Lahat ng Kabanata ng Of Roses, Thorns, and Everything Nice: Kabanata 31 - Kabanata 40
65 Kabanata
Kabanata 31
“WAKE up, sleepy head!” Adelyn groaned when Jacob pulled the curtains to the side. “Come on, it’s Saturday.” Nagtalukbong ito ng kumot. “Wala namang pasok sa trabaho kaya hindi natin kailangang gumising nang maaga—Jacob!” Nakasimangot ito nang hilahin niya pababa ang kumot. “What?” “I’m naked.” “And so am I,” Jacob countered. “It’s cold!” Nakipaghilahan ito ng kumot sa kanya. “A warm bath will help you ease the cold. Bumangon ka na dahil may kikitain tayo.” “Sino?” nakakunot ang noong tanong nito. “Ang tatapos sa problema natin.” Nagtungo na si Jacob sa banyo at tumapat sa shower. Mayamaya pa naramdaman niyang yumakap si Adelyn sa kanya mula sa likuran. “Ah, Adelyn… this isn’t a good idea when we’re in a rush.” Inabot nito ang sabaon at nagsimula nang maligo. “Don’t worry, maliligo lang naman tayo.” Napailing na lang si Jacob. She was teasing him. Malamang na gumaganti ito sa kanya dahil sa sapilitan niyang pagpapabangon dito. “Anyway, give your father a call.” “Eh?”
Magbasa pa
Kabanata 32
NASA gitna ng isang importanteng meeting si Jacob, pero wala roon ang isip niya. Ni hindi nga niya naiintindihan kung ano ba ang mga sinasabi ni Lilibeth sa unahan nang sandaling iyon. Lipad ang utak niya sa kakaisip kung nagdududa na ba si Adelyn sa kanya. Hindi niya inaasahan ang komprontasyon nito sa pagtulong sa kanila ni Anton nang utusan niya itong magpaggap isang linggo na ang nakakaraan. Isa pa, napapansin niya na mula noon ay naging madalas na ang pagtatanong ng kanyang asawa tungkol sa mga bagay-bagay na dati ay hindi naman nito ginagawa. “Jacob?” Lilibeth slammed her hand on the table, making him flinch. “Jacob, are you with me?” Naipilig niya ang ulo pagkatapos ay nilingon ito. “Y-yeah.” Tumikhim siya at umayos sa pagkakaupo. “Kung gano’n, ano ang masasabi mo?” Pinagsalikop ni Lilibeth ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. “Masasabi about what?” Tumaas ang kilay nito. “See? You’re not with me,” umiiling na saad nito. “I’m sorry.” Humugot siya ng isang malalim na hininga.
Magbasa pa
Kabanata 33
NAGBIBIHIS si Jacob nang pumasok si Adelyn sa kanilang silid. Nauna na itong magbihis sa kanya at bumaba na sa kusina para ayusin ang mga dadalhin nilang pagkain sa mansiyon ng lola nito. Nagpatawag na naman kasi ng family dinner ang matanda at nagpresinta ang asawa niyang magdadala sila ng pagkain dahil gusto nitong i-celebrate ang pregnancy nito kasama ang pamilya. Hindi sana gusto iyon ni Jacob, pero hindi naman siya makahindi dahil ayaw niyang magdamdam pa si Adelyn sa kanya. Nilapitan siya ni Adelyn at tinulungan sa pagbobotones ng long sleeve polo niya. Hindi ito nagsasalita habang ginagawa iyon, pero nararamdaman niyang may gustong sabihin ang asawa. Hinuli niya ang mga kamay nito at magkasunod na hinalikan ang mga iyon. “What’s the matter?” “Sa tingin mo, maging maganda kaya ang reaksiyon nila kapag nalaman nilang may paparating na bagong miyembro ng pamilya? “Kung gano’n… nag-aalala ka pala sa sasabihin nila?” Gusto sana niya itong pigilan at nang hindi na sila tumuloy,
Magbasa pa
Kabanata 34
