分享

Chapter 5

作者: Nina Vale
last update publish date: 2026-03-30 16:25:25

Nanigas si Mara.

Hindi siya makagalaw, parang may humila sa kanya pabalik sa nakaraan.

Nakatitig si Rafael sa batang karga niya—si Nico.

Tahimik lang ito, pero ang bigat ng tingin.

Parang sinusuri.

Parang may hinahanap.

Malalaki ang mata ni Nico, malinaw, halos kumikislap sa ilaw. Maputi ang balat, malinis ang features—yung tipong kahit hindi mo kilala, mapapalingon ka.

Parang maliit na manika.

At sa sobrang pagkakahawig—

May kung anong kumirot sa dibdib ni Rafael.

Hindi niya maipaliwanag.

Pero ramdam niya.

Kung hindi kanya…

Kanino?

“Ha. Asa ka,” malamig na sagot ni Mara, mabilis.

Halos hindi na niya pinag-isipan.

Kailangan niyang putulin agad yung iniisip nito.

Pero sa loob niya—

Nagpapanic siya.

Sobra.

Hindi pwede.

Hindi pwede niyang mahalata.

Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili, saka tumingin kay Nico.

“Anak,” sabi niya, medyo mas seryoso kaysa sa gusto niya, “bakit mo tinawag na ‘Dad’ yung uncle?”

Napatitig si Nico sa kanya, parang nagtataka kung bakit biglang naging formal si Mara.

“Sabi ni Lola,” inosente nitong sagot. “Kapag super gwapo, ‘Dad’ ang tawag. Kapag sakto lang, ‘Uncle.’ Kapag hindi gwapo, ‘Kuya.’”

Napapikit si Mara sandali.

Ayos, Ma.

Talagang pinlano mo ‘to ha.

Napabuntong-hininga siya sa loob-loob niya, pero hindi niya pinahalata.

Tumikhim siya at binalingan si Rafael.

“Mr. Reyes,” maayos niyang sabi, pilit kalmado ang tono, “hindi ko po anak si Nico. Anak po siya na inampon ng mama ko. Kaya ate ang tawag niya sa’kin.”

Tahimik si Rafael.

Hindi siya sumagot.

Pero hindi rin niya inalis ang tingin kay Nico.

Parang hindi siya kumbinsido.

Parang may kulang.

“Kung gusto n’yo ng anak,” dagdag ni Mara, medyo tumigas ang boses, “marami naman pong iba.”

Medyo below the belt, alam niya.

Pero kailangan.

Para umatras ito.

Para tumigil.

Hindi agad sumagot si Rafael.

Parang naubusan ng salita.

O baka… nag-iisip lang.

“Uuwi na po ako,” sabi ni Mara, sabay talikod.

Ayaw na niyang tumagal pa.

Baka may masabi pa siya.

Baka may mahalata pa ito.

Pagkatapos ng ilang hakbang, huminto siya saglit.

“At please,” dagdag niya, hindi lumilingon, “huwag n’yo akong sundan. Hindi maganda tingnan.”

Diretso siya sa kotse.

Maingat niyang pinasok si Nico, inayos ang seatbelt nito, siniguradong maayos ang pagkakakabit.

Pagkatapos—

Umandar siya agad.

Parang may hinahabol.

O may tinatakasan.

Habang nagda-drive, napatingin siya sa rearview mirror.

At doon—

Nakita niya pa rin si Rafael.

Nakatayo lang.

Hindi gumagalaw.

Nakatingin sa kanila.

Parang may gustong habulin—

pero pinipigilan.

Napabuntong-hininga siya nang malalim.

Buti na lang.

Buti na lang talaga.

Na naisip yun ng mama niya noon.

Yung ipalagay ang pangalan ni Nico sa ibang records.

Yung hindi siya direktang nakatali sa kanya.

At yung turuan itong “Ate” ang itawag sa kanya sa harap ng ibang tao.

Noon, galit na galit siya.

Pakiramdam niya, inaagaw sa kanya yung pagiging nanay niya.

Pero ngayon—

Naiintindihan niya na.

Kung hindi dahil doon—

Matagal na siyang nawalan ng anak.

Hindi niya kayang mawala si Nico.

Hindi niya papayagang kunin ito.

Kahit sino pa.

Kahit si Rafael pa.

Lalo na si Rafael.

Hindi niya namalayang napapiga na niya ang manibela.

Biglang bumalik sa isip niya ang nakaraan.

Yung araw na umalis si Rafael.

Walang paalam na maayos.

Walang paliwanag.

