All Chapters of ROSE BEHIND THOSE LETTERS: Chapter 21 - Chapter 30
50 Chapters
Chapter 21
"ANO ba ang naisipan mo at pumunta ka doon?" tanong sa akin ni Tita matapos naming makarating sa bahay. Matapos nila akong makita sa mini-forest kanina ay sari-saring interogasyon mula sa guard at kay Tita Divine ang natanggap ko. Heto nga't may part two pa yata rito sa bahay. Wala akong nagawa kundi tumungo na lamang habang patuloy ang panenermon ni Tita. "Hinahanap ko siya kanina, Mama, kasi uuwi na kami. Pero nakita ko siya kasama ng mga babaeng kasali sa gang." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Sheena. Nagbibiro ba siya? Siya pa nga ang nagpumilit sa akin na sumama ako sa mga babaeng hamog na iyon. "Bakit mo naman gustong sumama sa mga iyon, ha, Rose? Gusto mo na rin bang mapariwara sa pag-aaral mo? Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagod at sakripisyo ng nanay mo sa abroad para lang mapaaral ka?" "Sorry po, Tita," nakatungo kong imik. "Isa pa, kagagaling mo lang sa sakit! Paano kung mabinat k
Read more
Chapter 22
"PINATAWAG kita, Ms. Oliveros, dahil nakarating sa akin ang ginawa mong pag-trespass sa private property located at the back of PNHS. Nakarating din ang ginawa mo sa mismong may-ari ng property na iyon," imik ng Principal sa akin. "Napaliwanag ko na sa guard kung anong nangyari. May mga babaeng nagtulak sa akin doon. Kung ayaw niyong maniwala, wala na akong magagawa." "Miss Oliveros, wala kang laban sa kasong ito. May ebidensya doon, ang naiwang sapatos mo. Ngayon, kung ayaw mong kasuhan ka pa ng may-ari ng property na iyon, makipag-usap ka sa kanila." Hindi na ako nakaimik. Napatungo na lamang ako habang naghihintay ng kung ano pang gustong sabihin ng principal sa akin. Basta-basta na lang kasi ako nitong ipinatawag kanina. "Darating ang mga Francisco mamaya, sila ang may-ari ng lupa kung saan ka nag-trespass. Nagawa ko na ang parte ko, pinakiusapan ko na sila na huwag ka nang kasuhan pa. Ikaw na ang bahalang kumumbinsi pa sa kani
Read more
Chapter 23
"AKALA ko ba may lakad ka ngayon, Angelo?" tanong ni Jelay kay Angelo habang nakaupo kami sa sofa. Halos pahiga na ang pwesto ng pagkakaupo ni Angelo sa sofa habang nanonood ng TV. "Hindi na, tinamad na ako." Hindi ako makaimik. Maski si Onyx ay tahimik lang din sa gilid habang pinagmamasdan ang buong mansion. "Ba't nandito iyan?" tanong ni Angelo saka tinuro si Onyx. "Anong problema mo?" Nagsalubong ang kilay ni Onyx sa tanong niyang iyon. Napahawak ako sa braso nito at saka ko siya pinanlakihan ng mga mata. Magsisimula na naman, eh. Baka mamaya mag-away na naman sila nang wala namang katuturan. "Inimbitahan ko sila rito, Angelo. You have a problem with that?" "Wala naman, ate. Sana si Rose na lang ang dinala mo rito, sinama mo pa iyang asungot na iyan." Ngumiwi si Angelo at saka kumuha ng popcorn at walang gana iyong sinubo. "Mas mabuting nandito ako para mabantayan ko si Rosanne mula sa iyo
Read more
Chapter 24
