Masukシステムが消え、婚約者が僕を会社から追い出し、父を殺した仇と結婚しようとしている。その仇は僕に対して常に敵意を示し、僕はどう復讐できるのか?
Lihat lebih banyakALAS SINGKO ng hapon ay pauwi na si Bellatrix sa kanilang bahay. Pagod na naglalakad ang dalaga dahil marami itong ginawa sa eskuwelahan. Nagsimula na kasi silang mag-OJT.
Pinihit ni Bellatrix ang pinto pabukas sa kanilang bahay. Simple lang ito at gawa sa semento. Ngunit sa halip na magpatuloy sa pagpasok, natigilan siya nang makita ang dalawang lalaki kasama ang kaniyang ina.Napabuga si Bellatrix ng hangin. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala siyang nakita.“Anak, mag-meryenda ka oh,” aya ng kaniyang ina na si Annabelle. Tinutukoy nito ang isang gallon ng ice cream at dalawang litro ng soft drinks sa lamesa.“Hindi na,” tipid na sagot ni Bellatrix. Pumasok na siya sa kaniyang silid at padarag na humiga sa kama.Hindi na bago para kay Bellatrix ang ganoong eksena sa tuwing uuwi ang kaniyang ina. Gayunpaman ay naiinis pa rin siya. Lagi kasi silang laman ng tsismis dahil paiba-iba ang lalaking nakakasama ng kaniyang ina sa tuwing uuwi ito.Pumikit si Bellatrix at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Halos alas-otso na ng gabi nang siya ay nagising.Bumangon si Bellatrix at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na rin siya sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi pa man siya nakakapunta sa kusina ay bumungad na naman ang dalawang estrangherong lalaki na kasama kanina ng kaniyang ina.“Oh sakto! Katatapos ko lang din magluto. Tara, kumain na tayo!” nakangiting bulalas ng kaniyang ina na si Annabelle. Hawak nito ang isang kaldero ng kanin, habang ang ulam nilang pritong manok ay nasa lamesa na.Walang imik na kumuha ng plato at kutsara si Bellatrix sa kusina. Pagkatapos ay lumapit siya sa lamesa at nagsandok ng kanin at saka kumuha ng ulam.“Saan ka pupunta, Bella? Dito ka na kumain, sabayan mo kami,” kunot-noo nitong tawag sa kaniya.“Sa kwarto ako kakain,” mariing tugon ng dalaga at saka tumalikod.Pagkalapag ni Bellatrix ng kaniyang plato sa maliit na lamesa nito sa kwarto, ay siya ring pagpasok ng kaniyang ina sa loob. Nakapamaywang habang nakataas ang plakado nitong kilay sa harapan niya.“Kailan ka pa naging bastos? Hindi ka naman siguro bulag para makitang mayro’n tayong bisita, ‘no? Tapos ganiyan ka kung makakilos!” sermon nito.Kung paglalapitin silang dalawang mag-ina ay mapagkakamalan silang magkapatid. Parehong kulot ang mala-kapeng buhok, makinis at maputing balat, matangkad, at saka may kurba ang mga katawan. Ang kaibahan lang nila ay may maliit na nunal si Bellatrix malapit sa kaniyang labi.Walang emosyong tumingin si