"BULLSHIT!" Evan cursed, sabay tapon sa pader ng bote ng nilalagok na alak. Nagkabasag-basag iyon at nasayang ang natitira pang laman.
Nasa sarili siyang condo nang mga sandaling iyon. Doon siya dumeretso pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina ni Carla.Plano sana niyang dalhin ang dalaga sa baybaying dagat kaya niya ito pinipilit na sumama kanina. Ang baybaying dagat kung saan palagi silang nagpupunta nito noong may relasyon pa sila. Ang baybaying dagat kung saan una niya itong niligawan. Ang baybaying dagat kung saan siya nito sinagot maraming taon na ang nakakalipas. Ang baybaying dagat na saksi sa pag-iibigan nila noon. Ang baybaying dagat na may mahalagang parte sa kuwento ng buhay pag-ibig nila.Balak sana niyang doon sa lugar na iyon ipagtapat ang rason kung bakit niya ito iniwan dati. Balak niyang doon sa lugar na iyon humingi ng kapatawaran. He wanted to formally court her, at doon sa baybaying dagat niya balak humingi ng permiso para sana ligawa"HIGHER! Higher!" hiyawan ng mga bisita sa kasal na iyon.They were currently in the wedding venue. Pagkatapos ng seremonyas ng kasal ay agad silang nagtungo sa Villa Esteban kung saan gaganapin ang party at kainan. Ang Villa Esteban ay pag-aari ng pamilya ng napangasawa ni Liezel. Mawerte ang kaibigan niya sa napangasawa nito. Bukod kasi sa mayaman at gwapo, mabait din ito.Halos umusok ang bumbunan ni Carla. Hindi niya maipaliwanag pero naiinis siya. Naiinis siya sa hindi niya malamang dahilan.Kanina kinindatan siya ng mokong na si Evan. Sa inis ay inirapan niya ito kahit pa nasa loob sila ng simbahan. She was having a beautiful day earlier this morning, nasira lang nang makita niya ang palikerong ito. At kinindatan pa siya. Bwesit!Ngayon naman ay inis na inis na naman siya. Naiinis siya sa ngisi ng mokong. Halos mag-enjoy ito habang isinusuot ang garter sa mga binti ng nakasalo ng bouquet. At ang hitad, halos magkisay-kisay naman sa kilig nang kulang na lang ay sumagi sa pagitan n
Ten Years Ago…"E-EVAN, maawa ka sa 'kin. Huwag mo akong iiwan. You know how much I love you," umiiyak na sabi ni Carla. Patuloy sa pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. "You're my life, my everything. I beg you to stay. Kailangan kita," humihikbi pa niyang patuloy."Carla, didn't you hear me?" sabi nito habang marahas na inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa braso nito. "I said we're through. Ayoko na. I've been bored with this dumbass relationship of ours!" madiing sabi nito na halos magpadurog sa kanyang sugatang puso, saka siya nito iniwang nakatulala sa isang tabi. Narinig na lamang niya ang pagharurot ng kotse nito, hudyat na tuluyan na itong umalis sa buhay niya.Nanlulumong napaupo na lamang siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. It was painful. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong nakipagkalas sa kanya.She had been a very good girlfriend. Halos lahat ay ginagawa niya mapasaya lamang niya ito. She had
Ten Years Later..."NINANG, here we are!" narinig ni Carla na sabi ng limang taong gulang na si Candy. Inaanak niya ito. Tumakbo ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi."Tama na 'yang pagpapaganda mo. Kaya maraming boylet ang umaali-aligid sa 'yo, eh," natatawang sabi ng kaibigan niyang si Nancy. Ina ito ni Candy. Nakasunod ito sa anak."Ninang, can I switch on your TV? I'll watch Dora," paalam ng bata."Oh, sure, baby. Go ahead," nakangiti niyang tugon, saka binalingan ang ina nito. "Hell with those men!" She disgustingly groaned.Humalakhak ang kaibigan sa reaksyon niya. Tinitigan siya nito sa mga mata. "Bitter then, bitter now, bitter ‘til forever?" saad nito na pinakadiin-diinan ang salitang "bitter.""Of course not! Wala lang akong panahon sa mga ganyang bagay. Mas priority ko ang magtrabaho, kumayod para may makain at kahit papaano’y makatulong kina Mama sa probinsiya," mahaba niyang litanya habang inaayos ang mga gamit sa shoulder bag. Magsa-shopping kasi sila ng kaibigan. Ka
