Share

Kabanata 25

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-07-21 20:14:33

"We'll give you enough time to think about it. Hindi naman namin kayo minamadali. Like what I've said, in exchange of the baby is a good future for your other kids. A bright future for your family. Bibigyan kita ng magandang trabaho so Rynette can rest and take care of your kids. Hindi ka na rin mamomroblema sa pagpapaaral ng iba mo pang mga anak dahil lahat sila bibigyan ko ng scholarship from kindergarten to college. Secured na ang future niyo for short. Sana ay mapagbigyan niyo kami."

Mula pa kanina na nagsisimula pa lang si Spike na magsalita hanggang ngayon na patapos na siya ay tahimik lang sina Rynette at asawa niya. Habang ako'y ganun din at nakatingin lang kay Spike. So this is how he do his business. Ni hindi man lang nagawa ng mag asawa na magsalita dahil napaka intimidating niyang kaharap.

"H-hindi pa po kami sigurado kung ano ang gender ng bata dahil nasa first trimester pa lang naman po. A-ayos lang po ba sa inyo kahit anong gender ng bata?" sabi ni Rynette.

"Hon," agad na saway sa kanya ng asawa niya.

I think Spike did great. Mukhang nakukumbinsi na niya si Rynette.

"Hon, isipin mo sina Natasha, Frederick at Liam. Kailangan nila ang future na sinasabi ni Sir Spike."

"Anak natin ang pinaguusapan dito, Rynette! Hindi ba sumasakit ang tiyan mo habang sinasabi 'yan? Mag da-dalawang buwan na ang bata d'yan sa sinapupunan mo. Naririnig ka na niyan!" Tumayo ang asawa ni Rynette at galit kaming tiningnan. Halos mapakapit ako sa braso ni Spike sa takot.

"Umalis na ho kayo. Hindi namin kailangan ang pera niyo. Amin lang ang anak namin."

Hindi na nagsalita si Spike at tumayo na rin agad. "Just call me if you change your mind. . ." Nilingon niya ako. "Let's go."

"Uno, kailangan natin ito! Hindi lang isang buhay ang masasalba kapag ginawa natin ito!"

Padarag na isinarado ng asawa ni Rynette ang pintuan ng bahay nila pagkalabas na pagkalabas namin ni Spike.

"MANAHIMIK KA, RYNETTE! HINDI KA BA NAAAWA SA ANAK NATIN?"

"INIISIP KO LANG ANG MGA ANAK NATIN!"

"TAMA NA! HINDI KO IPAPAMIGAY ANG ANAK KO!"

"SIGE! KUNG IYON ANG GUSTO MO! MAGSAMA-SAMA TAYO SA KAHIRAPAN! LECHENG BUHAY ITO!"

Sunod naming narinig ay ang pagkabasag ng mga gamit na animo'y pinagtatatapon sa kung saan.

Hinawakan ako ni Spike sa braso at hinila. Agad ko ring hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka ako nagdiretso sa sasakyan niya at padarag na naupo.

Buong byahe ay tahimik ako. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga narinig kong sigawan mula kina Rynette. Tila ibinalik ako sa sitwasyon ng pamilya namin no'ng bata pa ako na laging sigawan nina daddy at mommy ang nagiging vitamins ko araw-araw. Pursigido akong pumasok sa school at perfect attendance, hindi rin nale-late, hindi dahil masipag akong mag aral kung 'di dahil ayaw at pagod na akong marinig ang away nilang dalawa na hindi ko pa maintindihan noon kung anong dahilan.

For the record, it's a childhood trauma na kahit paulit-ulit kong takasan ay hindi ko magawa. Walang tigil ang away nina mommy at daddy. Naging abala sila sa away na 'yon at naging abala rin ako sa sarili kong buhay. Kaya nagulat na lang ako isang araw, pinapalayas na ni daddy si mommy.