Bellatrix sa kaniyang ina. “Ma, kailan ka ba titigil? Nakakahiya na’t paiba-iba na lang ang mga lalaking dinadala mo rito. Kaya tayo pinagpipiyestahan ng mga tsismis dahil hindi ka mapaawat sa kalandian mo—”Ni-hindi pa natatapos ni Bellatrix ang sasabihin nang malakas na lumagapak ang palad ng ina sa kaniyang kaliwang pisngi. Napahawak siya sa namumulang pisngi. Mabilis na namuo ang luha mula sa kaniyang mga mata habang nanlilisik ang mga matang nakatingin dito. “Oh, bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, ah?! Ang kalandian mo ang nagbibigay ng kahihiyan sa akin! Respetuhin mo naman ang sarili mo at kahit mamuhay na lang tayong dalawa ng tahimik!”Pinandilatan siya ng mga mata nito habang dinuduro. “Wala kang karapatan para husgahan ako dahil wala kang alam! Anak lang kita at ina mo ako! Kung ayaw mong sumunod sa akin ay mas mabuti pang lumayas ka na lang!”Napakagat sa ibabang labi si Bellatrix. Marami pa siyang nais sabihin pero naumid ang kaniyang dila nang sumilip ang isang lalaki mula sa pinto ng kuwarto niya.Agad lumabas ng silid ni Bellatrix ang kaniyang ina para kausapin ang lalaki. Hindi niya napigilang suminghal sa inis. Iba talaga ang epekto ng lalaki sa kaniyang ina. Parang mahika kung mawala ang pagiging dragon nito sa kaniya.Kahit walang gana si Bellatrix ay sumubo pa rin siya ng pagkain. Kailangan niya ng enerhiya para sa mga gagawing school works mamaya. Hindi dapat siya magpaapekto at kailangan niyang tatagan ang loob para makaalis na sa puder ng ina lalo na’t kotang-kota na siya sa kahihiyan.***ILANG SANDALI, napairap si Bellatrix pagkakita sa suot ng kaniyang ina. Suot nito ang isang hapit na pulang dress na ikinahulma ng kurba ng katawan nito.“Aalis kami. ’Wag mong kalilimutang i-lock ang mga bintana at pintuan. Marami pang ulam doon sa lamesa, kumain ka lang,” bilin nito.Nagkibit-balikat na lang si Bellatrix. Pamilyar na ang linyang iyon ng kaniyang ina. Sanay na sanay na siya. Alam niyang uuwi na ito kinabukasan. Dahil walang nakuhang sagot ito sa kaniya ay narinig niya ang pagbuntonghininga nito bago isinara ang pinto ng kaniyang silid. Dahan-dahang tumayo si Bellatrix para sumilip sa bintana. Nakita niyang pumasok ang ina kasama ang dalawang estrangherong lalaki sa loob ng itim na van pagkatapos ay humarurot ito paalis. Ang buong akala ni Bellatrix ay pangkaraniwan lamang ang mangyayari sa susunod na araw. Na pagkagising niya ay ipagluluto siya ng ina ng agahan kagaya ng madalas nitong gawin ngunit hindi.Napakunot ang noo ni Bellatrix dahil nakasara pa rin ang mga pinto at bintana. Imposible namang hindi pa umuuwi ang kaniyang ina lalo