Share

Chapter 10

Penulis: Nina Vale
last update Tanggal publikasi: 2026-04-17 00:12:10

Napahinto si Mara sa harap ng desk niya nang marinig ang bulungan sa paligid.

“Bakit bumaba ulit si Sir Rafael?”

“Trip ba niya mag-check dito? Grabe, parang naninita lang ng hangin…”

Hindi siya kumibo. Kunwari abala sa laptop, pero ramdam niya—may paparating na gulo.

At hindi siya nagkamali.

Maya-maya, bumukas ang glass door ng office.

Tahimik pero parang biglang nagbago ang atmosphere.

Pumasok si Rafael.

Diretso ang lakad. Walang lingon-lingon. Walang ngiti. Pero sapat na ang presensya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • When two hearts align for the second time   Chapter 10

    Napahinto si Mara sa harap ng desk niya nang marinig ang bulungan sa paligid. “Bakit bumaba ulit si Sir Rafael?” “Trip ba niya mag-check dito? Grabe, parang naninita lang ng hangin…” Hindi siya kumibo. Kunwari abala sa laptop, pero ramdam niya—may paparating na gulo. At hindi siya nagkamali. Maya-maya, bumukas ang glass door ng office. Tahimik pero parang biglang nagbago ang atmosphere. Pumasok si Rafael. Diretso ang lakad. Walang lingon-lingon. Walang ngiti. Pero sapat na ang presensya niya para patahimikin ang buong floor. Napahigpit ang hawak ni Mara sa mouse. Hindi siya tumingin. Ayaw niya. Pero— “Know na may team building kayo sa end ng month na to.” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napilitan si Mara tumingala. “Yes, sir,” maayos niyang sagot. “At sasama ako.” Nanlaki ang mata ng buong team. “May problema ba?,” dagdag ni Rafael, malamig ang boses. “at walang pwedeng mag-leave. Unless emergency.” Tahimik. Sobrang tahimik. Parang may pumutok—pero sa loob lang ng

  • When two hearts align for the second time   Chapter 9

    “Rafael, umalis ka na.” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mara. Nakatayo siya sa may pinto ng condo, nakapamaywang, halatang pagod pero pilit tinatatagan ang boses. “Hindi ka welcome dito.” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatitig lang siya sa mukha ni Mara—parang may binabasa, parang may hinahanap na matagal na niyang hindi nakita. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, balak sana hawakan ang pisngi nito. Pero— pak! Mabilis siyang nasampal ni Mara sa kamay. “Don’t,” malamig nitong sabi, habang tinititigan ng masama si Rafael. Saglit na natahimik si Rafael. Tapos— napangiti siya. Yung tipong nakakairita. “Ang sama mo talaga,” sabi niya, medyo paos. “Gawan mo ‘ko ng sabaw. Nahihilo ako.” Napairap si Mara. Amoy alak ito. “Grabe ka, kakainom mo ‘yan,” sagot niya. “Umalis ka na lang.” Pero hindi na siya pinakinggan ni Rafael. Diretso siyang pumasok, parang siya ang may-ari ng lugar. Umupo sa sofa, sumandal, at saka tumingin sa paligid. Hanggang sa n

  • When two hearts align for the second time   Chapter 8

    Sa condo ni Mara sa may Eastwood, halos maghatinggabi na nang makarating sila. Pagod na pagod si Trish kakabuhat at kakasuporta sa kanya mula parking hanggang elevator. Buti na lang may guard na tumulong kahit papaano, pero halos siya pa rin ang bumuhat sa buong bigat ni Mara. “Grabe ka, girl…” hingal na sabi niya habang binubuksan ang pinto. “Akala mo malakas uminom.” Walang sagot si Mara. Halos wala na rin siyang malay. Pagkapasok, dahan-dahan siyang inihatid ni Trish sa guest room. Inilapag siya sa kama, inayos ang unan, saka napaupo sa gilid. “Hay, salamat…” bulong niya sa sarili. Akala niya tapos na ang problema. Pero biglang gumalaw si Mara. “Rafael…” mahina nitong bulong, halos hindi maintindihan. Napatingin si Trish. “Hay nako…” Biglang kumunot ang noo ni Mara, saka napamura. “Bwisit ka… Rafael…” Napailing si Trish. Ayan na. Drunk mode. “Hindi ko ibibigay…” dagdag ni Mara, mas malinaw na. “Hindi mo siya kukunin…” Napahigpit ang hawak niya sa

