/ Romance / Valentina: The Unwanted Wife / Chapter Two- Araw ng Kasal

공유

Chapter Two- Araw ng Kasal

last update 최신 업데이트: 2025-09-23 23:11:23

"Who allow you to enter my house?"

Matigas ang mukha na tumingin si Leona kay mama Lala na sumagot.

"You give me your permission when you ask my employee to come here. I am the owner of Leona's Boutique. Don't you notice the name?" mataray na sagot ni Leona kay mama Lala.

"Then my appointment is cancelled. I can pay you for your gas and effort to come here." wika ni Mama Lala saka tumayo ito at inutusan ang katulong na kuhanin ang bag niya sa kuwarto niya.

"You don't need to pay me, Tita. I have my own money."

"Then I insist. I am richer than you. Thinking that I owe you makes me throw up. I don't like you, girl." matapang na wika ni Mama Lala kay Leona na ikinatayo ni Aekim mula sa pagkaka- upo saka lumapit kay mama Lala.

"Don't worry, Tita, the feeling is mutual." sagot naman ni Leona kay Mama Lala. Lalong nag-init si mama Lala at tangkang lalapitan niya si Leona ng bigla nalang itong pinigil ni Aekim.

"Tsk. Do you hear that Aekim?" baling na tanong ni Mama Lala sa anak. "A girl with squammy attitude." wika ni mama Lala kay Leona kasabay ng pagtikwas ng kaliwang labi nito.

Sasagot pa sana si Leona kay Mama Lala ngunit na natigil ito ng bigla nalang sumigaw si Aekim.

"Please Leona, stop it!" sigaw ni Aekim kay Leona. Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Aekim kahit ako ay hindi makapaniwala. This is the first time na sumigaw si Aekim. Kahit galit na galit ito sa akin pero never pa ako nitong sinigawan. Sabagay kapag ina mo na ang kinanti ganyan din ang gagawin ko. Ibang usapan na pagdating sa magulang.

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Leona habang nakatingin kay Aekim, hindi ito makapaniwala sa ginawa sa kanya ng binata. Nang makabawi ito ay bahagyang lumungkot ang mukha nito saka walang pasabi na lumabas ng bahay.

"Ayaw na ayaw ko sa babaeng iyon. Walang modo. Ilang beses ko nang nasaksihan kung gaano kasama ang ugali niya. Hindi man lang marunong mahiya. Walang sinasanto kahit sa public nagkakalat." galit na galit na wika ni Mama Lala habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Leona. Parang gusto talaga nitong tirisin si Leona kanina kaso hindi nito magawa dahil sa nandyan siya at si Aekim.

"Siya ba ang babaeng gusto mo, Aekim? Tsk. You have a poor taste, son." wika ni Mama kay Aekim saka bumaling sa mga katulong na dapat magbibigay ng meryenda.

"Paki- linisan ang buong bahay dahil may maalisansang na amoy na nakapasok." galit na wika ni mama Lala sa katulong saka galit na tumingin kay Aekim.

Padabog na umalis si mama Leona sa sala at umakyat ng hagdan. May kung ano pa itong sinasabi ngunit hindi namin ito marinig. Galit talaga siya ngayon ko lang siya nakitang nagalit. Alam kong mataray at strict si Mama pero ang sumigaw at handang makipagsabunutan hindi. She's a devil.

Naiwan kami ni Aekim sa sala at ng dalawang babae na kasama ni Leona kanina. Napatingin ako kay Aekim na nanghihingi ng tulong dahil hindi ko alam ang gagawin sa dalawang babaeng naiwan ng amo.

"Ma'am, I'm so sorry pero hindi na po kami sa inyo magpapa-sukat at magpagagawa ng gown." si Aekim.

Buti naman at na-gets niya ako.

