Mag-log inHindi ako nagtagal sa lugar na 'yon dahil baka hinahanap na ako ni Nikolai. Baka magtaka pa 'yon sa pagiging late ko at hanapin pa ako kay Spike. E nauna akong umalis ng bahay.
"May appointment po kayo, miss?" "Ah yes! Ako 'yong kinuha ni Mr. Delos Reyes na interior designer for his office." Agad na ngumiti ang babaeng sa tingin ko ay sekretarya ni Nikolai. "Mrs. Guillermo?" Omg! Mrs? Alanganin ko siyang nginitian. "Serra na lang. Hindi pa ako sanay na tinatawag na Mrs. Guillermo, e." Natawa rin siya sa akin. "Sige po, Miss Serra. Pasok na po tayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Nikolai." Sumunod ako sa babae. Nang nakita kami ni Nikolai ay agad siyang ngumiti at tumayo. Sinalubong niya ako at agad na kinamayan. "Congratulations on your wedding," nakangiting aniya. "Thank you," ngiti ko pabalik. "Nikki, ipaghanda mo ng makakain si Mrs. Guillermo." Ayan na naman tayo sa Mrs. Guillermo. Kailan pa kaya ako masasanay? Oh, god! Ayaw kong masanay! "Okay po, Sir Nikolai." Pareho pa naming tinanaw ang sekretarya niyang si Nikki bago kami nagsimula sa trabaho. He wants something plain and cozy. Kaya I decided to have a minimalist style of office. Buti na lang at nagawa ko pang mag search for ideas bago ako nag proceed dito. And of course, thanks to him at hindi niya ako pinapahirapan. Mas may marami pa nga siyang ideas kumpara sa akin. Hindi rin naman nagtagal ang meeting naming dalawa bago ako nagpasyang umalis. "Thank you for trusting me again, Mr. Delos Reyes." Isang matamis lamang na ngiti ang iginawad niya sa akin. Ewan ko lang ah! But I find this man a little bit creepy. Kung fantasy pa ito ay nakikitaan ko siya ng dark aura na nakapalibot sa kanya. Pero hindi naman siguro siya masamang tao, right? Cause if he is, Spike won't trust him and let me work with him. Gulat ako nang nakitang hindi lang isa o dalawa ang katulong na naroroon sa bahay pagkauwi ko. Halos takbuhin ni Mama Rosella ang pagitan naming dalawa pagkakita niya sa akin. "My daughteeeer!" nakabukas ang mga brasong takbo niya palapit sa akin. Niyakap niya ako ng napakahigpit. I hugged her tight also. "Kumusta ang unang araw mo sa client mo? I heard from Spike that you're now working kaya naman ay agad akong pumunta dito. Are you tired? Hindi ba makakasama sa baby mo 'yan?" sabay haplos niya pa sa tiyan ko. Kamuntikan pa akong mapalayo mula sa kanya dahil sa gulat. "Ayos lang naman po, Mama. Hindi naman po mahirap ang trabaho ko." "Mabuti naman kung ganun. Basta kapag nahihirapan ka na, just tell Spike, okay?" Nakangiti ko siyang tinanguan. "Let's go? Pasok na tayo sa loob. I am cooking something. Anong gusto mong kainin at nang mailuto ko na rin," aniya habang iginagayak ako papasok. "Uh, Mama. Bakit po maraming maid na nandito?" Pansin ko kasing may hardinero pa na nagti-trim ng mga bulaklak, may mga naglilinis rin ng pool at nagpupunas ng kung ano-ano sa loob ng bahay. "Oh, I hired them for you. Mas mabuti nang marami kang katulong dito para ma-maintain ang clean and green environment mo. Para na din sa safety ninyong dalawa ng apo ko." "Po? Pero hindi naman po yata kailangan ng maraming tagalinis?" "It's okay, hija. Ako naman ang magbabayad sa kanila kaya huwag kang mag alala," aniya at sinilip ang kawaling pinaglulutuan ng kung ano. "Kung hindi ka naman komportableng may maraming tao ay huwag kang mag alala. Uuwi naman sila sa mansion namin everynight. Ang maiiwan lang dito ay ang dalawang guard d'yan sa tapat ng gate." Nilingon ko pa ang labas, akala mo naman ay makikita ko ang guards na sinasabi niya pero ang malawak lang na sala ang tanging nakita ko. "I'm afraid it might happen again. Sobrang natakot ako no'ng nawala ka. Akala pa namin ng assistant mong si Rynette na nauna ka nang umuwi. Kinabukasan ko na nalamang na-kidnap ka pala. Tapos kasama pa kita no'n. Sana pala ay hindi ko na lang binalikan 'yong store." "Mama, tapos na po 'yon. At saka ayos naman po ako at wala namang nangyaring masama." Ibinaba niya ang hawak niyang sandok at hinarap ako. "Ginugulo ka pa rin ba ng mga taong pinagkakautangan ng daddy mo?" Bahagyang namilog ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa utang ng daddy ko? "Herrex told us. . ." dagdag pa niya na para bang narinig niya ang tanong ko na sa utak ko lang naman sana. "Kasamahan niya pala ang mga kumidnap sa 'yo. Hindi niya alam na fiancé ka ni Spike. Doon niya lang nalaman no'ng kasal niyo na. May malaking utang nga raw ang daddy mo sa corporation nila? Alam ba ito ni Spike?" Hindi ako agad na nakasagot sa kanya. I am no expert when it comes to reading people. Pero sa tingin ko'y nagsisimula na siyang magduda sa pagkatao ko ngayon. "Wala kaming alam sa pagkatao mo, hija. Hindi kayo nagkekwento ni Spike which is I understand naman. My son's not an open book. So hindi kami nanghihimasok sa buhay niyo. We might pressure the both of you for a grandchild pero kung ikakasama naman iyon ng buhay ng bawat isa sa atin—" And then she suddenly stopped talking. Nginitian ako at bumalik sa niluluto niyang carbonara pasta. "You're two months pregnant right? But you seem fine. Hindi ka ba pinapahirapan ng apo ko? Hindi ka niya binibigyan ng morning sickness?" Feeling ko at this point ay hinuhuli niya ako. "May utang nga po ang daddy ko sa kanila. But it's now settled." "With what? Spike's money? Did you just asked him to pay for your fathers' debt?" Agad akong umiling. "No! May savings po ako at iyon po ang ipinambayad ko. I worked back in Las Vegas at lagi pong naghuhulog si daddy sa account ko kaya marami-rami po ang ipon ko at nagkasya naman po bilang kabayaran sa utang niya doon sa grupo nina Herrex. Maliban naman po sa kanila ay wala na pong pinagkakautangan ang daddy ko," sunod-sunod na pagrarason ko na halos habulin ko ang hininga ko. "Alam mo, Serra, I really hate liars." Naikuyom ko ang mga kamao ko.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







