All Chapters of I'm your Bride/Maid : Chapter 121 - Chapter 130
166 Chapters
Ch. 120
Lumipas ang dalawang araw at doon lamang nagkaroon ng maluwag na schedule si Red. Sa mga nakalipas na araw kasi ay naging abala siya sa mga tambak na gawain sa kumpanya at pag attend sa mga meeting para sa kanilang mga bagong investors sa kumpanya. Kakatapos lamang ni Red na pirmahan ang last batch na documents na idinala ni Miss Dein sa kanyang mesa. Napatayo siya at nag unat unat. Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at pinakatitigan ang oras, "Sakto," sambit ni Red ng makitang malapit na palang mag tanghalian. Inayos niya na ang kanyang kalat sa mesa at isinuot ang kanyang coat na nakapatong sa sandalan ng kanyang upuan. Nag lakad na si Red patungo sa elevator ng bigla niyang makasalubong si Miss Dein. "Oh sir, uuwi na po kayo?" Nagtatakang tanong ni Miss Dein kay Red."Yes… nga pala wag mo na akong dalhan ng lunch, nangako kasi ako kay Manang Fe na sa bahay ako mag tatanghalian. Wala naman na akong schedule sa afternoon, right?" Balik na tanong ni Red.Napakuha naman ng
Read more
Ch. 121
Atanasha POVNamimili ako ngayon ng maisusuot dahil gagala kami ni Angel ngayong araw. Igagala niya raw ako dito sa Sydney, Australia para naman ma enjoy ko ang pag tira ko sa kanila. Ilang araw na rin kasi na nasa bahay lang kami at aamin ko na nabuburyo na rin ako na palagi nalang kaming nasa bahay. Mas lalo ko tuloy naiisip si Redemonyo, kung hindi pa kami makakagala ay paniguradong bukas na bukas din ay masisiraan na ko ng bait."Beshy! Nakapag bihis ka na ba?" Sigaw ni Angel sabay pasok sa aking kwarto. Pinamaywangan ako nito ng makita na nakapambahay pa rin ako. "Mag iisang oras ka ng naghahanap ng damit at wala ka pa ring napipili hanggang ngayon, beshy? Nevermind, tabi diyan ako na ang maghahanap ng susuotin mo." Sambit nito at bigla akong iginilid.Napabuga na lamang ako ng hangin at na upo sa kama. "Sorry... Medyo lumulutang na naman kasi ang isip ko..."Agad siyang napalingon sa akin at pinandilatan ako ng mata, "Don't tell me na iniisip mo na naman si Buenavista?" Salubong
Read more
Ch. 122
Pagod na umuwi sina Atanasha at Angel. Buong araw silang namasyal at sumubok ng iba't ibang pagkain na ikinatuwa naman ni Atanasha. Sa wakas ay kahit isang araw lang ay nagawa nitong makalimutan at hindi sumagi sa isip si Red. Nang makapasok sila sa bahay nina Angel ay sumalubong sa kanila ang tatlong kasambahay. "Welcome back, milady." Kalmadong bati ng mga ito. Kinuha nila ang mga ipinamili ng dalawa at inakyat na sa kanikanilang silid."My babies! So… how's your day? Nag enjoy ba kayong dalawa?" Masayang bati ni Mrs. Martinez. Agad na lumapit ang dalawa kay Mrs. Martinez at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Hi mommy! I didn't know na may bago palang open na restaurant malapit sa Central? Sobrang sarap ng food doon mom, we should try it next time kasama si daddy!" Masayang sambit ni Angel."Really? Hindi ko alam since hindi naman kami pala labas ni daddy mo. So, how's Atanasha? Nakakabisado mo na ba ang lugar?" Baling na tanong ni Mrs. Martinez kay Atanasha. Tumango naman ito at n
Read more
Ch. 123
