LOGINAshley’s POV
Ringgg… ringgg… ringgg … Napamulat ako sa tunog ng cellphone ko. Sunday ngayon… at sobrang aga pa. Sino naman kaya ang tumatawag? “Hello…” sagot ko, nakapikit pa ang mata at hindi man lang tinitingnan ang caller. “Hey! Best! Wanna go shopping with me?” masiglang boses ang sumagot sa kabilang linya. Napangiti ako. It’s my best friend… Clover. She’s as lovely and joyful as always. Pero hindi ko maiwasang magtaka… Bakit sa previous life ko, nauwi siya sa depression? Ano kaya ang nangyari? Sino ang nagtulak sa kanya sa ganoong sitwasyon? Sa ugali at personalidad niya ngayon… parang imposibleng mangyari iyon. “Hey best, are you there? Hello…?” Napabalik ako sa reyalidad. “Ah… oo. Wait lang, magbibihis lang ako. Kita na lang tayo sa mall,” sagot ko. “Okay! See you! Mwuah!” Napangiti ako. She’s really sweet. Sana… Mabago ko ang kapalaran niya. No. Kailangan kong baguhin. Gagawin ko ang lahat para hindi na maulit ang nangyari sa kanya sa previous life ko. Bumangon na ako, naligo, at nagbihis. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko sila sa dining table. “Hi, sweetheart. Breakfast is ready, let’s eat,” nakangiting sabi ni Mom. As usual, nagkakape si Dad habang nagbabasa ng magazine. Si Liam naman, kumakain na. “Sis, kain na! Si Mom nagluto. Miss ko ‘to, hehe,” sabi niya habang puno ang bibig. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. “Eat slowly, okay?” “Sit down and eat, sweetheart,” sabi ni Mom. “Thanks, Mom. Pero sa mall na po ako kakain. Tumawag si Clover… magsho-shopping daw kami.” “Okay, take care.” “Yes, Mom. Bye.” Hinahatid ako ng driver papuntang mall. Pagdating ko, nakita ko agad si Clover sa labas ng mall, kumakaway. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. “Na-miss kita!” sabi niya habang mahigpit na nakayakap. “I miss you too,” sagot ko, niyakap siya pabalik. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin maalis sa isip ko… Bakit ganun ang nangyari sa kanya? Naglibot kami sa mall. Bumili ako ng susuotin ko mamaya para sa gathering.. para makilala ang tinatawag kong fiancé. Lumipas ang umaga na magkasama kami… namimili, kumakain, at nagkukwentuhan. Sa totoo lang… Na-miss ko siya. Na-miss ko ang mga ganitong araw. Kahit papaano, nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Sa previous life ko… Hindi ko man lang siya nasamahan sa mga pinagdadaanan niya. Hindi ko siya natulungan. Wala akong kwentang kaibigan. Pero ngayon… Hindi na mauulit iyon. Sisiguraduhin kong magiging masaya siya. Hindi ko hahayaang maranasan niya ulit ang nangyari sa kanya noon. Tahimik akong napangiti habang nakatingin sa kanya. This time… I will protect everyone I love. Kinagabihan, nagbihis na ako at bumaba ng hagdan. Kanina pa ako may napapansin… may mga sasakyang nakaparada sa labas ng bahay namin. Mukhang may bisita. “Ah, nandito ka na pala, Ash. Halika dito,” sabi ni Dad… plastic ang ngiti. Lumapit ako. May isang lalaking nakaupo, nakatalikod sa akin. Hindi ko maipaliwanag… pero pamilyar ang likod niya. Dahan-dahan siyang humarap. At doon… Nanlaki ang mga mata ko. What? Hindi ba siya si Mr. Handsome? Ang lalaking kasama ko kahapon sa bahay ng mistress ni Dad? Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? “Nice to meet you… my fiancée,” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin. Siya pala… Si Mr. Lopez. My so-called fiancé. Ngumiti na lang ako, kahit medyo awkward. So… Alam niya na pala kung sino ako simula pa lang? “You are… Mr. Lopez?” tanong ko. Tumango lang siya. So the rumors were just rumors after all. Sobrang layo niya sa sinasabi nilang fat and ugly. At ‘yung sinasabing marami siyang babae? Tsk. My God… Walang babaeng aayaw sa kanya sa gwapo niyang mukha. At siya rin… Ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon sa previous life ko. Ibig sabihin… Kung siya ulit… Babalik ang anak ko. Napangiti ako nang bahagya. Pero… Maghihintay pa ako. “Sis… siya ba si Mr. Lopez? Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang balita,” bulong ni Liam. Siniko ko siya. Tahimik lang kaming nakinig habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa engagement. “I don’t want to be engaged.” Bigla akong nagsalita. Napatingin silang lahat sa akin. “What did you say?” galit na sigaw ni Dad. “Let her be,” kalmadong sabi ni Mr. Lopez. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. “Why?” seryoso niyang tanong. “Because I just started managing my own company,” sagot ko. “I need to focus on stabilizing the business first. I don’t want any distractions… especially something as serious as an engagement.” sagot ko. “Okay,” diretso niyang sagot. “I’ll wait.” Napatigil ako. That’s it? Hindi niya ako pipilitin? Ano ba ‘tong iniisip ko… Bigla na lang silang umalis. Nakabuntong-hininga ako nang maluwag. Pero si Dad… Halos sumabog ang tingin sa akin. “You need to be engaged as soon as possible!” sigaw niya. “Why, Dad?” sigaw ko rin. “Because…” Natigilan siya. Hindi siya makasagot. Of course. Dahil hindi naman talaga iyon ang gusto niya. Gusto iyon ng kabit niya. “Don’t force her if she doesn’t want to be engaged!” Hindi na nakatiis si Mom. Sumigaw na rin siya. Tahimik na napatingin si Dad sa kanya. Wala siyang nagawa. Kundi ang manahimik. At sa gabing iyon… Unti-unti nang nababasag ang kontrol niya sa amin. Pumasok ako sa kwarto ko. Sigurado ako… tatawag siya sa kabit niya. Kinuha ko agad ang headphones ko at sinuot. Hindi nga ako nagkamali. Tinawagan niya si Amanda. “Hello, hon. Buti naman tumawag ka. I miss you,” malanding sabi ni Amanda. Napangiwi ako. Nakakasuka. “How’s the engagement?” tanong niya. “Matatagalan pa bago sila makasal. May inaasikaso pa siya,” sagot ni Dad. “What?!” sigaw ni Amanda. “I mean… what about me and your daughter?” biglang naging malambing ang boses niya. Napaka-plastic. “Don’t worry,” sagot ni Dad. “Gagawa ako ng paraan para magsama na tayo.” “What about your wife?” “Ginagawan ko na ng paraan. After mapasaakin ang company, I’ll file for divorce.” Napakuyom ang kamao ko. What a jerk. “Okay, hon. Aasahan ko ‘yan. Mwuah! I love you. I miss you.” Napairap ako. What a b*tch. Akala niyo ba hahayaan ko kayong maging masaya? In your dreams. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang CCTV feed sa bahay nila. “We need to do something, Mom. My friends are mocking me dahil wala akong mapakilalang tatay,” nag-iinarte na sabi ni Jaine. “Don’t worry, darling,” sagot ni Amanda. “Inaayos na ng Dad mo ang divorce papers nila at ang share transfer agreement ng company para mapasa kamay niya ang kumpanya. Ikaw na ang magiging tagapagmana.” Napangisi ako. So that’s the plan. “By the way, nakuha mo na ba ang mga papeles na pinapahanap ko?” tanong ni Amanda. “What for, Mom?” inosenteng tanong ni Jaine. “All you know is partying and drinking,” iritang sagot niya. “Next week is the bidding for the lot. Kailangan natin ang papeles para malaman kung alin ang pinaka-profitable. Gosh!” Ah… So siya pala ang utak nito. Hindi