na’t mayro’n itong duplicate key. Tinignan niya ang kaniyang cellphone ngunit walang missed call mula rito.Sa una ay ipinagsawalang bahala lang ni Bellatrix iyon. Baka nasarapan lang sila kaya tumagal sila ng madaling araw. Kaya naman ay nagluto siya ng pagkain at naligo para pumasok na.Habang nagbibihis siya sa kaniyang silid ay aksidente niyang nasagi ang picture frame nilang dalawa ng kaniyang ina. Nakaramdam siya ng kakaiba nang dahil do’n. Agad siyang kumuha ng dustpan at walis para itapon ang bubog sa likod ng bahay.Napatalon sa gulat si Bellatrix nang nakarinig siya ng mga malalakas na katok galing sa kanilang pinto. Mabilis siyang naglakad patungo sa harap. Nagtataka siya nang naabutan niya ang isang matandang lalaki na akmang kakatok ulit.“Oh, Ka Narsing! Ang aga mo namang mambulabog!” nakangiwi niyang turan.Natigilan at nanginginig na lumapit si Ka Narsing kay Bellatrix. Nanlalaki ang mata nito at nanginginig ang buong katawan na ikinapagtaka niya lalo na’t medyo naninibago siya sa reaksyon nito.“Ahm. . . Ayos ka lang po ba, Ka Narsing? Ano po pala ang sadya mo po?” muli niyang tanong.“’A-Ang nanay mo, Bella! S-Si Anna!” nauutal na bulalas nito habang niyugyog ang kaniyang balikat.Inis namang nilayo ni Bellatrix ang kaniyang sarili mula kay Ka Narsing. Humalukipkip siya. Nakakaagaw na sila ng kapitbahay niyang mga tsimosa. Hindi niya malaman kung ano ba ang trip nito ngayong umaga. Naglalaro sa kaniyang isipan na paniguradong mayro’ng ginagawang kalokohan ang ina kaya’t mayro’ng nagsampa ng reklamo rito.“Bakit po? Mayro’n po bang ginagawa ang aking ina, Ka Narsing?” walang gana niyang tanong.Dahil kasi sa ganda at alindog ng ina ni Bellatrix na si Annabelle ay marami itong nakakaaway na mga kapwa babae, kaya para sa kaniya ay normal na lang iyon.Pinandilatan siya ng mga mata ni Ka Narsing at muling humawak sa kaniyang balikat. “Hija, patay na ang Mama mo! Tinawagan ako ng kaibigan namin at sinabing patay na siya!”Nanlaki ang mga mata ni Bellatrix at hindi siya makagalaw. Ang mga kapitbahay naman niya ay malakas na suminghap sa kanilang nalaman. Tila umugong ang kaniyang mga tainga at nanlamig ang buo niyang katawan. Nablangko ang kaniyang utak at nanlamig ang buo niyang katawan.“A-Ano ho? M-Masamang biro ’yan, Ka Narsing!” garalgal na sambit ni Bellatrix.Hindi alam ni Bellatrix kung ano ang kaniyang mararamdaman. Gulantang pa siya at hindi makapaniwala sa nalaman.Marahan namang umiling si Ka Narsing. Napahawak ito sa tuhod habang umiiyak. Matagal na rin niyang pinapahiwatig ang kaniyang nararamdaman para kay Annabelle, pero wala siyang tsansa. At ang malamang patay na ito ay masakit iyon para sa kaniya.