WALANG kahit sino man kina Jacob at Adelyn ang umiimik habang nasa biyahe sila pauwi. Ngunit dama niya ang tensiyon sa pagitan nilang mag-asawa. At mukhang nagtitimpi lang talaga si Jacob dahil nang sa wakas ay makarating sila sa bahay, inilabas nito ang galit. Nagulat na lang si Adelyn nang bigla nitong suntukin ang pinto ng kanilang apartment. “I’m sorry, Adelyn…” anito nang bumaling sa kanya. “Hindi ko na kayang kimkimin.” Naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan nito. Siya na ang nagbukas ng pinto. Pabagsak na naupo si Jacob sa sofa habang siya naman ay tinungo ang medicine cabinet para kunin ang first-aid kit. Pabalik na siya sa sala nang maramdamang nanginginig siya. “Oh, God…” Adelyn muttered as she tried to calm herself down. Naitukod na lang niya ang isang kamay sa pader para kumuha ng suporta. Tila naman naramdaman ng kanyang asawa na may nangyayari sa kanya. Mayamaya pa ay naroon na ito. “What’s wrong?” nag-aalala nitong tanong na kaagad siyang inalalayan. Sa hul
Magbasa pa
Kabanata 35
NAGULAT pa ang kaibigan ni Jacob nang ihimpil niya ang motorsiklo niya sa tapat ng bahay nito. Kaagad namang bumangon si Zyrus mula sa pagkakahiga nito sa bench sa may garden at isinara ang binabasang libro bago nito tinungo ang mababang gate at pinagbuksan siya. “Dude, long time no see,” ani Zyrus na nakipagbungguang siko pa sa kanya. Ipinasok niya ang motor at sumama rito papasok sa loob ng bahay. “Kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkikita. Parang kasal n’yo pa yata ni Adelyn mula noong huli tayong nagkita, ah!” Iginiya siya ng kaibigan sa minibar nito sa isang sulok ng bahay. “Nabanggit sa akin ni Emil na napasyal ka raw sa bistro niya kamakailan. Hindi ko naman inaasahan na ako naman ang papasyalan mo ngayon.” Ngumit lang si Jacob at pinanood ito sa pagsasalin ng alak sa mga baso. “Napasyal ka. Anong balita?” Inabot niya ang isang baso at sinimsim ang laman noong whisky. “Heto.” Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Muntik na kaming mag-away ni Adelyn.” P
Magbasa pa
Kabanata 36
NAPABUNTONG-hininga na lang si Adelyn nang magsuka si Jacob sa loob ng sasakyan. Pero hindi naman niya magawang pagalitan ito nang sandaling iyon. Para ano pa gayung mukhang wala naman ito sa huwisyo. Bukas na lang siguro kapag inutusan niya itong maglinis ng sasakyan. After a few moments, Adelyn drove the car back home. Habang nasa biyahe ay natutulog lang ang asawa niya. Mukhang ang sarap ng tulog nito at kahit pa nga halos mahulog na ito sa pagkakaupo sa backseat ay hindi man lang ito nagigising. “Jacob,” gising niya rito nang sa wakas ay makarating na sila ng bahay. “We’re home…” Bumaba siya mula sa driver’s seat at pinuntahan ang asawa sa likod. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Nagising naman si Jacob at nakangiting tumingin sa kanya. “Adelyn…” Kakabigin pa sana siya nito para halikan, ngunit mabilis siyang umiwas. “No kissing until you’re clean,” aniya rito. Hinila niya palabas si Jacob. Mukha namang mas nasa huwisyo na ngayon ang asawa niya dahil nagagawa na nitong mag
Magbasa pa
Kabanata 37
MAAGANG gumising si Adelyn at naghanda para sa pagdalaw niya kay Nanay Larissa. Gusto niyang magtagal-tagal doon para mas marami silang oras na mag-usap. Paglabas niya ng bahay ay eksaktong namang pagdating ng sasakyan. Bumaba mula sa driver’s seat si Jacob at iniabot sa kanya ang susi. “I’ve cleaned the mess,” ngingiti-ngiting sabi nito. Dinala ng kanyang asawa ang kotse sa auto shop kung saan ito dating nagtatrabaho at ipinalinis ang nasukahan nito. Mukhang madaling-araw pa lang ay umalis na ito dahil naibalik nito kaagad ang kotse. “Mabuti naman naibalik mo kaagad ang sasakyan. Balak ko pa naman sana magbiyahe na lang papunta kina Nanay Larissa.” “Ihahatid na kita roon, tutal naman ay kukunin ko sa bahay ni Zyrus ang motor,” anito pagkatapos ay binawi na sa kanya ang susi. Hindi naman tumanggi pa si Adelyn, mabilis siyang nagtungo sa gawi ng passenger’s seat at lumulan doon. “Bakit nga pala bigla mo na lang naisip na magpunta kay Nanay?” tanong ni Jacob nang paandarin na nito
