MATAMANG pinagmamasdan ni Carla ang sariling repleksyon sa life-size mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Handa na siya para sa Welcome Party na dadaluhan nila ng kaibigang si Nancy. She doesn't even have a clue kung sino ang iwi-welcome sa party na 'yon. Basta’t ang sabi ng kaibigan ay magpunta sila roon sapagkat kaibigang matalik daw 'yon ng asawa nito. Napapayag na rin siya kahit noong una ay ayaw niya. Masyado kasi siyang kinukulit ng kaibigan na sumama. Tutal it was an open party naman daw, kahit na sino ay puwedeng magpunta roon basta't may kakilala lang.
Nancy became her best friend nang lumipat siya ng school in college. They had been friends for almost eight years already. Masasabing mapalad siya for having such a friend like Nancy. Mabait ito at mapagkakatiwalaan, kaya naman hindi siya nangiming ikuwento at ipagtapat dito ang nakaraan niya.She sighed for a brief moment upon reminiscing that past. Sino ang makakapagsabing niloko at iniwan siya ng isang lalaki? Wala. Because after a year of grieving on her past, she learned to move on. She portrayed a happy-go-lucky gal in everyone's eyes. Masayahin siya sa paningin ng ibang tao. She portrayed a strong woman na tila walang mapait na nakaraan.Maging sa physical looks niya, marami ang nagsasabi na napakaganda raw niya. She got a pointed and cute nose, kissable and pouted lips na parang nag-aanyaya ng isang matamis na halik. Ang mga mata niya’y waring nangungusap kung tumitig. Mapupungay iyon at mahahaba ang pilik-mata. She also got pair of dimples on her cheeks na mas lalong nagpapatingkad ng kagandahan niya sa tuwing ngumingiti siya. Makinis at maputi ang kutis ng balat niya na binagayan ng magandang hubog ng katawan with her five feet, six inches height."Okay na kaya itong suot ko?" mahina niyang tanong sa sarili. She was wearing a red cocktail dress na hanggang tuhod ang tabas at pocahontas style. Mas lalo iyong nagpatingkad sa kaputian niya at sa magandang hubog ng kanyang katawan. Bare shoulder din iyon na mas lalong nagpalitaw sa makinis at malasutla niyang leeg at balikat. P-in-onytail lang niya ang buhok niya at naglagay ng mild na makeup.Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng busina ng kotse mula sa labas."Sina Nanz na siguro 'yon," bulong niya sa sarili. Dali-dali niyang isinuot ang three inches Stiletto niya. Kinuha ang shoulder bag, saka pumanaog pababa at lumabas na ng bahay.____________"WELL, what more can I say? Tinalbugan na naman ako ng bruhang ito," pambungad na saad ni Nancy pagkalabas niya."Loka! Pareho lang tayo, 'no!" ganting sabi niya rito, sabay halakhak nang malakas. Natawa rin ang kaibigan pati ang asawa nitong si Mark."I bet, my best friend's gonna like you," sabi ni Mark sa kanya."You mean, Hon, 'yong iwi-welcome sa party na 'yon?" tanong dito ni Nancy."Yup! He should meet Carla para naman mabawas-bawasan ang pagka-palikero n’on," ani Mark na natatawa.Nanlaki ang butas ng ilong ng kaibigan niyang si Nancy sa sinabi ng asawa nito. "Loko ka talaga. Ibibigay mo ang kaibigan ko sa playboy na lalaki?" sabi nito sa asawa habang pinandidilatan ng mata."Oh, siya, tama na," awat niya sa dalawa, "Baka pag-awayan niyo pa 'yan. Ako pa’ng sisihin niyo," dagdag niyang saad na ikinatawa ng mga ito, saka sila umalis patungong party.MEDYO marami nang tao pagdating nina Carla sa party. Masasabi niyang marahil ay bigating tao ang iwi-welcome doon sapagkat halos lahat ng mga bisita ay miyembro ng alta sociedad.Nagsisimula na siyang mainip. Wala naman kasi siyang kilala roon kundi ang kaibigan at ang asawa lamang nito, not even the host itself.Nagpaalam muna siya sa kaibigan na mauupo sandali. Sumasakit na kasi ang mga binti niya sa kakatayo at kakahintay sa “big person” ng event na iyon.Nagsisimula na rin siyang mainis at mayamot sa kung sinumang Poncio Pilato ang iwi-welcome. Nagpapaka-importante ba ito? Halos mag-iisang oras na silang naghihintay, hindi pa rin ito lumalabas gayong sabi naman ng asawa ng kaibigan niyang si Nancy, nandoon na raw ang Poncio Pilato na iyon.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at bumuntong-hininga para mabawas-bawasan man lang ang inis na nararamdaman."Hi! Can I join you?"Awtomatiko siyang napabaling sa tagiliran niya. Nakita niya ang isang binatang nakangiting nakatitig sa kanya
