Share

Chapter Two -Diamond ring

SHE'S about to jump out of the bed when Dion grabs her wrists, “L-Lara!?” gulat at nagtatanong na sambit into sa pangalan niya. 

Sa ganoong sitwasyon ay parang hindi na niya alintana ang hangover. Tanging nangingibabaw ang kaba at katanungan sa isip. Namumula ang kanyang mukha dahil sa hiya at  alam niyang hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito.

Pumitlag siya sa tanong nitong napalakas ang boses, “How did you get in here, Lara?!” .  

“What do you mean how do I get in here?! This is my room!” balik bulyaw niya dito.

“No, this is my room!” ani Dion na bakas ang kasiguraduhan. Tinititigan siya nito mula ulo hanggang paa na kina-ilang niya. 

Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Nagkalat ang mga damit na hinubad niya kagabi. Nakalatag ang mga ito sa sahig at maging ang mga underwears niya ay katabi ng mga damit ng lalaki. 

Kung may papasok man at makita ang ganoong ayos nila, maging ang mga kalat na dala ng kalasingan ay iisipin na may nangyaring hindi dapat mangyari sa magdamag.

Napako ang tingin niya sa maletang nakapatong sa pang-isahan na sofa. He was right! It was Dion’s room and she was supposed to be in the other guest room right next door! 

“Lara! Come on, get dressed and get out of this room now!”  galit na utos nito sa kanya

Napapitlag si Lara. She took a deep sigh when she realized she was still naked under a sheet and Dion could see her through. 

"I-I really can't remember a thing. I'm drunk and wasted. Did you-" 

"No. I didn't do anything to you last night. We'll talk about this later. Now, get out before anyone see you." madilim ang mukha na utos ng binata sa kanya.

Hindi na rin siya nakipag-talo pa. Habang naka-pulupot pa rin ang kumot sa h***d na katawan ay isa-isa niyang pinulot ang mga saplot. Bago pa niya maabot ang blouse ay pareho silang napatingin sa pinto.

Tatlong sunod-sunod na katok. "Dion, Hijo are you up? May ipapa-konsulta sana akong importanteng papeles sa study room." Ani mayor Elias

Pag-aalala at takot ang rumihistro sa pareho nilang mga mata nang mag-tama ang kanilang mga titig.

"Oh shit, Lara we're damn! Go hide yourself somewhere." pabulong na utos nito sa kanya.

"Tell him you'll go down in a bit. Hindi siya pweding pumasok!." Pabulong naman na wika ni Lara kay Dion at sumunod naman nito

Saglit pa silang  nag-pakiramdaman hanggang sa mawala ang mga yabag ng paa sa labas. 

"What do you think you're doing?! Get your dress on before going out!" pabulong na bulyaw ni Dion kay Lara nang humakbang ito papalabas na hindi pa bihis.

Inirapan niya ito, "Relax! Nobody's outside at this hour Dion. It's six in the morning." 

"What if there is? What are you gonna say? Huh? Are you even thinking?!" 

"Of course I am! If only you didn't bring those wines here, none of this could've happened!" 

Pagak itong tumawa at umiling-iling, "I didn't know you were this stubborn and a brat, Lara! Can you hear yourself" bakas ang iritasyon sa boses nito "Well fine, go! You better think of a better lie when you get caught naked from here!" 

"Bullshit Dion! I didn't mean for this to happen. We both know that! I have never hated you this much since I knew you!" Ani Lara na padabog dinampot ang blouse sa sahig at nag-martsa palabas ng silid habang hawak-hawak ang kumot na pambalot sa katawan. 

NAIINIS at matatalim ang mga matang sinundan niya ng tingin ang papalabas na si Lara.

He took a deep breath when she twisted the doorknob open. If anyone could see her that way, they would think they had sex last night! 

Nagtatalo ang isip niya, pero hinakbang ang espasyo sa pagitan nila upang habulin ito at pigilin ngunit huli na. 

Pareho silang napakong nakatayo sa labas ng silid. Maraming mata ang nakatingin sa kanila na parang nagtatanong.  

"L-Lara! Why are you- Dion!" sigaw ni Mayor Elias na bakas ang galit at pagkalito sa mata.