  • When two hearts align for the second time   Chapter 7

    Alam ni Mara.Hindi pa sumusuko si Rafael.Kahit ilang beses na niyang itulak palayo—kahit gaano niya ipakitang wala na siyang pakialam—nandun pa rin ‘yung paraan ng pag tingin nito. Parang may hinahanap. Parang hindi pa tapos.Kaya nung makita niyang papalapit ulit ito habang karga niya si Nico, parang may kumirot agad sa dibdib niya.“Fine,” bigla niyang sabi, sabay abot ng bata sa kanya. “O, sa’yo na.”Nagulat si Rafael.Hindi agad niya naisalba ang reaksyon niya nang mailagay sa braso niya ang maliit na katawan ni Nico.Mainit. Mabango. Malambot.Parang hindi niya alam kung paano hahawakan.“She drinks milk four times a day,” dagdag ni Mara, medyo mabilis magsalita. “Ayaw niya ng carrots. Tapos allergic sa seafood."Napakurap si Rafael.“Wait—”Pero hindi na siya pinatapos.Tumayo si Nico nang maayos sa pagkakakarga sa kanya, saka ngumiti ng malaki.“Ako si Nico!” masigla nitong sabi. “Nico Reyes! Pero tawag sa’kin ni Mama—Bean!”Napatingin si Rafael sa bata.Malalaki ang mata. Ma

  • When two hearts align for the second time   Chapter 6

    Tinulak siya ni Mara. Hindi basta tulak—galit, buo, parang lahat ng pinigilan niya sa loob ng apat na taon, doon na lumabas. “Rafael, ano bang gusto mo?” sigaw niya, nanginginig ang boses. Hindi niya alam kung sa galit o sa pagod. Huminto si Rafael. Nakatayo ito sa gilid ng yacht, isang kamay nakasuksok sa bulsa, yung isa nakahawak sa railing. Malapad ang balikat, tuwid ang tindig—parang hindi tinatablan ng hangin o alon. Sa ilalim ng ilaw, mas tumalas ang features niya. Mas malamig. Mas parang hindi na yung lalaking minahal niya noon. “Mara,” sabi nito, mababa ang boses, may halong pang-aasar. “Nagsisisi ka ba?” Natigilan siya. “Nagsisisi?” ulit niya, parang hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya. Tumingin si Rafael diretso sa mata niya. Walang iwasan. Walang paligoy-ligoy. “Na nakipaghiwalay ka sa’kin,” dagdag nito. “Kung nagtiis ka lang ng konti… sayo na sana lahat ‘to.” Ikinaway nito ang kamay, parang ipinapakita ang buong paligid. Yacht. Ilaw. Mga taong mayay

  • When two hearts align for the second time   Chapter 5

    Nanigas si Mara. Hindi siya makagalaw, parang may humila sa kanya pabalik sa nakaraan. Nakatitig si Rafael sa batang karga niya—si Nico. Tahimik lang ito, pero ang bigat ng tingin. Parang sinusuri. Parang may hinahanap. Malalaki ang mata ni Nico, malinaw, halos kumikislap sa ilaw. Maputi ang balat, malinis ang features—yung tipong kahit hindi mo kilala, mapapalingon ka. Parang maliit na manika. At sa sobrang pagkakahawig— May kung anong kumirot sa dibdib ni Rafael. Hindi niya maipaliwanag. Pero ramdam niya. Kung hindi kanya… Kanino? “Ha. Asa ka,” malamig na sagot ni Mara, mabilis. Halos hindi na niya pinag-isipan. Kailangan niyang putulin agad yung iniisip nito. Pero sa loob niya— Nagpapanic siya. Sobra. Hindi pwede. Hindi pwede niyang mahalata. Hindi ngayon. Hindi kailanman. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili, saka tumingin kay Nico. “Anak,” sabi niya, medyo mas seryoso kaysa sa gusto niya, “bakit mo tinawag na ‘Dad’

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status