Lumabas ang dalawang babae sa bahay na hindi nagsasalita, ni tango wala kaming nakuha. Hindi naman sila galit ayon sa mga mukha nila pero alam kong nahihiya at naghihinayang ang mga iyon. Malaki din sana ang kikitain nila sa amin. Naglaan kasi si Mama Lala ng two hundred thousand para sa gown ko hindi pa kasama ang tuxedo ng groom, bestmans, maid of honor, bridesmaid, flower girls, ring bearer and etc. Sa tantiya ko gagastos si Mama Lala mahigit isang milyon at kalahati. Ang gastos magpakasal.

Narinig ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Aekim kaya napatingin ako sa kanya. Hindi man ito nagsasalita pero alam ko at kita ko na galit ito sa akin. Nakita ko ang reaksiyon nito kanina. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo saka dahan-dahan na umalis sa harap nito. Naglakad ako palabas ng bahay dahil kailangan ko ng taong makausap nang maalala ko si Nana Lillia.

"Yes. Si Nana Lilia ang kailangan ko."

Bumalik ako sa loob ng bahay at nakita kong wala na si Aekim sa sala. Umakyat ako nang hagdan para puntahan si Nana sa kuwarto niya. Bago ang kuwarto ni Nana ay kuwarto ni Mama Lala kaya madadaanan ko talaga ito.

Nasa bungad pa lang ako ng hagdan ay dinig na dinig ko na ang pagatatalo ng mag-ina. First time ko din silang marinig na nagtatalo at ang pinagtatalunan nila ay ako at si Leona.

"Ayaw ko sa babaeng iyon, Aekim, at hindi mo ako mapipilit na gustuhin siya."

"Hindi ko din naman gusto si Valentina, Ma, pero may magagawa ba ako? Kayo lang ang may gusto sa kanya at wala kayong narinig mula sa akin. Tapos ngayon sa kay Leona ang dami n'yong sinasabi."

"Dahil iba si Valentina kaysa diyan sa Leona mo. Si Valentina ay isang maayos na babae at 'yang si Leona ay nakapa-walanghiya, walang modo at bastos."

"So, lahat nalang na mali kay Leona at lahat na kabaitan ay nasa kay Valentina." napipikon na wika ni Aekim sa Mama niya. Halata sa boses nito na kahit anong gawin ng ina niya ay hindi nito mababago ang paniniwala at pagmamahal kay Leona. Dine-defend niya ito sa ina kahit mali naman ang isa. Lantaran na ang pangba-bastos ni Leona kay mama Lala kanina pero tila ayaw niyang paniwalaan ito. Ayaw niyang tanggapin.

"Ang mga ginagawa ni Valentina sa akin, Ma, sa tingin mo tama? Siya itong babae pero habol nang habol sa akin, tama ba iyon? At talagang supportive kapa sa kanya, kayo ni Nana." dugtong pa nito na halata ang sama ng loob para sa ina at sa kaniyang Lola.

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi ni Aekim kay Mama Lala.

"Ang baba pala talaga ng tingin niya sa akin." wika ko sa sarili ko. Napatingin ko sa sarili ko mula paa hanggang sa suot kong damit. "Hindi pala talaga ako kamahal-mahal." usal ko.

"Anak, buksan mo ang mga mata mo. Buksan mo para makita mo ang pagkaka-iba ng dalawa. Huwag mo laging pairalin ang puso, utak anak, utak."

"Ikaw ma, utak ba ang pinairal mo noong inasawa mo, papq?" maya-maya ay tanong ni Aekim sa ina.

"Oo, anak. Mga magulang namin ang nagtakda ng kasal namin. Tulad mo arrange marriage din kami. Hindi mo iyon alam dahil sa hindi namin pinag-uusapan." sagot ni Mama Lala kay Aekim na ikinatahimik nitong huli.

Dahil sa takot na baka maabutan ako ni Aekim kapag lumabas ito sa kuwarto ng Mama niya patakbo kong tinungo ang kuwarto ni Nana na walang ingay. Ayokong makita ni Aekim baka pati ako masigawan din.

