Hindi ako nagtagal sa lugar na 'yon dahil baka hinahanap na ako ni Nikolai. Baka magtaka pa 'yon sa pagiging late ko at hanapin pa ako kay Spike. E nauna akong umalis ng bahay."May appointment po kayo, miss?""Ah yes! Ako 'yong kinuha ni Mr. Delos Reyes na interior designer for his office."Agad na ngumiti ang babaeng sa tingin ko ay sekretarya ni Nikolai."Mrs. Guillermo?"Omg! Mrs?Alanganin ko siyang nginitian. "Serra na lang. Hindi pa ako sanay na tinatawag na Mrs. Guillermo, e."Natawa rin siya sa akin. "Sige po, Miss Serra. Pasok na po tayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Nikolai."Sumunod ako sa babae. Nang nakita kami ni Nikolai ay agad siyang ngumiti at tumayo. Sinalubong niya ako at agad na kinamayan."Congratulations on your wedding," nakangiting aniya."Thank you," ngiti ko pabalik."Nikki, ipaghanda mo ng makakain si Mrs. Guillermo."Ayan na naman tayo sa Mrs. Guillermo. Kailan pa kaya ako masasanay? Oh, god! Ayaw kong masanay!"Okay po, Sir Nikolai."Pareho pa nami
Last Updated : 2026-08-08 Read more