Share

CHAPTER 11

WALA silang imikan habang nasa loob ng kotse ng binata at inihahatid siya nito sa kaniyang bahay. 'Buti na lang Sabado ngayon at wala siyang pasok sa pinagtatrabahuhang bangko. 'Buti rin at tumila na ang napakalakas na ulan kagabi at hindi na nagtuloy-tuloy pa ang bagyo.

Napakaganda na ng sikat ng araw. Hindi niya alam at hindi rin niya maintindihan pero parang sumasabay ang aliwalas at ganda ng panahon sa nararamdaman niya ngayon, at sa naramdaman niya kanina nang gawaran siya ng binata ng napakasimpleng halik na iyon.

Hindi namalayan ni Carla na napapangiti na pala siya sa isiping iyon.

"Hindi mo pa rin makalimutan ang halik ko, 'no?" ani Evan, saka tinapunan siya ng nakakalokong tingin.

Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sapagkat nahulaan nito ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagkunwari siyang walang narinig. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang mga paningin. Natatakot siya na sa sandaling makipagsagutan si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status