LOGIN“Lilipat kami nina Papa at Mama sa bago naming bahay,” masayang sabi ni Bernice nang araw na iyon habang kumikislap ang mga mata niya sa excitement. Nakaharap siya sa tatlo niyang pinsan.“Lilipat?” Agad na lumapit si Rayan, halatang curious. “Where? Sa bahay ni Lola?”“Hindi,” mabilis na umiling si Bernice. “Hindi sa bahay ni Lola Salome, at hindi rin sa bahay ni Lola Gracia. Bagong bahay. Bahay mismo ni Papa.”Si Rheana, na kanina pa nakaupo habang nilalaro ang kaniyang manika, ay agad ding nakisali sa usapan.“We’re moving too. Sabi ni Daddy, ginagawa pa raw ang bahay namin.”“Oh, really?” Lalong lumaki ang mga mata ni Bernice. “Wow, ang saya naman! So pareho tayong may bagong bahay.”Saglit siyang nag-isip bago nagpatuloy.“Sa bago naming bahay, kaming tatlo lang nina Papa at Mama. Mas mamahalin siguro nila ako kasi wala nang ibang kasama.”“Pero kawawa naman si Lola Salome,” mahina namang sabi ni Rayan. “Who’s going to stay with her? Si Tito Kai lang?”Saglit na tiningnan
[Naaksidente na naman ang ex-husband mo.]Natigilan si Jenesis habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Dahil sa maikling mensahe mula kay Karina, nanigas ang mga daliri niya sa ibabaw ng kumot.“Caizer?” mahina niyang sambit, bahagyang kumunot ang noo. “Paano nalaman ni Karina?”Sa halip na agad itanong kung ano ang kalagayan ni Caizer, isang maikling tanong muna ang isinagot ni Jenesis. Tinanong niya kung saan nalaman ni Karina ang tungkol sa aksidente.Ngunit walang dumating na sagot. Ang mensaheng ipinadala niya ay nanatiling isang gray na check.Dahan-dahang huminga nang malalim si Jenesis. Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table at sinubukang pakalmahin ang sarili.Hindi na niya dapat iyon problema. Si Caizer ay bahagi na ng nakaraan niya, isang sugat na matagal na niyang ibinaon sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya.Kakapikit pa lamang niya nang muling tumunog ang cellphone. Agad niya itong kinuha.Nang makita niya ang pangalan sa screen, hindi
“Ako na po ang maghahatid sa inyo, Sir,” alok ni Mang Pete nang umagang iyon habang naghahanda siyang buksan ang pinto ng sasakyan para ihatid si Caizer sa opisina.Marahang umiling si Caizer.“No need. I’ll drive myself.”“Pero nagbilin po si Madam Salome na huwag ko kayong hayaang magmaneho mag-isa, Sir.”“I’m doing much better now than I was before. It’s already been a month since I was discharged from the hospital,” kalmadong sagot ni Caizer, kahit medyo matigas ang tono ng boses niya. “And I’ve already gone on a few dates because that’s what Mom wanted.”Mahirap na napalunok si Mang Pete.May kung anong pilit sa sinabi ni Caizer, pero wala siyang lakas ng loob na kontrahin ito.“Sige po, Sir. Kung ganoon, mauuna na po ako.”Bahagyang tumango si Caizer bago binuksan ang pinto ng kanyang itim na sports car at umupo sa driver's seat.Iyon ang unang pagkakataon na muli siyang nagmaneho nang mag-isa mula noong aksidenteng nangyari ilang buwan na ang nakalipas, ang aksidenteng
“How was your dinner with Estelle last night, Cai?” malumanay na tanong ni Salome nang umagang iyon.Nakaupo siya sa tapat ng kanyang bunsong anak sa breakfast table, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa na bahagyang umuusok.Nanatiling kalmado si Caizer. Tinapos muna niya ang kinakain bago dahan-dahang lumunok, na para bang hindi naman ganoon kahalaga ang tanong ng kanyang ina.“It was fine,” maikli niyang sagot nang hindi tumitingin.Bahagyang sumikip ang mga mata ni Salome.“No chemistry?”Marahang umiling si Caizer.“She’s pregnant with another man’s child.”Halos mabitawan ni Salome ang hawak niyang kutsara. “What?”Nanlaki nang husto ang kanyang mga mata.“How did you find that out?”Natigil ang kamay ni Caizer sa ibabaw ng plato.Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi. Isang ngiting halos hindi mabasa ang tunay na ibig sabihin.“She told me herself last night, Ma.”Hindi pa rin makapaniwala si Salome.“She actually admitted it? At least, naging honest siya.
Sa ibabaw ng kama, nakatingin si Jenesis sa kanyang maliit na anak at sa asawa niya. Tahimik siyang naghihintay sa magiging sagot ni Raoul sa inosenteng sinabi ni Rheana.“Why would you think that?” malumanay na tanong ni Raoul habang hinihimas ang likod ng anak.“Baka mapagod na naman si Mommy sa pag-aalaga kay Baby. Tapos magiging busy na naman si Daddy at mas mamahalin na niya si Baby. Baka hindi na ako buhatin ni Daddy. Baka hindi na rin ako mahalin ni Daddy.”Nanginginig na ang boses ni Rheana habang sinasabi iyon.Bahagyang ngumiti si Raoul, pero kasabay ng pag-init ng kanyang puso ay nakaramdam din siya ng matinding awa para sa anak. Agad niyang binuhat si Rheana at niyakap ito.“Sweetheart,” mahina niyang bulong. “Daddy and Mommy’s love for you will never become less just because another person is coming into our family.”Nagdududang tumingin sa kanya si Rheana.“And you’ll always be Daddy’s little princess,” malumanay na pagpapatuloy ni Raoul. “Forever.”Pagkatapos ay
Agad na binuhat ni Raoul si Jenesis at isinandal ito sa kanyang mga bisig. Hindi maayos ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Maputlang-maputla ang mukha ng kanyang asawa at halos wala nang kulay ang mga labi nito.“Love... open your eyes. Jenesis,” kinakabahang bulong niya habang marahang tinatapik ang pisngi nito.Lumipas ang ilang segundong pakiramdam ni Raoul ay napakahaba.Mayamaya, bahagyang kumurap si Jenesis. Hirap pa rin ang kanyang paghinga at tila wala pa siyang lakas.Napabuntong-hininga nang maluwag si Raoul. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa asawa, na para bang natatakot siyang muli itong manghina sa kanyang mga bisig.“I’m going to call the doctor, okay?” mahina niyang sabi habang pilit na pinananatiling kalmado ang sarili.Binuhat niya si Jenesis palabas ng bathroom at maingat na inihiga sa kama.“Raoul...” mahinang sambit ni Jenesis, halos nakapikit ang mga mata.“Yes, I’m right here. Give me a moment. I’ll call the doctor first,” sagot ni Raoul habang
“Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Raoul…?” kakalabas lang ni Yngrid mula sa banyo matapos gumamit ng CR nang mapansin niyang walang laman ang kama.Agad siyang napasimangot. Tumingin siya sa paligid, gusot ang kumot, pero wala ang asawa niya.“Sigurado nasa study room na naman,” bulong niya, naka-pout pa. “Ba’t hindi na lang siya

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