Pagdating ko sa kuwarto ni Nana ay ang dextrose agad ang nakita ko. Hindi pa ako tuluyang nakalapit sa kanya tumutulo na kaagad ang luha ko. Nasasaktan ako sa sitwasyon niya. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sa kanya gayong noong malakas pa ito ay ako ang inuuna, pinoprotektahan at nilalaanan ng oras.

Pinahid ko ang mga luha ko saka umupo sa tabi ni Nana. Alam kong naramdaman niya ang bahagyang pagalaw ng higaan nito dahil sa gumalaw din ang kamay nito.

"V-val, a-are you okay?" tanong nito sa akin kahit nakapikit. Kilalang-kilala niya ako.

"Hindi po ako okay, Nana." sagot ko sa kanya saka suminghot. "I'm not okay seeing you like this. I am not okay because you're sick and I am here doing nothing."

"Ssh. It's not your fault, hija. I am here, like this, because this is my fate. We're destined to die, Val, and we can't oppose it."

"Nana, nasasaktan ako."

"Val, iiwan kita sa anak at apo ko kaya huwag ka nang umiyak."

"Ikaw ang kailangan ko, Nana. Paano kung gusto ko ang maikasal sa taong mahal ko maliban kay Aekim?" kinakabahan kong tanong kay Nana Lilia.

"Bakit may nagugustuhan ka na bang iba? Akala ko ba patay na patay ka diyan sa app ko? Bakit bumalik na ba ang crush mo noon?"

"Paano kung may ibang mahal si Aekim, Nana? Apo mo siya, dapat ang huling hiling mo ay ang sumaya siya kasama ang babaeng mahal niya."

"Ikaw ang nararapat sa kanya, hija. Wala nang iba pa. Hindi man iyan makikita sa ngayon ng apo ko pero dadating ang araw na siya naman ang hahabol sayo." wika ni Nana na tila siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.

"Paano kung forever niyang mamahalin ang nagugustuhan niya, Nana, paano na ako? Masasaktan lang ako hanggang sa huli. Masasayang lang ang oras, araw, panahon at pagmamahal na ginugol ko sa kanya."

"Bakit umuwi na ba si Solomon?" seryoso nitong tanong sa akin.

"Matagal na siyang naka-uwi, Nana, don't you remember? Kaka-uwi nga lang niya galing Italy last week. He's really cute and professional."

"Do you have a feeling for him?"

"Tsk. You always know the answer, Nana."

"Mas maganda pa kaysa mag-isip ka ng kung anu-ano."

"Nana, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo na magpakasal kami ni Aekim?" tanong ko sa kanya habang marahan na menamasahe ang braso nito pababa sa kamay.

"Hindi." mariing sagot nito.

————

Ito na ang araw na pinaka-hihintay ng lahat. Ang kasal namin ni Aekim. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse habang naghihintay ng hudyat mula sa loob na p'wede na akong pumasok.

Hawak-hawak ko ang white and pink na fresh roses na bouquet ko habang nagtatalo ang utak ko. Kung itutuloy ko ba ang kasalang ito o ang tumakas. Ayoko din naman na magalit sa akin si Nana.

"Lord, ikaw na ang bahala sa akin. Alam kong alam Mo kung saan ang punta ko. Alam kong Alam mo kung kailan ako susuko at saan ako pupunta. You're my Father, God, who can guide me in every step and every decision I need to make.

Nakita kong naglalakad paglapit ng isang babae na isa sa mga weeding organizer ng kasal namin ni Aekim dito sa kotse. Alam kong kailangan ko nang maghanda.

Maya-maya ay narinig ko na ang marahan na katok ng babae sa bintana kung saan ako banda naka-upo. Binuksan ko ang pinto saka ngumiti sa babae bago lumabas ng kotse. Ito na, malapit na talaga. "Kaya ko bang panindigan ang bahay- bahayan na ito? Kahit sabihin ko nang paulit-ulit na mahal ko si Aekim sa harap nito ng pari, ng mga taong nandito pero ang puso ni Aekim, ay hindi sa akin. Hindi ako ang nagmamay-ari ng puso nito.

