NAKARATING sila ni Evan sa mansyon ng mga ito—ang mansyon ng mga Ricaforte. They reached there quarter to eight.
Walang itulak-kabigin si Carla. Napakaganda at napakalawak pa rin niyon. Napapalibutan iyon ng mga ornamental plants. May malaki ring swimming pool sa bandang gilid ng mansyon. The same house she had seen ten years ago, at mas lalong gumanda pa iyon ngayon.When they finally reached the main door ay sinalubong sila ng isang kasambahay."Where's Mom?" tanong dito ng binata. Pero bago pa man ito makasagot ay namataan na nila ang Donya na papalapit sa kanila."Carla, hija," salubong na wika ni Mrs. Ricaforte, sabay halik sa pisngi niya. Gumanti rin siya ng halik dito. Nagbeso-beso sila. "Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. The pretty girl I used to know turned to be a beautiful lady now," nakangiti pa nitong sabi."Salamat po, Tita," aniyang sinuklian ito ng ngiti.Inakay sila nito papuntang kumedor kung saan maraming nakahBENALEWALA na lamang ni Carla ang mga sinabi sa kanya ni Evan. She lived her life as if nothing happened. As if nothing has been said and done. Life must go on, ika nga.Nagpapasalamat naman ang dalaga dahil magmula nang gabing iyon ay hindi na nagpakita pa ang binata sa kanya. Maybe he wasn't serious, maybe he was just fooling around when he said those words. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang manlolokong katulad nito?Tili ng kaibigan at katrabaho niyang si Joy ang sumalubong sa kaniya nang dumating siya nang umagang iyon sa pinagtatrabahuhan niyang bangko bilang teller. Agad niya itong nilapitan."Hey, Joy! Ano’ng nangyayari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?" nagtatakang tanong niya rito."Loka!” anito. “Girl, may bunch of different colors of roses ka at imported chocolates doon sa counter mo. Take note, huh! Imported!" sabi nito na pinakadiin-diinan ang salitang “imported.”"Baka naman, hindi para sa 'kin 'yon," wika niya. Hindi siya
KASALUKUYANG nasa kumedor si Carla at kumakain. It was her day off. Wala siyang pasok sa trabaho kaya naman naglagi lang siya sa bahay niya. Tinatamad naman kasi siyang gumala sa mall.Magana siyang kumakain nang mayamaya'y nakarinig siya ng doorbell sa labas. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at dali-daling tinungo ang pinto."Carla, puwede favor?" bungad sa kanya ng kapitbahay at kaibigan niyang si Elaine. Karga-karga nito ang anak na walong buwang gulang pa lamang."Oo naman," tugon niya. "Ano 'yon?""Puwede bang iwan ko muna sa 'yo si baby? Wala kasing magbabantay sa kanya ngayon, eh. Umuwi ng probinsiya ang yaya niya. Emergency kasi. May trabaho naman kami ng asawa ko ngayon," paliwanag nito.Ngumiti siya. "Oo naman. Akin na si baby," saad niya.Inabot nito sa kanya ang anak, pati ang mga baby stuffs na dala-dala nito. "Pasensiya ka na Carla, ha?" hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman kasi puwedeng iwan mag-isa si baby
"OUCH!" bulalas ni Carla nang may makabungguan siya sa supermarket ng isang mall. Nagpunta siya roon pagkatapos ng trabaho niya. Kulang na kasi ang stocks niya ng mga grocery items sa bahay. She was so busy sa pamimili kaya't hindi niya namalayang may tao pala siyang makakabungguan."Naku, I'm sorry, Miss," hinging-paumanhin ng lalaki.Ngumiti siya rito. Alam niyang may kasalanan din naman siya. "It's okay. May kasalanan din naman ako, eh. I was so busy sa pamimili kaya hindi ko namalayang may makakabungguan pala ako." Ngumiti ito. "Miss, ako nga pala si Brendon," pagpapakilala nito habang nakalahad ang palad sa kanya.“I’m Car—”"Oh, hon. Nandito ka lang pala," sabi ng baritonong boses na nagpatigil sa sinasabi niya. Inakbayan siya nito.Awtomatiko siyang napabaling para lang masilayan ang seryosong mukha ni Evan. Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa koko
"MAG-A-ALAS-NUWEBE na, kanina pa 'ko rito. Sana naman may dumaan nang tax," mahinang sambit ni Carla sa sarili. Kanina pa siyang pasado alas-siyete nakatayo sa waiting shed na iyon. Sumasakit na ang mga binti niya at medyo nabasa na siya ng ulan, pero wala pa ring dumadaan na sasakyan. Malakas pa naman ang ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Tila may nagbabadyang masamang panahon. Nakikita rin niyang umaapaw na ang tubig sa daan, hudyat na babaha na talaga. "Bakit kasi ngayon pa ako nag-overtime, eh."Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mayamaya'y may tumigil na kotse sa harapan niya at bumukas ang window shield niyon."Hop in," sabi ni Evan habang binubuksan ang kotse nito.Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung sasakay ba siya o hindi. Pero kung hindi naman siya sasakay, baka umagahin siya roon sa kakahintay ng taxi."Sakay na. Huwag ka nang mag-inarte riyan," waring naiiritang anito.Nainis siya sa sinabi nito, pero hindi na lang n
