All Chapters of Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
41 Chapters
Chapter Ten: Regrets
Iginala ni Elaine ang tingin sa loob ng apat na sulok ng katamtamang laking kuwartong iyon. May double bed na nakadikit sa wooden wall at may nakapatong na lampshade sa sidetable. Kulay-puti ang traditional built-in closet na kahit hindi lapitan, alam niyang kailangan pa ng linis. Walang bintana ang kuwarto pero may nakakabit na split-type aircon. The walls badly needed repainting. Kailangan ding palitan ang carpet at center table.Pinakawalan niya ang handle ng dalawang maleta na nasa magkabilang gilid. Lumabas siya ng kuwarto para i-check ang kabuuan ng bahay. Maliban siyempre sa kuwarto ni Tan. Pumasok ang lalaki sa kuwarto nito pagkaabot na pagkaabot ng susi sa kanya. At least the living room looked clean and decent. Hindi niya napansin iyon kanina pagpasok dahil tuliro siyang dumeretso sa kuwartong itinuro ni Tan.May couch at coffee table sa gitna ng sala at may TV na nakapatong sa rack. Sa ilalim niyon ay ilang magkakapatong na magazines at babasahin.
Read more
Chapter Eleven: Road Kills
Madaldal at makulit si Marco. Iyon ang napansin ni Elaine habang sakay niya ang pulis sa backseat. He said he was staying temporarily with his uncle dahil mas malapit doon ang presinto kung saan ito nakadestino.Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ng tito nito sa bahay nila ayon dito. Nagkataon lang na nagdya-jogging ang lalaki kanina at nakita siyang palabas naman para maghanap ng convenience store.Inihinto ni Elaine ang kotse sa harap ng gate ng bahay. Nilingon niya si Marco na nakatingin sa gate. Sinenyasan ito na bumaba na.“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa bahay?”She rolled her eyes. “Hindi ako taxi driver na ido-door-to-door ka pa. Baba na.”Marco pouted his lips pero kumilos naman para bumaba. Ini-lock niya ang kotse, saka akmang iikot para kunin ang mga pinamili sa trunk nang makitang bitbit na ni Marco ang mga iyon.“Ako na…”Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang
Read more
Chapter Twelve: Once Again
Isinilid ni Tan ang papeles sa hawak na envelope bago ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang desk. It was ten in the evening. Imbes na nasa ospital, nasa opisina siya ng CEO ng De Marco Textile. Ang opisinang iyon ay dating inookupa ng kanyang papa.Ang bunsong kapatid ng papa niya, si Uncle Alissandro ang kasalukuyang direktor ng kompanya. Nasa eighteenth floor ang opisina nito. He met with him earlier.“It’s a very hard decision to make but thank you for doing this for the sake of your grandfather’s legacy, Tan,” he remembered him saying.Indeed it was. Just the thought itself brought pain in his heart.Sumungaw si Gilda, ang executive secretary ng kanyang papa sa malaking pinto ng opisina. Lumapit ito sa kanya. Nasa late forties ang edad nito, almost gray-haired at puwedeng ihilera sa mga ka-look-alike ni Miss Minchin sa suot nitong makapal na eyeglasses. Just that she was short-haired.&ldquo
Read more
Chapter Thirteen: Fight, Flight or Freeze
Nakatitig si Elaine sa kawaling nakasalang sa burner. Para siyang tangang naghiwa ng sibuyas gayong fried egg lang naman ang plano niyang lutuin. Itinabi niya ang sibuyas at nag-umpisang magprito ng itlog bago pa siya abutin ng tanghali.Nilingon niya ang kuwarto ni Tan. Lumapit doon matapos i-set sa low fire ang niluluto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura pero na-disappoint lang siya nang malamang naka-lock iyon.Bagsak ang mundong bumalik siya sa kusina. Magkaroon kaya ng pagkakataon na makakasabay niya itong kumain sa hapag? Malungkot ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Definitely. But it would take time.Hinain ni Elaine ang sunny-side-up egg at naupo sa mesa. Wala siyang ganang kumain. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago napilit ang sariling lantakan iyon. Thankfully, pagkatapos ng apat na beses na buntong-hininga at dalawang beses na pagtitig sa kawalan ay naubos niya ang laman ng pinggan.Matapos kumain, isinuot niya ang disposabl
Read more
Chapter Fourteen: Safe
“See you at theinauguration, Mr. De Marco.”Nakangiting tinanggap ni Tan ang pakikipagkamay ni Mr. Davis. Ito ang isa sa mga foreign investor ng Textile na few months ago ay nagbabantang mag-pull out ng investment.The meeting lasted longer than he expected. It was past eleven in the evening at palabas pa lang sila ng in-house restaurant ng De Marco Hotel sa Makati. Ang hotel ay pag-aari ng tiyuhin niyang si Theo James o TJ sa nakararami.Nang makaalis ang kotse ni Mr. Davis, saka lang tumalima si Tan para sumakay sa kotse niya na inihatid ng valet. Malapit lang ang hotel sa inuupahan nilang bahay sa Guadalupe. It was more or less half an hour drive.Nang maigarahe ang kotse sa bakuran ng bahay, dumeretso si Tan sa loob. Pagdaan niya sa tapat ng kusina, nakita niya agad ang natatakpang bowl sa mesa. Pero sa halip na lumapit, tumuloy siya sa sariling silid. Nagtatanggal na siya ng necktie nang tumunog ang cell phone niya. Ang mama niya ang
