All Chapters of Revenge of the Century: Chapter 21 - Chapter 30
44 Chapters
Chapter 11
May ngiting pumasok si Nicklaus at Rosie sa loob ng kumpanya nila Claude. Ngayong araw na ito ang isang espesyal na event para sa bagong promotion ni Rosie bilang model ng kumpanya. Nakadalo ang lahat at halos lahat ng atensyon ng mga reporters ay nasa dalawang papasok sa loob ng gusali. Nakapulupot ang kamay ni Nicklaus sa bewang ng kasintahan habang papasok sa loob. Nakangiti namang binabati ni Rosie ang mga sumasalubong sa kanila. Huminto lamang ang dalawa nang makasalubong nila ang mag-asawang Claude at Kourtney. "A pleasant morning, Mr. and Mrs. Montreal," nakangiting bati ni Rosie sa dalawa. Kahit naiinis si Kourtney, tanging pilit na ngiti ang sagot niya rito bago ipulupot lalo ang kamay niya sa braso ng asawa. Si Claude nama'y hindi maalis ang tingin sa kamay ni Nicklaus, na sa isip niya'y siya lang dapat ang nakakahawak ng ganyan sa dalaga. Magmula kasi noong huli nilang pag-uusap sa isla, napag-alaman na lamang ng lalaki na umalis na sila kina
Read more
Chapter 11.2
Katulad sa pagsisimula nito sa kanyang kwento, inobserbahan ni Rosie ang matanda kung may alam ba siya sa dati nitong asawa. Tinitignan niya kung may alam ba ito sa pagkabampira nito sa pamamagitan ng pagtitig niya sa kanyang mata. Ngunit mukhang magaling magtago ang matanda ng sekreto dahil ni isang reaksyo'y walang nakuha si Rosie. Ganun pa rin ang kanyang ekspresyon kahit na pilit pinapakiramdaman ng dalaga ito. Sa hindi mawaring dahilan, wala siyang maramdamang kakaiba sa kanya. "Alam niyo ba ang naging katapusan ng kwento?" pagtatanong ni Rosie na umalis sa pagkakasandal. Tumagilid pa kaunti ang ulo nito't pinagmasdan ang buong mukha ng matanda. "Sa huli, nawala sa lahi ng mga bampira ang angkan na iyon. Nakakatuwa lang dahil tama lang sa kanilang mamatay. Dahil dapat parusahan ang mga katulad nilang walang tamang nagagawa sa mundong ito. Kung tutuusin, napakagaling ng sumulat ng kwentong iyon. Alam niyo kung bakit?" Sinandal ni Rosie ang kanyang ulo sa kamay nitong n
Read more
Chapter 12
SA loob ng isang malaking mansyon, napupuno ng mga kumikinang na palamuti ang kabuuan nito. Marami ring dumadalong mga tao upang makisaya sa araw ng engagement party nila Aonani at Nicklaus. Sa bawat taong pumapasok sa loob, ganun naman karangya ang kanilang suot mula sa mga dala nilang sasakyan. Patalbugan ang mga ito ng kanilang mga mahal na kasuotan na halos ang iba'y magyabang na. "Nandyan na siya," bulong ni Nicklaus kay Rosie nang maramdaman nito ang presensya ni Claude na nagmumula sa labas ng mansyon. Tanging pagngiti ang sinagot ni Rosie saka patuloy na binabati ang mga pumapasok. Sa suot at itsura ngayon ng dalaga, halos lahat ng tingin ay napupunta sa kanya. At ang mga ito ay mga kalalakihan na pasulyap sulyap dito. Kahit kasi pulang slit dress ang kanyang suot, mas kumikinang siya dahil sa kaputiang meron ito. Mapupula rin ang kanyang labi na ang kulot niyang buhok ang nagpapaangat ng kanyang ganda. Isama pa ang paraan ng pagngiti nito at pa
Read more
Chapter 12.2
Natigil sa paglayo si Rosie at mariing napatitig sa mata ng lalaki na napupuno ngayon ng inis. Bumuntong hininga pa ito bago muling magsalita. "Fine, tell me your reason. Bakit ka nandito? And I know kung bakit ayoko mo sa akin. I'm sorry for what I did to your mother but I think, we really have to end this." "No!" pikit matang sagot ni Claude na kaunting humigpit ang hawak kay Rosie. Tinulak niya ang babae sa kama saka tinungkod ang kamay sa magkabilaang gilid nito. Napahiga pa kaunti si Rosie nang maglapit ang mukha nilang dalawa. "I don't care what you did to Mom, because I hate you for how you're playing with my feelings.""Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin mo Claude, ilang beses kong sinabi sa'yong tapusin na na--""Then why?!" malakas na sigaw ng lalaki. "Why did you say to me how much you love me?! Bakit?! Bakit pinaasa mo ako kung sa huli wala rin pa lang patutunguhan ang meron sa ating dalawa? Asawa pa rin kita, Rosie. At sa sinabi mo
Read more
Chapter 13
Napatitig si Claude kay Rosie habang patago nitong pinapanood ang dalaga na abala sa kanyang photoshoot. Dalawang araw na ang nakalipas magmula nang matapos ang engagement party. At hanggang ngayon, hindi maalis sa isipan ni Claude ang nangyari. Wala ito gaanong maalala kaya hindi niya alam kung may nangyari ba sa kanila o wala. Nagising na lang kasi itong lasing sa sala ng mansion kung saan siya nahanap ng asawang si Kourtney. Noong una, hinanap niya si Rosie pero dahil sa kagustuhan ng dalawa niyang kasama na umuwi, wala siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Naging abala rin kasi si Rosie kaya hindi sila gaanong nagkita. Kaya ngayon, balak niya itong kausapin. "Okay! Nice shot! Break time muna!" sigaw ng main head ng photoshoot nila. Nagsialisan ang mga ito maliban kay Rosie na naupo sa nakalaang upuan para sa kanya. Pumikit pa siya at halata ang pagod kaya ganun na lang na pinigilan ni Claude ang kanyang sarili upang lapitan ito. Nap