Atanasha POVHindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa email na sinend niya. Nag dadalawang isip pa ako dahil baka puro pambibilog na naman ang laman nito. Tapos na akong marinig ang walang kwentang explanation niya. Napabuga ako ng hangin bago ito napag desisyonang i play.*Distorted Sound*"Nag usap kami ni Atanasha na sabay kaming mag didinner pag uwi niya. So nag luto ako kasi naisip ko na deserve niya namang pag effortan sa ganong bagay. When I'm done preparing meals, naupo ako sa sala and inubos yung wine na iniinom ko. It's just one fucking glass but then maya maya nakaramdam nalang ako ng biglang pag kirot ng ulo ko at nakaramdam din ako ng antok kaya napag isipan kong umakyat na muna sa kwarto para makapag pahinga and that's it. Wala na akong maalala basta nagising nalang ako na basang basa na and Atanasha said na I was kissing our maid daw. That's when I saw Maris, our maid, she's naked. Even ako wala na rin akong suot na damit. Galit na galit si Atanasha and a
Read more
Ch. 124
Nang makasagot ay marahang inilayo muna ni Atanasha ang kanyang phone sa kanyang tenga at inilapag ito sa mesa. Kinuha niya ang wine glass at ininom ang laman nito. Napalanghap siya ng hangin at bahagyang pinakalma ang sarili. Makalipas ang limang minuto ay muli niyang kinuha ang kanyang phone at itinapat ito sa kanyang tenga, "Nandyan ka pa ba?" Hindi mababakasan ng kahit anong expression ang boses ni Atanasha. Rinig na rinig ang pag lunok ng laway ni Red sa kabilang linya bago ito sumagot, "I'm still here… Can we… Can we talk?" Tanong ni Red. "Kaya kita tinawagan ay para magka usap talaga tayo.” Sagot ni Atanasha. Sumilay ang ngiti sa labi ni Red. Napalabas ito ng kanyang silid at nag tunga sa pool area ng kanyang bahay. “I–I don’t know where to start actually.” “That’s fine, napatawag lang talaga ako para sabihin sayo na natanggap ko na yung sinend mo and napakinggan ko na rin.” Sambit ni Atanasha. Muli siyang nag lagay ng wine sa kanyang wine glass at muli itong tinungga. Wa
Read more
Ch. 125
"We were once strangers and suddenly, we were strangers again. I will always love you, Red.” Hindi na napigilan ni Atanasha na pigilang pumatak ang kanyang mga luha. Nag simula siyang humagulgol ngunit pinipilit niya pa rin na hindi makapag likha ng tunog. Kaya naman pilit niya itong ikinikimkim sa sarili."Love, please no… No… I-I can't lose you, Love. Hindi ko kakayanin… Please let me fix everything. I'll do everything, Atanasha. Please, I'm begging you…" halos mapaluhod si Red sa kanyang pagmamakaawa kay Atanasha. Tila ba'y nawala ito sa kanyang sarili at ang nais na lamang ay ang makumbinsi si Atanasha na huwag siyang iwan.Lumanghap si Atanasha ng hangin at ipinakalma ang sarili. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha at iniayos ang sarili. Muli niyang itinapat ang phone sa kanyang tenga, "Please, Red… Wag mo ng pahirapin pa ang sitwasyon. Kung mahirap para sayo na tanggapin lahat ng to, pwes nahihirapan din ako. Hindi lang ikaw ang mag sa-suffer sa mga nangyari. Para na ri
Read more
Ch. 126
Tulala lamang si Red habang naka upo sa sahig. Dahil sa ingay na kanyang ginawa ay agad na nagising si Manang Fe at hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw at hagulgol na kanyang naririnig."Jusmeyo marimar! Minumulto na ba ang bahay na ito? Sino naman ang mag iingay ng ganitong dis oras ng gabi," sambit ni Manang Fe habang isinusuot ang kanyang balabal. Nang makalabas ng kanyang kwarto ay nag tungo muna siya sa switch ng ilaw at binuksan ito. "Wala namang tao dito…" takang sambit ni Manang Fe at sumilip sa labas upang tingnan kung may tao ba roon ngunit wala rin siyang nakita. Maya maya pa ay nakarinig siya ng mahinang ingay sa likod bahay kaya naman dali dali niyang kinuha ang walis tambo upang gawing pamalo sa kung sino man ang tao roon."Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa akin kung may dala mang armas tong magnanakaw na ito," bulong na panalangin ni Manang Fe at dahan dahang sumilip sa garden. Kadiliman ang bumungad kay Manang Fe at tila liwanag na lamang ng buwan ang nagsisi