Basta na lang nawala.

Tapos—

Sumunod yung pamilya nito.

Yung mga salitang hindi niya makalimutan.

Yung paraan ng pagtingin sa kanya—parang wala siyang halaga.

Parang pabigat lang siya.

Parang hadlang.

Napilitan silang umalis.

Lumayo.

Sa probinsya.

Tahimik.

Malayo sa lahat.

At doon—

Siya nanganak.

Walang ospital.

Walang doktor.

Walang kahit anong maayos na tulong.

Dugo.

Sobrang daming dugo.

Hindi niya makalimutan yung pakiramdam na unti-unti siyang nanghihina.

Parang lumalayo ang mundo.

Akala niya—

Hindi na siya makakaligtas.

Yung maliit na clinic—

Walang sapat na dugo.

Walang kagamitan.

At kung pupunta pa sa city—

Dalawang oras pa ang biyahe.

Hindi niya kakayanin.

Yung mama niya—

Hindi nag-isip.

Umakyat ng bundok, kahit umuulan, para maghanap ng manghihilot.

Pagbalik—

Basang-basa.

Marumi.

May sugat pa.

Pero hawak niya yung pulseras ni Mara.

Yung dating kalahating puti, kalahating pula.

Nang araw na yun—

Naging pula lahat.

Parang sinipsip lahat ng sakit.

At doon—

Nakaligtas siya.

Pero may nawala rin.

Yung dating siya.

Yung dating Mara.

“Mommy…”

Mahinang tawag ni Nico.

Napakurap si Mara, bumalik sa kasalukuyan.

“Hmm?” sagot niya, pilit normal.

“Pwede bang maging daddy ko yung uncle kanina?” tanong nito, simple lang.

Diretso.

Walang malisya.

Pero tumama.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela.

“Hindi,” diretso niyang sagot.

Walang paliwanag.

Walang lambing.

Tahimik si Nico.

“Sayang,” bulong nito.

Parang disappointed.

Hindi na siya sumagot.

Hindi niya alam kung anong sasabihin.

Maya-maya, dumating sila sa mall.

May usapan siya.

Kailangan niyang magpaka-normal.

Pagpasok nila sa restaurant, agad niyang nakita si Trish—naka-red dress, naka-upo sa may bintana, parang wala lang sa mundo.

“Hi!” bati nito, parang walang problema sa buhay.

Agad kumawala si Nico sa kamay niya.

“Tita Trish!”

Natawa si Trish, sabay buhat dito.

“Grabe, miss na miss kita!” sabi nito, pinipisil ang pisngi ni Nico.

“May pasalubong ako,” dagdag niya, sabay labas ng mga paper bag.

Kung anu-ano.

Laruan.

Damit.

Isang maliit na kahon.

“Wow!” tuwang-tuwa si Nico.

“Thank you, Tita!”

Ngumiti si Mara, naupo sa tapat.

“Ang spoiled mo,” biro niya.

“Syempre,” sagot ni Trish. “Favorite ko ‘yan.”

Maya-maya, may inilabas pa itong isang maliit na velvet box.

“In advance birthday gift mo,” sabi nito.

Napakunot-noo si Mara.

“Hindi naman kailangan—”

“Open mo.”

Binuksan niya.

At napahinto siya.

Isang bracelet.

Simple, pero halatang mahal.

Yung tipong hindi mo basta-basta binibili.

Kumikinang sa ilaw.

Tahimik siyang napatingin sa pulso niya.

Sa luma niyang bracelet.

Yung hindi na katulad ng dati.

Yung nagbago na rin.

Dahan-dahan niyang sinuot yung bago.

“Thank you,” mahina niyang sabi.

Pero sa loob niya—

May kung anong bumigat.

Parang may paalala.

Ng lahat ng nangyari.

“Next time,” biro niya, pilit magaan, “cash na lang ibigay mo.”

Natawa si Trish.

Pero maya-maya—

Naging seryoso ang mukha nito.

“Mara…”

Napatingin siya.

“I wasn’t there nung pinanganak mo si Nico,” mahina nitong sabi.

Tahimik.

Biglang bumigat ulit ang hangin.

At sa unang pagkakataon—

May taong muling nagbukas ng parte ng buhay niya na pilit niyang isinasara.

