ko... wait lang. Wait lang talaga. 'Yung Lucian Black na ubod ng yaman at saksakan ng gwapo?!"

"OA naman sa mga words."

"Totoo naman talaga eh. OA naman sa kagwapuhan yan si Lucian Black! Sarap maging sugar daddy! Ugh!"

"Ewan ko sayo. Pero oo. Siya nga.”

"Edi blessing yon! Gaga ka ba? Alam ko naman na nung nagkita kayo kulang na lang sunggaban mo siya. Tama ako 'no? Lumuwag ba panty mo?"

"Mas gaga ka! Anong akala mo sakin easy to get? Free taste sa food stall?"

"Hahaha. 'Wag ka nang magkunwari girl. Yummy naman talaga si Mr. Black, sarap magpa baby sa kaniya o 'di naman kaya gumawa ng baby kasama siya hahaha."

Kita mo 'to. Parang baliw na ang gaga. Ganito pala talaga ang epekto ng Lucian Black na 'yon? Pano pa kaya kung makita ng lukaret na kaibigan ko na 'to sa personal ang hudas na 'yon? Baka atakahin siya sa kilig.

"Hoy babae, nakakainis naman ang tawa mo. Para kang sinasapian. Pano pa kung makita mo 'yon sa personal? Laglag panty mo."

"Ano ka ba! Kung magkikita man kami sa personal, 'di na ako magpa-panty hahaha!"

Hindi napigilan ni Selene ang matawa, kahit sandali. Pero agad ding nawala ang ngiti niya. Monday na pala bukas.

Bukas. 7 A.M.

Magsisimula na ang tunay na laban.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Until I Tasted You   Confused

    “Coffee, Selene?” tanong ni Ellen, pagbalik niya sa lounge bitbit ang tray na may dalawang tasa. She blinked. “Ah, no. I’m good. Thanks.” Pero totoo niyan, hindi lang kape ang ayaw niya—ayaw niyang makita si Lucian ulit. At least not right now, hindi pagkatapos ng ginawa nila. Nahihiya siya sa sarili niya. Muntik pa niyang maisuko ang bataan. Pero aminado naman siya na ginusto naman niya. Ang problema? Alam niyo sa puso niya na gusto niyang maulit muli iyon. Gusto niya ang init na nararamdaman niya kapag nagkakadikit ang kanilang mga labi, maging ang kanilang mga katawan. She looked down at her blouse, now freshly tucked and buttoned like nothing had happened. Pero sa ilalim nito, naroon pa rin ang bakas ng halik. Ang lagkit ng titig ni Lucian. Ang bigat ng kamay nito sa baywang niya. Isang beses lang, at ramdam niya—hindi na siya babalik sa dati. “Selene.” Napalingon siya. Sa hallway, nakatayo si Lucian, isa sa mga kamay ay nasa bulsa, ang isa nama’y may hawak na tablet. Po

  • Until I Tasted You   Lit up the Fire

    “Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.” “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. --- Day Two – 10:00 AM Gusto sana niyang pumasok ng tahimik at hindi mapansin. Pero tila ba may radar si Lucian—bago pa man siya makaupo, lumabas na ito mula sa

  • Until I Tasted You   Unang araw, unang bangungot

    Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw.Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon.Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana?Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba. Sam

  • Until I Tasted You   Felt Like Nightmares

    Pagkalabas ni Selene ng opisina ni Lucian, pakiramdam niya ay parang naipit ang buong pagkatao niya sa pagitan ng mga pader na hindi niya maitulak. Nanginginig ang mga daliri niyang pilit na pinipisil ang folder ng NDA. Nakasuot siya ng formal attire, pero pakiramdam niya ay hubo't hubad siya habang sinusuyod ang hallway palabas. Hindi niya alam kung dahil ba sa titig ni Lucian, sa boses nito, o sa katotohanang kahit ilang taon na ang lumipas, naroon pa rin ang halimaw sa anyo ng isang perpektong lalaking tinitingala ng marami. Sa loob ng elevator, pinikit niya ang mga mata. Hindi ako dapat magpaapekto. Hindi ako dapat bumalik sa dati. Ngunit habang patuloy na nagsusumiksik ang alaala kanina ng init ng palad ni Lucian sa baywang niya, ang malamig nitong titig, ang mga bulong nito sa kaniyang tainga, alam niyang hindi basta makakalimot ang katawan niya. Pero ang puso... ang puso'y puno ng galit. At galit ang tangi niyang pinanghahawakan ngayon. --- Pagkauwi niya sa bahay, sin

  • Until I Tasted You   Fire in the Cold

    Mainit ang opisina, kahit malamig ang aircon. Malamang. Kasama niya yung demonyo eh. Nagtaka pa siya. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi siya dapat magpatinag. Pero habang nakatitig sa kanya si Lucian Black—sa kanyang labi, sa kanyang leeg, sa kanyang mga mata na pilit niyang pinatitigas—pakiramdam ni Selene ay unti-unting nabubura ang depensa niya, gaya ng isang kandilang nauupos. Tinatatak niya sa isipan na ito ang walang pusong lalaki na sumira ng buhay nilang mag-ina. “So... you’re all grown up now.” Mababa ang boses nito, halos pabulong, na para bang lihim na tuksong hinahatid ng hangin. “Mr. Black, I'm here as your intern, not as your... anything else.” Mariin ang sagot niya, pero bakas sa bahagyang pag-angat ng dibdib niya ang hindi inaaming kaba. Lumapit si Lucian. Mabagal. Nakasuot ito ng three-piece suit, pero tila kahit gaano ka-formal ay hindi nito matakpan ang likas na tikas ng katawan nito. Ang mukha nito ay parang canvas ng isang magaling na pintor. P

  • Until I Tasted You   Meet Mr. Black

    Hindi kailanman naging bahagi ng plano ni Selene ang mag-intern sa The Black Empire Corporation. Sa totoo lang, kahit kailan, ayaw niyang tumapak kahit isang hakbang sa gusaling iyon. Sa bawat hakbang kasi niya parang may malamig na nakadagan sa batok niya. Ang matayog na gusaling iyon ang pagmamay-ari ng lalaking matagal ng umukit ng galit at poot sa kaniyang isipan.Lucian Black. Ang taong ubod ng yaman, makapangyarihan, ang dating kasintahan ng kaniyang Ina. Masiyado itong hambog sa paningin niya kahit halos sampung taon na ang nakararaan ng huling makita niya ito. Sa magazine niya kasi madalas makita ito at kilala ng mga kaibigan maging kaklase niya dahil bukod sa billionaire ito ay sobrang gwapo at kisig nito sa edad na kwarenta. "Congratulations, Selene. Ikaw ang napili ng school para maging intern sa The Black Empire Corporation." Malamig ngunit mariin ang tono ng aking adviser sa unibersidad, si Professor Manalo. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o galit pero na-realize

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status