Huli na. Huli na ang pagtanggap ko na kailanma'y hindi akin si Aekim. Ngunit hindi ko naman kayang biguin si Nana Lilia. Hindi ko kayang saktan ang taong halos ito na ang tinuturing kong magulang dahil sa nasa ibang bansa ang magulang ko palagi. Kung hindi ko lang kasal ngayon hindi ang mga ito uuwi ng Pilipinas.

Mas mahal kasi ng mga ito ang isa kong kapatid kaysa akin. Charr lang. Matagal na silang nag-migrate sa Spain ako lang talaga ang ayaw dahil ayokong iwan ang mga taong mahal ko.

"Ma'am, ilang minuto nalang po at magsisimula na po." wika sa akin ng babae habang nakangiti sa akin saka nagbukas ito ng malaking UV umbrella na kulay puti.

"Pwede pa kaya akong umurong sa kasal na 'to?" walang sa sarili kong tanong sa babae na nagpatigil dito. Mataman akong tinitigan ng babae bago ito ngumiti ng hilaw sa akin.

"Palabiro po pala kayo, Ma'am." nakangiti nitong wika sa akin ngunit halata sa tinig nito ang pag-aalinlangan. Dahil sa nakita kong reaksyon ng babae pinili ko nalang ang tumawa. Ngunit ang totoo ay gusto ko ng tumakbo pauwi ng bahay.

Naglalakad na kami ng babae palapit sa nakasarang pinto ng bigla nalang niya akong pinigil.

"Ma'am, huwag po muna kayo dumiretso sa loob dito lang po muna tayo kahit eight steps lang malapit sa pinto." ani nito.

"Sige po."

"Saglit lang po, Ma'am."

"Okay lang po kahit one hour pa tayo dito sa labas." sagot ko naman na kinakabahan.

"May sense of humor po pala kayo, Ma'am. Maganda kausap ang taong tulad n'yo po."

"Wala po akong sense of humor, katotohanan sa sinasabi ko mayro'n po." sagot ko dito saka tinaponan ito ng tingin. Hindi ko alam na nakatingin din pala ito sa akin. At ngayon ang mga tingin nito ay seryoso hindi tulad kanina.

"Seryoso po ba kayo sa mga sinasabi ninyo, Ma'am?" tanong nito sa akin na seryoso ang mukha.

"A-ah, h-hindi. Na-te-tense lang ako." pagsisinungaling ko saka hinawak ko sa kanya ang nanlalamig kong kamay.

"Inhale and exhale po kayo, Ma'am, baka po mag-collapse kayo."

"Ganyan dapat, Ma'am. Inhale sa ilong at bumuga ng hangin." pagbibigay instruction nito na ginagawa ko naman. "Okay ka na?" maya-maya ay tanong nito sa akin.

"Opo. Maraming salamat po sa'yo." nakangiti kong wika saka muling humugot ng hangin saka bumuga.

Mabuti nalang si Ate ang nag- assist sa akin kasi kung ibang tao baka nahimatay na ako ngayon sa sobrang kaba.

"Messi." anang boses ng babae sa hawak nitong walkie talkie.

"Yes, Miss Tin." sagot naman ng babaeng katabi ko.

"Prepare the bride in twenty seconds."

"Yes po, Miss Tin."

"Start now!"

"Ten"

"Nine."

"Eight."

Ayokong mag-isip pero hindi mo mapigilan lalo na habang papalapit sa one ang counting.

"Six"

"Five"

Kasabay ng pagbibilang nitong babaeng kasama ang pag-aayos ng mahabang gown ko. Hanggang sa marinig ko ang....

"Two"

"One."

Biglang bumukas ang dobleng pinto ng simbahan at kasabay nito ang pagtugtog ng kanta pang-kasal.

