LOGINNang makitang hawak pa rin ng estrangherong lalaki ang kamay ng nakababatang kapatid niya, hindi nagdalawang-isip si Rayan na lumapit. Marahan niyang hinila ang pulsuhan ni Rheana hanggang tuluyan itong mapunta sa kanyang kanang tabi.Awtomatikong pumwesto ang katawan niya sa pagitan ni Rheana at ng lalaking iyon, nagsisilbing harang sa kanilang dalawa."Who are you?" malamig niyang tanong. Kalmado ang kanyang tingin, pero sapat ang talas niyon para biglang maging mabigat ang atmosphere sa paligid nila.Walang emosyong tinitigan ni Rayan ang lalaki. "Why were you holding my sister's hand? It's obvious that she's uncomfortable with what you're doing."Marahang itinaas ng lalaki ang dalawang kamay bilang senyales na wala siyang balak makipag-away."There seems to have been a misunderstanding."Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki bago niya muling ipasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya."And what kind of misunderstanding?" malamig na tanong ni Rayan.Sandalin
“Just be quiet for now. Please, don't say anything yet.”Mahina ang boses ng lalaki, sapat lang para marinig iyon ni Rheana.Agad na nanlaki ang mga mata ni Rheana. "H-Ha?"Hindi pa niya lubusang naiintindihan ang nangyayari nang biglang may matipunong brasong pumulupot sa balikat niya at bahagyang inilapit siya sa lalaki."Bitawan mo ako!" mahina ngunit mariing bulong ni Rheana habang pilit na kumakawala.Pero sa halip na bitawan siya, mas hinigpitan pa ng lalaki ang pagkakayakap sa kanya."Just give me a moment.""Anong moment-moment ka dyan? I don't even know you!""That's why I'm asking for your help. Just five minutes."Masama ang tingin ni Rheana sa kanya. "Ang kapal naman ng mukha mo!"Hindi pa man sila nakakapagpatuloy sa pagtatalo, nagsimula nang lumapit ang babaeng kanina pa nakatayo ilang hakbang mula sa kanila."Raed...."Salit-salitang tiningnan ng babae ang lalaki at si Rheana na halatang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito."So..." Bahagyang ngumiti ang
Brrtt... Brrtt...Kakapasok lang ni Rayan sa kwarto niya matapos maghapunan nang marinig niya ang pag-ring ng cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Agad siyang napatingin sa direksyon nito at lumapit para tingnan kung sino ang tumatawag.Saglit niyang sinulyapan ang screen. Alyona Calling… Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinagot ang tawag. Pinindot niya ang berdeng icon sa screen at inilapit ang cellphone sa tenga.“Hello?”“Ray...” Bahagyang nagmamadali ang boses ni Alyona. “Umalis na ba si Rheana?”Kumunot ang noo ni Rayan. “Oo. Umalis pa nga siya bago maghapunan. Why? May problema ba?”“Kakakuha ko lang ng balita mula sa kaibigan ko. Sabi niya, hindi pa raw dumarating si Rheana hanggang ngayon.”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Rayan. “Hindi pa siya dumarating?”“Oo.”“Halos isang oras na raw siyang naghihintay, pero hindi pa rin dumadating si Rheana.”Para bang mas malakas ang isang tibok ng puso ni Rayan nang marinig iyon. Hindi niya maintindihan
“Ano ang pinag-usapan ninyo ni Alyona?”Tinanggap ni Rayan ang cellphone mula sa kamay ni Rheana, saka tiningnan ang nakababatang kapatid na kanina pa mukhang malalim ang iniisip.Umiling nang bahagya si Rheana. “Wala naman.”Bahagyang tinaas ni Rayan ang isang kilay. “If it's nothing, bakit mukha kang may iniisip?”Ngumiti lang nang kaunti si Rheana at sinubukang ilihis ang usapan. “Wala nga, Kuya. Normal lang naman.”“Rheana.”Malumanay ang tono ng boses ni Rayan, pero sapat na iyon para sumuko ang kapatid niya.“Hay naku...” Mahinang napabuntong-hininga si Rheana. “Inaya lang naman ako ni Alyona na ipakilala sa isang friend niya.”“Kaibigan niya?”“Oo. May kilala raw siyang lalaki na baka bagay sa akin.”Ilang sandaling natahimik si Rayan bago hindi niya namalayang umangat ang mga sulok ng labi niya. “That's good, then.”Kumunot ang noo ni Rheana. “Anong good doon?”“Ibig sabihin, unti-unti ka na niyang itinuturing na parte ng pamilya niya.”Bahagyang ikiniling ni Rhean
“Mommy...”Narinig ang boses ni Rheana mula sa likurang terrace ng bahay.Saglit na lumingon si Jenesis, na kasalukuyang nagdidilig ng mga halamang ornamental sa kanilang hardin. Agad na lumitaw ang maliit na ngiti sa kanyang mukha nang makita ang bunso niyang anak na papalapit sa kanya.“Nakakain na ba ang alpaca mo?”Agad na natigil ang mga hakbang ni Rheana. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Hindi pa.”“Pakainin mo muna.”“Mommy naman...” Nag-pout si Rheana. “Mamaya na lang.”Mahinang natawa si Jenesis.“Paano kung magreklamo ang alpaca mo kapag pinaghintay mo pa?”“Hindi naman siya marunong magsalita.”“Pero kaya ka niyang titigan.”Napabuntong-hininga si Rheana na para bang napilitan na lamang.“Okay... mamaya, pagkatapos nating mag-usap, Mommy.”Natawang umiling si Jenesis bago muling ipinagpatuloy ang pagdidilig sa bawat halaman.“Anyway, ano ba ang kailangan mo at napakaaga mo pa lang ay hinahanap mo na ako?”Tumayo si Rheana sa tabi ng kanyang ina.
Inilipat ni Alyona ang tingin mula kay Riven papunta kay Rheana. Pagkatapos, napunta ang atensyon niya sa kamay ni Rheana na kanina pa nakapulupot sa braso ng nakatatandang kapatid nito.Bahagya siyang ngumiti.“It's such a coincidence na nagkita-kita tayo rito.”“Oo nga!” nakangiting sagot ni Rheana. “I honestly didn't expect na magkikita-kita tayo rito.”Lumapit si Rayan sa kanila. Hindi na siya nagsalita at basta na lamang marahang ginulo ang buhok ng nakababatang kapatid hanggang sa bahagyang magulo ang pagkakaayos nito.“Have you just arrived?” tanong ni Rayan habang nakatingin kay Riven, pero patuloy pa rin ang kamay niya sa paghaplos sa ulo ni Rheana.“Kuya naman!” Agad na inayos ni Rheana ang buhok niya habang inaalis ang kamay ni Rayan. “Nasira tuloy ang ayos ng buhok ko!”Mahinang natawa si Rayan.“You can easily fix it again.”Napabuntong-hininga si Rheana bago muling pumwesto sa tabi ni Riven, na para bang naghahanap ng kakampi.“Kuya Riven... look what he did!”
“Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l