Magbasa pa
Kabanata 38
“JACOB!” Nilingon niya ang direksyion na pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Lilibeth na tumatakbo mula sa elevator. “Are you leaving already?” tanong nito nang magpang-abot sila. “Oo. Natapos ko na rin naman kaagad ang pagpirma sa mga kailangang pirmahan. Bakit may ipapagawa ka pa ba?” “Ah, gano’n ba?” Sumagap ito ng hininga, mukhang hiningal sa ginawang pagtakbo kani-kanina lang. “Wala naman na akong ibang ipapagawa. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko.” Kaagad na nangunot ang noo ni Jacob. “Pasensiya sa nagawa mong ano?” “Noong tumawag ako na si Adelyn ang nakasagot.” Lumalim ang kunot sa kanyang noo. “What happened, Lilibeth?” Hinawakan niya ang braso nito. “Well, it’s not really my fault, Jacob. Noong tinawagan kita hindi ko alam na hindi pala talaga ikaw ang kausap ko sa kabilang linya. Malay ko ba hindi naman nagsalita kaagad ang asawa mo,” paliwanag nito. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Please, Lilibeth, `wag ka nang
Magbasa pa
Kabanata 39
EXCITED si Jacob na madala si Adelyn sa mansiyon kung na magiging bago nilang tahanan na mag-asawa. Kaya naman dali-dali siyang umuwi. Pasipul-sipol pa siya nang makarating sa bahay. Nakaparada na sa labas ang sasakyan kaya nasisiguro ni Jacob na nakauwi na ang kanyang asawa. Kaagad niya itong tinawag nang makapasok sa bahay. “Adelyn… where are you, love?” magiliw na tawag niya rito. Sumulpot naman ito kaagad mula sa kusina na may hawak na isang basong tubig. “Ano iyon?” nakakunot ang noong tanong nito. Nakangiting lumapit si Jacob sa asawa at hinawakan ang kamay nito. “Pagod ka na ba?” Lumagok ito ng tubig na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya pagkatapos ay umiling. “Nakapagpahinga naman na ako pagkagaling kina Nanay. Ang totoo niyan kakagising ko lang. Bakit?” “Hayun!” Kinuha niya mula rito ang baso at ipinatong na lang iyon sa kalapit nilang estante. “Come with me.” Hinila niya ang asawa palabas ng bahay. “Sandali.” Bigla itong tumigil. Bumaling siya paharap dito. “Ang s
Magbasa pa
Kabanata 40
KAAGAD na nag-empake si Jacob nang makabalik silang mag-asawa ng apartment habang si Adelyn naman ay hindi muna kaagad nakaporma dahil okupado ang isip niya. Maraming tumatakbo roon nang sandaling iyon, mga bagay na hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin sa asawa. Kaya naman tangay-sunod lang siya sa mga sinasabi nito kahit na alam niyang mali na hayaan si Jacob na isiping okay lang ang lahat sa kanya. “Love,” mayamaya ay tawag sa kanya ng asawa nang mapansin nitong nakaupo lang siya sa gilid ng kama at pinapanood ito sa ginagawa. “Ano na? Hindi ka pa ba mag-eempake?” “I-iniisip ko pa kung ano-ano ang mga dadalhin ko.” Binitiwan ni Jacob ang hawk nitong damit at nilapitan siya. He framed her face with his hands and looked at her eyes. “Alam kong nabigla ka,” anito sa malambing na tinig. “Y-yeah.” Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang palapulsuhan nito. “Puro ka na lang kasi sorpresa. Can you please slow down a little, Jacob? O siguro kung may natitira k
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status