na ako nagtataka. “Don’t worry, Mom. Mahahanap ko rin ‘yan,” sagot ni Jaine. “Bilisan mo. Baka maunahan pa tayo ng anak niya.” Too bad… Nasa akin na ang papeles. Napangiti ako. At alam ko na kung anong lupa ang magiging sobrang profitable. Sa previous life ko, umabot pa ng limang taon bago lumago iyon. But this time… I can make it grow in just one year. Hindi na ako makapaghintay. Without Dad, kaya kong suportahan si Mom at si Liam. Pero hindi ako papayag… Na mapunta sa kanila ang kumpanyang pinaghirapan ni Mom. “Kamusta naman kayo ni Xander? Anak ng business partner ng Dad mo?” tanong ni Amanda. Biglang namula si Jaine. “Xander, Mom? Okay naman kami… hehe. Madalas niya akong niyayaya makipag-date.” Napataas ang kilay ko. So… Simula pa lang, may relasyon na sila. “May nangyari na ba sa inyo?” diretsong tanong ni Amanda. “Mom naman!” namumulang sagot ni Jaine. “Hindi pa naman po… pero I’ll work hard para may mangyari sa amin.” Napangisi ako. What if… Tulungan ko kaya siya? Para matupad ang wish niya. Mas mabilis pa sa inaasahan niya. It’s still early in the evening. At this hour… I’m sure nasa bar si Xander. Nagbihis ako at naghanda para pumunta roon. Alam ko kung anong bar ang madalas niyang puntahan. “Little wild cat… where are you going? Dressed like that?” Napalingon ako, nagulat. Nandito pa si Mr. Lopez. “H-hey, Mr. Lopez… it’s none of your business,” sagot ko. “It is my business,” kalmado niyang sabi. “I’m your fiancé.” “Didn’t we already agree? I’ll focus on my work first.” “Yeah… but you’re still my fiancée. And I’ll marry you… when you’re ready.” Ngumiti siya. Napairap ako. “Fine. Since nandito ka na rin lang… samahan mo na ako.” Ngumiti ako sa kanya. “Is that fun?” tanong niya. “Yes,” sagot ko. “You’re welcome to join.” Sumakay ako sa sasakyan niya. “What are you planning this time… little wild cat?” bulong niya sa tenga ko. Agad akong namula. “You’ll see later… Mr. Lopez.” “You can call me Dave,” sabi niya. “My real name is Dave Lopez.” Napatingin ako sa kanya. Is he… flirting with me? Pagdating namin sa bar, hindi nga ako nagkamali. Nandito si Xander. At mukhang lasing na. Tinawag ko ang waiter at palihim na binulungan. Kinuha niya ang cellphone ni Xander habang wala itong malay. Madali lang. Agad akong nag-text gamit ang phone niya. Kay Jaine. “Come here. I’m drunk.” Hindi pa umaabot ng isang oras… Dumating agad siya. Napangisi ako. Nakikita ko kung paano niya inalalayan si Xander palabas. Nagpareserba na rin ako ng isang kwarto para sa kanila. Enjoy the moment. Sa wakas… Nagkasama rin kayo. Mas napaaga nga lang. Tahimik akong nanood mula sa malayo. Ngumiti si Dave sa tabi ko. “You really surprised me,” sabi niya. “Now you know what kind of person I am,” sagot ko. “Do you still want to marry me?” “Of course,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. “No matter who you are… ikaw lang ang papakasalan ko.” Napairap ako. Pero ramdam ko ang init ng pisngi ko. After that night, hinatid niya ako pauwi. Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong sumalampak sa kama. Napatingin ako sa kisame. Ngayon… May nangyari na sa plano ko. Marami nang pwedeng magbago. Akala siguro ni Jaine… Masaya na siya dahil lang sa may nangyari sa kanila. Napangisi ako. Diyan siya nagkakamali. This is just the beginning.Ashley's POV I need to know the truth.Pero bago ang lahat, kailangan ko munang makahanap ng ebidensya.Hindi ako basta-basta maniniwala dahil lang sa panaginip.Paano kung imagination ko lang lahat?Paano kung gawa-gawa lang ng utak ko?Nandito ako ngayon sa kwarto ni mom.Wala siya rito.Nasa mall sila ni Liam.Hindi ako sumama dahil may kailangan akong gawin.Maghahanap ako ng patunay kung si Uncle Airam ba talaga ang tunay kong ama.Syempre, hindi ko sinabi kay mom ang totoong dahilan.Sinabi ko lang na pupunta ako kina Clover.Binuksan ko isa-isa ang mga drawer at cabinet.Pero wala akong makita.Napabuntong-hininga na lang ako.Biglang nahulog ang isang libro mula sa shelf.Pinulot ko ito at ibabalik sana nang may napansin ako sa loob.Isang litrato.Nanginig ang kamay ko habang tinitingnan iyon.Yung lalaki…Si Uncle Airam.At yung babaeng kasama niya…Kamukha ko.Hindi…Hindi ako ’to.Mas matanda siya ng kaunti.Pero halos pareho kami ng mukha.Nanlabo ang paningin ko.“Is sh
Ashley's POV Teka…Nasaan ako?Napatingin ako sa paligid.Nasa labas ako ng bahay.Hindi lang basta bahay…Ito yung dating bahay namin ni Xander.Bumigat ang dibdib ko.May sasakyan sa di kalayuan.Naka-park.Napakunot-noo ako.Hindi ba… kotse yun ni Dave?Anong ginagawa niya dito?Dahan-dahan akong lumapit.“Dave?”tawag ko.Pero parang walang nangyayari.Hindi niya ako nakikita.Hindi niya ako naririnig.Parang… wala ako roon.Bigla akong may nakitang lumabas…Ako.Mas bata.Mas… ibang-iba.At malaki na ang tiyan.Nanlamig ako.Tinitingnan ko ang sarili kong alaala.At si Dave…Nakatayo sa harap ko.“Ashley…”mahina niyang sabi.“I'm sorry.”May lungkot sa mata niya.“I know you are happy…”Huminga siya nang malalim.“But if you need me in the future… I will come to rescue you.”“May pamilya ka na ngayon.”Ngumiti siya nang pilit.“I’m happy for you.”Parang may sumaksak sa dibdib ko habang pinapanood ko siya.Hindi ko alam na…Sinusundan niya pala ako noon.Tahimik.Palihim.Haban
Jaine's POV Nandito ako ngayon sa sala habang magulo ang isip ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Alam ko naman sa simula pa lang na minahal lang ako ni Xander dahil akala niya ako ang nagligtas sa kanya noon.Pero iba na ngayon.Alam na niya ang totoo.At mas lalong nakakatakot…Paano kapag nalaman niyang hindi naman talaga ako buntis?Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.Wala akong choice kundi magsinungaling.Wala naman akong mapupuntahan.Biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako at nakita si Xander.May kasama siyang babae.Agad uminit ang ulo ko.“Who the hell is she?”Galit kong tanong.Pero ni hindi niya ako tinignan.Tinulak niya lang ako palayo.“Stay away from me.”Malamig niyang sabi bago dumiretso sa kwarto.Nanlaki ang mata ko sa galit.“Heeey! Xander, you bastard!”Sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.Sinipa ko pa ito pero naka-lock na.What the heck is wrong with this guy?!Pero kailangan kong magtiis.Kailangan ko lang makuha ang pera niya at makaalis kami
Ashley's POV Naghanda na ako para harapin sina Xander at Jaine.Pumunta ako sa entertainment company ni Xander. Pagkarating ko pa lang, kita na agad ang gulat sa mga mukha nila.Hindi nga ako nagkamali.Dinala nga ni Xander si Jaine sa company, at lihim pa pala silang nagpakasal behind his parents’ back. At ngayon, taas-noo pang humaharap si Jaine sa mga tao kahit kaliwa’t kanan ang issue tungkol sa kanya.At ang mas nakakainis?Doon pa sila nakatira sa dati naming bahay sa previous life ko.Pero hindi na ako nagtaka. Si Xander naman ang pumili ng bahay na iyon noon.And now…Siya at si Jaine na ang nakatira doon.How nice.“What are you doing here, Ashley?”tanong ni Xander.Kita ko naman ang galit sa mukha ni Jaine habang nakatingin sa akin.“This company belongs to me now.”Diretso kong sagot.“What?! Are you insane?”gulat na tanong ni Jaine.Napangiti lang ako.“You have a debt to pay three times the amount, right?”Agad lumaki ang mata ni Xander.Dumating na rin ang taong inutu
