Share

Chapter 6

"Hah" naguguluhang sabi ni Catherine.

"I saw you flirting with that man kaya ayan sa kalandian mo nasugatan ka tuloy sa pagpipilit mong tulungan yun" sabi pa nito.

"Ano? ako? nagpi flirt? A-a ako?" manghang tanong ni Catherine. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi makapaniwalang binintangan siya ni Andrew ng ganun. Ano  bang ka Flirtan sa pagsampa sa makina ? saan banda ako nagflirt doon?" hindi  maisip ni Catherine kung paano naisip ni Andrew na nagpi flirt siya.

"Yes!" deretsong sagot nito sabay pagalit na hinablot ang kamay niya para lagyan ng betadine. Na kinuha nito sa drawer ng table nito. Hinablot ni Catherine pabawi ang kamay niya ng maalala ang kakasabi lang ng lalaki ng flirt siya. Nakaramdam ng inis ang dalaga.

"Kaya kung gamutin sarili ko sir. Malayo sa bituka yan" sabi ni Catherine at humakbang patungo sa pinto para sana lumabas. Pero hinablot siya ni Andrew.

"And you're willing to endure the pain for him? Gaano mo siya ka miss at wala pa ngang sampong minutong narito ka sa loob ay miss na miss mo na agad ang boyfriend mo" Galit na sabi ni Andrew.

Hinatak siya ni Andrew sa kamay at eksakto iyon sa kanan kung saan may sugat. Tiniis ni Catherine ang sakit ng pagkakapiga ni Andrew. Hindi siya nagpakita ng sakit para hindi na ito mag abala pang gamutin siya o ipagamot. Nahihiya siya. Catherine saw Andrew's eyes giving him furious look.

"Grabe pala ang galit nito sa kanya dahil kahit personal na buhay ay pakikialaman nito wag lamang siyang maging masaya"

Dahil sa naisip at sa hinanakit ay naisipan ni Catherine na inisin na lamang ang lalaki at sakyan ang mga bintang nito ng matapos na ang argumento nila total naman sarado na ang isipan nito dahil sa galit sa kanya kaya hindi naman ito makikinig o maniniwala anuman ang ikatwiran niya.

"Oo sir atat na akong makita si Robert nakakainip at nakakabagot dito sa loob sir. Okay na ako sir. Haplos lang ni Robert gagaling na tong sugat ko. Salamat nalang po sir at pasensya na sa abala"

Akmang bubuksan na ni Catherine ang doorknob pero muli siyang hinatak ni Andrew sa kamay at pinigilan lumabas. Napangiwi na si Catherine sa sakit ng kamay pero hindi yun nakita ni Andrew. Bigla siya nito isinandal sa pinto saka isang mapangahas na hakbang ang ginawa nito.

"Andrew kisses her....!! Omg....! Andrew is kissing her"

Pero ang panandaliang pagkasabik at pagkabigla ay napalitan ng panlulumo at pagkalungkot dahil ang halik na binigay sa kanya ni Andrew ay halik na mapagparusa.

"Maniningil ako ng utang Catherine in a very slowl and painful way. Yung halos luluhod ka sa harap ko para magmakaawa. Gusto kong maramdaman mo ang pait at ganti ko sa panggagago mo sa akin" sabi ni Andrew.

"I will kiss you whenever I want. I will have you whenever I want. You will pay me in whatever way I want until you are fully paid. But not until my pain was gone you have no right to be happy with anyone" poot at matatag na sabi ni Andrew.

Napatulala naman si Catherine matapos bitawan ang kanyang mga labi na tila namamaga na sa tindi ng mapagparusang halik na binigay ni Andrew. Tinandaan niya lahat ng sinabi nito. So, kaya pala pinatagal nito ang paniningil dahil napakalupet pala ng halaga.

"I will kiss you whenever I want. I will have you whenever I want. not until the pain is over you will never be happy" Paulit ulit iyon na tumatak sa isipan ni Catherine.

