All Chapters of HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]: Chapter 51 - Chapter 60
69 Chapters
Chapter 10 Warning
ALDEN:NAPABALIKWAS AKO sa pagkakahimbing na maramdamang napadaing si Lara at napaupo ng kama."What's wrong, honey?" pupungas-pungas kong tanong.Napahaplos ito sa leeg. Napabusangot na napatitig sa akin."N-nothing, honey. Let's go back to sleep. Nangalay lang ang leeg ko," lambing nito na yumakap at nahiga na kasama ko.Pinaunan ko ito sa braso ko. Tumagilid kami paharap sa isa't-isa at muling nagpatangay sa antok. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw pa lamang. Ilang oras pa lang ang tulog namin. KINABUKASAN AY mas nauna akong nagising dito. Napakasarap pa rin ng tulog nito na bakas ang pagod sa maamong mukha. Nangingiti akong maingat na pinaghahalikan siya sa kanyang mukha at napapahagikhik na hindi manlang ako nito maramdaman."Good morning, sleepyhead." Napahaplos ako sa pisngi nito. Inayos ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Aksidente namang nahagip ng paningin ko ang leeg nitong may mahabang kalmot?Nangunotnoo ako na nahaplos iyon. Hindi kaya na
Read more
Chapter 11 Wedding
LARA:NAPAPANGITI AKO habang inaayusan ko ang aking sarili dito sa silid namin ni Alden. Hindi ko mapigilan ang kabang nadarama ko dahil ilang minuto na lang ay magiging opisyal na akong misis Di Caprio ni Alden.Halo-halong emosyon ang nadarama ko na lalo kong ikinakakaba. Masaya, natatakot, kinakabahan at napi-preasure na rin. Baka kasi mamaya ay magkaaberya ang kasal namin. Aalis pa naman na ito bukas papuntang Canada at hindi namin alam kung hanggang kailan siya doon. Gusto nitong sumama ako pero kaagad akong tumanggi. Dahil plano kong pasikretong pumunta doon. Hindi ko rin naman kayang malayo sa kanya ng matagal. Baka mabaliw ako dito kakaisip sa kanya.Kumatok ito sa may pinto na ikinalingon ko doon."Honey? Nandito na si Attorney. Matagal ka pa?" tanong nito."Just a minute, honey. Malapit na akong matapos," sagot ko na may kalakasan ang boses para malinaw akong marinig nito mula sa labas.Ni-lock ko kasi ang pinto dahil gusto kong mamaya na niya ako makita. Kapag tapos na akon
Read more
Chapter 12 Kidnapped
ALDEN:HINDI KO MAITAGO ang sayang nadarama. Kahit nalulungkot ang puso ko na iniwanan si Lara ay kusa namang napapangiti ang mga labi ko at hindi maalis-alis ang paningin sa wedding ring namin na suot-suot ko. Napapalapat ako ng labi para ikubli ang ngiti ko. Mag-isa pa naman akong sakay ng private airplane namin patungong Canada. "Wait for me, honey. Tatapusin ko agad ang problema doon para malaya tayong muli na magkasama," piping usal ko.Napangiti akong marahang hinahaplos ang screen ng phone ko at naka-wallpaper doon ang picture namin ni Lara sa araw mismo ng kasal naming naganap kahapon.TPOV:LINGID SA KAALAMAN NI Alden ay sumunod si Lara sa kanya sa airport at ang hindi naman alam ni Lara ay may nagbabadya na palang panganib sa plano niyang pagsunod kay Alden sa Canada!Habang lulan siya ng taxi na nakasunod aa kotse ni Alden ay may bigbike motor na nakasunod sa kanya. Purong nakaitim ang kasuotan na parang kagagaling lang sa lamay!Napapangisi si Andrea. Ngayon na ang tamang
Read more
Chapter 13 Mariah Andrea