Bakas din ang pagkalito sa mata ni Mrs. Estrella. May hawak itong cake at hindi alintana ang nalulusaw nang kandila. Hindi ito napipiyok at parang estatwang napako ang tingin sa kanilang dalawa.

It was supposed to be a birthday surprise for Lara but it was them who were surprised. Tahimik lang ang mga kapatid at in-laws ng dalaga. Saglit na napuno ng katahimikan ang paligid. Walang umiimik, walang nagsasalita. 

Konserbatibo ang pamilya nila. Lalo na ang kanyang ina na talagang tutol sa pre-marital sex. Sa ganoong ayos nila ay alam niyang hindi maganda ang iisipin nito.

"Take the kids out of here, Nicole. Doon na muna kayong lahat sa ibaba." ani Mrs. Estrella at ipinasa ang cake dito

Nakita ni Dion na hindi makapag salita ang nakayukong si Lara. 

"Don't you two have something to say! What is this! Sa pamamahay ko pa talaga?!" bulyaw ni Mayor Elias "And you, Lara! Kahit kailan, punong-puno ka ng kalokohan. What is it this time?! " 

Marahil ay umabot hangang sa third floor nang bahay ang boses ni mayor Ellias dahil sa galit at disappointment. Nakita niya kung paanong nagpipigil ng luha ang katabi niyang dalaga. 

She is the type of strong woman at maninindigan itong matapang. Alam niyang hinding-hindi ito iiyak hangat kaya nitong pigilin ang pagpatak mga luha.

"Handa akong panagutan si Lara, tito Elias.We're very sorry about this. We're just drunk and-" Aniya na ginagap at bahagyang pinisil ang kamay ng dalaga.

He knew, Lara doesn't like what he said pero kusa iyong lumabas sa bibig ng binata.

ISANG malakas na kalabog ang sunod na narinig ni Lara. Lumupasay sa sahig at duguan ang pumutok na labi ni Dion matapos itong sapakin ng kanyang ama. 

"Daddy! Stop it. Let us explain!" Pumagitna siya at ngayon ay pulang-pula ang mukha sa biglaang pagbuhos ng emosyon.

"And you, Lara. Get dressed and see me in my study! I thought nagbago ka na at your age. You're still the same old Lara na puno ng kalokohan!" galit na bulyaw ng ama pero hindi siya tumalima sa utos nito.

"Dion, you should have told us that there's something going on with you two. Not like this!" nanlililisik ang mga mata at nanginginig ito sa galit sa galit si Mayor Ellias.

"You're both in the right age to know about right and wrong! Hindi ba kayo marunong rumespeto!?" patuloy na pangaral nito habang kinukuyom ang kamaong nagpipigil sa galit. 

"Nothings going on between us, and we're just drunk. I'm used to sleeping naked and I didn't-" 

"Slap!" Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Lara mula sa kanina pa tahimik niyang ina

"Enough! We're not fools to listen in your lies again. Hindi kayo pero hubo't h***d kang lumabas sa kwarto niya!?" nangingiyak-iyak na wika ng kanyang ina. "Magbihis ka na at sumunod kayong dalawa sa study!" galit na utos nito na agad din naman nilang sinunod.

MAGKATABI na naupo sa sofa sina Dion at Lara habang nasa kabilang sofa naman na katapat nito ay sina Mr. and Mrs. Estrella. 

Tumikhim si Mayor Elias na bumasag sa katahimikan. "You too should get married very soon." ani nito na may buong awtoridad. 

Nanlaki ang mata ni Lara sa narinig at sinubukang mag-protesta "Hindi pwedi-" 

"No buts! You two should've played safer  at mas lalong hindi dapat sa pamamahay ko kung hindi naman kayo seryoso. I'm so disappointed in you both!" 

Sinalubong niya ang matatalim na mata ng kanyang ama, "This is unfair." madiin na pagkakasabi niya.  "I'm not marrying someone I don't love! How could you decide on marriage as simple as that! You're about to ruin my life!" 

"You should've thought about that before diving into this! Hindi ka isang p**a kaya magpapakasal ka!" bulyaw ng kanyang ama

"Why can't you listen to me! We spent a night together but nothing happened between us last night!"

Sunod niyang binalingan si Dion, "And you too! Why are you not saying anything! Huh!? Why don't you tell them what really happened?!" 

