FAZER LOGIN"Tila ito na ang kanilang kampo, Binibini." Pabulong na saad ni Ram Luiz sa kaniya nang marating na nila ang kinaroroonan ng dayang na kakausapin nina Deryk at Benedict."Nasa Canama Forest na marahil tayo, aking binibini." Mahina ang tinig na singhal ni Ram Luiz sa kaniya."May ganito pa palang lupain sa Qanna," namamangha niyang sambit. "Mas malawak ito na 'di hamak kaysa sa Edoma Forest.""Hindi ako makapaniwala na mararating natin ang lugar na ito. Hindi ko inasahan na ang sinasabi nilang kampo ng iba pang werewolf clan ay ganito ang tanawin. Napakaaliwalas at nakabibighani." Pagpapangalawa naman ni Ram Luiz sa sinabi niya."Ngunit sino kaya ang dayang ng werewolf clan na pinuntahan nila?" puno ng kuryosidad niyang agam-agam. "Ang Adono kayang iyan ang nakita kong nag-eespiya sa Edoma Forest?""Ano ang nasa isipan mo, aking binibini?"Lumapit siya rito upang bumulong. "Kanina ko pa iniisip ngunit hindi ako sigurado. Paano kung ang Adonong iyan na kasama nila ay ang werewolf na nak
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Matagal nang malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy ni mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng mga Qanna tree na pagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na niya.Nasapo n
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy o mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng pinagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na pala niya.Nasapo niya ang mga labi sa pagka
Si Hannah ay abala sa pagpapakain ng mga alaga niyang Melyn sheep nang marinig ang pagtawag ni Hadassa."Youngest Sister!"Napabuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, "Nariyan na naman siya upang mangumbinsi.""Youngest Sister," masayang bungad nito nang makapasok sa kulungan ng mga Melyn sheep. "Napag-isipan mo na ba ang aking pakiusap?"Nilingon niya lamang ito at muling nagpatuloy sa pagpapakain ng mga alagang Melyn sheep. Hindi niya pa mawari kung ano ang isasagot sa tanong nito.Lumapit ito sa kaniya at ngumiti. "Youngest Sister, ayaw mo pa rin bang gamitin ang batong Crisante?"Tumigil siya sa pagpapakain ng mga alaga. Humugot nang malalim na hininga upang kalmahin ang sarili. Hinahanda niya isipan upang malumanay pa rin na makapagsalita."Big Sister," bigkas niya. "Hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin ako na muling maglakbay gamit ang mahiwagang bato. Nangangamba pa rin ako na baka mapahiya ako o mapaghinalaan ng kung ano."Yumuko lamang si Hadassa at itinango ang ulo. Ng
Katatapos lamang mag-alay ng Qanna sheep ni Reyna Milcah nang pumasok si Lexie sa silid ng pag-aalay."Mahal na reyna," tawag ni Lexie sa kaniyaNilingon niya ito, "Ano iyon, Lexie?""Si Prinsesa Anarah ay dumating po sa palasyo upang bisitahin ka, mahal na reyna.""Si Arahab!" nakangiti niyang sambit.Agad na nilisan niya ang silid ng pag-aalay upang harapin ang bumisita. Nagagalak siya na makita ito."Nasaan siya?" nasasabik niyang tanong."Nasa bulwagan ng palasyo, mahal na reyna."Dali-dali siyang humakbang patungong bulwagan."Nakatutuwa na binibisita niya tayo, Lexie.""Siya nga, mahal na reyna!"Labis ang kaniyang tuwa nang maratnan si Arahab sa bulwagan habang naghihintay sa kaniya."Prinsesa!" tuwang tawag niya.Lumingon si Arahab at ngumiti. "Reyna Milcah!"Niyakap nilang dalawa ang isa't isa na tila matagal nang nagkahiwalay.*****Nanggaling na si Harvan sa templo ng Locust City. Papasok na siya ng palasyo ngunit hindi pa rin maalis sa kaniyang isipan ang hindi kanais-nais
Naisipan ni Harvan na mag-alay ng sin sacrifice kay Lord Father Adonai. Ikapitong Melyntor day noon sa Light Kingdom kaya maaari siyang magtungo sa Locust City upang magpasalamat."Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aalay ako ng sin sacrifice mula nang lumipat ng palasyo si Reyna Milcah dito sa Light Kingdom. Marami akong ihihingi ng tawad at ipagpapasalamat sa aming diyos!" nakangiti niyang sambit paglabas ng palasyo ng bagong reyna."Giabon, isang tagapaglingkod ang Mortana na iyon, hindi ba?" tanong ng isang town vendor sa nagtitinda ng mga Oren stem nang mapadaan si Harvan sa pwesto ng mga ito."Oo at natitiyak kong siya ay naglilingkod sa palasyo ng bagong reyna." Tugon naman ng nagtitinda ng mga Oren stem."Hindi pangkaraniwan ang kaniyang ganda, hindi ba?""Siya nga ngunit saan kaya siya magpupunta?""Binibini," tawag sa kaniya ng town vendor.Nilingon niya ito. "Ako ba ang iyong tinatawag, Ginoo?""Ikaw nga, Binibini. Nais naming malaman kung saan ka pupunta?"Ngumiti si
Pabalik na muli ng kaniyang palasyo si Haring Yusef matapos ang pag-uusap nila ni Deborah. Sa loob ng kaniyang karwahe ay pumalibot ang katahimikan. Wala siyang imik at nakatanaw sa kawalan.Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa isipin na iyon na ang huling pagkikita nila ni Deborah. Alam niya na mal
Nagising na si Ram Luiz mula sa matagal na panahong pagkakahimbing. Hindi pa man naghihilom ang kaniyang mga sugat ay nais na niyang bumangon."Magpahinga ka na muna, Ram Luiz. Hindi ka pa lubusang magaling." Pigil sa kaniya ni Sharina.Imbes na makinig ay nagtangka pa siyang tumayo na ipinag-alala
Dahil abala si Hulda sa pagpapakain sa kanilang inang si Linosa ay nagkaroon ng pagkakataon si Hannah na kausapin si Hadassa.Nagtungo si Hannah sa silid nito upang usisain tungkol sa isang usapin."Youngest sister!" nagtatakang reaksyon ni Hadassa nang pumasok siya sa silid nito. "Bakit nagawi ka
Madilim na ang buong paligid. Habang umaandar ang karwaheng sinasakyan ay hindi mapakali si Haring Yusef. Nais niyang maabutan si Deborah bago pa ito tuluyang makaalis ng Guzen."Mahal na hari, hindi na po ba tayo dadaan ng Truth Kingdom?" tanong ng eunuch nang sumilip ito sa loob ng karwahe."Hind