Napatitig ako sa katabi ko saka tumingin sa mga taong naghihintay sa akin sa loob ng simbahan. Ipinikit ko ang aking mga mata habang ang mga kamay ko ay mahigpit na naka-kapit sa aking trahe de boda.

"This is it. Hindi mo na talaga maiwasan 'to, Valentina."

"Ma'am, pwede ka na pong maglakad papasok." wika sa akin ng babae. "Congratulations po." ani pa nito saka ngumiti ng matamis sa akin.

"Normal lang ang kabahan lalo na't mahal mo ang taong naghihintay sayo sa altar."

Gusto kong sagutin ang babae kaso wala na akong panahon at wala akong gana.

"Maglakad na po kayo, Ma'am, kanina pa naghihintay sa inyo ang pogi ninyong soon to be husband."

"Soon to be husband." ulit ko sa sinabi nito. "Pero hindi niya ako mahal." tugon ng kabilang utak ko.

Ako lang yata ang ikakasal na masaya pero hindi gano'n ka saya. Natatakot at kinakabahan na inihakbang ko ang kanang paa kasunod ang kaliwa.

"This is my life; this is my fate; fate brought me here, and this is the future I have to look forward to.

Nang makapasok na ako sa loob ng simbahan hindi si Aekim ang una kong tinignan kundi ang aking mga magulang at si Tita Lala. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang saya, saya na sana ay mararamdaman ko rin. Napangiti ako kay mama at papa ng lumapit ito sa akin para ihatid ako sa altar.

"You're so beautiful, baby." nakangiti na wika sa akin ni mama saka humalik sa pisngi ko.

"Well, talagang nasa natin ang magaganda ang guwapo." sagot naman ni papa na ikinatawa namin ni mama.

"Mayabang ba na lahi, Pa?" biro ko kay papa. Laking pasalamat ko sa magulang ko at naibsan ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina.

Ayoko sana tignan si Aekim na nakatayo sa altar habang naghihintay sa akin ngunit hindi ko maiwasan lalo na't pinagyayabang ito nina mama at papa.

"Perfect na perfect sa iyo si Aekim, anak." si Mama.

"Wala akong masabi na hindi maganda pagdating sa kanya kaya alagaan mo siya, anak." si Papa. "Palagi kayong mag-usap para iwas misunderstanding."

Gusto kong sagutin si papa na ngayon palang gusto ko ng siyang iwan dahil sa ang kasal na ito ang siyang magtatali sa kanya sa akin at hindi pagmamahal. Masakit man isipin pero ang kasal na ito ay isang hiling ng taong malapit ng mamamatay. May basbas man ng mga magulang pero labag naman sa loob ni Aekim. Ang lalaking gusto ko makasama habang buhay.

"Ma, Pa, kung sakali man na maghiwalay kami ni Aekim tatanggapin n'yo ba ako?" tanong ko sa kanila sabay tingin sa kinaroroonan ni Aekim. Ang pogi nito sa suot nitong puting tuxedo na may maliit na bulaklak sa kabilang dibdib. Ito ay corsage kung tawagin.

Magkasabay na tumingin sa akin ng masama ang magulang ko dahilan para tumawa ako ng peke.

"Kidding." wika ko saka pilit na pinasigla ang aking boses.

"Huwag kang magbiro sa ng ganyan, Valentina. Araw ng kasal mo at naglalakad ka palapit sa altar kung anu-ano ang iniisip mo." seryoso na wika sa akin ni ma'am. "Huwag mong simulan ng negatibo ang unang araw mo bilang kasal." ani pa nito.

"Yes anak, huwag mag-isip ng masama at hindi maganda. Alam mo naman na pagkatapos nito uuwi na kami ng mama mo sa España." sang-ayon naman ni papa.

"Nagbibiro lang po ako, Papa, Mama." wika ko saka humalik sa kamay ni Mama at Papa.

Dumating na kami sa harap ng altar at ibinigay na ni Papa ang kamay ko kay Aekim na kaagad naman nitong tinanggap.