“Sana nga ay nagbibiro na lang ako, Bella,” puno ng paghihinagpis nitong turan.Tumulo naman ang ilang munting luha mula sa pisngi ni Bellatrix. Pinahid niya ito at saka umiling. “H-Hindi ako naniniwala. . . Baka nasa hotel pa si Mama o sa mga inn sa bayan. Baka naman ibang Annabelle ang iyan, Ka Narsing.”Akmang magsasalita muli si Ka Narsing nang magsigawan ang mag-anak sa kalapit na bahay.“Hala totoo nga! Bella, ang nanay mo ay nasa balita!” sigaw ng isang Ale.Napalunok si Bellatrix at sumunod kay Ka Narsing papunta sa bahay na iyon. Halos magkumpulan na rin ang mga taong nakikiusisa sa nangyayari. Mula sa maliit na telebisyon ay sabay nilang pinapanood ang breaking news kung saan ay ipinapakita ang isang taong nakahiga sa sahig na kinukumutan ng isang itim na tela. Kahit na nakatakip ito ay nakilala pa rin niya ang katawan at buhok na kapareho ng sa kaniya.Halos matumba si Bellatrix. “H-Hindi. . .”‘Hindi! Hindi maaari! Buhay pa si Mama. Babalik siya sa aming bahay at mag-uuwi ng mga masasarap na pagkain!’Mabilis na dumagsa sa isipan ni Bellatrix ang mga sandaling kasama niya ang ina na si Annabelle. Kahit naman malamig ang pakikitungo niya rito ay mayro’n pa rin siyang pakialam dahil ina niya ito.“Teka! Mukhang sa Lucky Hotel ’yan, ah?” banggit ni Ka Narsing nang mabasa ang lugar kung saan inilalabas ang katawan ni Annabelle at pinapasok na sa ambulansya.Tila nagpantig ang mga tainga ni Bellatrix. Dali-dali siyang tumakbo paalis kahit pa siksikan sila sa bahay ng Aleng tumawag sa kaniya kanina. Hindi na rin siya nag-abala pang ayusin ang sarili o pumasok sa eskuwelahan. Isa lang ang tanging nasa kaniyang isipan at iyon ang puntahan ang hotel na tinutukoy sa balita na malapit sa kanila.“Sandali lang, Bella! Kung pupunta ka sa hotel ay sasama ako! Kukunin ko lang ang aking motor sa bahay!” pasigaw na pagtawag sa kaniya ni Ka Narsing. “Magbihis ka muna. Naka-uniporme ka pa. Oh, ’di kaya ay pumasok ka na lang. Ako na ang bahala at mag-aasikaso sa labi ni Anna.”Umiling si Bellatrix habang nanginginig ang kaniyang mga kamay. “Magbibihis lang ako sandali, Ka Narsing. Hintayin mo ako.”Habang ang mga nanonood na mga tao ay nagbubulungan at nagkukuwentuhan sa nangyari. Naaawa sila sa naulila na ngayong si Bellatrix.Nagpalit na ng damit na pangkaswal si Bellatrix. Hindi niya maatim na tignan ang larawan nilang dalawa ng kaniyang ina na nabasag kanina. Mukhang nagbigay na pala ng senyales ito na namamaalam na. Nakaupo lang siya sa kaniyang kama habang tulala sa kawalan. Kahit pa hindi maganda ang samahan nila ng kaniyang ina ay mahal pa rin