GUSTONG-GUSTO nang tumakbo palabas ni Carla nang mga sandaling iyon. How she wished, she didn't come. Si Evan ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita. Rather, ang taong ayaw na niyang makita pa.Tumawa si Brent. "Hopefully, my soon-to-be fiance kung sasagutin ako. Hindi ko pa siya girlfriend, pare. Plano ko palang sana ligawan siya ‘pag nagkataon." Tumingin ito sa kanya. "Carla, meet my friend, Evan. Evan, this is Carla," pagpapakilala nito sa kanila."Hi, Carla. Nice meeting you," saad nitong matiim ang pagkakatitig sa kanya habang nakalahad ang palad.Tinitigan lamang niya iyon. Ayaw niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.Nakahalata naman si Brent na parang natutulala siya kaya't tumikhim ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng taong kinamumuhian niya.Tila may bolta-boltaheng kuryenteng nanulay galing sa palad nito papunta sa palad niya. Agad niyang binawi ang kamay mula rito nang maramdamang marahang pinisil nito iyon."Tol, nandito ka lang p
NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay."Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila."Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi."Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakah
BENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan."Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito."Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya
KASALUKUYANG nasa kumedor si Carla at kumakain. It was her day off. Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman naglagi lang siya sa bahay niya. Tinatamad naman kasi siyang gumala sa mall.Magana siyang kumakain nang mayamaya'y nakarinig siya ng doorbell sa labas. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at dali-daling tinungo ang pinto."Carla, puwede favor?" bungad sa kanya ng kapitbahay at kaibigan niyang si Elaine. Karga-karga nito ang anak na walong buwang gulang pa lamang."Oo naman," tugon niya. "Ano 'yon?""Puwede bang iwan ko muna sa 'yo si baby? Wala kasing magbabantay sa kanya ngayon, eh. Umuwi ng probinsiya ang yaya niya. Emergency kasi. May trabaho naman kami ng asawa ko ngayon," paliwanag nito.Ngumiti siya. "Oo naman. Akin na si baby," saad niya.Inabot nito sa kanya ang anak, pati ang mga baby stuffs na dala-dala nito. "Pasensiya ka na Carla, ha?" hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman kasi puwedeng iwan mag-isa si baby
"OUCH!" bulalas ni Carla nang may makabungguan siya sa supermarket ng isang mall. Nagpunta siya roon pagkatapos ng trabaho niya. Kulang na kasi ang stocks niya ng mga grocery items sa bahay. She was so busy sa pamimili kaya't hindi niya namalayang may tao pala siyang makakabungguan."Naku, I'm sorry, Miss," hinging-paumanhin ng lalaki.Ngumiti siya rito. Alam niyang may kasalanan din naman siya. "It's okay. May kasalanan din naman ako, eh. I was so busy sa pamimili kaya hindi ko namalayang may makakabungguan pala ako." Ngumiti ito. "Miss, ako nga pala si Brendon," pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad sa kanya.“I’m Car—”"Oh, hon. Nandito ka lang pala," sabi ng baritonong boses na nagpatigil sa sinasabi niya. Inakbayan siya nito.Awtomatiko siyang napabaling para lang masilayan ang seryosong mukha ni Evan. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa koko
"MAG-A-ALAS-NUWEBE na, kanina pa 'ko rito. Sana naman may dumaan nang tax," mahinang sambit ni Carla sa sarili. Kanina pa siyang pasado alas-siyete nakatayo sa waiting shed na iyon. Sumasakit na ang mga binti niya at medyo nabasa na siya ng ulan, pero wala pa ring dumadaan na sasakyan. Malakas pa naman ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tila may nagbabadyang masamang panahon. Nakikita rin niyang umaapaw na ang tubig sa daan, hudyat na babaha na talaga. "Bakit kasi ngayon pa ako nag-overtime, eh."Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mayamaya'y may tumigil na kotse sa harapan niya at bumukas ang window shield niyon."Hop in," sabi ni Evan habang binubuksan ang kotse nito.Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung sasakay ba siya o hindi. Pero kung hindi naman siya sasakay, baka umagahin siya roon sa kakahintay ng taxi."Sakay na. Huwag ka nang mag-inarte riyan," waring naiiritang anito.Nainis siya sa sinabi nito, pero hindi na lang n
NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito.Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang."A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon.Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel?"Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel.Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kaila