At hindi niya alam—

Kung kaya na ba niyang balikan yun.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • When two hearts align for the second time   Chapter 12

    Muntik nang lumundag ang dibdib ni Mara nang marinig ang boses ni Rafael. Hindi na siya sumagot. Pagod na siya. Masakit ang puson niya. At higit sa lahat, wala siyang lakas para makipagtalo. Tahimik niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay. Pagkaupo, agad siyang dumikit sa bintana. Halos yakapin na niya ang pinto para lang mas lumayo kay Rafael. Maluwag ang loob ng sasakyan. Mahahalata mong imported at mamahalin. Mabango. Malinis. Tahimik. Pero sa kabila ng lawak nito, pakiramdam ni Mara ay nasisikipan siya. Dahil katabi niya si Rafael. At kahit hindi ito nagsasalita, sapat na ang presensya nito para mawala ang hininga niya. Tahimik silang dalawa sa unang ilang minuto. Tanging tunog ng makina at ilaw ng kalsada ang kasama nila. Hanggang sa nagsalita rin ang lalaki. “Saan masakit?” Napakurap siya. “Ha?” “Sabi mo kanina, hindi ka okay.” Ayaw sana niyang sagutin. Pero pagod na siyang magpanggap. “Wala,” maikli niyang sabi. Tumahimik ito. Pagkalipas ng ilang se

  • When two hearts align for the second time   Chapter 11

    “Kuya Jiang, salamat talaga sa pagtulong kanina.” Mahigpit ang hawak ni Aling Rosa sa kumot habang nakaupo sa wheelchair. Kita sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pasasalamat. “Yung anak ko, si Mara, sa Reyes Group din nagtatrabaho. Baka nagkikita na kayo roon?” Napalingon si Mara sa lalaking nasa harap nila. Hindi pa rin siya makapaniwala. Sa dami ng tao sa Maynila, sa dami ng pwedeng makilala ng nanay niya sa hospital, bakit siya pa? Si Miguel Santiago. Director ng Strategic Development. Tahimik. Matalino. At kilala sa opisina na hindi madaling lapitan. “Director Miguel,” maayos niyang sabi, bahagyang yumuko. “Salamat po sa pagtulong sa mama ko.” Saglit siyang tinignan ng lalaki. Walang yabang. Walang lambing. Pero hindi rin malamig. “You're welcome,” simpleng sagot nito. “Timing lang na nandoon ako.” Pagkatapos noon, walang arte nitong itinulak palapit ang wheelchair at yumuko sa harap ng nanay ni Mara. “Ma’am, dalhin muna natin kayo sa r

  • When two hearts align for the second time   Chapter 10

    Napahinto si Mara sa harap ng desk niya nang marinig ang bulungan sa paligid. “Bakit bumaba ulit si Sir Rafael?” “Trip ba niya mag-check dito? Grabe, parang naninita lang ng hangin…” Hindi siya kumibo. Kunwari abala sa laptop, pero ramdam niya—may paparating na gulo. At hindi siya nagkamali. Maya-maya, bumukas ang glass door ng office. Tahimik pero parang biglang nagbago ang atmosphere. Pumasok si Rafael. Diretso ang lakad. Walang lingon-lingon. Walang ngiti. Pero sapat na ang presensya niya para patahimikin ang buong floor. Napahigpit ang hawak ni Mara sa mouse. Hindi siya tumingin. Ayaw niya. Pero— “Know na may team building kayo sa end ng month na to.” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napilitan si Mara tumingala. “Yes, sir,” maayos niyang sagot. “At sasama ako.” Nanlaki ang mata ng buong team. “May problema ba?,” dagdag ni Rafael, malamig ang boses. “at walang pwedeng mag-leave. Unless emergency.” Tahimik. Sobrang tahimik. Parang may pumutok—pero sa loob lang ng

  • When two hearts align for the second time   Chapter 9

    “Rafael, umalis ka na.” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mara. Nakatayo siya sa may pinto ng condo, nakapamaywang, halatang pagod pero pilit tinatatagan ang boses. “Hindi ka welcome dito.” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatitig lang siya sa mukha ni Mara—parang may binabasa, parang may hinahanap na matagal na niyang hindi nakita. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, balak sana hawakan ang pisngi nito. Pero— pak! Mabilis siyang nasampal ni Mara sa kamay. “Don’t,” malamig nitong sabi, habang tinititigan ng masama si Rafael. Saglit na natahimik si Rafael. Tapos— napangiti siya. Yung tipong nakakairita. “Ang sama mo talaga,” sabi niya, medyo paos. “Gawan mo ‘ko ng sabaw. Nahihilo ako.” Napairap si Mara. Amoy alak ito. “Grabe ka, kakainom mo ‘yan,” sagot niya. “Umalis ka na lang.” Pero hindi na siya pinakinggan ni Rafael. Diretso siyang pumasok, parang siya ang may-ari ng lugar. Umupo sa sofa, sumandal, at saka tumingin sa paligid. Hanggang sa n