niya ito. Naiinis lang siya sa mga tsismis ng mga tao tungkol sa kanila kaya ganoon siya.Tatlong magkakasunod naman na busina ang nagpabalik sa reyalidad ni Bellatrix. Narinig niya ang tunog ng motor at boses ni Ka Narsing sa labas. Agad siyang tumayo at lumabas.Nakita ni Bellatrix ang naka-jacket na ngayong si Ka Narsing. Inabutan siya nito ng helmet na agad niya ring sinuot. Umalis na sila at nagpunta sa kalapit na siyudad kung nasaan ang partikular na hotel.Habang nasa byahe ay tahimik lang si Bellatrix. Blanko ang kaniyang isipan at tulala sa mga nadadaanan. May halong kaba at takot ang kaniyang dibdib sa maaari nilang maabutan mamaya. Nang naaninag na niya ang hotel at ang mga umpukan ng tao sa labas ay napaayos siya ng upo. Napalunok siya at nanginig ang kaniyang katawan.Hininto ni Ka Narsing ang motorsiklo sa gilid at inalalayan si Bellatrix papunta sa mga tao. Wala na roon ang ambulansya pero naiwan ang ilang pulis. Lumapit sa kanila ang dalawa.“Excuse po, Sir!” tawag ni Ka Narsing sa isang malapit na pulis.Inis namang bumaling ang pulis sa kanila. “Anak ng! Sabing walang pupunta rito at nag-iimbestiga kami!”“Ako po si Bellatrix, anak po ako ng namatay,” banggit ni Bellatrix. Tinikom agad niya ang nanginginig na labi. Hindi niya akalaing masasabi ang gano’ng kataga sa kaniyang ina.Natigilan naman ang pulis at nagdududa itong nakatingin kay Bellatrix. Pero dahil magkamukha nga ang dalawa ay naniwala rin siya. “Nasa morgue na ng hospital ang bangkay ng iyong ina, Hija. Doon ninyo na lamang siya puntahan. Kukunin ko na rin pala ang numero mo para sa update.”Tumango si Bellatrix at kinuha ang cellphone ng pulis upang ilagay ang kaniyang numero. Pagkatapos ay lumakad na silang dalawa ni Ka Narsing para sumakay sa motor nito para dumiretso sa hospital na sinabi ng pulis. Subalit bago pa man sila tuluyang makaalis ay nakarinig siya ng mga usapan galing sa kumpol ng mga tao.“Si Don Geronimo raw ang huling kasama ng babaeng namatay.”“Eh, ’di ba, dalawang lalaki ang nakitang kasama ng babae nang pumasok siya sa loob ng hotel?”“Oo nga. Pero si Don Geronimo talaga ang huling nakasama niya bago siya pagbabarilin sa loob ng hotel.”“Talaga? Kaya siguro namatay dahil sa kakatihan. Dapat din na mawala na siya mundong ito dahil salot ang mga malanding katulad niya.”Dahil sa narinig ni Bellatrix ay bumulusok ang matinding galit sa kaniyang dibdib. Akma niyang susugurin ang mga ito ngunit napigilan siya ni Ka Narsing.