TPOV:NAALIMPUNGATAN SI Lara na magising sa unfamiliar na silid! Pupungas-pungas pa itong kinukusot-kusot ang mga mata na nanlalabo."Where am I? Ano bang nangyari?" piping usal nito na nakasapo sa ulo.Kunot ang noo na inalala ang mga nangyari. Natutop nito ang bibig na may mga nagbabalik tanaw sa kanyang memorya."No way," bulalas nito.Nagising ang inaantok nitong diwa na nangatal ang katawan. Sunod-sunod na napapalunok at namimilog ang mga mata na luminaw sa balintatanaw ang mga ganap bago ito nawalan ng malay. At ang babaeng kamukhang-kamukha nito."Good morning, babe."Napalingon ito sa gawi ng pinto nang bumukas iyon at niluwal ang pamilyar na tao. Napatayo ito na naikuyom ang kamao. Pinaniningkitan ang lalakeng may matamis na ngiting naglakad palapit dito. May dalang tray ng pagkain at inumin. Maingat nitong inilapag sa katabing mesa ang dala bago bumaling sa dalagang tinutusta na sa isipan ang binata."How do you feel? May masakit ba sayo?" magkasunod nitong tanong.Pero isan
Read more
Chapter 14 Impostor
TPOV:TULALANG IBINALIK NI Daemon si Lara sa silid nito. Dahil sa mga nalaman ay hindi makahulma si Lara. Muling ikinandado ni Daemon ang pinto dahil tiyak itong tatakas si Lara. Siya naman ang malilintikan kay Andrea kapag nakawala si Lara at mapupurnada ang kanilang mga plano.Samantala, bumalik si Andrea ng syudad bilang Lara. Tumuloy ito sa mansion ng mga Mondragon. Parang reyna kung umasta na malugod na pinagsisilbihan ng mga katulong.Napapanguso ito habang naka-dekwatro ang binti at sumisimsim ng red wine sa sa sala ng mansion. Napapagala ng paningin na napapailing sa isip-isip. Wala kasing nakakahalata sa kanya na hindi siya si Lara. "Hey, sweetie. Good morning, ang aga naman niyan," malambing saad ng baritonong boses.Napalingon ito sa lalakeng nagsalita na pababa ng hagdanan. Nakapantulog pa ito. Kitang kagigising lang at sabog-sabog pa ang buhok. Pero kahit ganon ay napakagwapo nito at ang hot tignan. Makisig, matangkad at mestiso ang binata na may maamong mukha.Napalunok
Read more
Chapter 15 Changes
ALDEN:DALAWANG linggo din ako sa Canada para matutukan ang problema ng kumpanya. Marami kasi ang nag-pullout na investors nang magpalit ng CEO dahil sa takot na malugi ang mga ito. Mabuti na lamang at nakausap ko ng maayos ang mga ito at bumalik para mag-invest muli sa Casanova Empire Company namin. Naiintindihan ko naman ang pangamba ng mga ito dahil bata-bata pa si Allen at hindi siya kilala dito sa Canada. Ako at sina Mommy ang nakasanayan nilang nagma-manage ng kumpanya dito. Bagito pa si Allen kumpara sa amin pagdating sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya 'di maiwasang magduda ang mga ito sa kakayahan ng kapatid ko.Napapangiti ako habang lulan ng airplane pabalik ng bansa. Excited na akong makita ang Lara ko. Fvck!Ang babaeng 'yon. Bakit kaya hindi manlang nagawang tawagan ako ni minsan? Natiiis niya talaga akong hindi makausap ng dalawang linggo. Kung hindi lang ako busy e. Tumuloy ako ng mansion nila Lara. Alam ko naman kasing nandoon siya. Parang lulukso ang puso ko habang pa
Read more
Chapter 16 Instinct
ALDEN:SA MGA SUMUNOD na araw ay pansin ko malaking pagbabago sa kinikilos ni Lara. Naiisip ko tuloy na baka nagdadalangtao na ito kaya may mga pagbabago sa kilos. Nakakatawa mang isipin pero pakiramdam ko kasi....ibang tao ang kasama ko.Matapos naming maipaalam sa pamilya nito ang plano naming pagpapakasal sa sunod na buwan at ang pagkuha na namin ng papel bago ako nagtungo ng Canada ay magkasama kaming bumalik ni Lara ng kumpanya.Muling nagsama kung saan nasa opisina kami at ito ang secretary ko. Pero minsanan na lang kung maglambing ito. Kailangan ko pang magtampo para lambingin niya ako. Ramdam ko ang malaking pagbabago niya. Napakalamig niya sa akin. Hindi ko siya maramdaman at maging ang paraan kung paano niya ako titigan. Ni wala akong mabasang kislap at emosyon sa mga mata nito. Bagay na pinagtataka ko. Doon ko kasi madaling nababasa si Lara. Sa kanyang maaamong mga mata. Hindi niya kasi kayang magkubli ng totoong nadarama kapag may dinadala ito. Dahil madaling mabasa sa
