Share

Chapter 34

KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano.

"Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.

Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status