Ten Years Later...
"NINANG, here we are!" narinig ni Carla na sabi ng limang taong gulang na si Candy. Inaanak niya ito. Tumakbo ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi."Tama na 'yang pagpapaganda mo. Kaya maraming boylet ang umaali-aligid sa 'yo, eh," natatawang sabi ng kaibigan niyang si Nancy. Ina ito ni Candy. Nakasunod ito sa anak."Ninang, can I switch on your TV? I'll watch Dora," paalam ng bata."Oh, sure, baby. Go ahead," nakangiti niyang tugon, saka binalingan ang ina nito. "Hell with those men!" She disgustingly groaned.Humalakhak ang kaibigan sa reaksyon niya. Tinitigan siya nito sa mga mata. "Bitter then, bitter now, bitter ‘til forever?" saad nito na pinakadiin-diinan ang salitang "bitter.""Of course not! Wala lang akong panahon sa mga ganyang bagay. Mas priority ko ang magtrabaho, kumayod para may makain at kahit papaano’y makatulong kina Mama sa probinsiya," mahaba niyang litanya habang inaayos ang mga gamit sa shoulder bag. Magsa-shopping kasi sila ng kaibigan. Kaya ito pumunta sa bahay niya para sunduin siya."Oh, well, friend. You better record that speech of yours. Eh, ilang ulit ko nang narinig sa 'yo 'yan," sabi nito habang natatawa."Yeah, soon I'll buy tapes to record it at ibibigay ko na lang sa 'yo para i-play mo na lang," she said na sinabayan ng tawa. Sinakyan na lang niya ang biro ng kaibigan."Carl, you're already twenty-six. You're not getting any younger. Wala ka pa bang balak sagutin ang isa sa mga manliligaw mo?" mayamaya’y seryoso nitong tanong. Mataman siya nitong pinagmamasdan."Wala," tipid at madiin niyang sagot dito."Aba, huwag kang ganyan. Baka mapag-iwanan ka ng panahon, sayang naman ang breeding mo, best," natatawang tugon nito."Eh, 'di magma-madre na lang ako.""Ikaw? Magma-madre?!" OA nitong tanong sa kanya. "Don't ever dare, best. Baka mamaya niyan ay maglabasan pa ang mga Father sa Parokya. Naku, kasalanan mo pa." Humalakhak ito."Ang OA mo, best.""What if?... Hmmm... I-blind date kita? What do you think?" mayamaya’y sabi nito."What?!” gulat niyang bulalas. “Are you crazy, Nanz? Never! Kahit nga manliligaw ko, wala akong nagugustuhan. How much more with that nonsense date with someone I don't know?" litanya niya na ikinatawa nito."Cool ka lang, mag-max ka lang…" pakanta-kanta nitong sabi. "Kaya nga blind date kasi 'di mo pa kilala. And who knows, magustuhan mo, 'di ba?" nakahalukipkip nitong sabi."Ah, basta. Ayoko. Period." she said stiffly. "We better get going. Marami pa tayong bibilhin for tonight's party, okay? Come on," sabi niya, saka nagpatiunang lumabas ng bahay.Walang nagawa ang kaibigan kundi ang mapa-iling na lang. Tinawag nito ang anak, saka sumunod sa kanya.MATAMANG pinagmamasdan ni Carla ang sariling repleksyon sa life-size mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Handa na siya para sa Welcome Party na dadaluhan nila ng kaibigang si Nancy. She doesn't even have a clue kung sino ang iwi-welcome sa party na 'yon. Basta’t ang sabi ng kaibigan ay magpunta sila roon sapagkat kaibigang matalik daw 'yon ng asawa nito. Napapayag na rin siya kahit noong una ay ayaw niya. Masyado kasi siyang kinukulit ng kaibigan na sumama. Tutal it was an open party naman daw, kahit na sino ay puwedeng magpunta roon basta't may kakilala lang.Nancy became her best friend nang lumipat siya ng school in college. They had been friends for almost eight years already. Masasabing mapalad siya for having such a friend like Nancy. Mabait ito at mapagkakatiwalaan, kaya naman hindi siya nangiming ikuwento at ipagtapat dito ang nakaraan niya.She sighed for a brief moment upon reminiscing that past. Sino ang makakapagsabing niloko at iniwan siya ng isang lalaki? Wala. Becau
MEDYO marami nang tao pagdating nina Carla sa party. Masasabi niyang marahil ay bigating tao ang iwi-welcome doon sapagkat halos lahat ng mga bisita ay miyembro ng alta sociedad.Nagsisimula na siyang mainip. Wala naman kasi siyang kilala roon kundi ang kaibigan at ang asawa lamang nito, not even the host itself.Nagpaalam muna siya sa kaibigan na mauupo sandali. Sumasakit na kasi ang mga binti niya sa kakatayo at kakahintay sa “big person” ng event na iyon.Nagsisimula na rin siyang mainis at mayamot sa kung sinumang Poncio Pilato ang iwi-welcome. Nagpapaka-importante ba ito? Halos mag-iisang oras na silang naghihintay, hindi pa rin ito lumalabas gayong sabi naman ng asawa ng kaibigan niyang si Nancy, nandoon na raw ang Poncio Pilato na iyon.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at bumuntong-hininga para mabawas-bawasan man lang ang inis na nararamdaman."Hi! Can I join you?"Awtomatiko siyang napabaling sa tagiliran niya. Nakita niya ang isang binatang nakangiting nakatitig sa kanya
