All Chapters of ROSE BEHIND THOSE LETTERS: Chapter 11 - Chapter 20
50 Chapters
Chapter 11
"BAKIT ngayon ka lang?" Kalmado man ang tono ay naroon pa rin ang pagsasalubong ng mga kilay ni Angelo.  Hindi ako makatingin sa kaniya ng matagal dahil inaagaw ang atensyon ko ng notebook na hawak niya. Bakit nasa kaniya ang writer notes ko? Nalaman na kaya niyang ako ang totoong cameyofan at hindi ang kapatid kong si Sheena?!  "I'm asking you, bakit ngayon ka lang?" pag-uulit ng kaharap ko sa tanong. Nakaupo siya sa silya ng karinderya at magkakrus ang mga braso. Hindi ko maiwasang mailang sa paraan niya ng pagtingin sa akin.Hindi ako 'to! Bakit ako naiilang sa isang
Read more
Chapter 12
"BAKIT ngayon ka lang dumating?" tanong sa akin ni Sheena habang sumasayaw sa sikat na tugtugin sa Tiktok ngayon. Napatingin siya sa hawak kong notebook kaya agad ko iyong nilagay sa loob ng bag ko. "Pagod ako, Sheena. Huwag mo akong guluhin." "Nagtatanong lang naman, ah. Late ka na kasi umuwi. Pasalamat ka nagma-mahjong si Mama sa kapitbahay kundi lagot ka." "Wala akong pakialam manahimik ka." Nginusuan ako ni Sheena habang panay pa rin ang sayaw sa harap ng cellphone niya. "Bakit ganiyan ka sa akin ngayon? Wala naman akong ginagawa, ah." Napairap na lang ako bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko naman iyong sinagot. "Hello, anak!" "Hell
Read more
Chapter 13
PINASADAHAN ko ng tingin ang mga naroroon at nagulat nang makita si Sheena sa bulwagan ng covered court. Nanlalaki ang mga mata nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.  "OMG! WHAT HAPPENED TO YOU?!" humahangos na tanong sa akin ni Sheena. "Okay ka lang, sister girl?"  Dahan-dahan akong tumango saka pinagpag ang mga harina sa blouse ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin bigla ni Sheena ang braso ko. Wala akong nagawa kundi magpahila sa kaniya palabas ng covered court.  Nang tuluyan na kaming makalabas ay saka ko hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ng kapatid ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mahaba niyang pagkakanguso. Animo'y isa itong batang nagmamaktol.   "Anong p
Read more
Chapter 14
SUMAKAY ako ng kotse niya, ganoon din naman siya. Buong biyahe ay wala sa aming umiimik. May mahinang tugtog mula sa kotse niya na ipinapagpasalamat ko dahil nabawasan ang awkwardness.  Napailing ako. Bakit kailangang mailang ako sa hunghang na ito? Siya lang naman si Angelo Francisco! Hindi siya dapat kinaiilangan. Tulad lang siya ng ibang mga tao! Anong nangyayari sa'yo Rose at nagkakaganiyan ka?  Tumigil ang kotse sa tapat ng isang cafe. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang cafe kung saan nakipag-meet itong si Angelo sa kapatid ko. Out of all places bakit dito pa?  "Malamig ang panahon ngayon, mukhang masarap din ang kape nila rito."  Napasinghal ako. Kape lang pala ang gusto niya edi sa
Read more
Chapter 15
"BAKIT naman kasi nagpaulan kang bata ka? Ano bang pumasok sa isip mo? Alam mo namang malamig ang panahon ngayon at uso ang mga nagkakasakit."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka ko nakita ang alalang-alalang mukha ni Tita Divine— ang mama ni Sheena. Anong nangyari? Ang naalala ko lang ay umuwi akong basang-basa at saka ko kinausap si Sheena. "A-ano pong nangyari?" dahan-dahan kong tanong."Nawalan ka ng malay, hija. Nakita ko na lamang ay nakabulagta ka sa sahig diyan sa salas." Pinunasan ni Tita ang mga braso ko ng malamig na bimpo.Nagpalinga-linga ako at napatingin sa orasan. Alas-singko na ng umaga. Sinubukan kong bumangon pero dulot ng panghihina ay hindi ako nagtagumpay."Magpahinga ka na lamang, Rose. Huwag ka nang pumasok tutal naman ay Biyernes na ngayon.""S-si Sheena po?""Nandoon sa baba kumakain na. Bakit, may kailangan ka sa kapatid mo?"