“Halika na, Bella. Huwag mo na silang pansinin at mas intindihin natin ang labi ni Anna,” pagpapakalma nito sa kaniya.Marami rin kasing nakaaligid na mga camera kaya’t mas minamabuti ni Bellatrix na huwag gumawa ng gulo. Ikinalma niya ang kaniyang sarili at tinalikuran ang mga pakialamerang tsismosa na pakiramdam nila ay mayro’n silang ambag sa kanilang buhay.‘Don Geronimo. . .’Nang mayro’ng dumaang dalawang babae ay hinarangan ni Bellatrix ang mga ito. Nagulat ang magkaibigan at nagtataka sa ginawa niya.“Excuse me po. Itatanong ko lang kung kilala ninyo ba si Don Geronimo?” tanong niya.Nagtinginan naman ang dalawang babae. Ang nasa kaliwang banda naman ay itinuro ang hotel.“Si Don Geronimo Marquis ang may ari ng hotel na ’yan. Mayaman at marami pang ari-arian sa buong siyudad,” tugon nito.“Salamat po,” nakangiting turan ni Bellatrix. Gumilid siya at lumapit kay Ka Narsing habang nakatingin ito sa hotel.Napakunot ang noo ni Ka Narsing. “Ano ba ‘yong tinanong mo?”Umiling lamang si Bellatrix. “Wala lamang iyon, Ka Narsing. Puntahan na natin ang hospital kung nasaan si Mama.”Sa huli ay sumakay na sila sa motor at umalis doon. Ngunit tatlong tao ang hindi maalis sa utak ni Bellatrix—ang dalawang estrangherong lalaki na kasama ng kaniyang ina na umalis sa bahay at si Don Geronimo Marquis na huling kasama ng kaniyang ina bago ito mamatay.Hindi man lubusang kilala ni Bellatrix ang tatlo ay magagawan niya ng paraan para malaman ang sikretong pagkamatay ng kaniyang ina.‘Buhay ang kapalit ng buhay. Kinuha nila ang nag-iisang kong pamilya, kaya naman kukunin ko rin ang buhay ng may sala sa pagkamatay ng aking ina. . .’そして、今回のビジネスパーティーで、桜子は完全に飲み会の道具と化していた。圭吾に押し付けられ、中年のビジネスエリートたちの間に置かれていた。「おや、これは佐藤さんじゃないですか。これって、小人の成功って言うんだよね。今の君、本当に華やかだね」圭吾は桜子を僕の隣に押しやると言った。「佐藤さん、あなたの白月光が一杯敬いますよ」他のビジネスエリートたちは、猥雑な笑みを浮かべていた。僕は気づいた。桜子は非常に露出の多い服を着ており、明らかに最近は圭吾の玩具となっていた。「佐藤さん、私、敬います」彼女は震えながらグラスを持ち、一気に飲み干した。その瞬間、僕はかつての桜子が死んだことを悟った。「よし、僕も飲む」僕もグラスを持ち、一気に飲み干した。すぐに意識がぼんやりしてきた。システムが即座に警告し、僕は薬物にかけられたことを察した。解毒は3秒以内に完了したが、僕は演技で酔っ払っているふりを続けた。圭吾は手下に僕と桜子をホテルの個室に連れていくよう指示した。「桜子、ちゃんと撮っておけ。明日、この醜聞でネットが埋まるようにするんだ!」圭吾の悪意は隠しようもなく、明らかだった。システムで確認し、圭吾が遠ざかったことを確認すると、僕は起き上がり、桜子に言った。「桜子、一生圭吾の犬でいるつもりか?」桜子は僕を見つめ、泣き出した。「圭吾は、私が協力しなければ、外国の風俗街に売られると脅しています」僕は首を振って言った。「僕はいま、圭吾を調査している。あなたが彼の違法な廃棄物処理の証拠を見つけられるなら、複数の罪で彼を裁くことができる。僕にはすでに多くの犯罪証拠があるが、これが最も重要な証拠だ」桜子はしばらく考え、頷いて同意し、携帯電話を僕に渡した。僕はシステムを使用して、彼女の携帯電話内のすべてのファイルを解読し、コピーした。まもなく、圭吾が部屋に入ってきた。僕は眠っているふりを続けた。「早くしろ、期待させてくれ。さもなくば、綿北に売って、生きても死ねない人生を送らせるぞ!」圭吾はそう言って出て行った。僕は偽のビデオを桜子の携帯電話に入れて、圭吾に渡した。「これを圭吾に渡せばいい」僕は指示を出した。次の日。圭吾が僕のところにやってきた。「佐藤さん、僕はあなたの会社を買