NAPAKASARAP ng tulog ni Carla. Napakahimbing na para bang ipinaghihili siya ng napakaraming anghel. Napakasarap ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Parang may isang anghel na masuyong humahaplos sa kaniyang pisngi at niyayakap siya. Ramdam niya ang init ng katawan nito, ang bawat paghinga nito, at ang bawat pagtibok ng puso nito.Pero bakit parang buhay ang anghel na iyon? Para itong hindi isang kaluluwa lamang."A sweet angel is sleeping beside me," narinig niyang sambit ng anghel na iyon.Napakasarap sa pandinig niya ang boses nito. At lalaki pala ang anghel na nakayakap sa kaniya ngayon. Para siyang idinuduyan nang mga sandaling iyon. Naramdaman na lamang niyang may mainit na bagay na dumapo sa kaniyang noo. Hinalikan ba siya ng anghel?"Kahit paulit-ulit mo akong tarayan at ipagtabuyan, patuloy pa rin kitang lalapitan,” narinig na naman niya ang masuyong boses na iyon ng anghel.Ang sarap sa pakiramdam na hindi siya kaila
WALA silang imikan habang nasa loob ng kotse ng binata at inihahatid siya nito sa kaniyang bahay. 'Buti na lang Sabado ngayon at wala siyang pasok sa pinagtatrabahuhang bangko. 'Buti rin at tumila na ang napakalakas na ulan kagabi at hindi na nagtuloy-tuloy pa ang bagyo.Napakaganda na ng sikat ng araw. Hindi niya alam at hindi rin niya maintindihan pero parang sumasabay ang aliwalas at ganda ng panahon sa nararamdaman niya ngayon, at sa naramdaman niya kanina nang gawaran siya ng binata ng napakasimpleng halik na iyon.Hindi namalayan ni Carla na napapangiti na pala siya sa isiping iyon."Hindi mo pa rin makalimutan ang halik ko, 'no?" ani Evan, saka tinapunan siya ng nakakalokong tingin.Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sapagkat nahulaan nito ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagkunwari siyang walang narinig. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang mga paningin. Natatakot siya na sa sandaling makipagsagutan si
KASALUKUYANG naglilinis ng kaniyang silid si Carla. Kailangan na talaga niyang ayusin ang mga gamit doon at linisin dahil sa mga alikabok na nakakapit. Halos magkandaubo-ubo na siya sa mga alikabok na nandoon. Matagal-tagal na rin kasing hindi niya nalilinisan ang silid sapagkat masyado siyang abala sa trabaho. Wala naman kasi siyang kasambahay para gumawa niyon."Ang hirap talaga ng nag-iisa," bulong niya sa sarili habang nagwawalis sa ilalim ng kama niya. Ultimo kasulok-sulokan niyon ay hindi niya pinatos. She covered her nose nang maraming alikabok ang tila sumayaw sa ere. Nagkandaubo-ubo pa siya.She later sat on her bed sa matinding hapong naramdaman. Tagaktak na siya ng pawis at halos basa na rin ang T-shirt niyang suot. "Kung mag-leave kaya ako at magbakasyon sa probinsya? Miss ko na rin sina mama," kausap niya sa sarili. Nakapangalumbaba siya sa walis na gamit. "Hmmm! Bahala na. Saka ko na lang iisipin 'yon," she uttered, then continued cleaning her room.
NARINIG ni Carla na may nag-doorbell sa labas ng bahay niya kaya dali-dali niyang pinunasan ang pisnging may bahid ng luha. Tinapunan muna niya nang tingin ang sariling repleksyon sa salamin. Namumugto na ang mga mata niya sa kaiiyak. Nakakahiya kapag makita siyang ganito ng taong nasa labas ng bahay niya.Wala na sana siyang balak labasin iyon pero patuloy pa rin ito sa ginagawang pag-doorbell. Naisip niyang baka importante ang sadya nito kaya inayos niya ang sarili at nagpasya na lamang na bumaba at pagbuksan kung sino man ang taong nasa labas ng bahay niya."Sino—” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang taong nasa harapan ng pinto niya."Carl, are you crying?" nakakunot-noong tanong sa kaniya ni Evan.Iniiwas niya ang mukha sa pagkakatitig nito. Ayaw niyang mahalata nito ang pamumugto ng mga mata niya."H-Hindi! K-Kakagising ko lang kaya ganito ang mata ko," she lied.Ngunit parang hindi kumbinsedo ang bin