Share

Chapter 20

Chapter 20

"At bakit naman kami papayag na dito tumira ang apo niyo? Hindi naman namin kaano-ano 'yan!" sabat ni Chelsea na kanina pa nakikinig sa kaguluhan nila.

"Hindi nga ninyo kaano-ano pero dugo niyo ang batang dinadala niya," katwiran ng Lola niya.

"Susustentuhan na lang namin ang apo ninyo kung talagang anak yan ni Shin. Pero hindi ako pabor na tumira siya dito," tanggi rin ng Mommy ni Shin.

"Hanggang kailan? Ano'ng malay ko kung itago niyo bigla yang anak niyo at takasan ang responsibilidad niya? Parehas lang silang menor de edad pero dapat lang na pareho silang manindigan."

"La, wag na lang natin ipilit..." pakiusap niya sa aguela.

"Manahimik ka! Wala sana tayo sa sitwasiyon na ganito kung pag-aaral mo lang ang inatupag mo!" galit na sita nito sa kanya kaya napayuko siya.

Muling bumaling ang Lola niya sa mag-asawa.

"Kilala kayong mga Dela Vega bilang matulungin. Hindi ba't nangangampanya na ang kapatid mo para maging Mayor ulit ng bayang ito? Scholar pa nga niya ang apo ko. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status