"Ingatan ang anak namin, Aekim, ibibilin ko siya sayo. Nag-iisa lang na babae sa mga anak jo 'yan, kaya sana intindihin at alagaan mo siya." wika ni Papa kay Aekim na sinagot nito ng tango.

"Kapag pinaiyak o sinaktan mo ang anak ko, babawiin ko siya sayo at hindi mo na siya makikita kahit kailan." mariing banta ni Mama kay Aekim. At sa ikalawang pagkakataon, isang tango ulit itunugon nito.

"Hindi niya talaga ako feel." ani ko sa utak ko saka iniyuko ang ulo para itago ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Huwag po kayong mag-alala, Mama, Papa, alagaan ko po ang anak ninyo." sagot nito na ikinagulat ko. Akala ko hindi na ito magsasalita.

"Salamat." magkasabay na pasalamat ni Mama at Papa kay Aekim saka umalis at umupo sa upuan na nakatalaga para sa kanila.

Tumingala ako para tignan si Aekim, hindi ko alam na nakatingin pala ito sa akin. Inayos nito ang kamay ko na naka-kapit sa braso niya. Ramdam ko ang pag-iingat nito dahilan para makonsensya ako.

"Mahal kita, Aekim." mga salitang namutawi mula sa aking bibig sabay sulyap sa kaniya. Ngunit irap lang ang natanggap ko.

__________

Pagkatapos ng kasal namin ni Aekim ay dumiretso na kami dito sa bahay para makita at makapag-paalam kami kay Nana Lilia. Mamayang alas kuwatro ng ay tutulak kaming dalawa ni Aekim sa Thailand para sa honeymoon namin. Ngunit alam kong hindi honeymoon ang mangyayari kundi mag-aaway at mag-iiwasan isa't-isa.

"C-congratulations, mga apo." bakas ang tuwa sa mukha na bati sa amin ni Nana Lilia nang makalapit na kami sa kaniyang kinahihigaan.

"Thank you, Nana." nakangiti na sagot naman ni Aekim kay Nana saka humalik sa noo ng matanda.

"H-how's your wedding, hija, hijo?"

"O-okay lang po, Nana." naiilang kong sagot kay Nana habang nakatingin kay Aekim.

"Good. Gumawa na agad kayo ng apo ko, ha." wika ni Nana saka dahan-dahan na tumingin sa direksiyon ko. Napa-ubo ako sa sinabi ni Nana sa akin.

Lumapit sa akin si Aekim saka marahan na hinimas ang likod ko dahilan para mas lalo akong mapa-ubo. Bakit ba kasi kapag mas umiinit ang katawan tapos nanginginig kapag malapit ko kaya hinahawakan ako ni Aekim.

"A-aekim, ple..ase s..top." wika ko kay Aekim na umuubo pa rin habang pilit na lumalayo dito.

"Tinutulungan lang kita diyan sa ubo mo."

"T-tubigg."

"K-kuhanan mo s-siya ng t-tubig Aekim." utos ni Nana Lilia kay Aekim na kaagad naman itong tumalima. "Hay naku, V-valentina. Talagang pagmamahal ang tawag diyan."

"Nana." tanging wika ko saka umupo sa tabi ni Nana malapit sa stand ng dextrose.

"M-masaya ka ba?"

"Pwede bang sabihin ko na hindi, Nana? Pilit lang kasi itong kasal."

"N-nagsisisi ka?"

"Mahal ko siya, oo. Pero siya hindi niya ako mahal, Nana."

"Ma-matutunan ka din niyang mahalin."

"Sana nga, Nana."

"A-alam ba ni S-solomon na kasal kana?"

"Hindi. Umalis siya papuntang, Thailand noong Wednesday para sa um-attend ng convention."

"Sa Thailand kayo magha-honeymoon diba?"

"Opo, Nana."

"Sino ang nag-book ng honeymoon ninyo?"

"Si mama Lala."

