HALOS pumantay sa mukha niya ang larawan ng dalaga. Na sa pakiramdam niya ay sa kanya nakatingin. Inililipad ng hangin ang mahaba at itim na itim nitong buhok habang ang isang kamay at tila nakapigil sa buhok at inipit sa likod ng tenga. Sa tantiya niya ay nasa pagitan ng labing anim hanggang labing walo ang edad ng dalaga. Maputi ito at may katamtamang tangos ng ilong. Ang mga labi at tila nakaawang na parang may ibinubulong sa kanya. Tila kinilabutan siya sa mga labing iyon. Habang ang mga mata nito ay inosenteng nangaakit sa kanya. Hindi pa man nagtatagal ang pagsusuri noya sa larawan ay alam na niyang matindi ang atraksyon niya sa dalaga.
Lihim siyang napaungol dahil naramdaman niyang may kung anong kuryente ang gumapang sa katawan niya. Hindi siya makapaniwala na sa isang larawan ay makakaramdam siya ng ganito. Paano pa kaya pag nakita pa niya ito ng personal. Ganun din kaya ang magiging reaksyon ng katawan niya? "Hindi naman siguro tayo magtatagal dito, di ba?" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan nang marinig ang boses ni Samantha. "D-depende kay Daddy iyon, Samantha." Napilitan siyang lumayo sa larawan na tila hinihipnotismo siya at tinabihan ang kasintahan. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Samantha. Mabuti na lang at busy ito sa pagsecellphone kaya hindi napansin ang pagkamangha niya sa anak ng mag asawang Joson. "Nasabi mo na ba kay tito Moises ang balak naten dalawang magmigrate sa Australia?" seryosong tanong nito at tumingin derrtso sa kanya. Umiling siya at pinatong ang dalawang braso sa tuhod at pinagsalikop ang mga kamay. "Hindi pa," maikling sagot ni Miguel at seryoso ang mukha. Umikot ang mga mata ni Samantha sa sagot ng kasintahan. Tila hindi nagustuhan ang sagot ni Miguel. Padabog na tumayo si Samantha sa harap ni Miguel. Napaderesto ng upo si Miguel at tiningala si Samantha. Sa likod ni Samantha ay ang larawan ng anak ng mga Joson na para talagang nakatingin sa kanya. "Isang buwan na mula ng maapproved ang papers naten pero hindi mo pa rin nasasabi. Ilang weeks na lang darating na ang Visa naten, Miguel. Baka naman kung kelan may schedule na tayo saka ka magbaback out?" mahina pero madiin na sabi ni Samantha. " Alam mong ayaw ni Daddy na magmigrate ako sa Australia pero tinuloy mo pa rin ang pag aayos ng papers ko. Sinabi ko rin naman sa iyo na hindi ako pwede magstay for good sa ibang bansa dahil ako ang magmamanage ng business ni Daddy. Pwede kitang puntahan at dalawin doon." mariin ding sagot niya at sinulayapan ang larawang nasa likod ng kasintahan. Pakiwari din niya ay nakikinig ito sa usapan nila. Nakita ni Miguel ang pagsimangot at pag irap si Samantha sa sinabi niya kaya parang nawalan siya ng ganang pagpasensyahan ito. Inabot niya ang braso ni Samantha at mahigpit na hinawakan upang hilahin paupo ulit sa sofa. At dahil sa impak na iyon ay pabagsak na napaupo si Samantha. May takot ang mga mata na napatingin si Samantha kay Miguel. Nagtitimpi lamang ito. Knowing Miguel's attitude maiksi lamang ang pasensya nito lalo na kung ipinipilit ang isang bagay na hindi nito gusto. Baka kung nasa condo sila ay nilayasan na siya nito at tinalikuran. "Don't try to manipulate me, Samantha. Ikaw lang ang pursigido sa plano mong iyan. I have my own bussiness here. If you want to migrate from Australia, then go. I'm just here to support you. But don't try to tell me what should I do and what plan I would do." seryoso ang mukha ni Miguel na tinitigan si Samantha. Napalunok si Samantha habang sinasalubong ang madilim na mukha ni Miguel. Ibubuka pa lamang niya ang bibig para magsalita ay pinigil na ng mga labi ni Miguel ang bibig niya. Nagulat si Samantha sa biglaang naging kilos ni Miguel. Hindi ganito si Miguel. Hinahalikan lamang siya ni Miguel pag nasa private place sila at silang dalawa lamang. Hindi din ito showy sa harap ng ibang tao. At ang lugar na ito ay bahay pa ng kaibigan ng Daddy niya. Narinig niya ang mahinang ungol ni Samantha nang ilapat niya ang labi sa mga labi nito. Kailangan niyang gawin iyon upang subukan kung madadivert niya ang atensyon kay Samantha. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay tila may magneto ang mga mata ng dalaga sa larawan. Na kahit anong gawin niya ay tila nakasunod sa kanya ang mga mata nito. Pero sa pagkakataong iyon ang tingin niya sa mga mata nito ay tila naglalabas ng apoy. Napapikit siya ng mariin. At pilit inalis ang mata dito at ibinaling kay Samantha na noon ay nakapikit na tila naghihintay ng susunod niyang gagawin. Marahan niyang inilayo ang mukha kay Samantha at mabilis na tumayo. Napadilat si Samantha nang maramdaman ang pagtayo ni Miguel. Naguguluhang sinudan ng tingin ang binata na pumasok sa bandang kusina. Nagmamadaling tinungo si Miguel ang kusina para hanapin ang comfortroom. Nakita niya si Mrs. Joson na may dalang tray ng baso at pitsel. Akmang lalabas ito pero natigilan nang makita siya. "Tita, makikigamit po sana ako ng CR," magalang niyang sabi. "Iyan, anak, sa kaliwa mo ang CR. Mamaya ay ayain mo na ang girlfriend mong bumaba sa kubo," nilingon ni Mariella ang bandang labas at mula roon ay tinanaw ang kubo. "Nagustuhan ng Daddy mo sa kubo kaya dun na lang daw kumain at mahangin pa," nakangiti pero pormal ang mukha nito. "Sige po, tita," ngiting sagot naman niya at tinungo ang maliit na CR na tinuro sa kanya. Sa loob ng CR ay dali dali siyang naghilamos ng mukha upang mahimasmasan. Ang mga mata at labi ng dalagang iyon ay parang nang aakit. Kakaiba ang aura na hindi niya kayang balewalain. Saglit lamang niyang tinitigan pero tila nakadikit na sa sistema ng katawan niya ang karisma ng dalaga. He can't wait to see that girl, kung ganoon din ba ang mararamdaman niya pag nagkaharap sila ng personal. Tinitigan ni Miguel ang sarili sa salamin at ilang beses na bumuntong hininga. That girl is a witch, bulong niya sa sarili.NGAYON ay nauunawaan na niya kung bakit sinasabing strikto at masungit si Miguel. Ayaw nitong matulad sa Daddy niya na inaabuso. Sa murang edad ni Miguel ay natuto ito sa buhay dahil sa pagmamalupit ng sariling ina. Tinukod ni Gabriella ang siko niya sa unan habang ang palad niya ay nakasapo sa pisngi. Tinunghayan si Miguel na noon ay nakatingin lang sa kisame na parang malayo ang iniisip. "Ano ang balak mo?" tangkang tanong ni Gabriella. "Kakausapin ko si Daddy bukas." tumingin kay Gabriella. " Nagtataka lang ako na bakit sa chapel siya nakaburol, samantalang may bahay siya na binigay ni Daddy." nakakunot ang noo ng binata. "Sana'y hindi niya naisipan ibenta ang bahay ninyo." "Pero posible din na binenta nga niya ang bahay at ginamit sa bisyo," tiim ang bagang na sabii ni Miguel. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Muling nahiga si Gabriella. "Galit ka ba sa Mommy mo?" lakas loob na tanong niya kay Miguel. "Wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
NATIGILAN si Miguel sa ginagawa kay Gabriella at itinuwid ang katawan. Marahang binitawan ang dalaga na noon ay nataranta nang marinig ang boses ni Manang Betty. Sa kabila ng pagkagulat ni Gabriella ay maalab pa rin ang mga mata nito sa mainit na tagpo nila ni Miguel. "Kung hindi lang siya si Manang Betty, sisisantihin ko siya," mahinang bulong ni Miguel. Hindi malaman ni Gabriella kung nagbibiro o seryoso si Miguel sa sinabi nito. Napahinga ng malalim si Gabriella habang ang kamay ay nasa dibdib dahil sa kaba. Si Miguel ay mariing napapikit dahil nasa katawan pa rin ang init at pagnanasa kay Gabriella. "Pasok ka na sa loob. Isarado mo na ang pinto," paos ang boses nito at kita sa mukha ang pagkadismaya. Magsasalita sana si Gabriella ngunit marahan siyang piniga ni Miguel sa braso at sinenyasan siyang pumasok na. Walang nagawa si Gabriella kung hindi sumunod kay Miguel lalo na nang alalayan siya nitong pumasok sa silid niya. Bago kabigan ni Miguel ang pinto pasara ay nginiti