Read more
Ch. 127
Malapit ng sumikat ang araw ngunit hindi pa rin natutulog si Red. Tulala lamang siya sa kanyang phone at kung minsan naman ay napapatitig kung saan. Sa tuwing tumutunog ang notification sa kanyang phone ay dali dali niya itong tinitignan ngunit ilang beses na rin siyang na disappoint sa mga ito. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili at kumuha ng bottled water sa kanilang mini fridge na nasa kaniyang kwarto at ininom ito upang mahimasmasan ng kaunti.Sa pang walong pagkakataon ay tumunog na naman ang kanyang phone. Agad niya itong tinignan at napabuga na lamang siya ng hangin dahil sa wakas ay dumating na ang kanina niya pa hinihintay. Agad niyang binuksan ang mga files na sinend ng kanyang sikretarya. Nakapaloob sa mga ito ang mga yaman, mga tirahan, business, at iba pang pagmamay ari ng pamilang Martinez. Napangiti naman si Red ng makita ang isang folder na naglalaman ng mga litrato ni Atanasha kasama ang pamilyang Martinez. “Sydney, Australia…” Bulong na pagbasa ni Red sa address n
Read more
Ch. 128
“Ipagpatuloy mo lang ang pagmamasid sa dalawang yan at baka may mga impormasyon pa tayong hindi nalalaman." Maawtoridad na utos ni Red sa kaniyang sikretarya na sinagot naman siya ng pag tango.Naging mabilis lang ang kanilang byahe papuntang airport dahil sa mabilis na daloy ng trapiko. Pagkarating na pagkarating nila sa airport ay sumalubong agad sa kanila ang dalawang pilotong magmamaneho ng kanilang sasakyang eroplano. Nasa likod naman ng mga ito ang dalawang cabin crew na kanilang makakasama sa pag lipad."Welcome aboard, Mr. Buenavista!" Masiglang bati ng mga ito.-Nang makarating ang mga kanilang sinasakyan eroplano sa Australia ay mapapansin ang dark circles sa ibaba ng mata ni Red. Sa mahigit walong oras kasi na kanilang naging byahe ay hindi manlang nagawang matulog ni Red o kaya ay makapag pahinga manlang kahit saglit.Mag damag na nakatutok ito sa kanyang laptop at kung matigil man siya ay phone naman ang kanyang nagiging pahinga. Habang pinapanood ni Miss Dein ang kanyan
Read more
Ch. 129
"Give me the key!" Pasigaw na utos ni Red sa kanyang driver na nag hatid sa kanya. Natigilan ito sa biglang pag sigaw ni Red at tila ba'y ikinanginig ito ng kanyang buong pagkatao. "I said, give me the key." Kalmado ng sambit ni Red ngunit pansin pa rin ang pagiging mainitin na ulo nito. Agad namang ibinigay ito ng driver. Mabilis itong kinuha ni Red at sumakay sa sasakyan.Agad niyang pinaandar ang sasakyan upang sundan ang sinasakyang kotse ni Atanasha. Nais niyang ipaharurot ang kanyang minamaneho ngunit napakaraming estudyante ang nagsisidaanan. Sa sobrang pagka dismaya sa mga nangyayari ay malakas niyang nahampas ang manibela."Hindi niyo mailalayo sa akin si Atanasha." Makikita ang galit sa mga mata ni Red. Kulang nalang ay mag labas ito ng usok sa kanyang ilong.-ATANASHA"Ano bang nangyayari? Akala ko ba may orientation tayo ngayon? Saan tayo pupunta?" Nag sunod sunod na lamang ang mga tanong ko kay Angel ng bigla na lamang akong paligiran ng mga bodyguard nila Angel na nakas
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
17
DMCA.com Protection Status