All Chapters of Breathing the Last Love: Chapter 11 - Chapter 20
137 Chapters
Chapter 10
Sa kulay abong kalangitan, hudyat ng nagbabadyang pagkagat ng dilim, ilang metro ang layo sa akin ni Hayes. Walang ulap sa mga oras na ito. Hinuha ko ay bubuhos ang ulan mayamaya.  Sakaniyang sinabi ay pakiramdam ko isang mahirap na katanungan iyon. Nagpunta siya rito para... ihatid ako? Masyado nang taliwas sa katotohanan iyang iniisip mo. Napadaan lang iyan.  Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang makipagtitigan sakaniya ng ilang sandali. Hindi ko matanto kung dapat ko bang sagutin iyon. Kung ano ang dapat sabihin. Nilingon ko siya at nahuli ang mariin niyang titig.  May ilang dumadaan na pamilyar na mga estudyante at napapabaling sa direksiyon namin. Kahit naglalakad ay nababali ang mga leeg nila matignan lang kami.  "Uhm, ayos lang ako. H-Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid." Kinagat ko ang labi ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinaglaruan ang susi na nasa kaniyang kamay. Tinagilid niya ang ulo at l
Read more
Chapter 11
Nauna akong pumasok sa lomihan. Bumungad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Medyo malaki ang kainan at hindi sosobra sa sampu ang mga kwadradong plastic na lamesa. Bukod sa lomi ay mayroon din silang mga tinapay. Nilingon ko si Hayes na nakasunod sa akin. Sobrang out of place niya sa lugar. Mukha siyang naligaw sa maliit na lomihan na ito. Pakiramdam ko ay hindi bagay sakaniya ang kumain sa mga ganito. Ayos lang kaya sakaniya ang amoy ng ginigisa nila sa kung saan?  "I'm gonna keep this. Okay lang ba iyon?" He suddenly asked.  Natigilan ako. Naglakbay ang aking isipan. Itatago niya ang panyo ko? Hindi ko alam pero may parte sa aking nagbunyi. Bakit gusto ko ang ideya niyang iyon? Pakiramdam ko ay tama lang na hindi niya iyon ibalik. Sa mga ganitong simpleng bagay, hinahaplos ang puso ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Kahit ano pang kaba ko sa tuwing magkalapit kami, hindi ko maitatanggi ang pagdidiwang ng puso ko sa
Read more
Chapter 12
Ilang sandali pang nanatili si Neal bago siya nagpasiyang umuwi. Kahit pilitin niyang maging masigla sa harap ko, hindi ko pa rin mapalampas ang salungat na sinasabi ng mga mata niya. Sobra akong nagui-guilty. Alam ko na naapektuhan siya sa ginawa ko. Ngunit mas lalo lamang akong hindi mapapayapa kung hindi ko sasabihin ang katotohanan. Alam ko na maiintindihan niya. Sana lang ay maintindihan niya...  Ngunit mukhang malabo ang gusto kong mangyari. Isang numero ang tumawag sa akin, sa kalagitnaan ng hating gabi. Alas dos ng madaling araw sabi ng orasan. Ni hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko mula sa malalim na pagtulog. Bakit naman ganitong oras tumatawag ang kung sinuman ito?  "Hello..."  "Marwa! Thank God! You answered my call!" Kasunod niyon ang matinding hagulgol ng nasa kabilang linya.  Nanlaki ang mga mata ko.  "Hello? M-Mrs. Lucy? Kayo po ba iyan?"  Tila nagising ang buong pagkatao ko ng dahi
Read more
Chapter 13
Ang pormal niyang itim na longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ay nagsasabing galing siya sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko.  Hindi siya gumalaw sa kaniyang pwesto. Patuloy lamang niya akong pinapanood mula sakaniyang mapanuring mga mata.  Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at inilabas ang kamay mula sa bulsa nang tuluyan na akong nakalapit. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin.  Halos mag-iisang buwan na rin mula noong huli ko siyang nakita. Napansin ko na numipis ang kaniyang buhok. Napadaan ulit siya? Ngunit bakit parang kanina pa siya narito at may hinihintay?  Nagkabuhol-buhol na ang mga nasa utak ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o bumati sakaniya kahit sandali lang.  Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na kontrolin ang sarili. Kinagat ko ang labi ko nang tuluyan ko na siyang nalampasan. Hindi ko alam. Hi
Read more
Chapter 14
Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin ng gabing ito paglabas ko ng mansiyon. Mabilis ang mga hakbang ko, tila ba napapaso sa sahig.    "Kainis! Akala ko pa naman si Sir Hayes maghahatid sa atin!" Busangot ang mukha ni Sania.   Narinig iyon ng ilang kasambahay at nakita ko ang ngiwi niya, para bang nahiya sa ginawa.   "Joke lang po." Ngumuso siya.   "Sino ba tayo para ihatid ni Sir Hayes?" Natatawang sinabi ni Brix.   Lumipad sa akin ang tingin ni Sania. May kung ano sa mga mata niyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan. Lalong tumulis ang nguso niya, tila natutuwa sa kung saan.   Ilang minuto ang lumipas ng paghihintay namin sa van. Nakatayo lang kami sa paanan ng malapad na hagdanan patungo sa mansiyon.   Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa hagdanan. Tumunganga ako nang makita ang pababang si Hayes. Nakapamuls
Read more
Chapter 15
Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa? Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya.  "D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal.  Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat.  "May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko.  Kumunot ang noo ko at nilingon siya.  "Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid."  "May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon.  "Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam m
Read more
Chapter 16
Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko.   "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin.   Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.   "His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito."    "Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko.   "You will know all the details once you visit him in the hospital."   Malapit na
Read more
Chapter 17
Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.  Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva. "Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin. Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling. Nanlamig ang buong pagkatao ko. Ang kasama kong si Neal ay hin
Read more
Chapter 18
"Ano 'yan?" untag ni Neal habang nagmamaneho. Nilingon ko siya at nakitang nakadungaw siya sa hawak kong pulang box. May hinahanap ako sa aking bag kaya inilabas ko ang mga gamit ko. "Kwintas." Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paghahanap sa aking ponytail.  "Bigay nino?" "A friend." Binalik ko ang mga gamit ko nang matagpuan ang hinahanap. "A friend wouldn't give that kind of gift, Marwa," may diin sakaniyang boses.  Hinawi ko ang aking buhok bago ko ito tinali sa isang bun. "Ikaw nga singsing, eh." Humalakhak ako. Kinagat ko ang aking labi nang matantong hindi yata tama ang sinabi ko. "That's because I don't want to be your friend," aniya at sumulyap sa akin ngunit nag-iwas agad ng tingin at marahas na bumuga ng hangin. "Sino ang nagbigay, Marwa? Pinopormahan ka?" Diretso ang kaniyang tingin sa kalsada
Read more
Chapter 19
Naroon ulit siya at nakahilig sa pintuan. Nilalaro niya ang susi sakaniyang kamay. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay nakita ko ang pag-ayos niya ng tayo.  Natigilan ako sa paglalakad nang makitang nagsimula siyang maglakad palapit. Diretso ang mga mata niya sa akin. Habang ako ay natulala ng ilang sandali.  Kinalampag ang dibdib ko sakaniyang paglapit. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sakaniyang titig. Ilang dipa ang aming pagitan nang huminto siya. Kitang-kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata habang tinatanaw ako.  Sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may parte sa aking guminhawa nang makita siya. Sa dalawang beses kong pagpunta sa feeding program sakanilang mansiyon, hindi ko siya nasilayan. Wala raw siya sa mansiyon, iyon ang sabi ng mga kasambahay. At ang makita siya ngayon dito ay naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. 
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status