Read more
Chapter 13.2
Napahilamos sa mukha si Claude ng maalala ang nangyari. Hindi niya kilala ang mga lalaking nanakit sa kanya dahil ngayon niya lang sila nakita. Ngunit hindi maalis sa isipan niya ang mata ng sumakal sa kanya mismo. Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lang ba siya o ano, pero nakita niyang unti-unting naging pula ang mata ng lalaki kanina bago siya mawalan ng malay. "Claude..." pagkukuha ni Rosie ng atensyon nito na kanyang ikinalingon sa kanya. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan bago ngumiti. "Ayos lang, masyado lang akong pagod. Salamat pala sa pagpunta mo rito sa akin. Don't worry, ayos lang ako," paniniguro niyang sagot na ikinangiti kaunti ng dalaga."Kung ganun, mauuna na ako. Huwag mong pagudin ang sarili mo at ku--" hindi natapos ni Rosie ang sinasabi sa pagyakap sa kanya nito. "I missed you..." may ngiti sa labing sabi ni Claude. Gusto niyang tanungin ang nangyari sa engagement party, ngunit ayaw niya itong itanong dahi
Read more
Chapter 14
SERYOSO at tahimik na pumasok si Rosie at Nicklaus sa mismong mansyon ng council. Pagdating ni Rosie kanina sa apartment niya, ganun namang natapos na ni Nicklaus na linisin ang nangyari. Kaya nagpalit lang sila saglit, saka tinungo ang pakay nila upang sabihin sa council ang ginawa na namang pananakit ng Crimson clan. "Nandito na naman kayo," sabi ng pinakamataas na council. Tinitignan niya ang mata ng dalaga na puno ang pagkaseryoso nito. At kahit hindi pa man sila nakakapasok kanina, naramdaman na nila ang presensya niya kahit ito ay malayo pa lang. "Sinubukang patayin ng Crimson clan si Claude at ang asawa nito. Mukhang bumabawi sila sa ginawa namin sa kanila," sagot ni Rosie. Tahimik lang naman si Nicklaus sa tabi nitong tinitingnan ang reaksyon ng ilang council. Ang il
Read more
Chapter 14.2
Tiningnan niya ang matanda na nagpabago ng kulay sa isa niyang mata. Nanghina agad si Mr. Vlad sa pakiramdam na parang may sumasakal sa kanya kahit wala naman. Natigil lang sa pagtitig si Rosie rito nang isa na sa mga council ang pumigil sa kanyang ginagawa. Kaya sa huli, muling humarap si Rosie sa mga council na naghihintay ng kanyang sagot. "Tama po siya ng sinabi... galing pong Orpheus clan si Claude. Anak po siya ng namumuno ng angkan na iyon." Napasinghap ang mga nakarinig habang nanatiling walang imik ang ilan sa mga council. Nagsimulang bumalot ang pagka seryoso sa mga mukha nila dahil importante para sa kanila ang impormasyon na ito. Sa nangyari kasi sa nakaraan, ayaw na nilang maganap muli ang dapat ay matagal ng kinalimutan. Sa sobrang importante, ang marinig lamang ang pangalan ng Orpheus clan ang nagbibigay ng pangamba sa
Read more
Chapter 15
Pag-uwi nila Rosie galing sa council, iniwan nila ang Lola nito na doon muna mamamalagi bago bumalik sa Europe. Hindi na niya tinanong kung bakit pa siya nandito sa Pilipinas lalo na't alam niyang palagala ang Lola nito. Pagod na umupo si Rosie sa sofa kasunod si Nicklaus na nilagay ang paa nito sa kanyang hita. Inalis ng binata ang suot na heels ni Rosie na kanyang nilagay sa gilid ng sofa. Hinayaan naman siya ng dalaga dahil sanay na sa ganitong aksyon ni Nicklaus. Minsan pa nga noong magkasama sila hinihilot pa nito ang kanyang paa."Magpahinga ka na, marami pa tayong gagawin bukas. May photoshoot ako sa kumpanya, pumunta ka." Inalis ni Rosie ang paa nito at iniwan si Nicklaus na pinanood siyang lumayo. 'Marami ka ng ginagawa Rosie. I hope after this, you can be happy again like before.'
Read more
Chapter 15.2
"Claude...?" Naglakad palapit si Claude sa kanya't kinorner ito sa mesa. Napasandal ang balakang ng dalaga sa mesa kaya kinuha itong tiyansa ni Claude upang itungkod ang dalawa nitong kamay sa magkabilang gilid nito. Madilim ang buong mukha nito na nakatitig sa mata ng dalaga na pinapakiramdaman ang mga susunod nitong gagawin. "Leave him," may diin at galit na saad ni Claude. Kumunot ang noo ni Rosie at naguguluhang tinignan lalo ang lalaki. "Ano bang sinasabi mo?" "Nicklaus. That f*cking bastard. Leave him!" Napapikit ito sa galit at inis na lumayo kay Rosie. Sinabunutan nito ang buhok bago muling bumalik sa pwesto nilang dalawa. Pero ngayon, mas malapit na ito sa kanya na halos wala ng natitirang distansya sa pagi
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status