"Nag away ba kayo? Kaya ba sa ibang kwarto ka natutulog?"Medyo may katagalan pa bago ko nagawang huminga ng malalim. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang ang iniisip pala nila ay iba sa iniisip ko. Akala ko talaga, mabubuko na kami.Mahina at pilit akong natawa. "May konting tampuhan lang po, lola.""Naku! Pinapahirapan ka ba ng anak ko, Serra?"Agad akong umiling. "Naku! Hindi po. Normal lang naman po ito sa mag asawa 'di ba po? Saka nag a-adjust pa rin naman po kasi kami kya siguro ganito."Marahang bumuntonghininga si mama. "Must be the reason why naglasing si Spike," sabi pa nito."Ano ba kasing pinag-awayan niyo, apo?" tanong pa ni lola. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya."Ay naku, mama! Huwag mo na pong alamin. Away nila 'yan mag asawa. Hayaan na natin silang lumutas niyan," singit ni mama. Medyo nakahinga ako ng maluwag."Na-curious lang ako. Hehe.""Ang mas mabuti pa, ma. Umuwi na agad tayo para maasikaso na ni Serra si Spike.""Oo, mas mabuti pa nga."N
Last Updated : 2026-08-08 Read more