"A-ANGELO? Anong ginagawa mo?" tanong ko rito nang makita ang hingal na hingal na hitsura nito. "G-Gusto mo ng tubig, 'di ba?" "At paano mo nalaman?" Taka ko siyang tiningnan maging ang basong halos ipagduldulan sa akin. Wala na akong sinayang na panahon at kinuha na lang iyon mula sa kaniya. Napaiwas ng tingin si Angelo at hindi nakasagot sa tanong ko. Pilit siyang ngumiti at saka napakamot sa batok. "I overheard your conversation with her. Malakas kasi boses niyo kaya narinig ko mula rito sa labas ng kwarto." Isang segundo siyang tumingin sa akin at nang salubungin ko iyon ay muli na naman siyang umiwas ng tingin. Hindi ko na lang inusisa pa ang kakaibang inaakto ni Angelo at nilagok na lamang ang tubig sa basong hawak. "Salamat." "You're welcome. May kailangan ka pa ba?" "Wala, okay lang." Napatingin ako sa relo ko. "Gusto ko na lang sanang umuwi since anong oras na, oh. Magpapaalam lang ako kay Jelay s
Read more
Chapter 25
"SAAN ka galing, Rose?" tanong sa akin ni Tita Divine matapos kong pumasok ng bahay. Sinadya kong paunahin siya at magpahuli para hindi mabuking na nakita ko siya kasama ang isang estranghero kanina. "Kinausap po ako ng may-ari ng private property kanina." "Anong sabi? Kakasuhan ka raw ba?" Umiling ako. "Hindi po malinaw, eh. Itanong ko na lang po ulit bukas." "Siya, siya, sige. Pumanhik ka nang kwarto mo at baka napagod ka na masiyado sa school. Ako rin, magpapahinga na rin muna ako. Napagod ako paglalakad pauwi." "Naglakad lang kayo pauwi, Tita?" agad kong tanong.Tumango naman siya at saka nag-unat ng katawan. Napakunot ang noo ko sa narinig ko mula kay Tita. Kitang-kita ko kanina na bumaba siya mula sa isang kotse. Kaya lalong lumalakas ang kutob ko na may itinatago siya, eh. Panay kasi ang pagsisinungaling niya. Noong nakaraan ang sabi niya magsisimba raw siya pero nakita ko sya sa isang restaw
Read more
Chapter 26
TUMAKBO ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa pakiramdam ko ay pilipit na ang mga binti ko at hindi na maigalaw pa. Napaluhod na lamang ako sa lupa habang ang mga luha ay panay ang pagpatak. Ang napakainit na mga likido ay patuloy ang pagdaloy sa aking pisngi. Imbes na punasin ay hinayaan ko lamang ang mga iyon, tulad kung paano ko hinayaang saktan ako ng imahe nilang dalawa sa isip ko.Hindi mabura sa isipan ko ang hitsura nilang dalawa habang magkalapat ang labi sa isa't isa. Gulat na gulat si Onyx na akala mo ay nahuli ko sa isang krimen. Totoo namang krimen iyon. Krimen ang pagpatay at pinatay niya ang puso ko. Corny man pero wala akong pakialam dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon.Sa lahat pa talaga ng tao, bakit sa kapatid ko pa?Akala ko ba hindi niya ako kayang lokohin? So totoo pala talagang niloko niya ako dati?Sa isang park ako napahinto. Umupo ako sa swing doon at saka idinuyan ang sarili gamit ang mga paa. Bawat patak ng luha ay bawat
Read more
Chapter 27
"ARE you okay, Rose?" alalang-alala ang hitsura ni Angelo nang harapin niya ako. Hinawakan pa niya ako sa tigkabilang balikat para iharap sa kaniya. Gagyunpaman ay tulala pa rin akong napatitig sa kawalan.Dahan-dahang nagsipagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko nang hindi nagbabago ang ekspresyon ko. Tuloy-tuloy ang naging pagdaloy ng mga iyon sa pisngi ko. Sinubukan kong tumayo pero napaluhod lamang ako sa sahig at napatungo.Doon ay nagsipatakan ang mga luha ko habang hindi ko na mapigilan pa ang paghagulgol. Agad akong niyakap ni Angelo na hindi ko na natutolan pa. Ang laylayan ng damit niya ay napisil ko habang patuloy lamang ang paghagulgol. "N-Nanay... nanay k-ko..."Hindi ko matapos ang pangungusap na iyon sa sobrang paghagulgol. Patuloy lamang akong niyakap ni Angelo at inalo habang hinahaplos ang likod ng ulo. "Shh...""Magbabayad sila, Angelo. M-Magbabayad sila sa ginawa nila sa nanay ko." Nagkumawala ako sa pagkakayakap ni Angelo pero hinigpi
