Share

Chapter 5: Ms. Ruth Go

PINAGMASDAN NI SAMARA ang kabuuan ng mansion. Ito ang araw ng alis niya patungong India. Parang kailan lang ay hindi niya alintana ang pag-usad ng panahon. Halos ipagdasal pa nga niya na sana huwag munang matapos ang taon niya sa grade 10.

Ngunit sadyang gano'n nga yata. Hindi lahat ng kahilingan ay ibinibigay ng tadhana. Sa halip na bumagal, tila bumilis ang pag-usad ng bawat oras. Hindi niya namalayang tapos na niya ang junior high. At kailangan na niyang iwanan ang islang kaniyang kinamulatan.

Hindi niya alam kung makatutuntong pa ba siyang muli roon, o baka ito na ang huling beses na masisilayan niya ang kagandahan ng buong isla.

Tiningala niya ang engrandeng hagdan na nasa kaniyang harapan. It was covered of red carpet at sa dulo ng hagdan ay may panibagong mga baitang sa magkabilang panig kung nasaan ang bawat silid. Maliban sa labindalawang kuwarto na inookupahan ng magkakapatid na Luther, ay mayroon pang limang guestrooms. At ang bawat silid ay hindi bir

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Iza SA update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status