Share

CHAPTER 7

KASALUKUYANG nasa kumedor si Carla at kumakain. It was her day off. Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman naglagi lang siya sa bahay niya. Tinatamad naman kasi siyang gumala sa mall.

Magana siyang kumakain nang mayamaya'y nakarinig siya ng doorbell sa labas. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at dali-daling tinungo ang pinto.

"Carla, puwede favor?" bungad sa kanya ng kapitbahay at kaibigan niyang si Elaine. Karga-karga nito ang anak na walong buwang gulang pa lamang.

"Oo naman," tugon niya. "Ano 'yon?"

"Puwede bang iwan ko muna sa 'yo si baby? Wala kasing magbabantay sa kanya ngayon, eh. Umuwi ng probinsiya ang yaya niya. Emergency kasi. May trabaho naman kami ng asawa ko ngayon," paliwanag nito.

Ngumiti siya. "Oo naman. Akin na si baby," saad niya.

Inabot nito sa kanya ang anak, pati ang mga baby stuffs na dala-dala nito. "Pasensiya ka na Carla, ha?" hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman kasi puwedeng iwan mag-isa si baby
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status