Read more
Chapter 28
NASA classroom ang katawang lupa ko pero ang utak ko ay panay layag kung saan-saan. Matapos kong umuwi kagabi ay ibinalita ko kina Tita Divine kung anong nangyari kay Nanay sa ibang bansa. Ipinangako naman ni Tita na iintindihin niya ang mga kakailanganing papeles para makabalik na si Nanay dito sa Pilipinas.Bumuntonghininga ako at itinuon na ang atensyon sa nagtuturong guro sa unahan. May mga sinasabi itong mga terminolohiya na hindi ko maintindihan. Marahil ay dahil hindi ako nakikinig kanina pa.Napansin kong may nakatingin sa akin sa peripheral vision ko kaya nagsalubong ang mga kilay ko at tiningnan kung sino iyon. Napairap naman ako nang makitang si Onyx iyon. Kumulo ang dugo ko nang makita ang mukha niyang animo'y inosente't hindi kayang manloko ng tao.Scam iyon. Scammer ang mukha niya.Bumalik sa isip ko ang paghahalikan ni Onyx at Sheena kaya napakurap ako ng maraming beses, umaasang pigilan niyon ang mga luhang pabagsak na. Nagwagi naman ako d
Read more
Chapter 29
NAKATAYO akong nag-aabang sa airport para sa pagdating ni Nanay. Mabuti na lamang at naasikaso kaagad ang pag-uwi niya rito sa Pinas. Magbabayad talaga 'yung mga amo niyang nanakit sa kaniya. Hindi ko mapapalampas ang kahayupan nila.Kami lang ni Tita Divine ang narito para sumalubong. Si Sheena ay may lakad daw na aasikasuhin.Naluluha akong lumapit kay Nanay nang makita itong papalapit sa kinatatayuan namin. Umiiyak din ito habang may tangang maleta. "'Nay..." Mahigpit ko itong niyakap.Taliwas sa hitsura niya noong bago siya mag-abroad, mukha siyang minaltrato at inabuso ngayon. Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan ang mga pasa sa mukha at braso ni Nanay."L-Ligtas na si Nanay, huwag ka na umiyak." Hinaplos nito ang pisngi ko at saka pinunas ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.Muli ko itong niyakap nang sobrang higpit. "Kung alam ko lang na gan'to ang kahahantungan ng pag-a-abroad mo, hindi na sana ako pumayag noon."
Read more
Chapter 30
"Maupo ka, hija," imik ng abogado matapos kong pumasok sa office nito. Sinamantala ko na ang libreng oras para makipagkita rito."Ano po pala ang kailangan ninyo at ipinatawag ninyo ako, Mr.—""Cruz. You can call me Mr. Cruz, hija. Regarding your question, I want to talk to you about the assets your late father gave to you. Nakasaad sa kaniyang last will na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga ito."Napaawang ang bibig ko. Ito na ba ang sagot sa paghihirap namin ni Nanay? Kapag naibigay na sa akin ang mana na binabanggit ni Mr. Cruz, hindi na kakailanganing magtrabaho ng nanay ko. Hindi na niya kakailanganing makipagsapalaran sa ibang bansa. At higit sa lahat, hindi na siya aabusuhin pa ng kung sino-sino."Ang kailangan ko lamang ay ang pirma mo kapag 18 years old ka na.""Paano po ang kapatid ko? At si Tita Divine?" taka kong tanong. Alam kong hindi papayag ang mga iyon sa ganiton
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status