Read more
Chapter Fifteen: Torn
Nadatnan ni Tan si Elaine sa gitna ng sala. Maayos na ang pagkakasuot nito sa maluwag na jacket na nakasampay sa mga balikat nito kanina. Umabot ang pagkaka-zipper niyon hanggang lampas sa tapat ng dibdib nito. Hiding her torn shirt.Akmang lalakad siya papunta sa kusina para ibalik ang trash bin nang magsalita si Elaine.“‘Yong lalaki sa labas… Siya ‘yong…”“That doesn’t sound like my concern, Elaine. Matulog ka na,” maiksing sabi niya, totally dismissing her. He saw her bite her lower lip, pagkatapos ay tumalima ito at tahimik na pumasok sa sariling silid.Huminga nang malalim si Tan nang marinig ang pag-ingit ng pinto ng kuwarto ni Elaine pasara. Nag-angat siya ng tingin. His eyes darted on her bedroom door. Binuksan ni Elaine ang ilaw nang makapasok sa kuwarto. Naupo siya sa gilid ng kama matapos abutin ang cell phone na naiwan sa side table. Ite-text niya si Drew tungko
Read more
Chapter Sixteen: Face to Face
Bago pa magdalawang salita si Tan, mabilis nang nakalabas ng kuwarto si Elaine. Hindi dahil sa galit sa boses ng asawa kundi dahil ayaw niyang makita nito na isang singhal na lang, iiyak na siya.Halos tulirong lumakad siya papunta sa kuwarto, nag-lock at naupo sa gilid ng kama. Akala ba niya wala na sina Tan at Janine? Hindi ba at nasampal pa nga siya ni Mrs. Crisostomo?Alam niyang pinaninindigan ni Tan na sa papel lang ang kasal nila pero iyong may relasyon pa ito at si Janine habang kasal sa kanya, kaya ba talagang gawin iyon ni Tan?Ipinilig ni Elaine ang ulo. Hindi ang uri ni Tan ang kayang mamangka sa dalawang ilog. He was like his grandfather, Daniel, ng ama nitong si Chase, ng kakambal na si Sean. They were all one-woman kind of men.But those men were faithful dahil mabubuting tao ang naging asawa ng mga ito. How about her? All those months they were together, ilang buwan lang ba ito naging maligaya sa piling niya?Why was she even surpri
Read more
Chapter Seventeen: Drunk
Tumalima si Tan para ipasok sa loob ng bahay ang natutulog na si Elaine sa kanyang mga bisig. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng lalaking sinusundan sila ng tingin.She moaned softly. Naramdaman niyang isiniksik nito ang mukha sa kanyang dibdib—parang naghahanap ng init. The woman reeked of liquor. Humalo iyon sa cologne na gamit nito. Gayunman, mas nangingibabaw pa rin ang natural na pambabaeng amoy nito—bagay na pamilyar sa kanyang pang-amoy sa kabila ng mahabang panahong dumaan.Ipinilig ni Tan ang ulo para alisin ang agiw doon. Maingat niyang inilapag si Elaine sa kama. Kumawala ang ungol ng protesta sa lalamunan nito. Humawak sa braso niya na parang pinipigilan siyang umalis sa tabi nito.Mabilis niyang binawi ang braso sa mainit na kamay ni Elaine, napaso bigla. Gusto niyang sipain ang sarili.  Kanina, walang pagdadalawang-isip na inagaw niya sa mga bisig ng lalaking iyon si Elaine. Ngayong nasa loob sila ng silid, para siyang na
Read more
Chapter Eighteen: All of a Sudden
Mariing ipinikit ni Elaine ang mga mata nang marinig na sinubukan ni Tan na pihitin ang seradura ng pinto ng kuwarto niya. She gripped her chest and bit her lower lip, waiting for the pain in her chest to subside.Unti-unti, her over breathing returned to normal. Luhaan at pawisan na pinakawalan niya ang dibdib na daklot-daklot.Gayunman, wala siyang balak labasin si Tan. Hindi niya ito hahayaang makita siya sa ganoong ayos. Hindi ang awa nito ang gusto niya, but his forgiveness and acceptance.Nasapo ni Elaine ang luhaang mukha.Guilt.It had been eating her up for the past three years.Kahit mahirap, deserve niyang mag-isa iyong indahin. Hanggang mapatawad niya ang sarili.Sa labas ng kuwarto, itinaas ni Tan ang nakakuyom na kamay para kumatok. The door was locked. Hawak niya sa isang kamay ang susi ng bahay na ibinigay ni Marco sa kanya kanina.Bakit siya bumalik? Para ibalik kay Elaine ang susi? He’d be lying kung sas
Read more
Chapter Nineteen: Pained
“Makiki-share na lang ako kina Danielle at Jenna.” Tumayo si Elaine sa kinauupuan. Akmang lalakad papunta sa tent ng dalawa nang pigilan siya ni Tan sa kamay—na agad naman nitong pinakawalan.“Just look how small their tent is. Sa dami ng bitbit nila, bags pa lang, puno na ang space ng tent,” sabi nito, itinuro ang tent ni Danielle na ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan nila.Oo nga, maraming bitbit si Danielle. Tatlong porter ang inupahan nito para magdala sa mga bagahe paakyat sa bundok. Bukod pa siyempre sa dalang gamit ni Jenna, ang best friend nito.Okupado ng maraming alalahanin ang isip ni Elaine nitong mga nakaraang araw. Hindi na niya naisip ang tungkol sa tent at basta na lang nag-impake ilang oras bago ang biyahe. Pero ano ang gagawin niya? Matulog sa labas kaysa makipagsiksikan kina Danielle at Jenna?Nangigkig si Elaine sa lamig nang biglang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili.Tan sighed
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status