All Chapters of Loosing Hope (Lonely Soul Series 1): Chapter 11 - Chapter 20
30 Chapters
Kabanata 10
Ilang segundo akong nakapikit. Tahimik na ang paligid at tanging ang ihip ng mahinahong hangin ang aking naririnig. Dahan-dahan kong pinahid ang butil ng luha sa aking pisngi. Hinugot ko ang aking hininga saka lumingon. Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko naramdaman ang kanyang pag-alis. Iniisip ko pa lang pero hindi ko kayang tuluyan na niya akong sukuan. Pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari. Kailangan ko nang umuwi. Mabigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan pauwi sa amin.  Dire-diretso akong naglakad nang may masalubong akong lalaking tumatakbo. Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya nagkabanggan kaming dalawa. "Ahh!" Naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Napangiwi ako sa sakit nang pareho kaming natumba. Gumulong kaming parehas at ramdam ko agad ang hapdi ng aking siko at paa. Iniinda ko pa ang sakit nang bumangon siya at pupung
Read more
Kabanata 11
  Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon.   Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton.   "Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit.   Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala.   Hindi k
Read more
Kabanata 12
Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko
Read more
Kabanata 13
Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit
Read more
Kabanata 14
  Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander.   "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya.   "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako.   "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.  
Read more
Kabanata 15
Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy
Read more
Kabanata 16
Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi
Read more
Kabanata 17
Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M
Read more
Kabanata 18
 "Heyy.. gising" Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin. "Anong oras na?" Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya. "Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?" Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako
Read more
Kabanata 19
Paano ba ako makatakas sa reyalidad? Paano ako tatawid sa kabilang buhay? Ilang paghihirap at pasakit ba ang mararamdaman ko bago ako pagbigyan ng panginoon? Ano bang misyon ko sa buhay?Unang sumalubong sa akin ang puting paligid. Akala ko sa wakas ay narating ko na ang inaasam kong kamatayan ngunit hindi pa rin pala. Ito na naman ako at muling humihinga. Napakamalas ko talaga.Bahagya kong inangat ang aking katawan nang bumukas ang pintuan ngunit agad ding bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang kirot sa aking tiyan."Gising ka na pala?" Napabuntong hininga ako nang pumasok si Knee Yoz.Siya na naman ang nagpigil sa aking magpakamatay?"Bakit mo pa ako din
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status