"Hindi niya alam na ang dati mong crush nasa Thailand at ngayon ay  nanliligaw sayo?"

"Ikaw lang naman ang nakaka-alam, Nana. Hindi naman ako nagku-kuwento sa iba."

"Shish. Crush mo pa rin ba siya?" tanong ni Nana sa akin na ikinangiti ko. Inilapit ko ang bibig ko sa teynga ni Nana saka bumulong.

"Hindi kasi si Aekim ang mahal ko."

"Asus. Kinikilig."

"Pogi niya kanina, sobra, Na. Nakita mo naman diba?"

"Oo." kinikilig na sang-ayon sa akin ni Nana. "Saan na ba si Aekim at kanina pa siya kumuha ng tubig hanggang ngayon wala pa." mahabang litaniya ni Nana.

Lumapit sa akin si Aekim at bumulong. "Do you think I am happy? This hell is just starting."

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Eight- Toothbrush

    "Kumain ka na nga, Valentina, naririndi na ako sa bunganga mong maingay." "Nagtatanong lang naman ako a. " "P'wede ba, for once, huwag ka ng sumagot o magsalita. Nabibingi na ako sa boses mo. Para kang kuliglig sa parang." irita na wika sa akin ni Aekim. Parang gusto na nga ako nito bigwasan."Ano 'yon? Di ko ma gets. Ano ang kuliglig?" tanong ko dito. Hindi ko talaga alam kong ano ang kuliglig. Kaya nga humihingi ako ng dipensa sa guro ko sa Pilipino dati dahil nganga talaga ako sa malalalim na salita. "Anak ka ng patis, Valentina. Matutuyuan talaga ako ng dugo sa'yo. It's cricket." pikon na pikon na sagot sa akin ni Aekim. Para ngang natuyo na ang dugo nito sa kakatanong ko mula pa kanina. "Sorry na." hinging paumanhin ko sa nagtalukbong nang kumot. "Hindi ko talaga alam e." "I really don't know why grandma likes you. Mukhang  nasa seventy five lang ang level ng IQ mo." wika nito. "E di mag-sana all ka!

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Eight- Toothbrush

    "Kumain ka na nga, Valentina, naririndi na ako sa bunganga mong maingay." "Nagtatanong lang naman ako a. " "P'wede ba, for once, huwag ka ng sumagot o magsalita. Nabibingi na ako sa boses mo. Para kang kuliglig sa parang." irita na wika sa akin ni Aekim. Parang gusto na nga ako nito bigwasan."Ano 'yon? Di ko ma gets. Ano ang kuliglig?" tanong ko dito. Hindi ko talaga alam kong ano ang kuliglig. Kaya nga humihingi ako ng dipensa sa guro ko sa Pilipino dati dahil nganga talaga ako sa malalalim na salita. "Anak ka ng patis, Valentina. Matutuyuan talaga ako ng dugo sa'yo. It's cricket." pikon na pikon na sagot sa akin ni Aekim. Para ngang natuyo na ang dugo nito sa kakatanong ko mula pa kanina. "Sorry na." hinging paumanhin ko sa nagtalukbong nang kumot. "Hindi ko talaga alam e." "I really don't know why grandma likes you. Mukhang nasa seventy five lang ang level ng IQ mo." wika nito. "E di mag-sana all ka!" sagot ko sa kaniya sabay tanggal ng kumot na nakatakip sa ulo. "E ano nam