NAGING kainip inip kay Miguel ang bawat oras na nagdaan kasama ang mga japanese investors na sobrang hilig sa alak. Hindi niya magawang tumakas sa apat na investors dahil katatapos lang nilang pirmahan ang mga agreements kaninang hapon. At sa tuwing magpapaalam siya sa mga ito ay hinihiritan pa siya ng ilang minuto hanggang sa umabot na ng ilang oras. Mayroon pa sana siyang meeting ng bandang alas-singko pero kinansela niya iyon dahil hindi siya makatanggi sa mga hapon na icelebrate ang naging business deal nila. Hindi din niya akalain na sobrang hilig pala ng mga ito sa alak at mukhang hindi lulubay hanggat hindi nauubos ang alak sa inarkilang silid sa loob ng japanese restaurant. Pero wala siyang magawa kundi makisama sa mga ito dahil malaking halaga din ang ininvest ng mga ito sa kumpanya nila. Ilang beses na rin niyang sinisilip ang oras sa suot niyang relo. Maya't maya rin ay sumasagi sa isip niya si Gabriella. Tiyak na naghihintay ang dalaga sa kanya sa mga oras na iyon. Kanin
BANDANG alas-tres ng hapon ay dumating si Moises pero hindi kasama si Miguel. Sinalubong niya ang matandang Mortiz at inalalayan sa pagpasok sa loob. Hirap itong humakbang dahil nagkaroon pala ito ng fracture dalawang buwan na ang nakakalipas sa bandang sakong noong naglaro ito ng golf kasama ang mga panyero nito. "Baka gabihin si Miguel ng uwi, Gabriella." sabi nito sa kanya habang nakaalalay siya sa braso. "Si Betty nga pala?" tanong nito at nilinga ang bandang kusina. "Inaayos po ang silid ninyo, tito Moises," sagot niya at inalalayan itong maupo sa sofa. "Tatawagin ko po," sabi niya at akma sanang tatalikod na pero siya namang labas ni Manang Betty galing sa silid nito. May dala itong tsinelas. "Narinig kong hinahanap mo ako," sabi ni Manang Betty at nginitian si Gabriella. Sinundan na lang ng tingin ni Gabriella si Manang Betty habang nakatalungko at tinatanggalan ng sapatos si Moises. Hindi niya namalayan na napaupo siya sa sofa katapat ni Moises. "Bakit ngayon mo pa l
PINARAANAN muna ni Gabriella sa harap ng salamin ang sarili bago lumabas ng silid. Nakasuot siya ng maong skirt na ang haba ay below the knee. Tinernuhan niya ito ng plain black semi-crop top. Nagsuot din siya ng flat sandals na kulay brown. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa suot niyang iyon. Kung tutuusin ay panglakad niya ang damit na ito pero wala na siyang ibang pagpipilian. Ang problema niya ngayon ay kung ano isusuot sa mga susunod na araw dahil ilang pirasong damit lang naman ang binaon niya. Akala niya ay makakauwi rin siya kinabukasan nung ayain siya ni Miguel. At hindi rin sigurado si Miguel kung hanggang kelan matatapos ang meeting nito bago siya ibalik sa probinsya nila. Naalala niyang dala nga pala niya ang kwintas na niregalo ni Miguel sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha niya sa bag ang kwintas at marahang inilabas mula sa parihabang kahon. First time niyang susuotin ang regalong iyon ni Miguel. Maingat niyang hinawi a
NAGISING si Gabriella sa mumunting halik na dumadampi sa kanyang leeg. Dumapa siya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Ayaw pa niyang imulat ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hindi sapat ang tinulog niya. "Wake up, honey," bulong ni Miguel sa tainga niya at bahagyang kinagat ang dulo nito. Umungol siya nang marinig ang boses ni Miguel at dahan dahang tumihaya upang masilayan ang mukha ng binata. Nakaupo ito sa tabi niya at nakatunghay sa kanya. Hinawi nito ang ilang buhok na kumalat sa mukha niya. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Gabriella kay Miguel. Pupungas pungas ang mga matang pinagmasdan niya ang binata. Nakasuot ng pormal na business attire si Miguel. Ang long sleeves na kulay itim ay nakatucked-in sa pants nitong kulay grey, kulay brown ang gamit nitong sinturon. At ang coat nitong kakulay ng pants ay maayos na nakabalabal sa balikat ng binata. Malinis at maayos na nakasuklay ang buhok nito na sa tingin ni Gabriella ay nilagyan ni Miguel ng gel u