Share

Chapter 12

MASASARAP ang nakahaing pagkain sa mesa ngunit tila hindi magustohan iyon ni Yumi, dahil na rin sa narinig niya kay Yvonne at idagdag pa ang masasamang titig nito sa kanya. Hindi niya halos malunok ang pagkaing nginunguya, pakiwari niya'y bumabara iyon sa kanyang lalamunan.

Napansin naman iyon ni Vincent, "Hindi mo ba nagustohan? Hindi ba't iyan ang paborito mo?"

"Uhm, oo. Pero parang busog pa ako eh! Mamaya na lang ako kakain nang maayos. Huwag mo na akong intindihin, kumain ka na lang diyan." Pilit siyang ngumiti rito.

"Are you sure?" tanong nito kasabay ang pag-ayos sa ilang hibla ng buhok niya. "May iba pa namang pagkain, magpapakuha ako kung gusto mo."

"Huwag na. Baka'y sadyang wala lang akong ganang kumain ngayon."

"Okay, hindi na kita pipilitin. Pero mamaya'y kumain ka ha."

Tumango siya rito. Tinawag niya si Ella na nasa gilid lamang at nagbabantay. Nagpasalin siya rito ng tubig sa baso at sa 'di sinasadya ay nagkamali ito ng salin.

"Ay naku! Sorry po A-Ma'am. Hindi ko po si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status