Ashley's POV Final evaluation week na namin sa company, at after nito one week na lang ay gaganapin na ang annual Recognition Night ng media company namin.Nandito kami ngayon sa conference room at magkakalayo ang mga upuan namin. May namigay naman ng evaluation papers at reporting tasks. Ilang gabing puyat din ang ginawa ko kakahanda para rito. Buti na lang at magaling magturo si Dave.Napangiti naman ako nang makita ko ang mga task dahil lahat ng ito pinag-aralan at pinagpraktisan ko na. May article analysis, live reporting simulation, at investigative writing test. After one hour, natapos na naming sagutan ang first set ng evaluation.Finally, break time.Mamaya kasi may dalawa pa kaming practical assessments.Pumunta na kami ni Clover sa cafeteria. Napakapayapa kapag wala si Jaine. Sina Lesley naman at mga minions niya hindi na ako ginugulo, pero hindi rin kami nagpapansinan. Ok na ‘yon kaysa guluhin nila ako. Wala naman silang atraso sa akin sa previous life ko, mahilig lang tal
Xander's POV Viral ngayon si Jaine sa social media.Ginawa siyang katatawanan… pinagtatawanan, nilalait, at kinukutya ng mga tao. Marami ring galit sa kanya. Pati sa media company kung saan siya nagta-training bilang junior reporter, hindi na siya tinanggap… na-expel pa siya dahil sa scandal.Naawa ako sa kalagayan niya.Nandito kami ngayon sa hospital. Nag-file ako ng kaso laban kay Mrs. Santos dahil sa pananakit niya kay Jaine… pero agad din itong na-dismiss. Binayaran lang nila ang mga connections nila.Mahirap talagang kalabanin ang mga taong may impluwensya.Kahit nalaman kong may ibang lalaki si Jaine… wala akong pakialam.Mahal ko pa rin siya.Para sa akin, siya pa rin ‘yung batang nagligtas sa akin noon.Naniniwala akong mahal niya rin ako.At hangga’t nasa tabi niya ako… maaayos namin ang lahat.“Xander…”Mahina niyang tawag habang kakagising lang.Agad ko siyang niyakap.“Don’t worry, Jaine. Nandito ako. Hindi kita pababayaan.”Mahigpit kong sabi.Makalipas ang isang linggo
Ashley's POVAfter one month, bumalik na ako sa company training program namin.Natapos ko na rin ang mga kailangan kong ayusin sa company, kaya ngayon focus muna ako sa career ko bilang reporter.Kailangan kong bumalik dahil malapit na ang major investigative reporting assessment, at darating si P
Ashley's POV Umuwi na ang mga bisita pagkatapos ng kaguluhan sa event. Tahimik na sana ang lahat… pero ramdam ko na hindi pa tapos ang gabi.“Ashley… let’s… go… home…”sabi ni Mom habang hawak ang ulo niya.“Mom, are you okay?” agad kong tanong.Pero bigla siyang natumba.“Mom!”Nag-panic ako.Aga
Ashley's POV “Where am I…?”Pagmulat ko ng mata, nakita ko si Clover…. nasa loob siya ng kwarto niya, umiiyak.“Clover?”Tinawag ko siya, pero… hindi niya ako naririnig.Biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako… at nakita ko ang isang babae.Claire.Siya ‘yung babaeng nagpakilala bilang tunay na
Ashley's POV Today is the basketball tournament na gaganapin sa arena. Kasama ko ngayon si Clover at ang kapatid ko. Everything is settled.Hindi ko hahayaan na manalo si Javier.Malakas ang kalaban nila. Sa previous life ko, nanalo lang siya dahil binayaran niya ang kalaban. Pero ngayon, hindi si