Napayuko ang dalaga na pinigilang tululo ang luha sa harap ng lalaki.

" You better keep away from him or I will fire him" Banta ni Andrew.

Tumango tango na lamang si Catherine.Ano nga bang magagawa niya. Ano bang laban niya dito makapangyarihan ito para sa tulad niyang ordinaryo empleyado. Ikalawa siya ang may atraso dito karapatan nito ang humingi ng kabayaran sa kahit anong gusto nitong paraan. She doesnt have right to complain.

With Andre's character Hindi ito madadaan sa pakiusap.It's impossible. Hinatak siya nito pabalik sa couch. Pahatak na kinuha ni Andrew ang kamay ni Catherine at doon lang napagtanto ni Andrew na kanina pa pala niya pisil ang sugat ni Catherine.

"Oh shit! Damn it, Catherine! Bakit ba ganito ka? Damn it..!!" Galit na sabi nito at nagmadaling nilagyan ng betadine at tinapalan ng gause at nilagyan ng tape.

"Halatang hindi naman ito marunong magasikaso ng sukat. Pero at least ginawa nito. Marahil nakonsensya dahil pinisil niya" sa isip isip ni Catherine.

"Dumito ka lang hanggang matapos n ang shift mo" sabi ni Andrew.

"Pero sir may trabaho pa po ako. Okay naman ako eh" sabi ni Catherine.

"I said stay here!" Final na sabi ni Andrew.

Muling bumalik si Andrew sa table nito at doon abalang nagbasa ng ilang paper works. Naging kabagot bagot ang mga sumunod na sandali para kay Catherine lalo na at wala siyang ginagawa kundi ang maupo.

Habang abala si Andrew sa mga ginagawa. Pero sa tuwing susulyap ito ay halos matunaw siya. Hindi niya mabasa ang expression sa mukha nito. Hindi niya mabasa kung ano ba ang nasa isip nito.

Sa tuwing gagalaw ang ulo ng lalaki ay tumitingin sa baba o sa ibang bahagi si Catherine upang hindi mag meet ang mga mata nila. Kapag nakatotok naman na ito sa mga papel ay saka lamang ito titingnan ni Catherine.

Sa ilang mga minutong nagdaan nagkaroon ng pagkakataon si Catherine na masulyapan si Andrew. Malaki ang ipinagbago nito sa loob ng dalawang taon. Payat ito at medyo parang mas nag matured. Sa naaalala niya medyo mas may laman ang pisngi nito at medyo mas maliksi ito kumilos na para bang palaging excited sa lahat.

Pero iba ang Andrew na kaharap niya ngayon palaging nakakunot ang noo nito. Parang madaming inaalala at parang halos wala ng panahon sa sarili. Pinagmasdan ni Catherine ang suot nitong polo. Medyo gusot iyon. Ipinagtaka iyon ni Catherine dahil gusto nito ang plantiyadong maige.

Inaasikaso kaya ito ni Sofia? Sila parin ba? Noong umalis ba siya ay si Sofia ang pumalit sa kanya? Maayos ba ang dalawa? Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Catherine at panibugho ang sumakop sa kanyang puso.

"Bakit si Sofia nang bumalik ng ganun ganun lang tinanggap niya eh nagsinungaling din naman ito at saka hinayaan pa na tumagal yun pero siya.... siya.... "

Hindi na natapos ni Catherine ang pagiisip. Bigla kaseng tumayo si Andrew at nagtungo sa pinto. Lumabas ito kaya nakahinga ng maluwag si Catherine.

Hindi si Andrew ang bumalik matapos ang halos trenta minutos. Isang empleyado sa canteen ang kumatok dala nito ang isang tray ng pagkain.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arin Nicolas
hay NKU Andrew bawasn Mona din pagiging masungit mo,,dapat maging mabait kdin sa mg aempleyado mo.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status