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Seven- Hangover

    "Uminom ka pa ulit." Nagulat ako ng bigla nalang may nagsalita. Hindi ko man lang namalayan at naramdaman ang paglapit nito sa akin. At anong sabi niya kulang pa 'yan? Siraulo ba siya? Sobrang sakit kaya. Hindi ako katulad niya na lasinggero. Itulad niya pa ako sa kan'ya. Close ba kami? Ang kabet niya kamo ang magaling sa tunggahan idadamay pa ako.Lumapit sa kinaroroonan ko si Aekim habang bitbit nito ang isang kulay brown na tray. Nakita kong nakalapag sa ibabaw ng tray ang isang puting tasa na umuusok pa. Kape. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy kape ng dala nito. Ang bango. Sa tabi nito ay may puting platito na may lamang sandwich?"Inumin mo 'to." utos sa akin ni Aekim sabay lapag ng tray sa ibabaw ng kama ko. "Tapos ito." dugtong pa nito na ang tinutukoy nito ay ang aspirin tablet na nakalagay sa tabi nang platito na may lamang sandwich. "No." mahinang wika habang nakatingin sa tableta. "Dapat nga pabayaan

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Six- Drunk

    NAGLALAKAD-lakad ako sa daan habang busy sa kakukuha ng litrato. Lahat ng nakikita ko maganda. Magandang object, mukha ng tao, displays, at lugar. Hindi na maalis-alis ang malaking ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa nga bata ibata. Ang cute nila habang naglalakad sa daan. Ang liliit ng mga hakbang niya habang nakatingin sa mga paa nito. Their small legs were trying to walk and impressed their parents, sister and brother. I focus my camera in a baby like who had her hair tie as a bun in two. She's so cute. Wearing a floral maxi dress with her cute white shoes. She's smiling while looking at her cute legs before she takes a step. And then she will look at her brother beside her. Her cute, dark, and round eyes give her a smile. It melts me. Gosh! She's irresistible. "I do like babies. And I want four babies with Aekim. If God makes it happen." wala sa isip na wika ko habang nakangiti ng malaki habang nakatingin sa batang babae. Iniwas k

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Five- Credit Card

    "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Aekim ng makita akong nakabihis. Kakalabas lang nito mula sa banyo. "Gagala." sagot ko naman saka isinukbit ang maliit na na kulay black kong shoulder bag. "Ah okay. Enjoy." wika nito sabay kalkal ng dala nitong maleta saka kumuha din ng damit nito. "Nandito tayo sa Thailand para sa kaniya-kaniyang lakad hindi para mag-honeymoon." "I know. Kaya nga inagahan ko na ang gumayak para makagala na." "Don't wait for me tonight. I have a friend to meet." wika nito at alam ko naman na hindi kaibigan ang kikitain niya kundi ang kalaguyo niya. "I know. Remember, nabasa ko ang message niya." paalala ko dito. Hindi ko sadya na mabasa ang chat sa kaniya ni Leona kanina. At ang nakakainis pa ay talagang sinundan pa kami dito ng haliparot na iyon sa Thailand. Alam naman niya na kasal na kami ni Aekim pero nagsusumiksik parin. Hayst. Kainis! Kontrabida siya sa buhay ko."Sige, aalis na ako." sag

  • Valentina: The Unwanted Wife    Chapter Four- Thailand Honeymoon

    "Here's water, drink this." si Aekim sabay painom sa akin ng tubig na hawak nito. Agad ko naman kinuha ang baso sa kamay nito. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan ng dumaloy na sa lalamunan ko ang malamig na likido. Napahinga ako ng malalim bago tumingin kay Aekim at nagpasalamat. "Thanks." Kapag nasa harap namin si Nana, kunawari ay maalaga ito. Hindi na sumagot sa akin si Aekim, kinuha nito ang baso sa kamay ko at dinala inilapag ito sa bedside table ni Nana Lilia. "Nana, we need to go na po. Dumaan lang talaga kami dito sa iyo para pagpaalam. Tutulak na kami ni Valentina papunta ng Thailand.""S-sige. Mag-ingat kayong dalawa doon. Lagi ninyong bantayan ang isa't-isa, dayo lang kayo doon." bilin ni Nana Lilia sa amin saka hinawakan ang aming kamay ni Aekim at pinaghugpong. "Dalhin ninyo ang basbas ko kahit saan kayo pumunta. Magmahalan kayong dalawa." si Nana Lilia. Dahil sa sinabi ni Nana bigla nama

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status