Sa gitna ng histerikal na paliwanag ng dalaga ay parang walang naririnig si Dion. 

"Huwag po kayong mag-alala, tito. Handa po akong pakasalan si Lara."

"What!? What's your deal, Dion?!" napa-iling siya "We didn't have sex. We're just drunk and I-I thought it was my room, and- and-" 

"I said enough, Lara!. I don't wanna hear anymore lies. Kung hindi kayo magpapakasal, huwag niyo nang ipakita ang mga pagmumukha niyo sa pamamahay ko! Nagkaka-intindihan ba tayo, Dion?!" 

"Yes po, Tito. We're really sorry." nakayukong sagot ni Dion.

NAIWAN silang dalawa sa loob ng study room. Ang mga luhang pilit niyang pinipigilan ay tuluyan nang nalaglag sa namumula niyang pisngi. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Her life is about to go out of her plans.

"This is the worst day ever! The worst birthday! And you! Dion Montefalco is the worst person I know! You're a lier!" bulyaw niya sa binata

Nag-iinit ang bagang at madilim ang mukhang nilapitan siya ni Dion. Hinawakan siya ng binata sa magkabilang braso at isinandal sa pader. 

"What Dion! Now you're acting brave, huh? Bring it on! Mananakit ka? I didn't know you're evil too!"

Dahil sa mga salitang sinambit niya ay naging mas mariin pa ang pagkakahawak ng binata sa kanya. Hindi niya ramdam ang kaunting espasyo sa pagitan ng mga mukha nila, bagkus napuno ng galit ang puso niya at ramdam rin ang pisikal na sakit ng magkabilang braso, "Stop it! You're hurting me! Argh!" 

"I know this room is soundproof, Lara. I don't mind if you scream your lungs out. I told you to make a better lie when anyone sees you, but you didn't." 

"Now you're putting the blame on me?!' 

"Yes! Kung nakinig ka lang sana at nagbihis ka kaagad, none of this would've happen! Ang problema sayo ay hindi ka marunong makinig! You're too stubborn, and selfish!" alsado na rin ang tinig ng binata. "Now am saving you from being called a whore, but you really is an ungrateful brat, Lara!"

Isang nakaka-suyang tawa naman ang itinugon ni Lara, "What? Really? Huh! Mr. Montefalco, I don't need any savings, especially from you! My dreams, my goals, my plans, everything is about to ruin because of that  stupid PANANAGUTAN na binitawan mo sa harap ng Daddy ko!" 

"I don't like the idea of getting married too, especially with a selfish, stubborn brat like you, Lara! Walang-wala ka kahit sa kuko ng mga babaeng nagugustuhan ko! If you wanna die instead of getting tied to me, then die!" bulyaw ni Dion kay Lara bago padabog na nag-martsa palabas. 

Nagpupuyos ang damdamin na pinag-hahampas niya ang pader habang umaagos ang luha sa mata.

TWO-DAYS LATER 

Isang tawag mula sa guard posts ng paaralan ang natanggap ni Lara, habang abala siya sa pag-check ng class activities. 

Dahil isang exclusive school ang tinuturuan niya, hindi pweding papasukin ng guard ang mga bisita na walang appointment. 

"Hello Maam Lara? Good afternoon po." 

"Yes, Manong?" 

"Meron po kayong bisita dito sa labas, Dion Montefalco daw po." 

Biglang uminit ang bunbunan niya matapos marinig ang pangalan nito pero kinalma niya ang sarili. 

"Sige ho, Manong. Please tell him to go back on other days."  

"Ah, sige Maam sasabihan ko lg."

"Salamat ho." 

"NAKU sir, pasensya na ho. Balik na lg daw kayo sa ibang araw" 

Napatingin si Dion sa kanyang relong pambisig. Alas tres pa lg ng hapon. Napagtanto niyang kaya pa niyang hintayon ito hanggang sa oras ng pag-uwi. 

"Ah, ganoon ba, sir? Sa oras ng uwian ho, anong oras ho ba siya kadalasan lumalabas?" pangungulit niya sa security guard na napasubo naman sa kakasagot. 

"Alas-singko ng hapon kalimitan si Maam, sir. May mga araw naman n ngatatrabaho yan hanggan alas-syete mag gabi." 