  • When two hearts align for the second time   Chapter 8

    Sa condo ni Mara sa may Eastwood, halos maghatinggabi na nang makarating sila. Pagod na pagod si Trish kakabuhat at kakasuporta sa kanya mula parking hanggang elevator. Buti na lang may guard na tumulong kahit papaano, pero halos siya pa rin ang bumuhat sa buong bigat ni Mara. “Grabe ka, girl…” hingal na sabi niya habang binubuksan ang pinto. “Akala mo malakas uminom.” Walang sagot si Mara. Halos wala na rin siyang malay. Pagkapasok, dahan-dahan siyang inihatid ni Trish sa guest room. Inilapag siya sa kama, inayos ang unan, saka napaupo sa gilid. “Hay, salamat…” bulong niya sa sarili. Akala niya tapos na ang problema. Pero biglang gumalaw si Mara. “Rafael…” mahina nitong bulong, halos hindi maintindihan. Napatingin si Trish. “Hay nako…” Biglang kumunot ang noo ni Mara, saka napamura. “Bwisit ka… Rafael…” Napailing si Trish. Ayan na. Drunk mode. “Hindi ko ibibigay…” dagdag ni Mara, mas malinaw na. “Hindi mo siya kukunin…” Napahigpit ang hawak niya sa

  • When two hearts align for the second time   Chapter 7

    Alam ni Mara.Hindi pa sumusuko si Rafael.Kahit ilang beses na niyang itulak palayo—kahit gaano niya ipakitang wala na siyang pakialam—nandun pa rin ‘yung paraan ng pag tingin nito. Parang may hinahanap. Parang hindi pa tapos.Kaya nung makita niyang papalapit ulit ito habang karga niya si Nico, parang may kumirot agad sa dibdib niya.“Fine,” bigla niyang sabi, sabay abot ng bata sa kanya. “O, sa’yo na.”Nagulat si Rafael.Hindi agad niya naisalba ang reaksyon niya nang mailagay sa braso niya ang maliit na katawan ni Nico.Mainit. Mabango. Malambot.Parang hindi niya alam kung paano hahawakan.“She drinks milk four times a day,” dagdag ni Mara, medyo mabilis magsalita. “Ayaw niya ng carrots. Tapos allergic sa seafood."Napakurap si Rafael.“Wait—”Pero hindi na siya pinatapos.Tumayo si Nico nang maayos sa pagkakakarga sa kanya, saka ngumiti ng malaki.“Ako si Nico!” masigla nitong sabi. “Nico Reyes! Pero tawag sa’kin ni Mama—Bean!”Napatingin si Rafael sa bata.Malalaki ang mata. Ma

  • When two hearts align for the second time   Chapter 1

    “Anak, bilisan mo na, malalate na tayo!” halos pasigaw na sabi ni Mara habang nagmamadaling nagsusuklay sa harap ng salamin. Nasa kabilang side ng sala, naka-upo si Nico sa sahig, hawak ang isang maliit na laruan, todo iwas sa sapatos na pilit isinusuksok ni Mara sa paa niya. “Ayoko pumasok,” mahi

  • When two hearts align for the second time   Chapter 6

    Tinulak siya ni Mara. Hindi basta tulak—galit, buo, parang lahat ng pinigilan niya sa loob ng apat na taon, doon na lumabas. “Rafael, ano bang gusto mo?” sigaw niya, nanginginig ang boses. Hindi niya alam kung sa galit o sa pagod. Huminto si Rafael. Nakatayo ito sa gilid ng yacht, isang kamay na

  • When two hearts align for the second time   Chapter 2

    Napapikit si Mara at mariing kinagat ang labi habang tinititigan ang laptop screen. 9:30 na ng gabi. Pangatlong beses na niyang chine-check ang report. Bawat number, bawat detalye—walang pwedeng magkamali. Ayaw na niyang maulit yung nangyari kanina. Pagkatapos ng ilang minuto, tuluyan niya

  • When two hearts align for the second time   Chapter 4

    “Lasing ka na?” Napakunot-noo si Mara habang tinitingnan yung hawak niyang champagne. Isang baso pa lang naman. Hindi naman siya ganun ka-hina… ‘di ba? Pero bakit parang umiinit na ulo niya? Ibinaba niya yung plato sa mesa at tumingin sa paligid. Ang ingay. Ang daming tao. Halos lahat naka

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status