Share

Kabanata 29

Author: Shinzanzou
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-08 04:14:51

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagdedesinyo sa office ni Nikolai. No'ng meeting namin ay nasabi kong madali kasi hindi pa naman iyon 'yong mismong trabaho talaga. Napatunayan ko lang na medyo mahirap at mabagal ang proseso kapag nasa mismong office ka na na-idedesinyo mo. Mahirap i-maximize ang space. Maraming gusto si Nikolai na nahihirapan akong ibagay sa iba pa niyang gusto. Jusko! It took me five days to finally finished my first project. And I think, lahat ng efforts ko ay hindi naman nasayang. Naging worth it ang lahat ng pagod ko. Because after the project, kinuha ulit ako ni Nikolai to design Margarita's office— the CEO of their company.

"You're free today, right?" tanong ni Spike habang kumakain kami ng breakfast. Today is Sunday at balak ko sanang gamitin ang araw na ito para magpahinga. Pansin ko kasi nitong mga nakaraan ay parang lagi akong pagod.

I nodded. "Yeah."

"Gusto mong mamasyal?" Natigilan ako. Agad na umangat ang mga mata ko sa kanya.

"I mean—"

"Of course!" Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-excite nang sabihin niyang ipapasyal niya ako.

"Gusto mo?" paniniguro pa niya.

"Oo nga!"

"Saan mo gustong mamasyal?"

"Hmm," Nag angat ako ng tingin sa kisame, nag iisip kung saan ko gustong mamasyal. Marami kasi akong gustong puntahan. Una na doon ay ang bahay ni Terese, sunod ay ang mismong bahay ng mga magulang niya. Tapos bahay ni Roiden. Cafe ni Terese, bar ni Roiden, bahay ng ate ni Terese na ang alam ko'y malapit lang sa bahay ng kaibigan nitong si Spike na si Art Griego. Sa construction company ng pamilya nila. Gusto kong mabisita ang lahat ng lugar na 'yon.

"Gusto kong mag bar," sabi ko, nakaangat pa rin ang mga tingin sa kisame.

"Bar? Sa agang ito? Bar?" gulat na aniya.

Nagbaba ako ng tingin sa kanya at agad na ngumiti. "May alam ka bang sikat na bar na pwede nating puntahan? Gusto ko kasing mag bar, e. Na-miss ko ang dance floor. Ilang buwan na rin mula no'ng huli akong nag bar hopping sa Las Vegas. Hindi naman siguro ako pag uusapan ng mga tao if ikaw 'yong kasama ko, right?"

Matagal na nanatili ang mga tingin niya sa akin bago siya marahang bumuntonghininga. "Yeah. Pwede naman."

"Really? Saang bar mo ako dadalhin?" excited kong sabi.

Sandaling kumunot ang noo niya. Tila nagtataka sa pagiging excited ko.

"I have a friend who owns a bar. Pwede kitang ipasyal doon."

"Is that friend of yours attended our wedding?"

Sandali siyang nag isip bago dahan-dahang umiling. "Nope. If I am not mistaken, nasa Batanes si Roiden no'ng kasal natin kaya hindi niya napaunlakan ang imbitasyon natin."

"I see," tatango-tangong tugon ko.

"His wife's pregnant, I think."

"Really?" gulat kong sabi. Literal na nagulat ako. Hindi ko yata nai-research 'yon ah? Ang akala ko, boyfriend siya ni Terese.

Kumunot ang noo ni Spike. "Why?"

Agad akong umiling. "Wala. I thought he's Terese Flores's boyfriend. Mali yata 'yong nasagap kong chismis," sabay tawa ko ng mahina bago muling sumubo ng pagkain.

"He is."

Muli akong nag angat ng tingin kay Spike.

"Terese. . . She's the mistress of Roiden. But he love her so much."

Napataas ang isa kong kilay matapos marinig ang impormasyong 'yon.

"What about his wife? Bakit binuntis niya ang asawa niya if he loves Terese? He should've file for annulment instead."

"What Roiden and Vanilla had was an arranged marraige. Ipinakasal lang sila ng parents ni Roiden for some reason. Vanilla is in love with Roiden's older brother Rusco. Ang sabi ni Roiden ay hindi niya anak ang ipinagbubuntis ni Vanilla. But I doubt it."