'Aaah, sige ho. Babantayan ko na lang siya hanggang mamaya."

Pakamot-kamot siya ng batok pabalik sa sasakyan. 

"You're really is a stubbon woman,Lara." sambit niya sabay hampas sa manibela ng sasakyan.

Trenta minuto ang lumipas kaya nakaramdam na siya ng pagkabagot. 

Bumaba siya ng sasakyan at maglakad-lakad ng mapansin niya ang isang convenient store. 

Naglibang, naglibot-libot at kung ano pa upang lumipas ang oras. 

Ilang oras pa ang lumipas ay papalubog na ang sikat ng araw. Alas-singko y medya na pero wala pa ring Lara ang lumalabas sa gate.

Naglibang-libang pa siya at maya-maya pa ay nahagip ng tingin niya ang kotse ni Lara na papalabas ng gate. Saglit pa ay bumaba ito upang mag-time out kaya nagmadali siyang bumaba upang lapitan ito.

Alam niyang sinasadya siya nitong iwasan dahil imbis na huminto ito upang kausapin siya ay patakbo itong lumulan sa sasakyan at paharurot na nilisan ang lugar.

Determinado siyang maka-usap ito kaya dali-dali niyang sinundan ang sasakyan ni Lara. Sa tuwing makakalapit siya ay bumubusina siya ngunit ganoon naman ang pagbilis ng pagpapatakbo ng dalaga.

"Damn you, Lara! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo!" gigil sa galit na pagmumura ng binata sa loob ng sasakyan at hindi inaalis ang mga mata sa kotseng sinusundan.

NAPAGTANTO ni Lara na hindi siya lulubayan ng asungot na si Dion Montefalco kahit pa umabot pa sila hanggang sa impyerno.

Nag-preno siya sa gilid ng daan kung saan hindi gaanong marami ang mga taong dumaraan. Nakita niyang huminto rin ito sa likuran niya.

Hinintay niyang bumaba ito at lapitan siya. Saglit pa ay kumatok ito sa kanyang side window at agad naman niya itong binuksan.

"We need to talk like adults." bungad nito sa kanya

She took a deep sigh, "What is it about? Marriage? I'm not going to marry you, Dion."

"Stop blocking your family's call. Nag-aalala na silang lahat sa'yo. Your dad asked me to bring you home.They still celebrated your birthday kahit naglayas ka last saturday."

Nasusuyang tinawanan niya ang itinuran nito, "Seem like my father got an expensive dog. You know I'm impressed how you work for him instead of working on your own father."

Sarkastiko na wika ni Lara ngunit hindi man lang ito naka-apketo sa ekspresyon ng binata

"I heard Tito Elias talking to my dad happily talking about this planned marriage last Saturday."  ani Dion

Natigilan naman si Lara sa narinig, "What did you say?"

"Now that I have your attention, zip your mouth and listen to me." ani Dion na binuksan ang pinto sa kabilang side ng sasakyan.

Isang nakakalong ngiti ang sumisilay sa labi ng binata matapos itong pumasok at naupo sa passenger seat ng kotse niya.

Maganda siya ngunit natural na sa kanya ang palaging naka-resting bitch face. Dahil sa inis ay sinamahan pa niya ang pagmamaldita sa pagtaas ng isa niyang kilay. "What do you think you're doing?" tanong niya rito

"With all due respect, Miss Ma'am. Sa tangkad kong 'to, nangangalay akong kausapin ka ng nakayuko." sagot nitong may idinukot sa bulsa ng itim na suit nito.

Nang hugutin nito iyon, tumambad sa kanyang mata ang isang singsing na may di-gaano kalakihang bato ng dyamante. Simple lang ito pero napaka-eligante.

Kahit bahagyang kumakabog ang kanyang dibdib ay hindi niya iyon ipinahalata. Magaling siyang magtago ng emosyon na itinuturing niyang isang kalakasan.

Kuno't-noo niya itong tinanong, "What's that for?"

"Marry me, Lara. Let's do it on our terms." ani ng binata na inilahad sa kanya ang singsing

Naguguluhan siya at bakas iyon sa ekspresyon ng kanyang mukha. Lumipas ang ilang saglit na hindi siya nakapagsalita sa tinuran ng binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status