Share

Kabanata 28

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-08 04:14:27

"Good thing, you're not. Because I like you very much, Serra. Hindi ko kakayanin kapag nalaman kong nagsinungaling ka at traydurin mo ang pamilya namin. Sigurado akong mahal na mahal ka ng anak ko dahil pinakasalan ka niya kaya sana ay huwag mo siyang sasaktan at ingatan mo ang puso niya."

Pilit ko siyang nginitian. "Huwag po kayong mag alala. Totoo po ang ipinapakita kong kabutihan sa inyo."

"Hay naku! Ano ba ito at bakit parang nagiging madrama tayong dalawa? Heto at nagluto ako ng carbonara. Hindi ko alam kung magugustuhan mo ito. May iba ka bang gustong kainin? I can cook something else if you want."

Umiling ako. "Hindi na po. Gusto ko pong tikman ang carbonara na gawa ninyo."

Nginitian niya ako pabalik bago siya kumuha ng bowl at nagsalin doon. "Sana magustuhan mo ito, hija at ng apo ko d'yan sa tummy mo."

Kinagat ko ang labi ko. Nakakakonsensya. Sobrang bait sa akin nitong mama ni Spike. Sigurado akong isa siya sa pinakamasasaktan kapag umalis ako sa puder nila.

Tahimik ako habang nakaupo sa lamesa at sinusundan ng tingin si Mama Rosella habang papalapit sa akin bitbit ang isang bowl ng niluto niyang carbonara.

"Taste it," excited niyang sabi at naupo sa harapan ko.

Muli ko pa siyang nginitian bago ko tinikman ang niluto niya. Hindi ko na napigilan at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"Oh my goodness! Why are you crying? Pangit ba ang lasa?"

Umiling ako habang pilit na inaalis ang mga nakakalat kong luha sa aking pisngi. Pero kahit anong gawin kong pag alis ay sunod-sunod pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

"Sobrang s-sarap po," humihikbi ko pang sabi.

Naalala ko lang si mommy. Bigla ko siyang na-miss. Niminsan ay hindi niya ako nagawang ipagluto ng ganito kasarap na pagkain.

"Then what made you cry?"

Muli lamang akong umiling at sumubo ulit. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo na halos mabilaukan ako.

"Dahan-dahan, anak."

Mas lalo lamang tumulo ang mga luha ko dahil sa itinawag niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na ako sa kanya.

"Thank you po! Maraming maraming salamat!" umiiyak kong sabi.

"Salamat saan?" tanong niya.

Gusto ko pa sanang sagutin pero hindi ko na nagawa nang narinig kong may biglang tumikhim sa aming likuran. Pagkalingon ko'y nakita ko si Spike na papalapit sa amin.

"Why are you crying?" seryoso niyang tanong.

Agad kong inalis ang mga luha ko.

"No. I am not!"

"Then why are you hugging my mother?"

"Spike?" may pagbabanta sa boses na tawag sa kanya ng kanyang mama.

"Babe," agad niyang sabi. Malambing na ang boses. Hindi tulad kanina na parang pinaparatangan niya ako ng kung ano.

"I don't know why I'm crying. Naiyak lang siguro ako dahil sa sobrang sarap ng pagkaing iniluto ng mama mo. Nagustuhan yata ni baby," sabay haplos ko sa tiyan ko saka ko siya tinalikuran. Naupo ako muli't ipinagpatuloy ang pagkain na naputol dahil sa kaartehan ko kanina.

Alam kong hindi siya kumbinsido sa naging rason ko. Kaya inihanda ko ang sarili ko sa mga susunod niyang tanong. Pero hindi na siya muli pang nagsalita. Naupo siya sa gilid ko. Pumangalumbaba siya at pinanood niya akong kumain na agad kong ikinailang.

"Mukhang nagmana sa iyo ang apo ko, anak. Paborito mo rin ang mga lagi kong iniluluto. Huwag kang mag alala, Serra. Dadalasan ko ang pagbisita sa 'yo rito para maipagluto kita ng masarap."

"Huwag na, Ma!"

"Naku, hindi na po!"

Halos magkasabay kami ni Spike na tumutol sa sinabi ng mama niya. Agad naman itong natawa sa aming dalawa.

"Kayo talaga. Mas gusto niyo bang laging nasosolo ang isa't-isa?"

Sunod-sunod akong tumango. "Ganoon nga po. Hehe."

"Haaay! Ganyan na ganyan din kami noon ng papa niyo."

Nilingon ko si Spike at nakitang kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin siya sa akin. Ano na naman kayang problema nitong isang 'to?

"Ma, wala ba kayong lakad ni lola ngayon?" tanong ni Spike sa mama niya.

"Naku, wala! Gustong magpahinga ng lola mo kaya hindi na muna kami gumala. Teka lang, anak at ikukuha kita ng plato at kutsara."

Umalis sandali si Mama Rosella at naiwan kami ni Spike sa lamesa. Sumandal siya sa upuan. He crossed his arms at hindi ako nilulubayan ng tingin.

"Nakikipag-close ka ba kay mama?"

Agad akong napairap sa kawalan. "Kung ako 'yong nakikipag-close, e bakit siya 'yong nandito sa bahay natin? Hindi ba dapat ay ako ang nagpupupunta sa mansion ninyo?"

"Then bakit naabutan ko kayong magkayakap?"

Hindi ko na siya sinagot. Ibinaba ko ang paningin ko sa kinakain ko. I chose to not answer him. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko. Am I supposed to tell him na nakokonsensya ako dahil niloloko namin ang pamilya niya? Of course, ayaw niyang marinig iyon mula sa akin. Malalagot ako!

"Enjoy your food, okay? I'll just go and check the gifts para mabuksan na natin. Busy yata talaga kayo at hindi niyo pa nabubuksan lahat. Kaya, I decided to help you na," sabi ni mama matapos niyang ilapag ang plato ni Spike sa harapan nito. Umalis rin siya agad at iniwan ulit kaming dalawa sa lamesa.

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. Ganoon din si Spike nang naglagay ng carbonara sa plato niya at nagsimulang kumain.

"Kumusta ang meeting niyo ni Nikolai?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Ayos naman. Hindi siya mahirap katrabaho."

Tumango-tango siya. "Good. Kapag naging maganda ang kinalabasan ng first project mo sa kanya. Baka ikaw na rin ang kunin niyang interior designer pagbalik ng magiging CEO ng kompanya nila."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Talaga?"

"Yeah. But don't get too excited. Hindi mo pa sure kung magiging maganda ba talaga ang kalalabasan ng first project mo."

"Tss! Sigurado akong magiging maganda ito no! Dahil gagawin ko ang lahat ng best ko para maging client ko din ang CEO ng kompanya nila," puno ng kompyansa sa sariling sabi ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot. Pero ako'y nangingiti na habang kumakain. More projects, more money. Kapag nagkataon ay maibabalik ko na ang dati kong buhay. Where I can spend money without being afraid of bankruptcy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status