会社の方では、僕が盛んに事業を進めている最中、ある日、突然、不速の客が会社の玄関に現れた。桜子だった。彼女は普通のメルセデスを運転し、髪も整えていないまま会社に来た。「これはこれは、由川さんじゃないですか、今日はどんな風の吹き回しですか?」直美の皮肉な態度は桜子を怒らせなかった。「お願いします、佐藤さんと会わせてください」直美は彼女を一瞥し、言った。「佐藤さんは今、K国の山田信夫さんと商談中です。邪魔されたくないので、お帰りください」桜子の目が潤み、腰を曲げて深々と頭を下げた。「すみません、本当に重要なことがあります。直美さん、どうか入れてください」その時、山田社長と僕が出てきた。桜子が頭を下げているのを見て、僕は尋ねた。「どうした?」直美が事情を説明した。僕は山田社長に簡単にお別れを言って、部下に彼を観光に連れて行くよう指示した。そして、桜子に視線を向けた。「由川さん、わざわざ来てくださってありがとうございます。何のご用件でしょうか?」桜子は僕を見つめ、言った。「中に入って話し合えますか?」僕は彼女を会議室に案内し、直美も同行して監視カメラをオンにした。「秀中、今、大きな問題に直面しています。圭吾が私の株を買収し、さらに売り叩きました。会社はほとんど空っぽになり、私の株は全て彼に買い取られ、株式も田中家に渡っています……田中家のディーラーが株価を操作しており、私は家を抵当に入れました……」僕は内心で苦笑いした。当初、何度も警告したのに、お前は自分で突っ込んだんだ。直美が代わりに言った。「由川さん、あなたの昔の強気な態度がとても好きでした。今、困った時に助けを求めに来るなんて、体格は細いのに、顔は大きいですね」桜子は拳を握りしめ、立ち上がり、僕に言った。「秀中、当時の私は一時的に混乱し、田中家の強大な背景に惑わされました。今は考えてみると、あなたこそが私にとって最良の選択でした。だから、もう一度チャンスを与えてください」そう言って、彼女は涙を流した。「桜子、お前が泣いているのは、間違いを認めたからではなく、会社が崩壊するのを知っているからだ」僕は彼女を見つめ、ドアを指さして言った。「ドアは開いている、失礼します」桜子は唇を噛み、血が流れ出した。「秀中、
桜子が圭吾を庇り続けている様子を見て、彼女の目には今や僕に対する憎しみしかなかった。二人の醜い顔を見て、僕は決断した。胸につけた由川家の電子バッジを外し、彼らの前に放り投げた。「桜子、お前が一意専行するなら、この由川グループにいなくてもいいさ」圭吾が冷笑しながら嘲った。「ちょうどいい。我々のグループも、言うことを聞かない犬は必要ない。お前がいなくなっても、この席は大勢が狙っている。地球はお前なしでも回る!」桜子も僕が辞めるのを見て冷たく笑った。「会社はお前抜きでも動く。お前がいなければ、会社のプラットフォームも失う。秀中、お前が出て行けば、もう俺たちは関係ない。今後は俺たちに近づかないように」僕はこれに対しても特に言うことはなく、直美に振り返って言った。「行こう」会社を出た瞬間、全身が軽くなり、枷から解放されたような気がした。家に戻って、資源を整理し、自分だけの会社を立ち上げることにした。お金は、確かに桜子が以前に大きな約束をしてくれたが、それでも自分でいくつか持っていた。数日後、理想的なビルを見つけて、安価なフロアを借りようと行った。「申し訳ありませんが、このビルはあなたに貸せません」僕は拒否された。「なぜですか?」担当者が説明した。「由川グループからの通知を受け取りました。このビルの開発プロジェクトには彼らのスポンサーがついており、彼らの命令には逆らえません」僕はいくつかの場所を回ったが、すべて拒否された。午後、僕は通りのベンチに座り、日差しに目が眩んだ。「おや、以前知り合った佐藤社長ではないですか。おひさしぶりです。なぜそんなに落ち込んでいるのですか?」一台マクラーレンが僕の前に停まり、車には二人の派手な人が乗っていた。「佐藤、仕事探しはどうだ?」圭吾が嘲った。僕は彼を見つめ、立ち上がって去ろうとした。圭吾は車をバックさせて追いかけてきた。「佐藤、人生は柔軟でなければならない。僕のところに清掃員の仕事がある。月給9万円で、社保もつく。どうだ?トイレ掃除は楽で涼しいぞ!」桜子は横で黙っていた。その時、桜子が電話を受け取り、圭吾の肩を叩いた。「何?」圭吾が問う。「会社の大口客が全員離れた。さらにはいくつかのグループが協力プロジェクトをキャンセ
僕は彼女を見つめ、複雑な気持ちで尋ねた。「次の仕事が決まったのか?」直美が頷いた。「外資系の企業が僕に行政アシスタントのポジションを提供してくれている。年俸も今のところよりずっと高い。佐藤さん、心配しないで。もし起業するなら、いつでも私は佐藤さんに付きます」僕は黙っていた。最近、体調が悪く、療養中だった。「佐藤さん、会社の正義感のある上層部はすでに逃げ散った。今や上層部は全部圭吾の仲間で占められている。有識者たちは早々に辞めていった。佐藤さん、今のプロジェクトにたくさんの心血を注いだことは承知してるけど、桜子の手下で働くのは屈辱だと思うよ」エレベーターが僕の階に到着した。オフィスのドアを開けると、桜子が圭吾の膝に座って、チェリーを食べさせていた。「これは僕のオフィスだ、圭吾」僕は彼を見つめ、一字一句はっきりと言った。「これが誰のオフィスなのか知らないけど、このビルは僕の妻、桜子のものだ。すごいね、君、下からここまで這い上がってきたんだ。途中で何人かに頭を下げただろう?」圭吾が口の中でチェリーの種を吐き出し、冷たく僕を見つめた。「私が連れてきたんだ。由川さん、私は辞表を提出します。承認してください、そして3ヶ月分の給料をお願いします」直美が前に出て、毅然として言った。「いいよ、直美がいなくなっても他の人がやる。君がいなくなっても困らないし、僕にとっても別に変わらない。そうだ、秀中、君の体調を考え、今後は総務部に配属することにする。このオフィスとプロジェクトは圭吾に譲る。もしやりたくないなら、辞めるという選択肢もある」桜子が冷たく言った。「佐藤さん、君は大人なのに、毎日犬のようにここに来て哀れな顔をする。当時、君の父親が毒で死ななかったのはなぜだ?」僕は拳を握り締めた。父が病院で重態になり、全身が出血し、両目が見えなくなり、ベッドシートを握りしめた手の爪が一枚一枚剥がれていく姿が甦った。「そんな言い方はやめて、田中さん。それは行き過ぎです」直美が反論すると、圭吾はさらに皮肉った。「秀中をそんなに庇うのか?毎日一緒に寝ているのか?早く地方の公務員と結婚した方がいいよ、さもないと結婚できないぞ」彼の言葉が終わらないうちに、僕は全身の力を振り絞って、圭吾を蹴り飛ばした。「警察に通報