Read more
Chapter 17 Mission
ALDEN:PARA AKONG nalulutang sa kalawakan habang nakikinig kay Mommy Lira kung paano nawala sa kanila si Andrea. Ang kakambal ni Lara!Nagkaroon ng sunog sa nursery room ng mga new born babies noon sa hospital kung saan nanganak si Mommy Lira sa kambal. Sa bilis ng mga pangyayari ay si Lara lang ang nakuha ng mga nurse na sumagip sa mga babies habang si Daddy Adrian ay kinalong ang asawa na inilabas ng hospital! Nanghihina pa noon si Mommy Lira kaya hindi makakilos. Pero para silang pinagsakluban ng langit na malamang isa lang sa kambal ang nailigtas at napasali ang kakambal ni Lara na si Andrea sa iba pang babies na nasunog sa loob ng nursery room. Walang ibang nakakaalam na may kakambal si Lara kundi tanging ang mga kalapit lang nilang kaibigan. Kasama si Mommy Diane at Daddy Dionne. Ang sabi ni Mommy Lira ay anak niya ang nasa poder ko dahil pinasuri nito ang ilang hibla ng buhok ni Andrea na naiwan sa unan nito at nag-match ang DNA test nilang dalawa.Mag-ina sila!Saka ko naman
Read more
Chapter 18 Knowing Her
LARA:LUMIPAS ANG MGA araw at linggo na nakakulong ako sa silid. Dinadalhan ako ni Daemon ng lahat ng mga kailangan ko. Parang pet na inaalagaan sa kwartong kinakukulungan ko. Hindi naman ako sinasaktan ni Daemon. Hindi rin niya ako minamanyak o pinipilit. Kita kong naaawa din siya sa akin. Pero sadyang sinusunod niya lang ang habilin ni Andrea sa kanya. Ang bantayan akong maigi habang hindi pa tapos ang mission nito sa syudad kung saan nagbabalatkayo ito bilang ako.Wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Ilang beses ko ng tinangkang tumakas dito pero bigo ako. Nagkalat ang tauhan nila Daemon sa labas ng mansion at kung hindi ako magkakamali ay nasa gitna kami ng pribadong isla! Minsan na akong nakarating sa rooftop nitong mansion. At tanaw mula doon na nasa gitna kami ng kagubatan na pinapalibutan ng dagat! Kahit makalabas ako ng mansion at makatakas sa mga tao nila ay hindi pa rin ako basta-basta makakalabas ng isla. Bukod sa wala akong mahihingan ng tulong ay wala
Read more
Chapter 19 Stalked
ALDEN:NANIGAS AKO SA narinig at hindi makakilos! Damn! Paano maaatim ni Andrea na gawin iyon!? Pero imposible namang gumagawa lang si Lara ng kwento!Maingat akong bumalik ng silid at kitang nahihimbing pa rin si Andrea. Nakahinga ako ng maluwag na nahiga sa tabi nito. Dinampot ko ang cellphone ko na lihim na pinadalhan si Mommy Lira ng mensahe. Pinaalam kung anong pakay ni Andrea sa kanila. Mabuti ng makasiguro kami at mapaghandaan ang kanyang pag-atake. Ibababa ko na sana ang cellphone ko sa gilid ko nang umilaw iyon. Napasulyap ako sa katabi kong nahihimbing pa rin. Maingat kong binasa ang reply ni Mommy Lira na ikanabangon ko."Are you sure about that, hijo? Do you think maaatim niyang patayin kami? She's still my daughter." Napahinga ako ng malalim na napatitig kay Andrea. Damn. Para siyang si Lara. Pero imposible din namang gawa-gawa lang ni Lara ang isinumbong nito para bigyan ako ng warning laban sa kakambal niya."We don't know her, Mommy. Mabuti na pong nag-iingat tayo,"
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status