GUSTONG-GUSTO nang tumakbo palabas ni Carla nang mga sandaling iyon. How she wished, she didn't come. Si Evan ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita. Rather, ang taong ayaw na niyang makita pa.Tumawa si Brent. "Hopefully, my soon-to-be fiance kung sasagutin ako. Hindi ko pa siya girlfriend, pare. Plano ko palang sana ligawan siya ‘pag nagkataon." Tumingin ito sa kanya. "Carla, meet my friend, Evan. Evan, this is Carla," pagpapakilala nito sa kanila."Hi, Carla. Nice meeting you," saad nitong matiim ang pagkakatitig sa kanya habang nakalahad ang palad.Tinitigan lamang niya iyon. Ayaw niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.Nakahalata naman si Brent na parang natutulala siya kaya't tumikhim ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng taong kinamumuhian niya.Tila may bolta-boltaheng kuryenteng nanulay galing sa palad nito papunta sa palad niya. Agad niyang binawi ang kamay mula rito nang maramdamang marahang pinisil nito iyon."Tol, nandito ka lang p
NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay."Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila."Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi."Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakah
BENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan."Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito."Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya
KASALUKUYANG nasa kumedor si Carla at kumakain. It was her day off. Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman naglagi lang siya sa bahay niya. Tinatamad naman kasi siyang gumala sa mall.Magana siyang kumakain nang mayamaya'y nakarinig siya ng doorbell sa labas. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at dali-daling tinungo ang pinto."Carla, puwede favor?" bungad sa kanya ng kapitbahay at kaibigan niyang si Elaine. Karga-karga nito ang anak na walong buwang gulang pa lamang."Oo naman," tugon niya. "Ano 'yon?""Puwede bang iwan ko muna sa 'yo si baby? Wala kasing magbabantay sa kanya ngayon, eh. Umuwi ng probinsiya ang yaya niya. Emergency kasi. May trabaho naman kami ng asawa ko ngayon," paliwanag nito.Ngumiti siya. "Oo naman. Akin na si baby," saad niya.Inabot nito sa kanya ang anak, pati ang mga baby stuffs na dala-dala nito. "Pasensiya ka na Carla, ha?" hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman kasi puwedeng iwan mag-isa si baby
"OUCH!" bulalas ni Carla nang may makabungguan siya sa supermarket ng isang mall. Nagpunta siya roon pagkatapos ng trabaho niya. Kulang na kasi ang stocks niya ng mga grocery items sa bahay. She was so busy sa pamimili kaya't hindi niya namalayang may tao pala siyang makakabungguan."Naku, I'm sorry, Miss," hinging-paumanhin ng lalaki.Ngumiti siya rito. Alam niyang may kasalanan din naman siya. "It's okay. May kasalanan din naman ako, eh. I was so busy sa pamimili kaya hindi ko namalayang may makakabungguan pala ako." Ngumiti ito. "Miss, ako nga pala si Brendon," pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad sa kanya.“I’m Car—”"Oh, hon. Nandito ka lang pala," sabi ng baritonong boses na nagpatigil sa sinasabi niya. Inakbayan siya nito.Awtomatiko siyang napabaling para lang masilayan ang seryosong mukha ni Evan. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa koko
"MAG-A-ALAS-NUWEBE na, kanina pa 'ko rito. Sana naman may dumaan nang tax," mahinang sambit ni Carla sa sarili. Kanina pa siyang pasado alas-siyete nakatayo sa waiting shed na iyon. Sumasakit na ang mga binti niya at medyo nabasa na siya ng ulan, pero wala pa ring dumadaan na sasakyan. Malakas pa naman ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tila may nagbabadyang masamang panahon. Nakikita rin niyang umaapaw na ang tubig sa daan, hudyat na babaha na talaga. "Bakit kasi ngayon pa ako nag-overtime, eh."Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mayamaya'y may tumigil na kotse sa harapan niya at bumukas ang window shield niyon."Hop in," sabi ni Evan habang binubuksan ang kotse nito.Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung sasakay ba siya o hindi. Pero kung hindi naman siya sasakay, baka umagahin siya roon sa kakahintay ng taxi."Sakay na. Huwag ka nang mag-inarte riyan," waring naiiritang anito.Nainis siya sa sinabi nito, pero hindi na lang n