MATAMANG pinagmamasdan ni Carla ang sariling repleksyon sa life-size mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Handa na siya para sa Welcome Party na dadaluhan nila ng kaibigang si Nancy. She doesn't even have a clue kung sino ang iwi-welcome sa party na 'yon. Basta’t ang sabi ng kaibigan ay magpunta sila roon sapagkat kaibigang matalik daw 'yon ng asawa nito. Napapayag na rin siya kahit noong una ay ayaw niya. Masyado kasi siyang kinukulit ng kaibigan na sumama. Tutal it was an open party naman daw, kahit na sino ay puwedeng magpunta roon basta't may kakilala lang.Nancy became her best friend nang lumipat siya ng school in college. They had been friends for almost eight years already. Masasabing mapalad siya for having such a friend like Nancy. Mabait ito at mapagkakatiwalaan, kaya naman hindi siya nangiming ikuwento at ipagtapat dito ang nakaraan niya.She sighed for a brief moment upon reminiscing that past. Sino ang makakapagsabing niloko at iniwan siya ng isang lalaki? Wala. Becau
MEDYO marami nang tao pagdating nina Carla sa party. Masasabi niyang marahil ay bigating tao ang iwi-welcome doon sapagkat halos lahat ng mga bisita ay miyembro ng alta sociedad.Nagsisimula na siyang mainip. Wala naman kasi siyang kilala roon kundi ang kaibigan at ang asawa lamang nito, not even the host itself.Nagpaalam muna siya sa kaibigan na mauupo sandali. Sumasakit na kasi ang mga binti niya sa kakatayo at kakahintay sa “big person” ng event na iyon.Nagsisimula na rin siyang mainis at mayamot sa kung sinumang Poncio Pilato ang iwi-welcome. Nagpapaka-importante ba ito? Halos mag-iisang oras na silang naghihintay, hindi pa rin ito lumalabas gayong sabi naman ng asawa ng kaibigan niyang si Nancy, nandoon na raw ang Poncio Pilato na iyon.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at bumuntong-hininga para mabawas-bawasan man lang ang inis na nararamdaman."Hi! Can I join you?"Awtomatiko siyang napabaling sa tagiliran niya. Nakita niya ang isang binatang nakangiting nakatitig sa kanya
GUSTONG-GUSTO nang tumakbo palabas ni Carla nang mga sandaling iyon. How she wished, she didn't come. Si Evan ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita. Rather, ang taong ayaw na niyang makita pa.Tumawa si Brent. "Hopefully, my soon-to-be fiance kung sasagutin ako. Hindi ko pa siya girlfriend, pare. Plano ko palang sana ligawan siya ‘pag nagkataon." Tumingin ito sa kanya. "Carla, meet my friend, Evan. Evan, this is Carla," pagpapakilala nito sa kanila."Hi, Carla. Nice meeting you," saad nitong matiim ang pagkakatitig sa kanya habang nakalahad ang palad.Tinitigan lamang niya iyon. Ayaw niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.Nakahalata naman si Brent na parang natutulala siya kaya't tumikhim ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng taong kinamumuhian niya.Tila may bolta-boltaheng kuryenteng nanulay galing sa palad nito papunta sa palad niya. Agad niyang binawi ang kamay mula rito nang maramdamang marahang pinisil nito iyon."Tol, nandito ka lang p
NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay."Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila."Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi."Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakah
BENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan."Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito."Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya