مشاركة

Chapter 235

مؤلف: vienriaz
last update تاريخ النشر: 2026-07-30 23:44:05

Mabilis na lumipas ang oras habang sakay ako ng bus patungong paliparan. Ang bawat kilometro ng paglayo ko sa Maynila ay tila karayom na bumabaon sa aking dibdib. Paulit-ulit kong binabalikan sa aking isipan ang mga huling sandali namin ni Lucas sa penthouse. Ang kaniyang ngiti, ang kaniyang yakap, at ang init ng kaniyang mga halik ay nananatili pang sariwa sa aking balat, ngunit alam kong ang mga alaalang ito na lamang ang natitira sa akin mula ngayon. Walang pagsisisi sa aking dibdib, tanging
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 238

    Ang ngiting iyon ni Nathan ang nagsilbing mitsa para tuluyang mawala ang natitira kong katinuan. Matapos ang araw na iyon, ang simpleng pagtatrabaho ko sa hotel ay naging isang uri ng pagpapahirap. Akala ko tapos na ang lahat matapos kong talikuran ang counter noon at magpakalunod sa mga paperworks sa opisina. Ngunit nagkamali ako. Doon nagsimula ang sadyang pangungulit ni Nathan, isang tahimik ngunit epektibong kampanya ng pagpapanumbalik ng mga sugat na pilit kong tinatahi gamit ang sinulid ng limot.Hindi siya umalis ng Cebu. Nanatili siya roon kasama si Sabel, at araw-araw ay kinakausap niya ako.“Hindi mo talaga gustong makausap ulit si Lucas?” Pangungulit niya. Mariin kong kinagat ang loob ng aking labi. Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pag-encode ng mga resibo, pilit na pinatitigas ang aking mga kamay na kanina pa sana gustong manginig."Huwag mo akong pansinin, Sir Nathan," malamig kong sagot nang hindi man lamang siya tinitingnan. "Busy ako.""Busy ka o nagtatago ka lang

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 237

    Lumipas ang mga araw na mistulang hinahabol ako ng sarili kong anino. Araw-araw, ang presensya ni Nathan Villamor sa loob ng marangyang hotel na ito ay tila isang bangungot na paalala na hindi habangbuhay ay makakapagtago ako sa likod ng mga dokumento, ng computer, at ng mga ngiting ipinapinta ko sa aking labi para sa mga turista at negosyanteng nagche-check-in. Naroon siya, umiikot sa malawak na lobby kasama si Sabel, kung minsan ay nagkakape sa gilid habang ang mga mata ay may talas na naghahanap sa akin, o kaya naman ay naglalakad sa hardin na tila ba walang ibang layunin sa buhay kundi ang hintayin ang tamang oras kung kailan ako makakausap. Ngunit pilit kong ipinagwalang-bahala ang lahat ng iyon. Ibinaon ko ang aking sarili sa mga gawain. Tiniis ko ang pagod, ang panginginig ng mga tuhod, at ang paninikip ng aking dibdib tuwing masusulyapan ko ang kaniyang matangkad na pigura mula sa malayo. Paulit-ulit kong binulong sa aking sarili na basta't hindi ko siya bibigyan ng pagkakatao

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 236

    Apat na taon. Apat na mahabang taon ang lumipas mula nang gabing iwan ko ang Manila at ang tanging lalaking minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Upang pigilan ang aking isip na bumalik sa mga alaalang iyon, ibinaon ko ang aking sarili sa trabaho. Araw-araw, pinipilit kong maging abala hanggang sa mawalan na ako ng lakas na mag-isip o lumuha pa. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho na ako bilang receptionist sa isa sa mga kilalang hotel dito sa Cebu. Maganda ang takbo ng aking buhay rito. Tahimik, payapa, at malayo sa magulong mundo ng mga mayayaman na minsan nang sumira at bumura sa pagkatao ko. Kahit na minsan, naiisip ko pa rin ang mga panahon na kasama ko si Lucas. Akala ko tuluyan ko nang nailibing ang nakaraan, hanggang sa isang hapon, ang lahat ng pagpapanggap ko ay gumuho sa isang iglap. Kasalukuyan akong nakatayo sa front desk, nakangiting bumabati sa mga pumapasok na bisita habang inaasikaso ang mga papeles sa computer, nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki na humi

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 235

    Mabilis na lumipas ang oras habang sakay ako ng bus patungong paliparan. Ang bawat kilometro ng paglayo ko sa Maynila ay tila karayom na bumabaon sa aking dibdib. Paulit-ulit kong binabalikan sa aking isipan ang mga huling sandali namin ni Lucas sa penthouse. Ang kaniyang ngiti, ang kaniyang yakap, at ang init ng kaniyang mga halik ay nananatili pang sariwa sa aking balat, ngunit alam kong ang mga alaalang ito na lamang ang natitira sa akin mula ngayon. Walang pagsisisi sa aking dibdib, tanging ang matinding kirot lamang ng paglisan ang nararamdaman ko. Ginawa ko ito para sa kaniyang kinabukasan at para sa kaligtasan ng aking pamilya, ngunit ang kapalit naman nito ay ang tuluyang pagkadurog ng aking sariling kaluluwa.Pagdating ko sa airport, mabilis akong naglakad patungo sa check-in counter ayon sa mga tagubilin at tiket na ipinadala sa akin ni Ma’am Sofia. Walang palya ang kaniyang pag-aayos. Bawat detalye ng aking pag-alis ay planado upang masigurong walang puwang para sa akin na

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 234

    Kinabukasan, maaga akong nagising habang payapa pang natutulog si Lucas sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na kahit sa pagtulog ay may bakas ng pagod mula sa mabibigat na responsibilidad na pasan-pasan niya araw-araw. Sinamantala ko ang katahimikan at ang lamig ng umaga upang maghanda ng isang masarap, mainit, at masaganang almusal para sa aming dalawa. Tumayo ako nang dahan-dahan, siniguradong hindi siya magigising, at nagtungo sa kusina. Nagtimpla ako ng kaniyang paboritong kape na may tamang timpla ng asukal at gatas, nagsangag ng kanin, at nagprito ng tocino pati na rin ilang itlog na madalas naming agahan noong mga panahong mas simple pa ang lahat.Habang ginagawa ko ang mga hakbang na ito, sunod-sunod at tahimik ang pagpatak ng aking mga luha sa ibabaw ng counter. Paulit-ulit kong pinupunasan ang aking mga mata gamit ang likod ng aking palad, galit sa sarili dahil sa kahinaan ko. Ayokong makita niya akong umiiyak ngayong umaga. Gusto kong iwanan siya nang may magandan

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 233

    Ilang araw na ang lumipas mula nang maganap ang tagpong iyon sa cafe, ngunit ang mga salita ni Ma’am Sofia ay patuloy na nag-iwan ng matinding sugat sa aking isipan. Habang tumatagal ang mga araw, mas lalo kong napapansin ang mga maliliit na detalye na noon ay pilit kong iniiwasang tingnan dahil akala ko, normal lang iyon sa trabaho niya. Si Lucas. Ang kaniyang madalas na paghawak sa kaniyang ulo habang nakatitig sa screen ng kaniyang laptop. Ang sunod-sunod na tawag na natatanggap niya kahit dis-oras ng gabi. Ang pilit niyang ngiti sa tuwing titingin siya sa akin, kahit malinaw na malinaw sa akin ang bigat ng pagod at problema sa kaniyang mga mata.Sa bawat pagtunog ng kaniyang telepono, sa bawat malalim niyang buntong-hininga dahil sa mga gastusin sa negosyo, mas lalo kong napatunayan na totoo ang lahat ng sinabi ng kaniyang ina. Hindi na ako nag-aalinlangan pa. Nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit sa akin ni Ma’am Sofia. Hindi dahil sa mahirap lang ako, kundi dahi

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 5

    Matapos ang gabing muntik nang maging 'Rated SPG' ang buhay ko ay biglang naglaho si Sir Lucas. Akala ko pa naman ay masusundan ang aming moment, pero mukhang sa panaginip ko muna itutuloy ang mga naudlot na halik. Ang dalawang linggong wala si Sir Lucas ay parang dalawang taon para sa akin. Para

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 4

    Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa mukha. "O-opo, Sir. Sorry po talaga. Akala ko po talaga kasi ikamamatay ko na 'yung kaba," sabi ko habang pilit na inaayos ang suot kong manipis na puting t-shirt. Sa sobrang luma nito, halos maging transparent na siya, at sa sobrang kaba k

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 3

    Pagod na pagod ako pagdating ng gabi. Parang kinuha ng mga polo shirt ni Sir Lucas ang lahat ng energy sa katawan ko. Pagkatapos ng hapunan at paglilinis sa kusina, diretso na ako sa servant’s quarters. Ang plano ko talaga, ititupi ko pa 'yung mga bagong tuyong damit ni Sir na kinuha ko sa sampayan

  • Working as a Maid for the Billionaire   Chapter 2

    Halos mag-split ako sa tuwa habang tinatahak ang daan patungong labanderya. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang tatlong iba pang maid na abala sa pagtitiklop at pag-aayos ng mga telang puting-puti.“Uy, ang bagong salta!” bati ng isang morenang babae na may name tag na ‘Gina’. “Si Sir Lucas ba ang

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status