Read more
Chapter 16
NANG imulat ko ang aking mga mata ay sa isang hindi pamilyar na lugar ako naroon. Pulos puti. Hindi ako ganoon kamangmang para hindi mahulaan kung nasaang lugar ako. Napangiwi naman ako nang makaramdam ng kirot sa bandang likod ng ulo pati na rin sa batok ko. Animo'y hinahati ang ulo ko sa dalawa. Napaihip na lang ako nang maramdaman pa rin ang sakit.Napatingin ako sa gilid ko. Naroon si Tita Divine at nakasubsob sa tagiliran ko. Nang igalaw ko ang braso ko ay saka ito pabalikwas na bumangon. "Hija, ano bang nangyari? Ang sabi ni Sheena ay nadulas ka raw sa hagdan. Mag-iingat ka sa susunod." Napahawak sa sintido niya si Tita Divine.Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. Iniluwa nito si Sheena na may dalang mga plastik ng pagkain ata. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mga plastik dahil hindi naman ito transparent."Dapat ay sinabi mo na lang sa kapatid mo kung anong kailangan mo para siya na lamang ang na
Read more
Chapter 17
"Ayos ka lang, Rosanne?" Bumalik ako sa ulirat nang marinig iyon mula sa katabi ko. Halos masampal ko ang sarili. Ba't ba ako nagkakaganito? "Gusto mo na bang magpahinga?" tanong niya ulit, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata. Hindi ako umimik, natulala na lamang ako sa kawalan habang kinikiliti ang dibdib ng mga senaryong pumasok sa utak ko kanina. Napaiwas na lamang ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. Umiling ako nang maraming beses, umehem, at saka umayos ng pagkakahiga sa kama. "Kung kailangan mo nang magpahinga ay aalis na muna siguro ako, tatawagin ko na lang si Tita--" "Hindi." Nagulat ako sa sarili ko nang biglaan kong putulin kung anuman ang sinasabi niya. Nagugulumihanan akong tiningnan ni Onyx, kitang-kita sa nakakunot niyang noo at medyo naniningkit niyang mga mata. "Ano?" Napaiwas ako ng tingin. "D-Dito ka lang muna." Dahan-dahang nabanat ang mga
Read more
Chapter 18
ILANG oras nang wala si Sheena matapos niyang umalis kanina. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa mga mata niya. Poot. Ganoon na ba katindi ang galit niya sa akin? Napailing ako habang pinagmamasdan ang buong kwarto. Nagpaalam si Tita Divine kanina na lalabas lamang siya saglit pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siya. Matunog akong bumuntonghininga. Matapos iyon ay tumunog ang pinto at bumukas dahilan para lingunin ko. Iniluwa nito si Sheena. Halos gumewang sa paglalakad habang lumalapit sa akin. Mapula ang pisngi nito at singkit na ang mga mata. Salubong din ang mga kilay nito't parang sibat ang paningin na tutusok sa mga mata mo kapag nilabanan. "Okay ka lang, Sheena?" agad kong tanong. Umirap ito. "Tss. Tigilan mo nga iyang kakaganiyan mo. Huwag ka nang magkunwaring mabait. Tayo lang naman ang nandito. Alam naman nating dalawa kung ano ang tunay na kulay mo." Halos mabulol na ito pagsasalita, hindi
Read more
Chapter 19
"MAGSISIMBA lang ako sa bayan, bantayan mo 'tong kapatid mo, Sheena. Kailangan pa niyang magpahinga para magtuloy-tuloy na ang paggaling.""Yes po,'Ma. Ingat po kayo. Anong oras po kayo babalik?" tanong ni Sheena habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin."Mamayang hapon din. I-text ko kayo kapag nakarating na ako roon. Ingat kayo dito!" Matapos iyon ay lumabas na si Tita ng pinto at naiwan kaming dalawa ni Sheena sa salas. Ilang minutong wala sa aming nagsasalita. Gusto ko sanang sumama kay Tita pero sigurado namang hindi niya ako papayagan. Ipagpipilitan niyang kailangan ko pa ring magpahinga kahit ayos na ayos naman na ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na nga nang normal ang leeg ko tulad ng nakasanayan. Hindi na ako nahihirapan pang igalaw ito."Nagugutom ako, Rose," imik ni Sheena out of the blue.Taka ko 'tong tinitigan. "May pagkain naman diyan, eh.""Gusto ko bagong luto. Gosh, I'm cravi
Read more
Chapter 20
KINABUKASAN, nagpumilit ako kay Tita. Gustong-gusto ko nang pumasok dahil baka may ma-miss akong subjects, baka mahirapan ako makahabol. Noong una ay ayaw niya pero sa paglalambing ko'y pumayag din naman. Sinundo ako ni Onyx. Nasalubong pa nga namin si Angelo na balak din pala akong sunduin. Ang sabi ko na lamang ay si Sheena ang isakay para hindi masayang ang pagod niya pagmamaneho papunta sa amin. Pero ayaw niya pumayag kaya hindi ko na pinilit. "Hindi ka pumunta sa bahay," imik ko kay Onyx habang bumibiyahe kami papuntang school. "Ha? Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?" natatawang tanong ni Onyx. "Anong pinagsasasabi mo diyan?" "Ba't parang nagiging clingy ka na ulit sa akin?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Umirap pa ako bago ibinuka ang bibig. "Kalimutan mo na nga lang. Mas mabuti ngang hindi ka nagpunta para hindi ka nakapanggulo doon." Malulutong na tawa ang narinig ko kay On
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status