"Minahal kita, Eliza! Inalagaan kita, binihisan, pinakain, binigyan ng masisilungan. Binigyan kita ng magandang buhay. I did everything for you! Pero anong ginawa mo? ANONG GINAWA MO?! NILOKO MO AKO! PINAGLARUAN MO AKO! GINAWA MO AKONG TANGA!"

Hawak-hawak ni daddy si mommy sa magkabilang balikat. Nanginginig ang mga kamay ni daddy habang naroroon kaya sigurado akong galit na galit siya kay mommy.

Sa ilang mga nakalipas na buwan ay hindi ganito si daddy tuwing umiiyak. Ang lagi kong naririnig mula sa kanya ay ang mga katagang 'please'. Pero ngayon, tila ba napagod na siya't naubos na ang lahat ng pasensya na mayroon siya.

"Hindi na kita mahal," kahit na lumuluha at nakayuko ay matigas pa ring sabi ni mommy.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ko kung saan tanaw ko silang dalawa sa ibaba. Malapit pa sila sa pintuan at mukhang hindi pa tuluyang nakakapasok ay nag away na agad. Minsan hindi na talaga sila makapaghintay na makapasok sa kwarto nila upang doon mag away. Ang alam kasi nila ay sa mga ganitong oras ay tulog na ako. Pero ang hindi nila alam ay lahat ng away nila sa tuwing umuuwi sila galing saan ay naririnig ko.

Basang-basa silang pareho mula sa lakas ng ulan sa labas. Mukhang bumabagyo dahil sa mga kulog at kidlat na naririnig ko. Nanginginig si mommy pero walang pakialam si daddy. He just stand there and watched her like he doesn't care if she gets sick.

"Nakapagdesisyon na ako. I'm sorry," nanginginig na sabi ni mommy.

"Lumayas ka sa pamamahay ko. LUMAYAS KA AT HUWAG KA NA ULIT BABALIK! HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA KAY SERRA! HINDI NIYA KAILANGAN ANG TULAD MONG WALANG KWENTA!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang nakita ko kung paanong kinaladkad ni daddy si mommy palabas. Sandali pa akong natulala sa aking kinatatayuan bago ako tuluyang nakakilos. Pumasok si daddy sa kusina at doon nagwala. Pinagbababasag niya ang mga gamit na naroroon. Tumakbo ako pababa ng hagdan at agad na lumabas.

Nawalan ako ng pakialam sa malakas na hangin at ulan, sa kulog at kidlat. Ang tanging nais ko noon ay ang mahabol si mommy.

"Mommy! Mommy!"

Dulot ng lamig ay yakap-yakap ko na ang sarili ko habang tumatakbo at binabaybay ang daang inaasahan kong magtuturo sa akin kung nasaan na si mommy.

"Mommy, nasaan ka?"

Palabas na ako no'n ng village nang nakita ko siyang yakap yakap ng isang lalaki. Nahinto ako sa pagtakbo. Tila huminto ang ikot ng mundo ko. Ang kaninang namumuo kong mga luha ay biglang inanod ng tubig ulan.

"Hindi ka dapat nagpapabasa sa ulan, baka magkasakit ka. Makakasama sa anak natin," puno ng pag aalalang sabi ng lalaki bago inakay si mommy papasok sa kanyang sasakyan.

"Bukas ay siguradong pipirma na ng kontrata sa atin si Rynette."

Mula sa malalim na pag iisip ay tahimik kong nilingon si Spike.

"Sa narinig nating sigawan nilang dalawa kanina ay bakas na ang pagiging pursigido niyang makaahon sa kahirapan."

Kumunot ang noo ko. Nakaplaster sa kanyang labi ang nakasanayan niyang tipid niyang ngisi. Tuluyang pumaibabaw ang pagkakairita ko.

"Para sa pagiging gahaman mo sa kayamanan ng pamilya mo ay nagagawa mong manakit ng ibang tao? Wala ka talagang puso no?"

Hindi ko alam kung para saan ang galit na biglang umusbong sa aking dibdib. Kung kay mommy ba o kay Spike?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status