"You doubt it?"

Tumango siya. "Yeah. Inuuwian niya pa rin si Vanilla despite him being with Terese. Sa tingin mo ba walang mangyayari sa kanila sa loob ng iisang bahay na silang dalawa lang?"

Tumango-tango ako. "You've got some point. So ano na ang mangyayari kay Terese? Did they break up?"

Natigilan siya. Marahan niyang ibinaba ang spoon and fork na hawak niya sa plato saka niya ako tinitigan.

"And why is my wife being curious with Roiden's affair?" His eyebrows furrowed. "Alam mong si Terese ang kalabang sasakyan ng daddy mo no'ng naaksidente siya 'di ba?"

Tumango ako.

"At alam mong hindi niya sinasadya 'yon 'di ba?"

I was stunned for a moment. Hindi sinasadya? Paanong hindi niya sinasadya? E, hindi naman siya lasing no'ng ibinangga niya 'yong kotse niya sa sasakyan ni daddy. She's sane and was perfectly fine that time kaya hindi 'yon aksidente. Sinadya niya 'yon. Hindi ko man alam ang dahilan at hindi ko pa man napapatunayan. Pero sigurado ako. At hahanap ako ng paraan para maibigay ang nararapat na hustisya sa pagkamatay ni daddy. Kung kinakailangang ilagay ko ang batas sa sarili kong mga kamay ay gagawin ko.

"Serra?"

"Ahh. . . Huh?"

"Anong iniisip mo?"

Agad akong ngumiti ng pilit. "N-nothing."

"Anyway, malapit nang magpasko. Gusto mong maglagay ng decoration dito sa bahay?"

Kumunot ng kaunti ang noo ko. Napapansin ko lang. . . Why is he being nice to me?

"Hindi sa gusto ko ha? Si mommy at lola 'yong may gusto. They find our house boring so. . ."

"No. It's okay. Hindi pa naman ako magiging busy this week kaya pwede ko 'yong paglaanan ng oras."

"Good. Iyon na lang ang gawin natin today."

"Ha?" Akala ko ba mag ba-bar kami?!

"Masyado pang maaga para mag bar, Serra."

Napakurap-kurap ako. "A-ahh y-yeah. But we'll still going to Roiden's bar, right?"

"Mamayang gabi."

"Yes!" nagagalak kong sigaw ng mahina. Napasuntok pa ako sa ere.

"You looked excited," komento niya. May tipid na ngiting nakaplaster sa labi.

"Of course!"

Pagkatapos naming mag breakfast ay umalis na kami papuntang mall para mamili ng pang christmas decoration sa bahay. Nagulat pa ako ng halos apat na cart ang napuno namin for decorations lang. Hindi naman ako na-orient na pati pala ang malawak niyang bakuran ay lalagyan niya ng mga christmas lights.

"First time 'yan, Spike ah?!" natatawang sigaw ng medyo may edad na lalaki na dumaan habang nagi-install kami ni Spike ng christmas lights sa labas ng fence na may maraming trimmed santan flowers.

"Para po hindi madilim tingnan," nakangiti namang tugon ni Spike sa lalaki.

"Maganda 'yan. Nagkakaroon na ng liwanag ang buhay mo este bahay. Next time, kulay naman. Hehe," saad pa nito bago tuluyang pumasok sa gate na katabi lang ng bahay nitong si Spike.

"Close ka pala sa mga kapitbahay mo?" sabi ko matapos ihatid ng tingin ang lalaki.

"Hindi. I just know how to socialize and treat people nicely."

"Chaaar!" panunukso ko na agad ikinakunot ng kanyang noo.

"I*****k mo na nga lang doon para matingnan natin kung maganda ba," nakabusangot na utos niya sa akin.

Nalukot ang mukha ko't padabog siyang sinunod. Patakbo agad akong bumalik sa kanya matapos mapailaw ang buong bahay.

"Ano? Nakita mo ba ang kagandahan niya ngayong mas maliwanag pa ang sikat ng araw kesa sa mga pailaw mo?"

"Will you please shut up? Why are you so annoying and talkative today?"

Ewan ko rin! Nagiging madaldal lang naman ako kapag komportable ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status